Chapter 5: Violet

3654 Words
“Lola ano po gusto niyo kainin mamaya? Para maihanda ko na” tanong ni Violet. “Maaga pa, ituro mo nga sa akin yung Nae Nae na yon apo” sabi ng matanda kaya natawa yung dalaga. “Si Lola talaga, baka ma out balance pa kayo. Hala di man lang nag iwan si mama ng ready to heat food natin” sabi ni Violet. “Apo babae ka, kailangan mo matuto magluto. Ano na mangyayari sa inyo ni Enan pag mag asawa na kayo?” tanong ng matanda. “Lola naka get over na ako, tanggap ko na po talaga” sabi ng dalaga. “E bakit suot suot mo pa yang bracelet mo? Bakit lagi mo pinapakinggan yung ginawa niyang recording?” landi ng matanda. “Lola I am starting to move on, nakagawa ako ng mali so I must face the consequences. May Jessica na siya, kahit sinasabi niyang kababata lang niya yon e I can sense that may something sila. Lalo na yung Jessica, I can tell she likes Enan” sabi ni Violet. “Buhay pa yung kaibigan kong mangkukulam, gusto mo tawagan natin siya?” biro ng matanda kaya natawa si Violet. “Food delivery” narinig sigaw mula sa pintuan. “Hindi mo sinara yung gate” sabi ng matanda. “Oh no, nakalimutan ko lola kasi I was so tired. Hindi kami nag order!” sigaw ng dalaga. “Food delivery!” ulit ng boses kaya nagtungo yung mag lola sa may pintuan. Pagbukas ng pintuan nakita nila si Enan na nakasandal sa pader at pabirong tinataas yung shirt niya. “Sino sa inyo ang nag order ng dream guy? Here I am mainit init pa” landi ng binata kaya natili si Violet habang yung lola niya napahalakhak. “Are you sure hindi kayo yung nag order?” tanong ni Enan sabay tuluyan nang tinaggal shirt niya sabay nag macho dancer dance. Halos mamatay sa tawa matanda habang si Violet namula at nagpigil ng tawa. “Dream guy meal, kanin nalang kulang” sabi ni Enan sabay sinuot muli shirt niya, niyakap niya yung matanda at hinalikan sa pisngi. “Babe I missed you so much” lambing niya. “Napadalalaw ka ata” sagot ng matanda. “Babe pasensya na at ngayon lang ako nakadalaw. Alam mo naman busy ako pero narinig ko yung mga dasal mo at pagpapantasya tuwing gabi kaya here I am” sagot ni Enan kaya halos matanggal na pustiso ng matanda sa kakahalakhak. Nagulat si Violet nang inabot ng binata pisngi niya, hinaplos ni Enan ito sabay basta nalang niyakap yung dalaga at hinalikan sa pisngi. “Grabe pinuntahan kita sa dance troupe office, maaga ka daw umuwi kasi wala kasama lola mo kasi nagpunta sa province parents mo” “Yayain sana kita lumabas for dinner pero eto pala nagdala nalang ako ng take out. Dito nalang ako makikikain” sabi ni Enan sabay kinuha yung mga supot ng dala niyang pagkain. Tulala si Violet, nakatanggap siya ng siko mula sa lola niya kaya pagtingin niya natawa siya ng husto pagkat nag beautiful eyes yung matanda sa kanya. Pagharap ni Enan tulirong tuliro si Violet habang lola niya yumakap sa isang braso ng binata. “Ang bait bait mo talaga, alam mo ba nag dance lessons narin ako pero ayaw ako turuan ni Violet nung Nae Nae, alam mo ba yon?” tanong niya. “Oo naman, diba ganito yung kanta non…ahem ahem..siya’y nagkasugat..tapos nag nae nae, siya’y nagkasugat kaya nagka nae nae” banat ni Enan kaya ang tindi ng tawa ni Violet kaya napalo niya yung pwet ng binata. Nilapag ni Enan yung mga pagkain sa lamesa, “Ganito yon babe o watch” sabi niya sabay kumanta ng version niya at nag dance steps na dumudungaw paharap with matching curious reaction. Kasunod nito ay biglang pandiri kaya back step siya with matchind diring diring reaction kaya halos mamatay sa tawa yung mag lola. “Niloloko mo naman ako Enan” tampo ng matanda. “Hindi hindi kita lolokohin, ang tawag don biro. Ikaw naman babe, alam mo naman hindi kita maaring lokohin, ang pag ibig ko sa iyo ay tunay, kahit na saksakan ka ng asim ngunit yun ang kailangan ng aking katawan” “Parang suka, pag tinikman mo mabubuhayan ang dugo mo” hirit ni Enan habang inaayos yung mga pagkain sa lamesa. “Violet tulungan mo naman, nakakahiya naman siya na nga nagdala ng pagkain dito tapos siya pag yung mag aayos” sabi ng matanda. Pagtabi ng dalaga humarap si Enan at humawak sa mga braso niya. “Wow, you gained weight but in a nice way. Dati parang buto nalang pero ngayon ooh sexy ka na masyado Vi ha. Naretain yung curves pero ganyan dapat hindi yung para kang buto buto, tapos dati yung mukha mo halos skeletonish pero now bumalik na yung tamang mukha ko” sabi ng binata. Nagblush si Violet, hindi siya makagalaw, “Hindi na siya masyado nagsasayaw” sabi ng matanda. “Bakit?” tanong ni Enan. “E ang hirap e, pero sumasayaw parin but not like before na todo effort. Inaalagaan ko na sarili ko tulad ng sinabi mo. But I wanna try out for the performing arts troupe” sabi ni Violet. “Balak mo ba sundan ang mga yapak ko? Kung kailangan mo ng acting coach sabihin mo lang sa akin. Kahit na busy akong tao gagawan at gagawan kita ng oras. Ano naman nakain mo Vi? Bakit ngayon acting naman gusto mo?” tanong ni Enan. “Hindi naman pure acting, alam mo ba yung mga play na may mga sayaw sayaw din? Gusto ko ganon, kasi naman dun sa dance troupe e sayaw lang talaga. Kung may bago hala sige aralin ulit” sabi ng dalaga. Pinaupo ni Enan yung matanda, tumayo siya sa likuran ni Violet sabay ginabayan dito itong makaupo. “Dito lang kayo, ako na magsisilbi sa inyo” sabi ng binata kaya nagtitigan yung mag lola. “Lola shut up” bulong ni Vi pagkat nakikita niyang manunukso ulit yung matanda. “Alam ko maaga pa pero kain na tayo habang mainit pa yung pagkain” sabi ni Enan na naupo sa tabi ni Violet. “Grabe ang dami mong biniling pagkain” sabi ng dalaga. “Ah wala yan kasi nakatipid ako sa pagbili ng kotse ko” sabi ni Enan. “May kotse ka na? Wow congrats” sabi ni Violet. “Oo nandon sa labas, nahihiyang pumasok e” banat ni Enan kaya natawa yung lola ni Violet. “Dibale one time ipapasyal ko kayo. Sige na kain na, oha I still remember your favorites. Pero Vi gustong gusto ko na yung ikaw ngayon, last time I was so worried kasi ang payat mo sobra” sabi ni Enan. “Wow babe pati ikaw pumayat ka, ngayon ko lang napansin” dagdag niya. “Lola goes walking early morning, para siyang tanod ng umaga kasi sinisita niya lahat ng mga tambay. Tapos oo may tinayo yung mga lolo at lola dito sa baranggay na parang dance organization kaya ayon everyday meron silang dance time” kwento ni Violet. “Grabe babe bumata ka, I am being honest. Nabawasan pa wrinkles mo sa face dati parang prunes na siya e” banat ni Enan kay napahalakhak yung matanda. “Baka naman may pinopormahan kang iba babe ha, pinagseselos mo ata ako. Sige ka pag malaman ko na meron ka nang iba huh, tandaan mo ito hinding hindi mo ako makakalimutan kasi si Violet ang liligawan ko” banta ni Enan kay biglang napatigil si Violet pagkat medyo nabulunan siya. Humarap si Enan sa dalaga at hinaplos likuran nito, “Here drink” lambing niya kaya agad uminom ang dalaga mula sa baso na hawak ni Enan. “Are you okay?” tanong ni Enan. Nag nod si Violet, “Alam ko favorite mo tong pagkain pero dahan dahan naman Vi, pero sige lang, lamon lang para naman matry ko din mag CPR” landi ng binata kaya natawa si Vi at pinalo yung binata sa hita. “Alam mo bagay talaga kayo” banat ng matanda. “Aha! Sensyales na talaga yan na pinamimigay mo na ako. Meron ka nang iba, I know it. Huh, babe I am so hurt. Hindi ako makapaniwala na nakayanan mo ako ipagpalit sa iba” drama ni Enan. “There was never an us” banat ng lola ni Violet, nanlaki ang mga mata nina Enan at Violet at pareho pang silang napanganga kaya humalakhak yung matanda. “Ah ganon ha, pagsisisihan mo yan. Eto tandaan mo, sana kung sino man yang lalake na yan umabot man lang sana siya sa level kong artistahin” “Pwes dito na tayo nagtatapos” hirit ni Enan sabay biglang inakbayan si Violet. Ang dalaga napapikit, napatigil yung pagngunguya niya pagkat dumikit ng husto ang binata. “Bagong babe, ako na” lambing ni Enan kaya bigla niyang sinubuan si Violet. Tuwang tuwa si Violet, todo pigil ng kilig habang pinupunasan pa ni Enan side lips niya. “Ano inggit ka na? Nagsisisi ka na ba?” tanong ni Enan kaya tawa lang ng tawa yung lola ng dalaga. “Ah matibay ka ha” sabi ni Enan. Humarap siya kay Violet, pinaharap niya yung dalaga sa kanya kaya super nanlaki ang mga mata ng dalaga nang humawak ang binata sa kanyang mga pisngi. “Nan” bulong niya sa gulat nang nilapit ng binata mukha niya, yung lola niya biglang napatayo, dumungaw pagkat akala niya hahalikan talaga ni Enan si Violet. Napapikit si Violet, t***k ng puso niya sobrang bilis ngunit biglang sumigaw si Enan. Pagmulat niya nakita niya yung binata tinuturo yung kanyang lola. “Aha! Aha! Selos! There was never an us your face, mwahahaha” bigkas ng binata kaya naupo yung matanda sabay natawa nalang pagkat nakita niya apo niya na sobrang pula na. Ilang minuto lumipas magkasama yung mag lola sa salas habang si Enan ang naghugas ng mga pinggan. “Mahiya ka naman apo” sabi ng matanda. “E lola sabi niya siya na daw talaga e” bulong ng dalaga. “Aysus ka apo, siya yung bisita, siya nagdala ng pagkain, bakit mo naman hinayaan maghugas pa. Tinatamad ka nanaman ba?” tanong ng matanda. “Lola hindi, pinilit ko naman na ako na pero mas mapilit siya e” sagot ng dalaga. “May benta pa kaya sina Melchor sa store na special ube? Tawagan ko nga para naman may mauwi naman si Enan sa kanila” sabi ng matanda. “Lola wala kasi dumaan ako kanina. Bukas pa ng umaga yon” sabi ni Violet. “Nakakahiya naman sa kanya apo, kaya hindi ako makapagsalita kanina kasi nahihiya ako sa kanya” sabi ng matanda. “Sana di niyo ako hinila kanina” bulong ni Violet kaya napatawa yung matanda. “Apo hindi ko makita e, gusto ko makita magkiss kayo” landi ng matanda kaya napahalakhak si Violet. “Lola nakakainis siya, nakaka move on na nga ako tapos tsk..hay” bulong ni Violet. “Iha, ano naman rason kaya na iimbitahan ka niya sa dinner. Matanda ako pero hindi ako bingi at ulyanin. Narinig ko yung sinabi niya kanina” sabi ng matanda. Ngumiti lang si Violet kaya pinagkukurot siya ng kanyang lola. “O diba apo? Kahit naman na may sobra yung pinangbili ng kotse, bakit gusto niya dinner pa kayo? E pwede naman yung tulad ng dati na nagdadala lang siya ng mga tinapay, cake, at kung ano ano pa. Baka naman apo meron pa” sabi ng matanda. “I am so confused lola, sana hindi nalang siya nagpakita kasi. Ngayon parang…hay” bigkas ni Violet. “Pinagpalit mo siya sa gwapo, ayan siya gumagwapo. Pinagpalit mo siya sa may kotse, o ayan may kotse na siya apo” sabi ng matanda. “Lola please stop, pinagsisihan ko na po yon” sabi ni Violet. “O siya iha, papanik ako sa kwarto ko pero iha may tiwala ako sa iyo” sabi ng matanda. “Lola! Hala anong pinagsasabi mo?” bigkas ng dalaga kaya tumayo na yung matanda sabay tumawa. “Enan apo, papanik muna ako sa kwarto ko ha, makikichat pa ako don sa isang anak ko” paalam ng matanda. “Sige po, tapusin ko lang ito tapos icheck ko yung likod ng bahay. Magpapaalam po ako pag aalis na ako” sagot ng binata. “You two need to talk, remember iha just talk” sabi ng matanda pabulong kaya humiyaw si Violet at inuga ang kanyang ulo. Limang minuto lumipas naupo si Enan sa tabi ni Violet sabay pinasikat ang kanyang mga kamay. “Sobrang palad ng mga plato niyo pagkat nahugasan sila ng aking mga artistahing mga kamay. Wag mo sila ibenta ha” biro niya kaya binangga siya ni Violet. “Grabe dalawa lang kayo dito, so pano kung papasok ka na sa school bukas?” tanong ni Enan. “Kaya naman ni lola, around nine naman pupunta na siya don sa baranggay hall kasi may sayaw sayaw nga sila. Then pag lunch na uuwi siya dito to eat. Ang gagawin ko is magising ng maaga, luto ako ng almusal namin then lunch for her na pwede nalang niya ipainit” “Pero by that time baka nandito na si mama” sabi ni Violet. “If you want I can stay sleep here sa sofa para may kasama kayo. Then uwi nalang ako early” alok ng binata. “Ah..uy hindi na no, kaya namin ni lola” sabi ni Violet. “Para makampante lang kayo, para makatulog ka ng mahimbing at wala kang inaalala. Kwarto mo sa taas, lola mo dito sa baba” “I can watch over her, sanay naman ako sa puyatan lately. No big deal, may kotse naman na ako so pag umaga na I can go home early pag gising ka narin to cook breakfast” sabi ni Enan. “Nan wag na talaga, okay lang kami” sabi ng dalaga. “O sige, pahiram nalang ng unan. Wag na kumot” sabi ni Enan. “Nan!” bigkas ni Violet. “Wag ka nang makikipagtalo Vi, sige na kunan mo na ako ng unan” sabi ng binata. “Matutulog ka na ba?” tanong ng dalaga. “Hindi pa, basta dito ako. Pero Vi, wag ka nang magpapakapayat ha. Maintan mo nalang yan, at wag ka nga magkukulay ng nails mo. Kahit na kulay pink yan di maganda” sabi ni Enan. “Di ka nagagandahan?” tanong ni Vi habang pinapasikat mga kuko niyang may kulay. “Sa iyo nagagandahan pero sa kulay ng kuko hindi. Naalala ko yung ikaw noon nung napaka simple mo pa, mas okay na ganon ka Vi” sabi ni Enan. “Wait then alisin ko na” sabi ng dalaga. “Wag naman ngayon, malay mo mamaya masanay din ako, grabe ang tahimik pala dito sa bahay niyo pag gabi” sabi ni Enan. “Not really, pag normal days malakas yung TV kasi si lola mahilig manood ng mga teleserye” sabi ng dalaga. “O bakit ngayon hindi siya nanonood?” tanong ng binata. “Kachat niya uncle ko sa States” sabi ni Violet. Inayos ni Enan upo niya sabay napabuntong hininga, “Kumusta ka na Vi?” tanong niya. “Eto, steady lang” sagot ng dalaga. “Gumalaw galaw ka naman, delikado ang steady lang” biro ni Enan. “Baliw, e ikaw kumusta kayo ni Jessica?” tanong ni Violet. “Are you kidding me? Pati ba ikaw? Akal mo din kami ni Jessica?” tanong ni Enan. “Wala naman ako sinabing ganon, tinatanong ko lang kumusta kayo kasi diba matagal kayong hindi nagkita o nagkasama” nilinaw ng dalaga. “Ah. Well medyo naka catch up naman na, teka pala hindi ko nakikita si Clarisse sa school” sabi ni Enan. “Busy siya, magkasama kami lagi pag lunch” sabi ni Violet. “Really? Bakit ganon? Sumasagot naman siya sa mga text ko pero hindi ko siya nakikita sa school” sabi ni Enan. “Heart broken parin so medyo iwas siya” sabi ni Violet. “Bakit pati ako iniiwasan niya? Parang nabuwag bigla yung grupo e, pag nasa school ako si Greg nalang kasama ko wala narin yung dalawa e. Anong nangyayari?” tanong ni Enan. “I don’t know, baka si Shan yung parang glue to keep everyone together” sabi ni Violet. “Huh, kung pwede lang wag mong babanggitin yang pangalan na yan sa akin. I cannot believe up to now I was friends with a snake. Badtrip yon, kung alam mo lang gano ako kagalit don” sabi ni Enan. “Lika nga dito” lambing ng dalaga sabay pinatong yung unan sa mga hita niya. Hiniga ni Enan ulo niya sa unan, si Vi naglakas loob na haplusin yung noo ng binata hanggang ulo kaya nagtitigan sila ng matagal. “I never liked Shan to be honest, may sasabihin ako sa iyo pero sana atin atin lang at wag kang magwawala” lambing ng dalaga. “Napipilitan ako mag yes dahil sa malambing mong boses, feeling ko magwawala ako” sabi ni Enan. “You promise me first na hindi ka magagalit o magwawala” sabi ni Violet. “Okay, pinky swear pero alam mo para mas matibay ang pinky swear kailangan mangulangot muna tayo. Kasi yung kulangot malagkit yon kaya titibay talaga yung pinky swear e” sabi ni Enan kaya napahalakhak si Violet at tinakpan ang mga mata ng binata. “Kadrii ka Nan” sabi ng dalaga. “Joke lang, namiss ko lang yung ngiti at tawa mo. O game kwento ka na” sabi ni Enan. “Okay, si Shan alam mo ba he was very nice to me. As in very nice, as in parang nililigawan ako” sabi ni Violet kaya nanlaki ang mga mata ng binata. “Pero I told him to stop right away, kaya kung napansin mo he barely talks to me before?” “Pero that sinisiraan ka niya sa akin, not only you but pati sina Tommy at Jason. Parang sira na possessive, di ko lang nasumbong kay Clarisse kasi mukhang okay naman sila. Inisip ko na baka during that time high siya or I don’t know drunk I guess” “Pero for sure if he didn’t stop isusumbong ko yon kay Clarisse” sabi ng dalaga kaya gusto nang bumangon ni Enan pero hinaplos ng dalaga yung puso niya. Kumalma yung binata sabay nagsimangot, “I think he knew I was going to do that so parang nagbago naman siya” “Nan nakita ko si Shan sa school, pumayat siya at parang depressed. Alam ko Nan may pinagsamahan din naman kayo, at alam ko din na sobrang bait mo. As in sobrang bait mo kaya maybe you can go talk to him” “Funny ano? Hindi ko naman ugali yung ganito pero na adapt ko sa iyo e. Nabanggit ko na ito kay Clarisse, mainit pa ulo niya so wala daw siya pakialam. So Nan, after hearing what I said I know you will do what is right kasi ganon kang tao e” “Pero I wont blame you too if gulpihin mo siya ulit. He deserves it pero alam ko gagawin mo yung tama. Kasi ikaw si Enan, sa totoo ano ba pakialam ko sa kanya diba? After what he did to Clarisse, then di ko naman alam ano pang ginawa niyang kasalanan sa iyo, dapat galit na galit ako sa kanya pero nung nakita ko siya he seemed lost” “Nan depressed siya, I know what that feels” sabi ni Violet. “Kailan ka naging depressed? Ha? Bakit hindi ko alam yon?” tanong ni Enan. “Basta” sabi ng dalaga kaya biglang pinindot ni Enan pisngi niya. “Ayan pressed ka na” banat ni Enan kaya nagtawanan sila. “Nan ha, promise mo ha. Enan will always go what is right, kasi ganon ka. Tapos may isa pa akong favor pero nahihiya ako” sabi ng dalaga. “Vi, name it. Kailangan mo ba ng full body poster ko sa kwarto mo? Tara kunan mo ako litrato, kahit anong pose pa” biro ni Enan kaya laugh trip ulit sila. “Ikaw saka lang lumalabas talent mo sa pagsayaw pag kalokohan. So ang request ko sana, since may talent ka naman sa dancing e…” sabi ni Violet. “Ano?” tanong ni Enan. “May dance contest, gusto ko salihan pero ikaw yung gusto kong partner” sabi ng dalaga. “Ako?” tanong ni Enan. “Oo ikaw lang at walang iba. Kasi alam ko you will take care of me and I know that you will not let me down. After all that happened ang kapal ng mukha ko humihingi ng ganito I know” sabi ni Violet. “Done, sige ilista mo name ko. Anong klaseng dance yan?” tanong ni Enan. “Interpretative dance” sagot ni Violet. “What the hell is that? Ngayon ko lang narinig yan” sabi ng binata. “Basta tuturuan kita, ikaw lang yung lalake na kaya ko pagkatiwalaan. So is that a real yes?” tanong ng dalaga. “Vi bago mo pa natanong oo na agad sagot ko. After all that happened, di parin kita matitiis. Pero what the hell is interpretative dance? Ano yan?” tanong ni Enan kaya tinitigan lang siya ni Violet sabay nginitian. “Fine, bwisit ka Vi taking advantage ka hahaha. Alam mong weakness ko ang ngiti mo. How dare you” biro ng binata kaya nagtawanan sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD