Chapter 4: Catching Up

3538 Words
Lunes ng hapon palakad lakad si Jessica sa may parking area ng paaralan nila. Ilang beses na niya inayos suot niya, nilabas niya muli salamin niya para tignan mukha niya sabay muling binasa ang text mula kay Enan. “Hey Jessica, you need a ride home?” tanong ng isang preksong lalake. “No thanks, someone is picking me up” sabi ng dalaga. “Let me wait with you then” alok nung lalake. “Hey Terrence, I do not like you, I will never learn to like you so stop while its early” sabi ng dalaga sa napaka cute na boses. “Sus akala mo naman kung sino kang maganda” sabat ni Terrence. Bago pa makasabat si Jessica biglang may humarang sa kanya sabay nakipagdibdiban sa preskong binata. “Di ko gusto yung sinabi mo sa kanya ah, ano tara dito na o labas pa tayo ng gate?” tanong ni Enan kaya napanganag si Jessica at napahawak sa likod ng kaibigan niya. Umatras si Terrence, tinitigan si Enan sabay inuga uga niya ulo niya at nag astang siga. Muling dumikit si Enan, binangga niya talaga dibdib niya sa preskong binata, “Babae lang ba kaya mo patulan? Maganda siya, alam mo yon, porke di ka type pangit na siya?” “Ganda ng porma mo, amoy p********e ka pa. Gwapo ka nga pero eto tandaan mo, ang puso ng babae hindi basta basta kaya tangayin ng hangin na taglay mo. Magsorry ka sa kanya bago kita papatulan talaga” sabi ni Enan kaya napalunok sa takot si Terrence pagkat nanlilisik ang mga mata ni Enan. “Jessica sorry” sabi ng binata. “Ngayon ayusin mo sinabi mo” sabi ni Enan. “Jessica you are really very pretty, I really apologize for my actions” sabi ni Terrence. “Hoy pogi, eto tandaan mo ha. Yang ugali mo ayusin mo, alam ko ganyan ka sa lahat ng babae kaya pag nabalitaan ko may trinato ka ulit na ganyan babalikan kita talaga” banta ni Enan. Gamit dibdib niya tinulak ni Enan si Terrence, nakalayo sila kay Jessica kaya doon na bumulong ang binata. “Just by looking at my face you can see that I have been through a lot of battles, my threats to you are not mere words. Wag mo nang balakin dumagdag sa bilang ng mga naka memorize ng mukha ko. Ngayon tumalikod ka, ayusin mo lakad mo tapos bumalik ka na sa kotse mo. Leave her alone, wag kang magsusumbong sa mga boylets mo at isa pa ha” “Mabalitaan ko lang talaga na inaasar siya, pinagtritripan siya, ikaw agad una kong iisipin. At pag muli kitang naisip sus, I will never let you forget my face, bawat pikit mo ako lagi mong maalala I promise you that. So we good?” banta ni Enan. “Yes” sagot ni Terrence sa nanginginig na boses. Binalikan na ni Enan si Jessica, ang dalaga napangiti at agad inayos yung kwelyo ng kaibigan niya. “Andoy naman kaya ko naman alagaan sarili ko” sabi ng dalaga. “Ikang, ang attitude kailangan pang beauty queen. Ikaw talaga o akala mo nakalimutan ko na ha” “We are not kids anymore Ikang, kaya na kita ipagtanggol at alagaan din. Uy parang gumanda ka ng two levels today ha. Ay oo Monday, ahem sino naman yung pinopormahan mo? Uy uy uy” landi ni Enan kaya natawa si Jessica at nahampas dibdib ng kaibigan niya. “Ikaw din kaya, so ano nakita mo ba yung crush mo today sa school niyo?” bawi ng dalaga. “Wala ha, actually a friend is teaching me how to dress properly e oo today is special kasi siyempre kailangan medyo presentable naman yung kasama ng beauty queen habang nagdidinner no” sabi ni Enan. “Naks, wala naman ako binago. Ganito lang naman ako pumasok sa school” sabi ni Jessica. “Weh, magkasama lang tayo kahapon e o baka niloloko lang ako ng mga mata ko. Parang kuminis yang face mo, oh well tara na pala at naka double park ako sa kalye. Ayaw kasi ako papasukin dito” “You have such ignorant guards here ha, di sila marunong kumilala. Well I understand, dahil siguro lalake sila kaya hindi sila mabibighani sa aking taglay na pagka artistahin” banat ni Enan kaya napahalakhak si Jessica at pinagtutulak yung binata palabas ng gate. Sa loob ng kotse natatawa parin yung dalaga pagkat panay ang nakaw tingin ng binata sa kanya. “Andoy ano ka ba?” tanong ni Jessica. “May ginawa ka sa mukha mo e, so that means may crush kang guy sa school niyo. Alam mo Ikang you can share naman with me e” sabi ni Enan. “Hay naku Andoy, yes I did something to my face. First time ko sinubukan actually and I am happy kasi napansin mo. Pero wala ako pinopormahan na guy. Bawal pa magpaganda ng walang rason?” sabi ng dalaga. “Sabagay” sagot ng binata. “Parang minemorize mo naman ata kasi mukha ko” sabi ni Jessica. “Di naman, gusto lang kita titigan habang magkasama tayo kasi parang naninibago parin ako talaga. Parang pag sinabing Ikang una kong maiisip nung bata tayo e. So gusto ko lang idikdik sa isipan ko na ikaw na yan” sabi ng binata. “Same here, kaya pag nahuli mo ako tinitigan din kita same reason” palusot ni Jessica. “Dati pag lalabas tayo sa likod tayo diba? Ngayon tayo nalang dalawa” sabi ni Enan. “So ano gusto mo tawagan ko si daddy?” biro ni Jessica. “Di naman, sinasabi ko lang na we grew up Ikang pero parang nastuck yung pag iisip natin nung bata pa tayo” sabi ng binata. “Kaya nga may catching up diba para masanay na tayo sa isa’t isa as we are now” pacute ng dalaga. “So, saan mo gusto mo kumain?” tanong ni Enan. “Kahit saan, wag na sa mahal. Basta magandang lugar at syempre nandon favorites natin” sabi ng dalaga. “Ikang, I am taking you out on a date” sabi ni Enan. Napanganga si Jessica, kinagat niya labi niya at nagmadaling napatingin sa bintana. “Date?” bigkas niya. “Oo, I am taking my bestfriend out on a date. Ha! Pwede ko narin ipost sa f*******: ko na dinner date with BFF” “Syempre di ko pwede gawin yon pag si Greg kasama ko no. Baka magka issues sa aming orientation” banat ni Enan kaya napahalakhak si Jessica. “I cannot even post about anything I do with Greg, so ano ilalagay ko don, had lunch with Greg, had snacks with Greg” “Malalagasan ako ng female fans ko, dadami ang LGBT fans ko! Mamaya ako na yung Intergalactic symbol ng LGBT community. Pero uy ha may kaibigan akong bakla, tuwang tuwa ako sa kanya and her name is Jelly, well lalake siya pero with due respect to his choice I say she” sabi ni Enan. Napahiyaw si Jessica, di siya makapigil sa katatawa kaya tinignan siya ni Enan. “Bakit?” tanong ng binata. “Iniimagine ko lang yung mga post mong, dinner with Greg tapos may selfie pa kayo” biro ng dalaga. “Excuse me, BFF ko, bakulaw friend forever” hirit ni Enan kaya lalong natawa ang dalaga. Sa loob ng isang mamahaling restaurant nanatiling nakatayo si Enan. “Sit down” sabi ni Jessica. “Di ko alam saan ako uupo e, nung bata tayo lagi tayo magkatabi. Gusto ko yon kaya lang tatadtarin mo ako ng kurot so I think mauupo ako across” sabi ni Enan. Pagkaupo ng binata si Jessica biglang hindi mapakali. “O bakit? Gusto mo lipat ako diyan? Parang mali no? Nasanay tayo kasi na magkatabi, ano?” tanong ni Enan. “Ah..you know what diyan ka nalang. Syempre parang starting over again so tama diyan ka” sabi ni Jessica. “Oooh baka makita ka ni crush?” landi ni Enan. “Hello walang ganon, baka ikaw kaya ayaw mo ako tabihan kasi baka makita ka ni crush mo” bawi ng dalaga. “Ikang, understatement yan, baka makita ako ng lahat ng nagpapantasya sa akin. Wag ka na magtaka pag nagka body pains ka mamaya, I am sure selos sila at panay hanap nila ng mangkukulam para kulamin ka. Oo ganon katindi ang fans ko” banat ni Enan kaya walang tigil na natawa si Jessica. Pagkatapos nila mag order hinaplos haplos ni Jessica mga tuhod niya pagkat bigla siyang naiilang kay Enan. “Alvin? Bryan? Charlie?” tanong ni Enan kaya muling natawa si Jessica. “Ano ba? Wala talaga” sabi ng dalaga. “Wait..hala Ikang so you mean to say e..dapat pala Abigail? Bea?” hirit ni Enan kaya nagtakip ng mukha ang dalaga at nagpigil ng tawa. “Oo nga, I should have seen it, kaya pala tanong ka ng tanong tungkol kina Clarisse, Violet…OH EM Gee si Enan Artistahin yiheeee” banat ni Enan kaya napahiyaw ang dalaga. “Ikang alam mo it is okay, well let me tell you about Violet and Clarisse if you want” sabi ng binata. “Andoy, ano ka ba?” reklamo ng dalaga sabay pilit inaabot ang binata para hampasin. Hinuli ni Enan kamay ni Jessica sabay hinawakan ito. Nanigas si Jessica, at lalo siyang natutunaw nang titigan siya ng binata. “Ikang, listen to me. It is okay. Nothing will change. Kaya pala ayaw mo masyado magkwento sa past mo, kaya pala panay tanong mo sa mga babae sa buhay ko…Ikang relax, ako ang Andoy mo kaya kahit ano pa orientation mo walang magbabago sa atin” lambing ng binata sabay thumb niya naghahaplos sa likod ng kamay ng dalaga. Nautal si Jessica, si Enan naman napangiti, “Aha you are blushing” sabi ni Enan. Niyuko ng dalaga ulo niya, lalong hinigpitan ng binata hawak niya kaya napilitan si Jessica na makipagtitigan. “Hindi ako ganon” bulong niya. “Hindi? E ano?” tanong ni Enan. “Babae ako Andoy” bulong ni Jessica. “Oo nga but you like girls din” sabi ng binata. “No Andoy, I like…you..I mean…guys. Ah I mean guys, guys. I like guys” sabi ni Jessica. “So pinapakitaan mo ako ng acting skills mo pala ha, huh impressive Ikang. Naloko mo ako don” sabi ni Enan sabay bumitaw sa kamay ng kaibigan niya. “Gotcha” pacute ng dalaga kaya natawa si Enan. “Ikaw talaga, kinabig mo pa. All girls like me, nahiya ka pa Ikang. Alam ko naman I am the most irresistible guy in the whole galaxy. Nabalitaan mo ba yung mga meteor shower? Sus mga alien space ships yon, dumaan sila sa earth para lang masilayan ako” “Yung isa pa nga bumagsak sa Quezon City lately e, pero so far hindi pa nagpapakita yung mga alien fans ko. Ang theory ko lang e baka nasilayan nila ako kaya nag lose control yung ship nila sa tindi ng kilig” banat ni Enan kaya umariba ulit sa tawa si Jessica. “Pero Ikang ha, pag may type kang guy sabihan mo ako muna. You promise me that” sabi ni Enan. “Of course, ikaw ang unang makakaalam for sure” sabi ng dalaga. “Good, pero Ikang kung ano man ginawa mo sa mukha mo kagabi sa tingin mo pwede sa akin yan?” tanong ng binata. “Andoy, listen to me ha. Dati siguro oo pero ngayon you don’t need it. Late bloomer ka lang siguro so noon maybe you needed it but now…hey di ito biro ha…pogi pogi mo na” sabi ng dalaga kaya umatras si Enan, niyuko niya ulo niya sabay napangiti. “Iniinsulto mo naman ako, pogi is such a low lever adjective for someone like me” sabi ng binata kaya natawa si Jessica. “Andoy, seryosong usapan, babae ako, alam ko kumilatis ng gwapo o hindi” sabi ng dalaga. “Napopogian nga ako sa iyo e” dagdag niya ngunit ang tindi ng pagpisil niya sa kanyang mga hita sa tindi ng nerbyos. “Ikaw talaga Ikang, sobrang bait mo sa akin mula noon. Alam ko naman hindi totoo yan” sabi ni Enan. “Andoy I have been with you since we were little, oo noon pangit ka. O yan ba gusto mo marinig? Ang tagal na non Andoy, maniwala ka sa akin naman. Kaya nga naninibago ako sa iyo e, I was expecting to see ano term mo don? Charcoalic? Yeah I was expecting to see an older version of my Andoy pero nung nakita kita sa mga videos at sa news” “Wow. Anong nangyari? Pero aaminin ko naiyak ako kasi namiss kita sobra” sabi ni Jessica. “Awww nagbago ba talaga itsura ko? Siguro maabot ko full potential ko pag malapit na ako mamatay ano? Baka purpose yon ni Lord kasi syempre pag maaga ko nareach full potential ko aysus” banat ni Enan kaya natawa si Jessica. “Psst pogi” pacute ni Jessica kaya muling niyuko ni Enan ulo niya at napapangiti. “Bakit kaya Ikang pag ikaw nagsabi naniniwala ako? Ganon ka lang ba kalakas manguto sa akin?” banat ni Enan. “Ah ewan ko sa iyo Andoy, hindi pa ba sapat na proof yung sobrang daming babae mo” sabi ng dalaga. “Ikang naman e, it comes with the territory. Look at me, what do you expect from an Intergalactic bae?” banat ni Enan. Bungisngis si Jessica kaya si Enan todo pacute at pakindat kindat. “Will you stop” sabi ni Jessica. “Di ko kasi alam pano ko sasagutin yung accusation mo sa akin na madami akong babae kaya eto Ikang” “Eto pagmasdan mo ang rason, uy swerte ka kasi ikaw palang pinapakitaan ko ng mga bae moves ko ha. Eto killer wink” banat ni Enan sabay kumindat kaya inabot ng dalaga yung kamay ng binata sabay pinalo ito. “Wait, pag di ka tinablan ng unang kindat may follow up siya” sabi ni Enan. Unang kumindat yung kanan na mata niya, sumunod yung kanan kaya kaya muling napalo ni Jessica kamay niya. “Pero kung di ka parin tinablan, eto na talaga ang ultimate intergalactic winks” sabi ni Enan. Palitan ng kindat ang kaliwa at kanan niyang mga mata, nagtakip na ng bibig si Jessica. “Walanghiya pag di ka parin naakit maluluha na ako, idaan ko nalang sa awa” dagdag ni Enan kaya niyuko ni Jessica ulo niya at pinag uuga ito. Nang mahimasmasan siya huminga siya ng malalim sabay nginitian yung binata. “In fairness ang galing mo na magpatawa. Hindi na korny” sabi ni Jessica. “Ikang naman, ang intergalactic bae full package dapat. Hindi lang ako yung poster boy na ididikit mo sa wall ng kwarto para pagpantasyahan” “I can be your bestfriend and share your secrets, I can make kilig kilig and tili tili with you. I can be a shoulder to cry on because my face is hard as shoulders, I can be a clown to cheer you up with or without make up, I can also wash dishes, cook simple meals, I can serenade you with my voice to put you to sleep, or I can eat nasty foods and use my breath to do the same. I can use my strength to protect you or run faster than you when there are dogs, oo takot parin ako sa aso” sabi ni Enan kaya napasipa si Jessica, muling yumuko sa tindi ng sakit ng tiyan sa katatawa. “Ikang nakikita mo na ba yung hirap na dinadaanan ko araw araw para mapanatili ko ang pagiging intergalactic bae? Pero Ikang kidding aside I really missed you so much” biglang bagsak ni Enan kaya si Jessica napatigil at tinignan yung binata. “Dahil nawala ka sa buhay ko kaya ko lang naman tinuloy yung mga skits mo para maisip ko na kasama parin kita. Ikaw naman talaga yung artistahin diba? Most beautiful girl in the world. E nawala ka kaya para punan yung pagawala mo ako nalang muna para kunwari nandito ka parin sa tabi ko” “Pero nandito ka na” sabi ni Enan. “Papaiyakain mo naman ata ako Andoy” sabi ni Jessica. “Diba Ikang pinaiyak na kita noon tapos di mo ako pinansin ng matagal. Naalala mo pa ba pangako ko sa iyo noon nung magbati tayo? Hinding hindi kita papaiyakin ulit” sabi ni Enan kaya napangiti si Jessica ngunit di napigilan na maluha parin. Tumayo si Enan sabay pinunsan luha ng kaibigan niya. Nagulat si Jessica nang biglang tumabi ang binata sa kanya. “Dito nalang ata ako” sabi ng binata. Agad sumandal si Jessica at niyakap isang braso ng binata, “I missed you too, Andoy wow maskels” biro ng dalaga kaya pinatigas naman ng binata ng husto biceps niya. “Ikang bakit ang bango bango mo pala?” tanong ni Andoy sabay inamoy amoy leeg ng kaibigan niya. Nakiliti si Jessica, pinagsisiko ang binata sabay tinignan ito. “Di ka naman ganito kabango kahapon” dagdag ni Enan. “E syempre naman special day today e” sabi ni Jessica. Biglang nilabas ni Enan phone niya saka inakbayan yung dalaga. “Smile” sabi niya saka kumuha ng selfie nila. “Ganda niya talaga” sabi ni Jessica sabay turo sa wallpaper ng binata. Nagpipindot si Andoy kaya nagulat si Jessica nang ginawa ng binata na wallpaper yung bagong kuhang litrato nila. “Ayan, ay teka! Yes ipopost ko ito sa f*******:…ay okay lang ba Ikang?” tanong ni Enan. “Ah..ah oo naman, tag me please” sagot ng dalaga. “Hahahaha dinner date with…tag Jessica… ayan uploading” sabi ni Enan. “Bakit walang BFF?” tanong ng dalaga. “Ay oo nga no, hayaan mo na. Ayan in narin ako sa social media, teka Ikang may i********: ka ba? Parang gusto ko din magkaroon non” sabi ni Enan. “Meron, akin na gawan kita ng account” sabi ng dalaga. “Tapos ipost mo yung selfie natin ha” sabi ni Enan. Natense si Jessica pagkat sobrang dikit ni Enan sa kanya, “Ano gusto mo username?” tanong niya pabulong. “Intergalactic Andoy, pwede ba yon? Syempre Intergalactic dapat pero Andoy parin” sabi ni Enan. “Okay wait lang” sabi ni Jessica sabay napangiti ng husto. Samantala sa loob ng condo nabulabog si Jelly habang nagliligpit ng mga pinagkainan. Sumugod siya sa kwarto ni Cristine at nagulat nang makita na parang disaster area yung kwarto. “Dinner date! Dinner date!” sigaw ni Cristine sabay basta nalang hinampas ng unan si Jelly. “Who the hell is that girl? Tignan mo! Tignan mo Jelly” sigaw ni Cristine kaya kinuha ng bading yung laptop at tinignan yung bagong post ni Enan. “E siya naman yung sinasabi mong Jessica” sagot niya. “Alam ko! Pero sino siya? Bakit ang bilis? Hindi naman ganon si Enan ko ha! Ano nangyari? Bakit ang bilis bilis niya gumalaw ngayon?” “Is she the reason why hindi nagtext si Enan sa akin? Tignan mo siya! Wala siyang make up pero maganda siya! Tignan mo Jelly! Tignan mo!” sigaw ni Cristine. “Eto na nga o, its just a date!” sigaw ng bading. “Bakit mo ako sinisigawan? Ha? Dapat kinocomfort mo ako! This hurts! Oo nagseselos ako! Eeeesh sino ba ito?! Icheck mo nga profile niya, alamin mo nga lahat sa kanya. Tawagan mo si Arlene at ipa schedule niya ako sa beauty clinic” sabi ng dalaga. “Maganda ka na, ano pang igaganda mo?” tanong ni Jelly. “E bakit ako natalo niyang babae na yan? I want hair like her, tapos get me clothes similar to her clothes. Sabi ko naman sa iyo simple ang gusto ni Enan e. Itapon mo na yung mga sleeveless blouses ko, gusto ko ganyan na shirt like hers” sabi ni Cristine. “O tapos ano?” tanong ni Jelly kaya napatigil si Cristine. “Asan phone ko?! Itetext ko siya!” sigaw ni Cristine sabay tumawa ng malakas. “Oooh then what?” landi ni Jelly. “Shet! Lalake lang dapat natotorpe! Bwisit! Ang dami ko nang messages dito na hindi masend sa kanya!” “Hoy baka nagpalit tayo ano? Ikaw nagiging babae, ako nagiging lalake kasi natotorpe ako. What the hell is wrong with me?! Pangit! Pangit yang Jessica na yan” sabi ni Cristine. “Isip bata” bulong ni Jelly kaya nanlaki ang mga mata ni Cristine. “Bakla! Bakla ka! Hindi ka babae! Tanggapin mo na yon! Imbes na kinakampihan mo ako bakla! Whooo bakla ka!” sigaw ni Cristine. Nagdive si Cristine sa kama niya sabay nagsimangot, “Why are you doing this to me Enan?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD