Chapter 7: Jump Start

3424 Words
“Kung ako tatanungin mo hindi ko masasagot kung gano ko siya kamahal. You are giving me reasons and you think I will just step back because of those. Just because I cannot verbalize my feelings for him you already think I don’t love him. You are wrong!” sigaw ni Cristine. “Kung gusto mo malaman gano ko siya kamahal sige subukan mo siya ahasin at makikita mo. Malalaman mo kung gano ko siya kamahal. I dare you to even try to flirt with him one more time and you will not only feel my palm on your cheek” hirit niya sabay biglang sinampal yung babaeng nasa harapan niya. “Oh that slap, it was just because I wanted to. Kasi kaya ko” hiyaw ni Cristine sabay bumira ulit ng isang sampal. “Cut!” sigaw ng director, biglang nagpalakpakan ang lahat ng tao sa set ngunit si Cristine agad niyakap yung co actress niya. “Hey I am so sorry kung nalakasan ko ha” lambing niya. “Okay lang, kita mo naman na it was good take” sagot ng dalaga. “Pero sorry parin ha, nadala lang ako sa eksena” sabi ni Cristine. “Oo I know, grabe madami ako matututunan sa iyo ate” sabi ng dalaga. “Di naman, sorry talaga ha. Chat with you later” sabi ni Cristine. Pagpasok ni Cristine sa kwarto pumalakpak si Jelly, “Grabe ka, damang dama yung acting mo. Sis as in super galing mo, pati facial reaction mo, yung panginginig mo talaga sa galit ang tindi. Parang true e no? Nilalabas mo talaga yung true feelings mo no?” landi ni Jelly kaya natawa si Cristine. “Inspired lang ako or maybe I am getting ready. Marami sila e” sabi ng dalaga. “Di ka parin maka get over?” landi ni Jelly. Super ngiti si Cristine, “Parang gusto ko ulit ng ice cream, I never like ice cream pero after sharing ice cream with him parang favorite ko na. Bibili tayo ulit nung Pistachio flavor” sabi ni Cristine. “Sino ulit yung dadalaw sa set sa Sabado?” landi ni Jelly kaya natili si Cristine at humaplos sa kanyang puso. “Hay, kaya nga babagalan ko yung takes para sumakto sa Sabado yung take na may dialogue na nagsasabi ako ng I love you” sabi ng dalaga na todo pacute. “Aysuuss, sis happy ka?” tanong ni Jelly kaya pumikit si Cristine at napangiti ng husto. Samantala sa tambayan sa school lakad ng lakad si Greg kaya tawang tawa si Enan. “Hoy ano ka ba? Papansin ka naman e, maupo ka nga dito” sabi ni Enan. “Alam mo ba pare ang daming nagsabi na I look different, ang dami nagsabi na ang porma ko daw ngayon” sabi ni Greg na parang bata. “Ano ba ginagawa mo? Inaattract mo yung girls? Sino ba talaga yung gusto mo pormahan? Wala siya dito, taga ibang school siya. Maniwala ka nalang kasi sa Intergalactic bae, ako na mismo nagsasabi sa iyo na you look good” sabi ni Enan. “Okay pare, uy pare siya nga pala. Ang sweet niyo ni Cristine ha. Uy ano yon? Balikan ba?” tanong ni Greg. Di sumagot si Enan, nakangiti lang siya kaya siniko siya ng kanyang kaibigan. “Uy ano yon?” tanong niya. “Mukhang may balikan na magaganap ah” sabi ni Greg. “Grabe pare, nakatalikod ako then naamoy ko yung perfume niya. Oo alam ko di lang naman siya gumagamit ng ganon na perfume pero nagwish ako that moment na sana siya…pagtalikod ko grabe pare lumusko talaga puso ko nung nakita ko siya pero nakatalikod e” “I knew it was her, kahit nakatalikod siya alam ko siya yon. Then she turned around, parang tumigil puso ko pare. Kahit na naka cap siya ang ganda niya parin. Super speechless ako aaminin ko at ewan ko bakit, parang ang dami kong gusto sabihn sa kanya kaya lang walang gustong lumabas. Gusto ko lang siya titigan ng matagal as in super tagal” kwento ni Enan. “Pare ganyan din ako pag kasama ko si Lea” sabi ni Greg. “Excuse me emo time ko ito, pwede ba yung artistahin muna magshare bago yung extra?” banat ni Enan. “Ogag” sabi ni Greg kaya natawa si Enan. “Hay pare, tsk kaya she said she misses me, ang malungkot I was only a friend to her” sabi ni Enan. “Ano? Anong only a friend?” tanong ni Greg kaya nanlaki ang mga mata ni Enan pagkat nadulas siya. “Baliw linya mo yon, ako lang nag interpret para sa iyo” palusot niya. “Ang sakit mo naman magsalita pare, pinangunahan mo na kami ni Lea. Akala ko ba kakampi kita” drama ni Greg. “This is not about Lea, si Cherry ito. Kasi napapansin ko kaya ka naglalakad lakad kasi gusto mo siya dumaan para makita niya new look mo. O ano aminin mo. Enan knows pare, wala kang maitatago sa akin” muling palusot ni Enan. “Oo na aaminin ko” bulong ni Greg. “See that, Enan knows. Anyway where was I? Si Tiny, ah wag nalang natin siya pag usapan, basta pare nandito siya” sabi ni Enan sabay turo sa kanyang puso. “Kaya nga pare, may comeback ba?” tanong ni Greg. “Kung meron man back to zero pare” sabi ni Enan. “Back to zero? Bakit naman back to zero? E naging kayo naman noon ha” sabi ni Greg. “Pare listen to me, oo nagmahalan kami noon, natapos ang relasyon namin kaya kailangan back to zero. Hindi pwede yung magkita ulit tapos press continue to play” “Hindi ganon pare, siguro pwede ganon sa iba pero may nangyari kaya natigil ang relasyon namin. Its better to start fresh, back to zero, paghirapan ko yung matamis niyang oo then pag kami na ulit then yung good memories nalang ng nakaraan namin ibaon namin” sabi ni Enan. “Starting from zero will likewise diminish the problems why the relationship ended in the first place” sabi ni Enan. “So you mean to say kasalanan mo pala bakit kayo naghiwalay non?” tanong ni Greg. “Of course not, walang may kasalanan, walang bintangan, it ended so both sides are at fault. Walang finger pointing, yan ang tandaan mo” sabi ni Enan. “Pero pare pag mahal mo talaga kahit akuin mo nalang yung sala, kung may problema ikaw na gumawa ng paraan” dagdag niya. “Yeah kasi ganito tayo e” sabi ni Greg. “Tado wala kinalaman dito pagka exotic natin, kung mahal mo talaga yung ang tamang gawin” sabi ni Enan. Umakbay bigla si Greg pagkat napansin niya na biglang may dinadamdam si Enan. “Ano problema pare?” tanong niya. Tumayo si Enan sabay nag inat, “Nag ensayo lang ako ng drama skills sa tingin mo may problema na ako? Pare naman, masayang masaya ako kasi nakasama ko si Tiny. Period. Honesetly masayang masaya ako” sabi ng binata. “Alam ko, inggit na inggit ako sa inyo non. Ang sweet sweet niyo, may time pa nga akala ko maghahalikan na kayo e” sabi ni Greg kaya naupo si Enan, nagbungisngis sabay biglang pinagsisiko kaibigan niya. “Aray ko” reklamo ni Greg. “Ganito ako pag kinikilig ako, ano gusto mo kurot? Kaya tiisin mo” sabi ni Enan. Bago makapagsalita si Greg biglang tumayo si Enan at tumakbo. “Clarisse!” hiyaw niya kaya lahat ng nasa campus napatingin. Umiiwas yung dalaga ngunit ang bilis na nakahabol ni Enan. Agad yumakap si Enan ng sobrang higpit, “Enan” reklamo ng dalaga sabay natawa. “Iniiwasan mo ba ako? Ha? Pag nakikita mo ba ako naalala mo siya?” tanong ng binata. “Hindi ha, busy lang ako” palusot ng dalaga. “Busy ka diyan, halika sama ka sa tambayan” sabi ni Enan sabay hawak sa kamay ng dalaga. Huminga ng malalim si Clarisse, napangiti at napayuko ng ulo habang sinusundan ang binata. Pagdating sa tambayan tumayo si Greg, “Long time no time ha, kumusta ka na?” tanong ng binata. “Hi Greg, uy wow ha, you look different. Ang porma mo” sabi ni Clarisse kaya napangiti ng husto si Greg at napahaplos sa batok niya. “Uy uy uy di na matanggal ngiti o, upo ka Risse, ikaw talaga iniiwasan mo kasi we remind you of him ano?” sabi ni Enan. “Di naman ganon, basta” sabi ni Clarisse. “Risse naman e, alam namin you are hurting pero di mo ba naisip kami ni Greg ang mga hari ng move on? Hey mga katulad namin na exotic breed ay mga masters ng moving on. Kasi ganito yan, pag may makita kaming type namin, alam namin na walang pag asa agad so move na agad. Pagkakita palang doon na nagsisimula yung moving on stage” sabi ni Enan. “Oo nga tama siya Clarisse” sangayon ni Greg. “Uy grabe naman kayo, wag niyo naman ganyanin sarili niyo. “Hay naku Risse, yan ang katotohanan” sabi ni Enan. “Clarisse, balik ka na dito, kami nalang ni Enan e. Sa totoo nga nagkakalapit kami lalo tapos parang may nabubuo nang feelings, you know” banat ni Greg kaya napahalakhak ng husto ang dalaga nang nagtitigan yung dalawa at nag beautiful eyes sa isa’t isa. “So you are starting to feel something too, akala ko ako lang” drama ni Enan. “Pare sorry di ko na natiis at nasabi ko na” sagot ni Greg kaya napahiyaw talaga si Clarisse. Lumipat ng pwesto si Enan at tumabi kay Greg, nagdikit yung dalawa at nagtitigan ng sobrang lagkit. Biglang tumayo ang dalaga at pinaghiwalay mga mukha nila pagkat umaakting na silang maghahalikan. “Okay na okay babalik na ako dito” sabi ni Clarisse. “Ayan, namiss ka namin. Namiss kita” sabi ni Enan. “Oo nga Clarisse para kang nanay namin dito e, tignan mo pati yung dalawa umalis narin. Sige ka baka next time magulat ka nalang na magkaholding hands na kami ni Enan sa campus” banta ni Greg. Super tawa parin si Clarisse kaya naupo siya at tinungo ang kanyang ulo, “Namiss ko din kayo lalo na ikaw Enan” sabi niya. Lumipat ng pwesto ang binata at tumabi sa kaibigan niyang babae sabay inakbayan ito. “Okay lang naman kahit tayong tatlo ha, o nalaman ko pala lagi kayo magkasama ni Violet, sana tumambay siya ulit dito para apat tayo” sabi ni Enan. “Sige sabihin ko sa kanya pero nag aapply siya dun sa threatre group e. Ewan ko ba dun sa babaeng yon” sabi ni Clarisse. “Uy sis alam mo bagay na bagay mo yang buhok mo” sabi ni Greg. “Oo nga e, lumabas mukha niya talaga” sabi ni Enan sabay biglang niyakap ng mahigpit yung dalaga. Super bungisngis si Clarisse, kiniilig siya at nakikiliti pagkat nakadikit yung isang pisngi ng binata sa isang pisngi niya. “Uy alam niyo..ewan ko lang ha pero bagay kayo” sabi ni Greg. “Di ko alam kung insulto yan o hindi e” “Pare lahat ng babae bagay sa Intergalactic bae, lahat ng babae bagay sa akin kasi ganon ang kagwapuhan ko pwede sa lahat. Di mo na kailangan sabihin na bagay kami kasi automatic na yon” banat ni Enan. “Oo nga naman, sorry boss ha nakalimutan ko” landi ni Greg. “Enan ano ka ba? Baka sabihin nila tayo na” reklamo ni Clarisse. “Isa pa to, parang nakalimot na talaga e. Lahat ng babaeng tumatabi sa akin akala ng lahat agad kami, okay lang yon. Inggit at selos lang ng tao nagsasalita pag ganon” landi ni Enan. “Uy wait ha, ako okay lang na maisip nila ganon pero parang its just too soon. At alam naman ng karamihan mag bestfriend tayo” sabi ni Clarisse. “Kaya nga, I just missed you kaya eto yakap yakap kita. Pero Clarisse, alam namin may dinadala ka sa dibdib mong mabigat, nandito kami ni Greg” “Wag lang si Violet kausap mo, kahit naman na lalake kami okay lang naman. At kakampi ka naman namin e. Alam mo you can talk about girl stuff with us, diba Greg” sabi ni Enan. “True sis, kasi tinuturan aketch ni Enanilou, sabi niya in order to treat a girl right we must understand what it is like being a girl kaya etow” banat ni Greg kaya super halakhak si Clarisse. “Fisty” landi ni Enan sabay inabot kamao niya sabay inusli pinky. Halos mabaliw sa katatawa si Clarisse nang dinikit ni Greg kamao niya pero yung mga pinky nila nagkiskisan at naghook. “I am so proud of you talaga Grega, ganon naman talaga e” “Kung gusto natin makibagay kailangan natin din intindihan yung kabilang partyline chorvah. Kaya eto in touch kami sa aming hidden female side, Risse eto kami ready to go girl bonding with you anytime. Pag may girl problems ka don’t be shy to share it with us” landi ni Enan. “Kung gusto mo pag monthly dues mo na kami din makiki monthly dues, pwede naman namin itry magsuot ng ayon, yung ayon para sa iyo para naman masabi mo na we are one with you sis” banat ni Greg. “Kadiri ka pare, mag isa mo” sagot ni Enan kaya humiyaw si Clarisse, luhaan na siya at mukhang nasiraan na ng bait. “Risse basta nandito lang kami tandaan mo” sabi ni Enan kaya nagpunas ng mag luha ang dalaga. “Thanks guys, grabe kayong dalawa. Gumaganda yung tandem niyo sa pagpapatawa” sabi ng dalaga. “May dinadamadam ka kasi e, share it with us, tignan mo kami malalaking karne kami. Kahit kami nalang magbuhat para sa iyo. O kahit ako nalang Risse, wag kang mahihiya mag open up sa amin. Hey I open up with you most of the time diba? Lagi ka nandon para sa akin” “Ang pagkukulang ko sa iyo dapat nag exert ako effort. Sabi ko kasi baka you needed time alone pero mali ako e. Dapat hindi kita hinayaan maging alone, eto o may resbak pa ako si Greg” lambing ni Enan. “At Clarisse, bumalik ka na, kailangan ko ng real girl opinion and help kasi balak ko na ligawan si Lea. Ito kasi si Enan minsan parang matindi ang aning aning” makaawa ni Greg. “Wait let me ask you, seryoso ka ba talaga sa kanya?” tanong ni Clarisse. “Ayan na, ayan na si Risse” sabi ni Enan. “Oo naman, well I like her already. Ilang beses na kami nagkasama” sagot ni Greg. “Alam mo hindi yan ang batayan dapat, its easy to feel something for someone kasi lagi kayo magkasama” “Most of the time false feelings lang yon. Listen to me, syempre gusto ko kayo ni Lea pero Greg why don’t you give it a little more time. Kilalanin mo pa siya ng mabuti. Tignan mo ako, akala ko nakilala ko ng mabuti si…kaya ko sinagot per in the end e he has been cheating on me from the beginning pala” sabi ng dalaga kaya napabitaw si Enan at nanlaki ang mga mata niya. “Ano sabi mo?” tanong ng binata. “Enan enough, past is past” sabi ni Clarisse. “No, ulitin mo sinabi mo. How did you find out?” tanong ng binata. “He came to return some things of mine and madami don hindi naman sa akin” bulong ng dalaga. “Uy Enan” sabi ni Greg pagkat nanlilisik ang mga mata ng kaibigan nila. “Enan let it go already” lambing ni Clarisse. Umamo mukha ng binata sabay napailing, “Tsk bakit hindi namin nahalata, is that the reason why iniiwasan mo kami kasi akala mo kinunsinti namin siya?” tanong ni Enan. “Of course not, you two are innocent” sabi ni Clarisse kaya napatayo si Greg at siya naman yung biglang nagalit. “So you mean to say Tommy and Jason knew about it?” tanong niya. “Sagutin mo siya Risse” sabi ni Enan. “Oo ata” bulong ng dalaga kaya tumayo narin si Enan. “So ano balak mo?” tanong ni Greg. Tinignan ni Enan si Clarisse kaya naupo ulit siya, “Sit Greg, wag nalang natin sayanging oras natin sa kanila, kay Clarisse nalang” sabi ng binata. “Kung napasubo tayo si Clarisse din lang yung masasaktan, oo nasaktan na siya pero pag may mangyari sa atin lalo pa siya masasaktan. May araw din sila maniwala ka sa akin” sabi ni Enan. “So wala tayo gagawin?” tanong ni Greg. “Risse wala kami gagawin pero that does not mean wala kaming pakialam. We care for you but right now I am deciding to choose you. Greg ano sa tingin mo? Ilang araw bago natin maibalik yung dating Clarisse?” tanong ni Enan. “Give or take three days, isagad mo na one week” sabi ni Greg kaya bungisngis na ang dalaga. “Good, unahin na natin maibalik siya sa tamang anyo niya bago pa natin isipin yung iba. So Risse saan mo gusto mag lunch? Name it at treat ko kayo today” sabi ni Enan. “At sasakay tayo sa bagong kotse niya” sabi ni Greg. “Really? You have a car already?” tanong ng dalaga. “Its not much but oo meron na Risse” sabi ni Enan. “Wow, ansensado ka na ha. Naks I am so proud of you” sabi ng dalaga. “So sige name it, kahit saan kain tayo” sabi ni Enan. “Well di naman ako matakaw, alam niyo naman yon. Kayo nalang mamili” sabi ng dalaga. “No no no, you need comfort food. Ako na yung magiging comfort guy, comfort shoulder tapos si Greg yung comfort room” banat ni Enan kaya napahalakhak si Clarisse. “Hindi ba pwedeng comfort bodyguard nalang pare? Kailangan talaga comfort room ako?” reklamo ni Greg. “Greg, nung sinabi ako magiging comfort person niya automatic kasama na don yung comfort body guard. Comfort room ka hindi ibig sabihin banyo, ano ka ba? Babae siya, ang ibig ko sabihin na comfort room ka, kung ano pa kulang na di ko kaya maibigay sa kanya sagot mo na” “Gets mo ba? Comfort room, room as in space, yung kulang ko ikaw na bahala. Oo hindi lang maganda pakinggan pero now gets mo na ba?” tanong ni Enan. “Sure sure, oo naman basta para kay Clarisse” sabi ni Greg. “Okay good, Risse pwede mo na siyang tawaging Bunny starting today” sabi ni Enan. “Bunny? Tol naman” reklamo ni Greg. “O ano gusto mo banyo talaga? Bunny na nga para cute e. Sige tagalugin mo yung comfort room, hala sige pag may maisip kang maganda yun ang official tag mo” banat ni Enan. “Tado, pwede naman Greg lang ha” sabi ng kaibigan niya. “O di Greg lang” sabi ni Enan kaya naluha ulit si Clarisse sa katatawa. “Hay naku kayong dalawa talaga. Ang hirap mag emo pag kayo ang kasama” sabi ng dalaga. “O siya mauna na ako at may klase pa ako” sabi ni Greg. “Greg wag masyado bilib sa sarili” sabi ni Enan. “Yes idol, act normal. Pag pinuro ngumiti lang at balewalain” sagot ng kaibigan niya. “Wag lalaki ang ulo mo kasi tandaan meron at meron mas gwapo sa iyo, ako yon. Always remember the intergalactic bae is here” sabi ni Enan. Pagkaalis ni Greg tinignan ni Enan si Clarisse, “Wag mo na uulitin yon ha, alam mo naman nandito ako lagi para sa iyo kahit anong mangyari. Kahit na umabot pa ako sa Divine Bae status, Risse nandito ka lagi” sabi ng binata sabay turo sa kanyang puso. Napangiti si Clarisse, pumikit at sumandal nalang sa binata kaya muli siyang inakbayan ni Enan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD