Sabado ng hapon nakarinig ng busina sina Robert at Rosa habang nanonood sila ng telebisyon sa salas. Walang tigil yung busina kaya tumayo na si Robert sa inis. Lumabas siya ng bahay, binuksan yung gate at nakita yung berdeng kotse sa harapan niya.
Namukhaan niya yung driver kaya agad siya lumapit sa kotse at hinaplos yung hood. “Robert, sino ba yan?” tanong ni Rosa na lumabas ng gate. Lumabas ng kotse si Enan sabay ngumiti, “Surprise! Mother and father, meet Birdy, my car” banat ng binata.
Nanlaki ang mga mata ni Rosa, si Robert naman umatras para tignan ng maigi yung kotse. “Relax, nakamura ako kasi kakilala ni Greg yung nagbenta. Mukha siyang bago ano po kasi alagang alaga ito. Mommy at daddy eto na po yung katas ng pag aalala niyo sa akin gabi gabi” sabi ng binata.
“Wow, magkano mo nabili ito? Kumpleto ba ang papeles? Baka hot car ito anak ha” sabi ni Robert. “Daddy of course it is a hot car, naging hot siya kasi ako yung may ari. Pag iba may ari kotse lang ito, since ako ang pinagpalang nilalang sa buong mundo, it follows that my car becomes the hottest car there is” landi ni Enan kaya lumapit si Rosa at niyakap ang anak niya ng mahigpit.
“Eto na ba talaga anak? So will you stop now?” lambing niya. “Mother dearest let us not talk about that now, ang gusto ko pumasok kayo sa bahay, magbihis kayo at ililibre ko kayo ng dinner sa labas. Sige na po, pumayag na kayo please” sabi ng binata kaya medyo naluha si Rosa.
Pagpasok ng magulang niya nilabas ni Enan phone niya at may tinawagan. “Hello brother” bigkas niya agad. “Walanghiya ka! Pinakialaman mo phone ko” sigaw ni Greg. “Natural, nakita ko ang simple ng pangalan ko sa phone mo, Enan lang. Wala kang pag galang kaya winasto ko siya” sagot ni Enan.
“Intergalactic Bae mo mukhamo, teka nga loud speaker kita at tignan ko kung ano pang pinag gagawa mo sa phone ko” sabi ni Greg. “My friend you are welcome, isang katulad ko ang nag customize ng bagong phone mo, by the way ang ganda ng phone mo pare” sabi ni Enan.
“Talaga? Regalo ni daddy ito sa akin…walanghiya ka! Bakit lahat ng contacts kong babae dito napalitan pangalan? Nagnanasa kay Enan1, Nagnanasa kay Enan2, pare naman e, pano ko na sila makikilala nito?” reklamo ni Greg.
“Smartphone yan, may picture sila, gamitin mo din utak mo” sagot ni Enan. “Nasan na yung Iron Man wallpaper ko..bakit naman Minions nilagay mo?” tanong ni Greg. “Ba-na-na…ba-na-na” sagot ni Enan sabay tumawa ng malakas. “Badtrip naman to o…oh..loko loko ka! Bakit yung kay Lea e Minamahal ko?” tanong ni Greg na nakikiliti.
“O di palitan mo” sagot ni Enan. “Wag na, totoo naman e” landi ni Greg. “Right, sabi ko naman sa iyo winasto ko lang. Anyway pare, gusto kita ulit pasalamatan, nagustuhan ng parents ko yung kotse. Itreat ko sila later to dinner pero pare make yourself available soon at ililibre din kita promise” sabi ni Enan.
“Di na kailangan pare, bigyan mo nalang ako ng oras mo next week, kulang yung team namin ng isang player” sabi ni Greg. “Sure my friend, sige ilalagay ko na yan sa appointments ko, top priority ka next Saturday. Is that all?” tanong ni Enan. “Wala na siya pare, di mo na kailangan magpanggap, I expect you to bring you’re a game” sabi ni Greg.
“So you know huh, fine. Sige na pre at pasok muna ako sa bahay. Salamat ulit talaga pare, love you” landi ni Enan. “Kadiri ka, o sige na” sabat ni Greg sabay pinatay yung tawag.
Dalawang oras lumipas sa loob ng isang mamahaling restaurant hindi mapakali sina Robert at Rosa. “Anak masyado ata mahal dito” bulong ni Robert. “Relax daddy, paminsan minsan lang naman. Malaki talaga natipid ko so for a change mag steak naman tayo” sabi ng binata.
“Hala sige na, titig lang sa description ng pagkain at wag papansinin yung presyo. Please, select what you really like to eat” dagdag ng binata. Nung matapos silang mag order sumandal si Rosa sa binata, “So will you stop now?” lambing niya.
“Actually, I was planning to tone down a bit. Of course priority pag aaral ko po pero gusto ko ituloy yung singing career ko. For personal reasons and aaminin ko monetary reasons narin. Para maka elel na tayo, di niyo ako kailangan bigyan ng allowance then gusto ko din sagutin one week gastusin natin sa food”
“Pero saka na muna yon, experiment muna ako pag kaya ko ipagsabay. Pag hindi ko kaya then studies lang ako. Pag kaya ko ipagsabay then sana payagan niyo ako” sabi ni Enan. “Para sa akin payag ako pero if your health is at risk then tutol ako. You know what I mean, you need to sleep properly” sabi ni Robert.
“Dad yung sa bar schedule ko every Friday and Saturday lang, yung mga weddings at lamay naman di pa ako pwede maging choosy. Patusin ko lahat pero Saturday and Sunday lang. Sayang din naman mga yon, kahit magkano ibigay nila okay na ako” sabi ni Enan.
“What do you mean kahit magkano ibigay?” tanong ni Rosa. “Ma, I have to start somewhere. Kahit na alam ko hindi naman nila habol boses ko, alam ko naman gusto lang nila yung presence ng Intergalactic Bae, kailangan paa sa lupa. Humility mother” banat ni Enan kaya nagtawanan ang mga magulang niya.
“Are you trying to say wala kang specific fee?” tanong ni Robert. “Wala po, di rin ako nagsasabi, basta kung magkano ibigay nila salamat nalang. Nag eenjoy naman po ako. Tignan niyo po may kotse na ako, then we get to eat a restaurant like this. Happy happy lang” sabi ng binata.
“Anak, ano long term goal mo dito? Di ka naman mag eexert ng ganitong effort sa ganito pag wala kang long term goal. Don’t tell me biglang tigil later, so ano ba?” tanong ni Robert. “Wala naman po, ganito lang happy happy lang talaga” sabi ni Enan.
“Hayaan mo na, yun lang importante yung masaya siya sa kanyang ginagawa” sabi ni Rosa. “Sa akin lang anak okay lang lumaki tiyan mo wag lang ulo” sabi ni Robert. “Oo naman dad, wag naman din tiyan kasi papatayin naman ako sa sermon ni Ikang at Clarisse” sabi ng binata.
“Oo nga pala, why didn’t you invite them?” tanong ni Rosa. “Kayo po muna, top priority kayo. At isa pa, pag nilibre ko sila naku po baka mag welga ang mga nagnanasa sa akin. Mamumulubi po ako, can you imagine pag nagwelga ang mga babae sa EDSA, dito lang yon, what more pag nalaman na ng International community?” banat ni Enan kaya natawa nalang ang kanyang mga magulang.
Habang kumakain panay ang fist bump at haplos sa tiyan ng mag ama kaya tawang tawa si Rosa. “Enan, kanina ko pa napapansin yung isang pretty girl sa malayo panay ang tingin sa iyo” bulong ni Rosa. “Ma, di pa ba kayo sanay? Normal na po yon. Ay bihira pala tayo lumabas so get used to it already”
“Ganyan po talaga ang tatak Intergalactic Bae, it comes with the territory. Wag kang mag aalala ma, di naman ako nauubos sa titig lang” banat ni Enan. “Maybe she knows you” sabi ni Rosa. “Ma kumain ka nalang, focus sa good food, baka mali lang inorder nung babae na yon kaya para sumarap pagkain niya kailangan niya ako tignan. Sabi nga nila para na akong ulam, kulang nalang ng kanin” hirit ni Enan.
Pasimpleng tinuro ni Rosa yung babae kaya tinignan ito ni Robert. “Foreigner” bigkas niya. “Aba nagulat pa kayo, daddy talaga o. When I say Intergalactic I mean all over the creation of God. Kasma na don mga alien” banat ni Enan. “Hindi foreigner yan, tisay lang na nagpakulay ng buhok siguro or baka ganyan talaga buhok niya” sabi ni Rosa.
Naintriga na si Enan kaya napalingon siya, nakita niya yung magandang babae kaya bigla siyang nanigas. “Why does she look so familiar” bulong niya. Biglang ngumiti yung babae saka kumaway kaya napalingon si Enan ngunit alam niya para sa kanya yon.
Pagtingin niya tinuro siya nung babae, tinaas ni Enan kamay niya para kumaway din pero biglang tumayo yung babae at tinuro yung isang gilid ng restaurant. Naglakad na yung babae papunta sa gilid, “I think she wants you to follow her anak” sabi ni Robert.
“Ah..bakit pamilyar siya?” sabi ni Enan. “Sige na go, we shall wait for you” sabi ni Rosa. “No, continue eating. Saglit lang ito, baka gusto niya lang ng selfie o kaya autograph” landi ng binata.
Sa gilid ng restaurant nagkaharap na yung dalawa, nakangiti yung dalaga habang si Enan napakamot at titig lang sa magandang mukha niya. “Hi” bati ng dalaga. “Hello” sagot ni Enan. “Lalim na ng boses mo, mas matangkad ka na sa akin” sabi nung babae.
“Ah..I am sorry but..” bigkas ni Enan. “You don’t remember me ano?” pacute ng babae kaya si Enan muling napakamot. “Sinusundo na ba ako ni Lord? Kaya naman pala sumasama agad yung mga mababait na kinukuha ng maaga kasi ang ganda ng taga sundo” banat ni Enan kaya natawa yung babae, nahampas palambing yung dibdib ni Enan kaya pati ang binata natawa narin.
Kumalma yung dalaga, tinitigan si Enan ng matagal kaya nanigas si Enan, “Di mo talaga ako maalala ano?” sabi niya. “Medyo pero pasensya na parang vague na masyado e” sabi ni Enan. “Ferdinand” bigkas ng babae kaya nanlakia ng mga mata ni Enan. “Fernando” sagot niya. “Pareho na yon basta may F” sagot ng babae.
“Oh my God, Patricia. Imposible” bigkas ni Enan kaya super pacute ang dalaga. “Hi Ef, so now you remember me?” tanong ni Patricia. “Wow, Phi, ano nangyari sa iyo? I mean wow, nagbago itsura mo at..at..” bigkas ng binata.
“Its called growing up Ef, same goes to you ang laki ng pinagbago mo” sagot ng dalaga. “Wala na yung freckles tapos chubby ka non konti kasi e” sabi ni Enan. “I know, so hi” sabi ni Patricia. “Wow, I can’t believe it, seatmate ang ganda mo ngayon. Ah teka, bestfriend mo parin ba si Betsay?” tanong ni Enan.
“Uy naalala na niya, yeah we are still close friends. Kausap ko lang siya kanina. Naks di ka na si boy uling ha” banat ni Patricia kaya natawa si Enan. “Tagal ko nang di narinig yon ah” sabi ng binata. “Ano yung bawi mo sa akin dati?” tanong ni Patricia kaya nagtakip ng bibig si Enan sabay inuga ang kanyang ulo.
“Piglet? Naalala ko pa yung sinabi mo, ano na yon? Bagay tayo kasi ikaw yung uling kung saan ileletson ako?” hirit ni Patricia kaya namula si Enan at hiyang hiya sa sarili. “Grabe, we were high school, dinibdib mo ata masyado tukso ko kaya naging ganyan ka na” sabi ni Enan.
“Di naman, so kumusta ka na? Alam mo nung nakita kitang pumasok kanina bigla ko naalala yung mga binibigay mong candies noon sa akin araw araw” sabi ni Patricia kaya hinaplos ni Enan mukha niya, di parin siya makapaniwala na kaharap niya yung crush niyang babae nung high school sila.
“Then when I asked you why you keep giving me candies everyday sabi mo gusto mo lang ako tumaba lalo para mas masarap yung lechon” sabi ni Patricia. “Sorry, we were kids” sabi ni Enan. “I know, so hi” ulit ni Patricia. “Hello, ah I think your parents are looking for you already” sabi ni Enan.
“Yeah, hey it was nice seeing you again Ef” sabi ng dalaga. “Oo nga e, same to you pero wow ha. So many memories bigla e” sabi ni Enan. “Hey, exchange numbers you want?” tanong ng dalaga. “Oo naman” sagot ng binata kaya agad niya nilabas phone niya. “Akin na, input ko number ko. Mamaya sasabihin ko kay Betsay ito” sabi ng dalaga.
Pagsoli ng phone titig parin si Enan sa mukha ng dalaga, “Balik na ako sa table namin, text me later so that alam ko din number mo” sabi ni Patricia. “I will, happy eating Phi” sabi ni Enan. “You too Ef, bye” pacute ng dalaga.
Pagbalik ni Enan sa lamesa nila agad siya naupo, “So who was that anak?” tanong ni Rosa. “Grabe, ang laki ng pinagbago niya. Classmate ko nung high school, si Patricia” sabi ni Enan. “Patricia? Oo nga no, yung half American classmate mo pero mataba siya dati and if I remember crush mo diba?” tukso ni Rosa kaya napangiti si Enan at natawa bigla.
“Araw araw stop over sa store para bumili ng candies” dagdag ni Robert kaya lalong natawa si Enan. “Bakit parang lahat nalang nag upgrade maliban sa akin? Si Phi ang laki ng ginanda niya katulad ni Ikang, si Ikang maganda na noon pero lumevel up siya ng husto”
“Ayan si Patricia as in…ma may nakalimutan ba kayo ipakain sa akin? Bakit parang di ko natanggap yung upgrade na ganon?” biro ni Enan. “Late ka lang nagka wifi siguro anak, ang udpates dinadaan na sa wifi at mobile data” biro ni Robert kaya pinalo siya ni Rosa.
“Tumangkad lang ako at lumalim boses, saan na yung iba?” hirit ni Enan. “Will you stop, you are growing up to be a fine and good looking man” sabi ng nanay niya. “Sabi ni Phi di na daw ako si boy uling…can you imagine pag natanggap ko yung upgrade na yon?”
“Baka sabi ni Bathala na tama na yan Enan, saksakan ka ng kagwapuhan, pag lumevel up ka pa baka pati sarili mo mainlove sa iyo” drama ng binata. “Will you stop it, kumain ka na bago tuluyan lumamig pagkain mo” sabi ni Rosa.
“Mother, all of a sudden bumalik yung mga memories. I mean Phi was tabachingching but she was cute. Di ko alam bakit crush ko siya noon. Ah mabait kasi siya sa akin e pero parang nag iwan ata ako ng black mark sa kanya kasi lahat ng naalala niya e mga tukso ko sa kanya” sabi ni Enan.
“Ganyan naman ang mga bata e, tinutukso nila yung mga crush nila. Kasi di pa nila maintindihan o maexpress nararamdaman nila kaya instinct para mapansin ng crush e tutuksuin nila” sabi ni Robert.
“Huh! You are very wise father, pinagtutukso nila ako eversince bata ako. Huh, patunay na crush nila akong lahat noon pa. You see that, prweba yon ng aking agimat. Kasi di pa nila maipaliwanag talaga kung ano nararamdaman nila sa piling ng soon to be Intergalactic Bae kaya ganon”
“E ngayon tumanda na sila, very expressive na sila kaya lantaran na ang pagnanasa ng lahat sa akin” drama ni Enan. “Enan, itigil mo yan” sabi ni Rosa. “Anak, siya nga pala while you were away nakita namin yung isang table umorder sila ng cheese cake” sabi ni Robert.
“Cheese bread yon” sabi ni Rosa. “Ay gusto niyo po? Teka order ako” sabi ni Enan. “Hindi, diba paborito ni Ikang yon” sabi ni Robert. “Oo nga no, meron po talaga sila dito?” tanong ni Enan. “Meron anak, so why don’t you get her some tapos idaan natin sa kanila bago tayo umuwi” sabi ni Rosa. “Of course I will, tapos kuha din ako para sa atin” sabi ng binata.
Dalawang oras lumipas sa tapat ng bahay nina Jessica pumarada si Enan. “Mabilis lang po ako, ibibigay ko lang po” sabi ng binata kaya lumabas siya ng kotse dala yung isang karton ng cheese bread.
Nagmadaling lumabas ng bahay si Ikang nang makatanggap siya ng text. Ang bilis niya nabuksan yung gate kaya agad niyang nakita si Enan. “Uy Andoy, napadalaw ka ata” sabi ng dalaga sabay ayos sa kanyang buhok. “Ah nag dinner kasi kami sa labas tapos nakita ko na may cheese bread sila kaya eto o para sa iyo” sabi ng binata.
“Wow, uy teka, hi tito, hi tita. Naks bagong kotse ha” sabi ng dalaga sabay kumaway. “Ay isa pa pala, kotse ko yan” sabi ni Enan. “As in?” tanong ni Jessica sa gulat. “Oo e, naka ipon ako tapos nakamura ako kaya kinuha ko na. Okay ba siya?” tanong ni Enan.
“Wow, ang ganda. Grabe I am so proud of you” sabi ni Jessica sabay biglang nagsimangot. “O bakit?” tanong ng binata. “Wala, very proud lang ako sa iyo sobra” bulong ng dalaga. “Sensya na ha kung inuna ko sila, balak ko sana surprise pero sana available ka anytime from Monday to Thursday night, sunduin kita after class mo then dinner tayo” sabi ni Enan.
“Ah..ha? Ano?” tanong ng dalaga. “Syempre naman, di naman kita makakalimutan. Nakatipid ako sa presyo ng kotse kaya gusto kita ilibre din. E di naman pareho sched natin sa school so after classes lang tayo pwede magkita. Sabado sana kaya napromise ko na kay Greg kasi yung araw na yon”
“So if okay lang sa iyo sunduin kita after classes mo then dinner tayo sa labas kahit saan mo gusto or if late na masyado yon then kahit na…” sabi ni Enan. “Dinner, hmmm..hmmm…Monday?” sagot ni Jessica. “Okay sige Monday sunduin kita at teka nga..bakit ka naka paa paa lang?” sabi ni Enan. “E kasi I was about to go to the…” bigkas ng dalaga, sumigaw siya pagkat basta nalang siya binuhat ni Enan.
“Tsk Ikang talaga o, alam mo naman madumi sa kalsada. Namula si Jessica, niyakap ng husto yung karton ng cheese cake habang buhat buhat siya ng binata. “Ma teka lang ha, ihatid ko lang sa loob” paalam ng binata.
“I was excited to see you, yun lang” bulong ni Ikang. “Kahit na, makapag antay naman ako e. As if naman aalis ako agad” sagot ni Enan kaya napangiti yung dalaga at ineenjoy yung pagbuhat sa kanya.
Pagdating sa may pintuan binaba na niya si Jessica, “Monday” bulong ng dalaga. “Oo naman, di na ako tatagal, say hello nalang to them for me ha” sabi ng binata. “Salamat dito ha, you are so sweet at naalala mo favorite ko ganito” sabi ng dalaga.
“Well si mama nakakita at nagpaalala sa akin. Pero agad agad ako kumuha para sa iyo. Sige na Ikang, sensya na at biglaan ako nagpakita. Basta sa Lunes ha” sabi ni Enan. “Looking forward to it…ay wait, ano sa tingin mo kung magpagupit ako. Short hair Clarisse” sabi ni Jessica.
Nanigas ang dalaga nang hinaplos ng binata buhok niya at isang pisngi. “Hmmm wag na no, you are honestly prettier than her, alisin mo na yang gaya gaya ugali mo Ikang. Eversince ganyan ka pag may nakita kang maganda”
“Gagayahin mo hairdo, mga pananamit, mga style sa pagtawa pero in the end ikaw parin si Ikang ko e. So its up to you really pero pag ako, wag na. If ever gusto mo talaga delay mo konti, we just got reunited, bigyan mo naman ako time para masanay sa pagbabalik mo sa buhay ko”
“Ang laki ng pinagbago mo since last time we saw each other, let me get used to it first then sige magbago ka ulit ng itsura if you want pero for now ganyan muna pwede?” lambing ng binata with matching munting haplos sa pisngi ng dalaga.
“Okay” bulong ni Jessica. “Sige Ikang, see you on Monday” sabi ng binata sabay tumalikod na umalis. Parang estatwa lang si Jessica sa may pintuan yakap yakap yung karton ng cheese cake.
Biglang tumabi sa kanya lolo niya, “Ano laman niyan?” tanong ng matanda. Tinaas ni Ikang kilay niya, tumalikod sabay nung humakbang biglang bumigay tuhod niya kaya nadapa siya paharap. “Apo!” sigaw ng matanda pero napatili si Ikang habang hinahaplos pisngi niya.
“Anong nangyari? Jessica! Are you okay?” sigaw ng ama ng dalaga na biglang napasugod. Slow motion tumayo ang dalaga, pinulot yung karton, niyakap ito sabay mala beauty queen na naglakad papunta sa hagdanan.
“Apo ano yan?” tanong ng lolo niya. Tumigil si Jessica, “Mine” bigkas niya sabay ngumiti ng malaki.