Chapter 6: Simoy

3554 Words
Sa loob ng isang mall naglalakad sina Enan at Greg, “Pare tignan mo yung lalake na yon kung makakapit naman sa girlfriend niya o” bulong ni Greg. “Natural kasi nandito ako. What do you expect my friend?” sagot ni Enan. “Para naman kasi mawawala girlfriend niya, o kaya wow gusto ipasikat na maganda girlfriend niya” hirit ni Greg. “Bakit ba ang kulit mo? Sinabi ko na sa iyo ang rason ayaw mo maniwala. Alam mo pare, inggit ka lang e. Ligawan mo na kasi si Lea” sabi ni Enan. “Pare, kailan mo pa ako nakitang nag aabala para sa isang event ng kamag anak? Never, alam mo ba bakit ngayon gusto ko mag attend? Kasi mutual friend pala ng isang uncle ko yung isang uncle ni Lea. Tapos pare out of nowhere nung kasama ko si Lea narinig ko siya na kailangan niya bumili ng dress para sa isang event, tapos siyempre natanong ko anong event” “Akalain mo pare same event” kwento ni Greg. “Bwisit ang haba ng paliwanag mo, pwede mo naman sabihin kasi pupunta siya, period. Understood na, ganyan naman pag may gusto ka sa isang tao, nababago ka niya. Just like that ayaw mo dumalo sa mga events na ganyan pero ngayon gusto mo na” sabi ni Enan. “Oo nga pero sana naman pinagbigyan mo ako magkwento, ikaw talaga killjoy ka porke nagka girlfriend ka na. Pare naman” reklamo ni Greg. “Fine, umayos ka nga Greg, kulang nalang akbayin mo ako e. Nakakadiri ka pag kinikilig ka” biro ni Enan kaya natawa si Greg. “Mula nung makilala ko si Lea, I mean mula nung parati kaming lumalabas e walang tigil na yung mga butterfly sa tiyan ko” sabi ng binata. “Anong butterfly? Sa laki mong yan di mo mararamdaman ang mga butterfly, ang laman ng tiyan mo mga uwak na yan. Mga kinikilig na uwak o kaya paniki” banat ni Enan. “Pare, gusto ko sana yung dashing itsura ko” sabi ni Greg. “Ewan ko lang kung may benta pa silang Santa Claus costome, dashing throught the snow hohohoho” landi ni Enan kaya siniko siya ng kaibigan niya. “Tol naman yung seryoso, gusto ko yung katulad mo nung pageant night” “Yung simple pero mala James Bond ka tol” sabi ni Greg. “Tara pero kung ano suggestion ko dapat hindi ka sumuway” sabi ni Enan. “Basta wag naman kalokohan, seryoso ako. This is about my heart pare. Nag oopen up na ako sa iyo kaya seryosohin mo naman ako” makaawa ni Greg. “Ang drama mo, pare walang iwanan. Iisang bandila natin kaya suportahan tayong mga exotic breed. Tara tara, una hanapin natin ay slacks, madali nalang yung polo” sabi ni Enan. “Pare okay ba kung mag Fedora hat ako? Yung parang si…sino na yon?” tanong ni Greg. “Bruno Mars? Dude, umayos ka nga. Wag ka nakikiuso sa mga ganyan. Wag kang gaya gaya, dapat sa iyo gumawa ka ng sarili mong image. Oo tinuturuan ako sa porma pero in the end sabi niya mamili ako kung saan ako comfortable. Lahat ng pinasubok sa akin ayos diba pero sa huli eto ako, upgrade mula sa nakaraan, something new pero comfortable sa akin” “Ikaw event pupuntahan mo kaya not counted yon. Ano gusto mo araw araw mukha kang pupunta sa event? Pero pare may natutunan ako e, basta mamaya. Sa pormang event mo doon natin itutugma yung casual attire mo. Basta trust me, madami ako natututunan, kung gusto mo turuan kita mag make up kasi marunong naman ako” sabi ni Enan. “Mukha mo” sabi ni Greg kaya natawa si Enan. Pumasok sila sa clothing section ng mall ngunit walang silang mahanap na size ni Greg. “American size ka kasi pare e, dapat sa iyo yung Big and Tall shops” sabi ni Enan. “Alangan na magpapagawa pa ako, wala nang time” sabi ni Greg. “Relax pare, madami pang shops dito sa mall kaya lang mas mahal sila compared dito sa department store ng mall” sabi ni Enan. “Wala ako pakialam basta pare I need you to make me look good” sabi ni Greg. Ilang minuto lumipas pumasok yung dalawa sa isang shop, “Miss pang burol nga para sa kaibigan ko” banat ni Enan kaya tinapik ni Greg noo niya habang natawa yung mga attendant. Samantala sa entrance ng mall naiimberyna si Jelly pagkat talak ng talak si Cristine. “Hoy Jelly ayusin mo nga yung cap mo” reklamo ni Cristine sabay inayos din niya yung suot niyang cap. “Bakit ko pa kasi kailangan mag cap, dapat ikaw lang. Ikaw lang naman yung artista e” sagot ng bading. “Masyadong obvious kung ako lang, at least pag tayong dalawa parang fashion statement siya” sabi ng dalaga. “O tara kanta tayo with actions, di ko kayang tanggapin” birit ni Jelly kaya napahalakhak si Cristine ng husto. “Bakit pa kasi dito, ang layo ng mall na ito. May mas malapit naman sa condo” reklamo ng bading. “Kasi dito kami dati nag date…naalala ko siya pag nandito tayo” sabi ng dalaga. Habang palakad lakad sila napatingin si Jelly sa isang shop, napatigil siya bigla nang makit aniya si Enan sa loob kasama si Greg. “Jelly ano ba?” reklamo ni Cristine. “Ah..ah..sis wait. Kasi ah..here” sabi ni Jelly kaya pagtingin ni Cristine sa shop agad siya nagtaas ng kilay. Hindi na nakikita sina Enan at Greg kaya si Jelly napakamot. “Ah kasi sis ah, pano ko ba sasabihin ito. Pinapaattend ako sa kasal ng isang pinsan ko pero ah..i need to dress like a guy” sabi ni Jelly. Napahalakhak si Cristine ng husto kaya si Jelly napatingin sa shop. “Seryoso ka? Akala ko ba tanggap ka nila?” tanong ni Cristine. “Well not all, so I need to buy slacks and polo, samahan mo naman ako mamili” sabi ni Jelly. “Fine, pero seryoso ka? Grabe naman akala ko tanggap ka nang buong buo ng family mo” sabi ng dalaga. “Hay naku alam mo naman yung iba makalumang pag iisip, hayaan mo na simpleng hiling lang naman” sabi ng bading. Sa may dressing room area laugh trip si Enan habang minomodelo ni Greg yung isang polo. “Tarantado ka, di ako makahinga. Bakit pa kasi Chinese collar? At pwede naman shorts sleeves lang, di ako sanay sa long sleeves” reklamo ni Greg. “Kaya nga sinusukat para makita narin ano bagay sa iyo e. Long sleeves dapat, kung gusto mo short sleeves mag three fourths ka din na pantalon. Dami mong arte, isantabi mo muna yung comfort zone mo, masasanay ka din sa long sleeves, eto isukat mo itong isa” sabi ni Enan. Paglabas ni Greg nakasimangot siya, “Ayan pare, wait tuck out mo then unbottom mo ito para konting pakita ng dibdib then…yeah ilislis natin ito sleeves” sabi ni Enan. “Ikaw nawawalan na ako tiwala sa iyo ha” sabi ni Greg. “Greg maniwala ka nga sa akin, pare I want you to succeed with Lea, pagdating sa kanya walang biro pare. Biruin ko na lahat sa iyo pero pagdating sa puso mo di kita ilalaglag” sabi ni Enan. “Salamat pare, so ano ito na ba yung part na maghahalikan tayo?” banat ni Greg. “Mamaya pa konti, kulang pa yung emotions” landi ni Enan kaya nagtawanan sila. Pinaharap ni Enan si Greg sa salamin, ang binata agad napangiti pagkat nagustuhan niya itsura niya. “Holy..uy pare parang ang cool ko dito ah” sabi ni Greg. “Yup, alisin mo yang keychain, di mo kailangan ipagmayabang na may kotse ka pare. Konting gupit lang, clean sides then you are good to go” sabi ni Enan. “Enan gusto ko ito, nakakagala ako dito” sabi ni Greg. “Yup, pag formalities wag mo ilislis pero pag tapos na at casual events nalang lislis mo na. Comfortable ka and you still look presentable” sabi ni Enan. “Pare pwede ko pang araw araw ito ha, kahit sa maong pwede e” sabi ni Greg. “Oo, so ano pili pa ako ibang colors? Dito ka lang, sanayin mo itsura mo kasi alam ko in shock ka pa. Ngayon mo lang nakita sarili mo bilang tao” banat ni Enan. “Salamat pre, sige nga kunan mo pa ako, wow pare I feel like a human being” banat ni Greg. Nakita ni Jelly na paparating si Enan, agad niya tinignan si Cristine na abala na namimili ng polo. Mabilis na nagtago si Jelly, sumilip siya at nainis pagkat hindi nagkarahap yung dalawa. Habang namimili si Cristine sa isang section nasa likuran niya si Enan at namimili sa kabilang section. May kinuhang polo si Enan pero bigla siyang napatigil at napapikit nang may maamoy siyang mabango. Inuga niya saglit ulo niya, naalala niya yung pabango ni Cristine kaya agad siyang napangiti. “Tiny” bigkas niya ng malakas kaya si Cristine nanigas pagkat narinig niya boses ni Enan. Parang kiti kiti si Jelly na yumakap sa isang mannequin, “Imposible” bulong ni Cristine at inakala na baka imahinasyon niya lang yon. “Wait, si Cristine yan at..diba yun ang ex niya?” bulong ng saleslady na biglang tumabi kay Jelly. Tumalikod na si Enan, titig na siya sa likuran ni Cristine, si Jelly nagpigil hininga pagkat dahan dahan narin tumalikod yung dalaga at sa wakas nagkaharap sila. “God gave me you” pabulong na kanta nung saleslady na kinilig talaga. “Gaga, iba to, manahimik ka nga lang, wag mo ipagkalalat na nandito si Cristine, pag nagawa mo yon autograph, selfie at kung ano ano pa mamaya with her. Sige na go, act normal” bulong ng bading. Pareho silang nanigas, naunang ngumiti si Enan at muling binigkas ang palayaw niya para sa dalaga. “Enan” bulong ni Cristine, nanginig ang panga niya, t***k ng puso niya biglang bumilis pagkat hindi siya makapaniwala na kaharap niya yung binata. Lumapit si Enan sabay hinaplos yung suot na cap ng dalaga. “Cute mo pala sobra kahit naka cap ka” sabi ni Enan. “Don’t take it off please” sagot ni Cristine. “I wont, alam ko naman bakit mo suot suot yan. Pero teka lang ha” sabi ng binata sabay tinanggal yung cap at muli itong sinuot sa ulo ng dalaga pero pabaliktad. “Hi Tiny” lambing ni Enan. “Uy, kumusta ka” sagot ni Cristine na nagbigay ng malambing na suntok sa dibdib ng binata at pinanatiling nakadikit kamao niya. “Okay lang, helping Greg buy clothes” sagot ni Enan. “Me too, helping Jelly..” sagot ni Cristine. “Teka lang ha, bigay ko lang mga polo kay Greg” sabi ni Enan kaya biglang sumulpot si Jelly. “Uy Enan” bigkas niya ng malakas sabay nakibeso. “Uy Jelly” bigkas ng binata sabay nagulat nang kunin ng bading yung mga hawak niyang polo. “Ako na magbibigay kay Greg” sabi ni Jelly kaya nalito si Enan. “How did you know?” tanong ni Enan. “Ha? Ah..common sense Enan, ang lalaki nito, hindi ka naman hiphop. Sige na sige na you two catch up at may isusukat din ako” sabi ni Jelly sabay inagaw naman yung polo na hawak ni Cristine. Biglang nailang si Cristine nang titigan siya ng sobrang lagkit ni Enan. “Uy ano ba” reklamo niya pacute. “Sorry, starstuck” landi ni Enan kaya mula fist binuklat ni Cristine palad niya sabay kunwari tumulak sa dibdib ng binata. “Hey are you okay? Narinig ko na nagwala ka sa isang talk show, sorry di ko napanood yon kasi I was out that time tapos naging busy ako kaya di ko narin napanood sa Youtube” sabi ng binata. “I am fine, normal lang may bashers at supporters. Nothing new” sabi ni Cristine. “Good, pero are you sure you are okay? Tiny, you can be honest with me” lambing ng binata sabay humaplos konti sa gilid ng braso ng dalaga. “I am..now” bulong ni Cristine kaya nagngitian sila. Sa dressing room area lumabas si Greg at nagulat nang makita niya si Jelly. “Wow Greg, you look so handsome” sabi ng bading kaya halos lumutang na sa ere yung binata. “Niloloko mo naman ako Jelly e, teka bakit ka nandito? Nasan si Enan?” tanong ni Greg kaya hinila ng bading yung binata sabay nagturo sa polo section. “Uy..yiheee..” bigkas ni Greg. “I know right” sagot ni Jelly. “Pero bakit parang estatwa sila, nag uusap ba sila?” tanong ni Greg. “Ay ewan ko sa dalawang yan, pero Greg ha ayos yang porma” sabi ni Jelly. “Salamat, si Enan yung pumorma sa akin” sabi ng binata. “Ay eto pa pala sa iyo daw. Teka Greg kung may lakad kayo sana icancel mo muna parang awa mo na” sabi ni Jelly. “What is wrong?” tanong ni Greg. “Diyos ko ngayon lang nagpahinga yung Kraken, umamo bigla kaya please please lang kung may lakad kayo ni Enan ngayon icancel mo na. Look at my arms o panay pasa, puno ng kurot tapos tignan mo porma ko, para akong kapatid na babae ni April Boy” sabi ni Jelly. “Is something wrong with Cristine?” tanong ni Greg. “Ah..eh wala naman pero look at her, she is at peace while with Enan kaya kung may awa ka sa akin hayaan mo sila magsama” sabi ni Jelly. “Sure, wala naman kaming lakad pero akin din ba yan?” tanong ni Greg sabay turo sa isa pang polo na hawak ng bading. “No, its mine” sabi ni Jelly kaya pigil tawa si Greg. “Since nandito narin lang ako, itong black hmmm no. Wag kang magblack kasi nakakatakot ka na, pag nag black ka pa parang ikaw na yung body guard ni kamatayan. Dapat sa iyo…oh magaling mamili si Enan ha. Eto orange bagay sa iyo, papatakan mo ng P para lalong bumagay” sabi ni Jelly kaya nagtaas ng kilay si Greg. “Wag kang ganyan babae ako Greg” sabi ni Jelly. “E kung kalbuhin kita, di na halatang babae ka, mukha ka nang lalake” bulong ni Greg. “I was just kidding, to naman pinuri na nga kita, etong baby blue, no no no, but this lime green yes bagay sa iyo. Pink…oo pwede sa iyo to para mag balance yung fear factor mo, pag pink suot mo magkokontrahan pag iisip ng mga tao” hirit ni Jelly. “Sige lang Jelly, may araw ka din sa akin” sagot ni Greg. Sa may polo section bungisngis sina Enan at Cristine pagkat pareho silang speechless. “Kailan ipapalabas yung movie mo? Para naman alam ko at manonood ako” sabi ni Enan. “Malapit na actually at…hmmm…bigyan kita ng ticket sa premiere night” sabi ni Cristine. “Uy, ah eh yayahin din sana kita sa bar kahit minsan pero alam ko busy ka” sabi ni Enan. “Sure, why not. Para naman mapanood kita ng live, naks congrats pala ha. Permanent ka na ba don?” tanong ni Cristine. “Well not really, tinetesting ko siya now habang may classes ako. Pag kaya ko ipagsabay itutuloy ko pero pag hindi then sad to say ititigil ko siya” sabi ni Enan. “Sayang, so kumusta naman si Mikan?” tanong ni Cristine. “Ayon sobrang busy niya kasi nagrerecord siya ng album niya. Kasama ako sa isang song don pero di ko pa alam when kami magrecording. I am happy for her kasi masama yung pinagdaanan niya dati. Second chance na niya ito” sabi ni Enan. “Wala ka ba gusto aminin?” tanong ni Cristine. “About what?” tanong ni Enan. “Oh I don’t know, you and Mikan maybe” pacute ni Cristine ngunit sa loob loob niya matinding selos ang nararamdaman niya. “Wala naman, kung may aaminin man ako sa iyo e…miss kita sobra…I mean syempre…diba?” sabi ng binata kaya todo pigil si Cristine sa tindi ng kilig. “Of course namiss din kita sobra, iba ka e. Hey tara lakad lakad tayo sa labas” alok ng dalaga at sakto naman nakalapit sina Greg at Jelly. “Hi Greg” bati ni Cristine. “Hello miss Cristine, looking so beautiful as usual” sagot ng binata. “Tapos ka na ba? Kasi lalabas sana kami at maglalakad lakad” sabi ni Enan. “Oo magbabayad nalang ako” sabi ni Greg. “Ay sige na mauna na kayo. Susunod nalang kami ni Greg” sabi ni Jelly. “Ay wait, may napromise ako sa kanila…sis” sabi ng bading. “Sure sure, tara picture taking tayo” sabi ni Cristine. Lahat ng attendant naglabasan ng phone, game na game si Cristine kaya super ngiti si Jelly habang siya yung inatasan na kumuha ng litrato nila. Limang minuto lumipas ngumiti si Cristine, “May nakalimutan ba ako pirmahan?” tanong niya. “Wala na ata, okay thank you” sabi ni Jelly kaya nauna nang lumabas sina Enan at Cristine. “Oh shoot, wow binigyan ako ng discount” sabi ni Greg habang tinitignan niya yung resibo niya. “What do you expect? Kasama si Cristine e, ganyan most of the time” sabi ni Jelly. “You guys want ice cream?” tanong ni Cristine. “Oo ba” sabi ni Jelly. Sa harapan ng ice cream booth tumayo si Enan, si Cristine naman nakatayo sa kaliwa niya sabay dumikit konti. “Aray” bigkas ni Greg pagkat nakurot siya ng sobrang sakit ng bading na kasama niya. “Shet kinikilig ako bigla” sabi ni Jelly pagkat nakita niyang umakbay bigla si Enan sa waist ni Cristine kaya napadikit ng husto ang dalaga sa katawan ng binata. “Ano gusto mo?” tanong ni Enan. Kanan na kamay ni Cristine kumapit sa likuran ni Enan, dahil gusto niya patagalin yung sandaling yon nagkunwari siyang hindi makapili. “Hmmmm eto at eto pero one cone please” sabi ni Cristine. “Ah akin ay…” sabi ni Enan. “Share nalang tayo” bulong ni Cristine kaya nagtitigan yung dalawa. “Kasi yung isa lang gusto ko talaga, yung isa gusto ko lang tikman so…share?” pacute niya. “Oh sige ba” sabi ni Enan. Sa tabi ng booth sila pumwesto kaya sina Greg at Jelly naman ang humarap sa booth. “One cone din?” tanong ng nagbebenta. “Ulol” sabay na bigkas nina Greg at Jelly kaya laugh trip sa gilid sina Enan at Cristine. Take turns sina Enan at Cristine, pagkatapos dumila balik ngitian sila kaya pareho silang bungisngis. Biglang nahihawak si Cristine sa cone at lalong lumapit kaya halos mag face to face na talaga sila at tanging yung ice cream ang namamagitan. Pagdila ni Cristine natawa si Enan, “Tiny daliri ko yon” sabi ng binata. “Kaya pala maalat” biro ng dalaga kaya laugh trip sila. “Nakakamiss ka talaga” sabi ng dalaga. “Pati naman ikaw, with that said baka naman pwede kita madalaw sa set niyo para naman makita ko pano ka magwork” sabi ni Enan. “Ah..pero malayo kasi yung shooting area namin” sabi ni Cristine. “Ah Tiny, ah may car na ako” bulong ni Enan. “Ows? Really? Come to the set this Saturday then, remind me ibibigay ko yung address, kasi last scenes na at iisa lang lugar nalang kami” sabi ng dalaga. “Okay lang ba?” tanong ni Enan. “Oo naman, I would really like that. So how about deal tayo, you come visit me sa set then ako naman dadalaw sa bar to watch you perform” sabi ni Cristine. “Naman, yung term na perform” sabi ni Enan. “E performer ka na, sabihin ko sana singer ka pero you are more than that now. Oh by the way I love your hidden videos with Greg” “Pag bad mood ako agad agad pag umuuwi ako nanonood ako agad para sumaya ako” sabi ng dalaga. “Really? Bakit hindi ka man lang nagcocomment? “ tanong ni Enan. “E nauuna yung tawa ko e, o eto o” sabi ng dalaga sabay pinindot dibdib ng binata. “Like, ilan gusto mo?” pacute ni Cristine kaya natawa ng husto si Enan. “Uy Tiny ha, marunong ka na ha” biro ni Enan. “Ikaw kasi e, gusto mo magcomment pa ako?” tanong ng dalaga. Tinignan ni Enan dibdib niya pero biglang nilapit ni Cristine bibig niya sa tenga ng binata. “I miss you”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD