Chapter 8: Kaba

3292 Words
Sa loob ng dressing room ng bar hinaplos ni Mikan balikat ni Enan. “Are you okay? May sakit ka ba?” tanong ng dalaga. “Ah wala, kasi bukas ah pupuntahan ko si Tiny sa set nila. Medyo kinakabahan ako” sabi ng binata. “Bakit ka naman kakabahan?” tanong ni Mikan. “E panay artista ang nandon e, baka kung ano pa masabi nila. Nagdadalawang isip na nga ako pero hindi ko naman alam ano sasabihin kong palusot sa kanya” sabi ng binata. “Enan what is wrong with you? Bakit ka nagkakaganyan?” tanong ni Mikan kaya humarap ang binata at nanlaki ang kanyang mga mata. “Mikan, bakit ibang kulay ng mga mata mo?” tanong ni Enan kaya natawa yung dalaga. “Tinetesting ko lang tong colored contact lenses” sabi ng dalaga. “Mukha kang alien, ibahin mo. Uy ngayon ko lang napansin ah, tumaba ka” sigaw ng binata kaya nagsimangot yung dalaga at naupo. “Hala tumataba ka, huh kain ka ng siguro ng kain sa road tour niyo ano?” biro ni Enan. “Tsk naman e, bakit mo pa kasi pinansin. Ayaw ko na lumabas” tampo ng dalaga. “Hindi naman masyado sa totoo pero syempre lagi tayo magkasama kaya napansin ko. Masasarap ba pagkain sa road tour? Magkwento ka nga, maaga pa naman e” sabi ng binata kaya naupo siya sa tabi ng dalaga. “Di naman road tour pala yon, sabit lang ako no. Front act lang ako” sabi ng dalaga. “Kahit na magkwento ka” sabi ni Enan. “Well ilang provinces ba yon? Four in four days, di talaga siya concert e, oo parang concert pero to be honest it was more like a campaign. Diba malapit na elections, so itong mga balak tumakbo na nakaupo pa concert kunwari” sabi ng dalaga. “I was expecting na papaya ka nga e pero iba nangyari” hirit ni Enan. “Tsk, sige pa asarin mo pa ako. Anyway front act nga lang ako, so after set ko hala sige kain. Nakakahiya tumanggi, parang nililigawan kami ng mga politiko kasi e. They are being super nice para pagdating ng campaign period alam mo na” sabi ni Mikan. “Natry mo na ba sa campaigns?” tanong ni Enan. “Oo naman, malaki bayad don uy. Yung mga artista na tulad ni Cristine siguro di bababa ng one hundred thousand per appearance” kwento ni Mikan. “Oh wow, basta magpakita lang don?” tanong ni Enan. “Wait, mali ako pala. Sa normal province visits pala yung rate na yon. Pag campaign mas mataas pa kasi they expect you to be sa kanila lang. Pero yeah pag kalevel na artista ni Cristine mga one hundred thousand per visit kaya. Iba naman pag singers, pero pag sikat na sikat na singer talaga at gwapo o maganda halos ganon din rates parang first class artista” sabi ni Mikan. “Wow, isang araw lang ganon kalaki na. E magkano naman kaya rate pag ako?” banat ni Enan. “Hindi ka nila afford” sabi ni Mikan. “Yan naman gusto ko sa iyo e, tama ka. Kaya nga eto wala akong mga tour tour na ganyan kasi mamumulubi sila” sabi ni Enan. “Uy baka iniisip mo malaki kinita ko ha, pag oo ililibre kita pero hindi e. Ililibre parin kita naman don’t worry. Starting from zero ako, thankful ako sobra pag meron sa crowd nakakakilala parin sa akin pero mostly parang clueless sino ako” sabi ni Mikan. “Hayaan mo na yung bad memories, ang importante pabangon ka na ulit. Pero grabe pala buhay ng artista talaga no? Pag bumista sa isang province ang laki pala ng kinikita” sabi ni Enan. “Hello kahit sa TV lang no, isang appearance sa isang show sa TV malaki din bayad kaya nila” “Its called talent fee, anyway pag nagsisimula ka at medyo unknown usually pamasahe lang at food. Pag sikat ka di bababa ng ten thousand maybe, di ko na alam rates now e. Pero pag super sikat na artista for sure higher. Imagine that magpapakita lang sa TV, daldal konti or whatever. Iba pa kung may performance” sabi ni Mikan. “Kaya pala ang daming gusto mag artista talaga. Parang ang dali ng pera. Pero alam mo noong kasama ko si Tiny parang wala naman ganon. Baka di lang ako aware” sabi ni Enan. “Cristine is super famous, super pretty kaya for sure malaki kita non” sabi ni Mikan. “Pero pag nalaos ka na wala na ano?” tanong ni Enan. “Totoo yan, tulad ko mag nalaos ako. Siniraan ako so back to zero. Pa gig gig nalang sa bar, kung may event sa mga baranggay sige patulan, pero never akong nagmakaawa na mabigyan ng gig. Okay na ako sa bar kesa na mag beg ako ng gig” sabi ni Mikan. “Sana maging mabenta album mo, sana bumalik ka sa kasikatan, then Mikan sana find time to continue your studies. Kahit na sumikat ka ng husto ulit mag aral ka parin. You will never know e, o kaya mag invest ka agad. I have no idea pag sinabing invest pero it sounds good” banat ni Enan kaya nagtawanan sila. “Wait bakit parang may nasesense ako na may ibang issue dito?” tanong ng dalaga kaya napangiti si Enan. “E kasi, uy sa iyo ko palang to sasabihin ha. As in never ko pa nabanggit sa parents ko, kahit kay Ikang o Clarisse” bulong ng binata. “O game ano ba yon?” tanong ng dalaga. “E kasi..ah wag na baka tatawanan mo lang ako” sabi ni Enan. “Enan, game tell me” sabi ni Mikan. “Wala yon, baka joke lang nila yon sa akin. Ignore ko nalang” sabi ng binata. “Enan, tell me. Maybe I can help you” sabi ni Mikan. “Kasi ganito yon, si Jelly yung PA ni Cristine..may mga friends siya diba? Tapos nung pageant na sinalihan ko noon sila nag ayos sa akin. Yung isa e medyo big time abroad, nagpaalam naman sa akin noon pero inakala ko lang na joke time” sabi ni Enan. “Ay ang tagal, get to the point” sabi ni Mikan. “Ayun, she pero he talaga siya ha, she asked permission na gagawa daw siya ng portfolio ko whatever that is tapos ipapakita daw niya sa ibang mga I don’t know where. Then days ago nag e-mail siya sa akin, di ko pa sinagot actually” sabi ni Enan. “Hay, namamatay na yung excitement ko Enan” sabi ng dalaga. “Okay, bale kasi..sabi niya may isa daw na interested kumuha or mag try out sa akin. I need to send more ah…photos of me” bulong ng binata. “Oh my God! Magiging artista ka talaga? Wow tapos foreign country pa. Wow I am so happy for you” “Oh my God, kahit ano pang film yan, for sure independent film siguro yan. Hala baka yung itsura mo sumakto sa pag iisip nung writer or director or whatever, oh my God Enan hala” sigaw ni Mikan. “Hindi artista e” sabi ng binata. “Ay..e ano?” tanong ng dalaga. “Ah model ng condom sa AM radio station” banat ni Enan kaya napatigil saglit ang dalaga, tinakpan niya bibig niya sabay sinubukan magpigil ng tawa. “Pwede ba yon?” tanong niya kaya natawa ng malakas si Enan. “Ah ewan ko sa iyo” sabi ni Mikan sabay nagtaray. “Sorry na, oh its your monthly allowance. Sorry na. Mikan, model daw e, ewan ko anong klaseng big time joke time yon” sabi ni Enan. “Wow pabasa nga ng e-mail” sabi ng dalaga kaya nilabas ng binata phone niya. Natapos basahin ni Mikan yung e-mail, “Enan eto yung friend ni Jelly na sikat? Alam mo her name sounds familiar e, nabasa ko sa isang fashion magazine ata noon” sabi ng dalaga. “Tumigil ka nga, okay naman ako sa mga bading, I respect them but can you blame me if I am a bit scared? Tapos ako? Me? Hello bakit ako?” sabi ni Enan. “Nag name drop siya dito sa e-mail and again it sounds familiar. Enan what if this is true? I mean you have a great physique” sabi ni Mikan. “Alam mo hayaan mo na yan. Baka joke time lang yan” sabi ni Enan. “And what if its not? What if totoo siya?” tanong ni Mikan. “Mikan look at me, be honest, do not be my friend then look at me” sabi ni Enan. Nilabas ng dalaga phone niya sabay lumapit sa binata. “Take off your shirt” utos niya. “Mikan, now is not the time to be naughty” landi ni Enan. “Enan alam mo meron ako ngayon, hindi ako yung kaibigan mo kaya take off your shirt” sabi ng dalaga. Inalis ni Enan pantaas niya, tinulak siya ng dalaga para sumandal ito sa wall. “Hala sige raise your hands and mag walling ka” sabi ni Mikan. Natawa si Enan pero natakot sa titig ng dalaga. Tinaas ni Enan mga kamay niya at humawak sa wall, bigla siyang kinuhanan ng dalaga ng litrato sabay naupo. “Aanhin mo yan?” tanong ni Enan. “Will you just trust me” sabi ni Mikan. “Uy bakit mo pinapadala yung photo ko sa chat? Mikan kumakain ka narin ba ng d**o?” tanong ni Enan kaya tinignan siya ng dalaga. “Anong kumakain ng d**o?” tanong niya. “Ah wala” sagot ni Enan. Tumunog phone ni Mikan kaya tumayo ang binata sa likuran ng dalaga at dumungaw. “Yummy, sino siya?” sagot sa chat. “Hoy Mikan sino yan? Wow ha” sabi pa ng isa. “Ano yan group chat?” tanong ni Enan. “Wait lang” sabi ng dalaga sabay nagreply. “Oh my God, hala ano yan? Di ako nagsend niyan. Navirus ata phone ko. Uy sorry sorry” sagot ng dalaga sabay tinignan si Enan. “See, you have a really good physique, at alam mo Enan remind me nga at manood tayo ng mga vids ng catwalk fashion shows. You will be surprised I promise you” sabi ng dalaga. “At bakit naman?” tanong ni Enan. “You see Enan your face may be not the…pano ko ba sasabihin ito?” tanong ng dalaga. “Pangit, its okay say it” sabi ng binata. “No, wait nga, nakakainis ka na ha. Ngayon pa pinag iinit mo ulo ko” sabi ni Mikan kaya natawa si Enan. “Last time na monthly allowance mo di ka ganyan kasungit” biro niya. “Shut up, di pareho ang mga monthly allowance. May times na very sensitive ako. Eto tignan mo, ano masasabi mo diyan sa babaeng yan?” tanong ng dalaga kaya kinuha ni Enan yung phone at tinitigan yung litrato. “Ah…nice brea..mamary glands” sabi ni Enan. “She has a nice body right? Sexy ano? Pero yung mukha niya ano masasabi mo?” tanong ni Mikan. “Well, parang we came from the same country you know what I mean” sabi ng binata. “FYI Enan, she is one of the most sought after models in the world. Eto yung mansyon niya, eto yung mga kotse niya, ayan take a good look at her” sabi ni Mikan. “Siya? Di nga?” tanong ng binata. “Enan yung iniisip mong mga gwapo at maganda pang pageants mga yon, dito sa Pinas oo panay magaganda at gwapo nakikita mo sa mga billboards pero sa ibang bansa lalo na sa mga fashion shows its all about phsysique. Yung damit ang bida don, at kailangan maganda yung katawan ng model” “I am not saying you are pangit, you are handsome, honestly I find you handsome. Yung term na exotic kasi nilalagyan mo ng meaning na pangit, pero when they say exotic in terms of beauty or appearance it really means not ordinary, hindi yung normal ganda o gwapo na alam ng lahat” “Don’t you know foreigners say exotic beauty ang Pinay kasi kakaiba ang Pinay compared sa ganda na alam na nila at nakikita araw araw sa bansa nila. Dito sa atin pag may makitang foreigner tapos may kasamang Pinay na lets say not commonly pretty or to be harsh pangit, sasabihin agad pineperahan o jackpot diba? Pero sa totoo gandang ganda na yung foreigner na yon sa Pinay na yon” “Enan kung ako nga nagwagapuhan ako sa iyo pano pa kaya yung ibang tao sa ibang bansa diba? At isuot mo nga shirt mo, grabe ka nakaka distract ka na e” reklamo ng dalaga kaya niyuko ni Enan ulo niya sabay napangiti. “May kilala akong photographer in case interested ka sumagot sa email ng friend ng friend mo” sabi ni Mikan. “Hindi na siguro” sabi ni Enan. “Enan ano ka ba? What if legit yan? Hey remember you keep saying gusto mo tulungan parents mo, o alam mo ba if ever makuha ka kahit isang show lang baka kumita ka ng ten thousand dollars” sabi ni Mikan. “Seryoso ka?” tanong ni Enan. “Not sure pero basta kikita ka. Tapos hindi pa dito yan so you get to travel for free. At di ko naman sinasabi na superstar ka agad no. Yan e-mail na yan nagsasabi na may chance, para bang eto bukas yung bintana o, tinutulungan ka na nga ng friend ng friend mo” “Listen to me, ako oo pangarap ko maging singer eversince, yung pangarap ko instant pero hindi pala ganon. Magsisimula ka sa baba talaga, I am sure ganon ka din, itong e-mail parang try out lang…pero what if diba?” lambing ng dalaga. “Parang hindi kasi totoo, if joke yan I will be fine with it pero pag totoo man yan parang hindi ba matanggap ng pag iisip ko” sabi ng binata. “Hay naku, minsan hindi kita maintindihan. Drama kang ganyan ka pero eto chance mo na para maka break free drama ka ulit na…hay ewan ko sa iyo” sabi ni Mikan. “Happy na akong ganito ako e” sabi ni Enan. “Well I am not happy for you na ganyan ka lang. Lalo na now nalaman ko may opportunity kang ganyan. Ewan ko sa iyo Enan, pero mahirap ka kausapin minsan at yung minsan na yon e ngayon. Mahalin mo naman kasi sarili mo for a change, mabait ka nang tao, alam ko na yon, alam ng marami yon, maging selfish ka din minsan para sa sarili mo” “No one will blame you naman. Oo madami sa bansa natin ang mga talangka, I am not one of them. I want the best for you because I really care for you Enan. Ikaw happy ka dahil sa second chance ko, you push me so here I am not happy for you too and when I am trying to push you up…nagpapatali ka naman sa baba” Tumayo si Mikan para mag walk out sana pero bigla siyang niyakap ni Enan mula likuran. “Bitawan mo nga ako” sabi ng dalaga pero lalong hinigpitan ni Enan yakap niya sa dalaga. “Enan bitaw” sabi ni Mikan. May narinig silang tunog, napabitaw agad si Enan habang si Mikan natawa ng bonggang bongga. Todo takip sa mukha ang dalaga habang dahan dahan nililingon si Enan, ang binata kunot ang mukha at dahan dahan tumatakip kamay niya sa kanyang ilong. “Hahaha ang kulit mo kasi e, sabi ko bitaw e. Lalabas dapat ako at doon mag exhale” sabi ng dalaga na inatake yung binata ng kurot. “Akala ko mag walk out ka kasi galit ka” sabi ni Enan sa mala ngongong boses. “Hahaha uy grabe ka hindi naman ganon kabantot” sabi ni Mikan. “Anong hindi? Anong hindi?” reklamo ni Enan kaya napahiyaw si Mikan nang maamoy niya talaga yung naamoy ng binata. Binuksan ni Mikan yung pintuan saka sinugod yung binata at pinagkukurot. “Angala ko ngwok out nga e” sabi ni Enan. “Bakit naman ako mag walk out, oo galit ako pero di ko ugali yon ha. Proper lang na lumabas para mag exhale din hahaha, kahit na close na tayo e basta hahaha bwist ka kasi ayaw bumitaw” sabi ni Mikan. “Malakas yung tunog” banat ni Enan kaya super halakhak si Mikan at pulang pula na sa hiya mukha niya. “Suot mo nga shirt mo” sabi ng dalaga. Pagkasuot ni Enan biglang yumakap si Mikan ng mahigpit. “Bakit Mikan?” tanong ni Enan. “Wala lang just let me embrace you a little bit longer” sabi ng dalaga kaya tumayo lang ng tuwid ang binata. Pagbitaw ni Mikan ngumiti siya at huminga ng malalim. “Ang lungkot kaya sa road tour, I didn’t even laugh in four days, mga ngiti ko pilit pero kababalik ko lang eto parang loka loka” sabi ng dalaga. “E di next time isama mo ako, I mean alalay mo para may kausap ka” sabi ni Enan. “If only I could, hindi pa ako katulad noon na pwede mag demand for things. Nasa baba parin ako ulit, kung ano sasabihin nila sunod lang ako” sabi ng dalaga. “Kung malapit lang sasama ako, may kotse naman ako. Para may kausap ka at magbabantay sa iyo. Basta pag malapit sasama ako” sabi ni Enan. “Ikaw talaga, hey alam mo ba na best friend na kita? I mean dinaig mo na yung old friends ko” sabi ni Mikan. “Of course I am the best, Intergalactic e” landi ni Enan. “Seryoso Enan, dati dati pag lonely ako labas agad phone ko tapos ichat ang mga BFF, pero nung road trip I didn’t chat with them, I chatted with you” sabi ni Mikan. “Akala mo lang ako yon, sa totoo daddy ko yon. Kasi naman makikipag chat ka ala una ng umaga e. E ang bastos ko naman pag inignore kita o sabihin ko inaantok ako so pinahawak ko sa daddy ko phone ko at siya yung kachat mo” banat ni Enan. “Not funny, kilala na kita Enan. Alam ko ikaw yon and I thank you talaga for keeping me company kahit sa chat lang. So Enan sana wag mo ako makalimutan pag sumikat ka na bilang model ha” lambing ng dalaga kaya natawa si Enan. “Uy biglang singit ng ganon ha, sige since you have faith in me, tawagan mo yung kaibigan mo” sabi ni Enan. Ngumisi ang dalaga, agad dinikit phone sa tenga niya kaya nagulat si Enan. “Wow, ang galing mo ha” sabi ng binata kaya umatras ang dalaga at sumenyas na wag maingay. “Hey Jersey, kumusta?” tanong ni Mikan. “Good good, uy may favor ako sa iyo. I need your help and services kasi my..bestfriend e teka magkita nalang tayo bukas for lunch” sabi ni Mikan. Pagbaba ng dalaga phone niya ngumiti ito, “Bukas kami mag uusap, wala na atrasan ito Enan” sabi ng dalaga. “Oh boy..baka joke lang yan diba?” sabi ng binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD