“Pare! Dali, eto uniform mo. Grabe ka naman bakit ka late?” reklamo ni Greg. “Excuse me, sabi mo next Saturday pa tapos bigla kang tatawag. Alam mo naman Sunday ngayon at family day. Inuna ko si Lord para magpasalamat sa Intergalactic blessings na binigay niya sa akin” sagot ni Enan.
“Sorry, e nalito ako sa schedule kasi e. Muntik na tayo na forfeit, buti meron ka para lima na tayo. Paparating pa yung iba” sabi ni Greg. Hinubad agad ni Enan yung shirt niya para masuot yung jersey ngunit napatigil nang may mga babaeng mula sa kampo ng kalaban na nagtilian.
Nagbiro ang binata kaya mala slow motion niyang sinuot jersey niya para aliwin yung mga babae. “Kita mo na pare, blessings mula sa langit. Pero bakit yung kalaban natin full force ata at ang lalaking karne” sabi ni Enan. “Yun na nga e, sila yung top team pare. Sila lagi yung champion, pero okay lang siguro first loss tutal may ten games pa naman” sabi ni Greg.
“E kung ganyan ka bakit mo pa ako tinawagan? I came here to win, ngayon meron pala akong fans sa kabila mataas na expectation sa akin. Ikaw ang dali mong sumuko lately, parang hindi ikaw si Greg. Ano bang ginagawa ni Lea sa iyo ha?” tanong ni Enan.
“I am just being realistic, sila dose sila habang tayo lima palang. Sila lagi champion, tayo kabubuo palang” sabi ni Greg. “Realistic mo mukha mo, o siya ipakilala mo na ako sa kasama natin” sabi ni Enan.
Ilang minuto lumipas nasa center court na sila para sa jump ball. “Pare alam ko kulang ka sa warm up pero sana wag naman tambak” bulong ni Greg. Di sumagot si Enan, siya yung humarap sa sentro ng kalaban kaya nalito yung ibang players at mga refree.
“Siya” sabi ni Greg kaya biglang natawa yung sobrang tangkad na sentro ng kalaban na team. “Okay” sabi ng refree kaya inayos ni Enan pwesto niya, natatawa parin yung kaharap niyang player kaya ngisi lang sinagot niya.
Initsa ng ref yung bola, fake move si Enan na tatalon kaya nauna na yung kaharap niya at siya yung nakatakip sa bola. Pilyong Enan biglang sumigaw at naunang tumakbo, pinalakpak niya kamay niya, “Pasa Greg! Greg pasa!” hiyaw niya kaya bigla siyang hinabol ng dalawang player ng kalaban.
Nalito yung may hawak ng bola, “Huy bola natin” hiyaw niya ngunit bigla ito inagaw ni Greg sa kanya. Nagtakip ng bibig si Enan sabay sobrang landi na tumawa habang tinitignan yung dalawang humabol sa kanya. Bigla siyang tinulak nung isa kaya agad pumito yung ref.
“Greg, normal ba kaibigan mo? Parang siraulo e” bulong nung isang kasama nila kaya natawa nalang si Greg. “Hayaan niyo lang siya basta focus lang kayo sa laro. Wag niyo siya papansinin masyado” sabi niya.
Inbound play, si Enan naglabas ng bola at pagpasa niya sa kasama basta nalang ito naglakad papunta sa kabilang court. Nalito yung bantay niya, di niya alam kung susundan niya si Enan o makikisama sa team niya para bantayan yung apat na kalaban.
Hindi naka shoot sina Greg, gusto sana mag fast break play ng kalaban ngunit nandon si Enan nakatayo sa may free throw line nila. Slow down sila sa pagbaba ng bola, napapangiti na si Enan at Greg pagkat napansin nilang naiintriga na yung kalaban na team kay Enan.
“Enan taas mo mga kamay mo” sigaw ni Greg kaya todo taas naman si Enan ng mga kamay niya. Natawa yung binabatayan niya, bumira ito agad ng simpleng cross over ngunit biglang nawala yung bola.
Pagtalikod niya nakita niya si Enan nakauna na, sobrang bilis nito ngunit pilit parin siyang hinabol. Tumalon na si Enan para sa isang lay up ngunit sumabay yung kalaban na naagawan niya. Pumito yung ref dahil may body contact sabay sumenyas na shot counted kaya pumalakpak ng sobrang lakas si Greg.
Nashoot ni Enan yung free throw kaya sabay silang nagpababa ni Greg. Mintis ang kalaban, nakuha ni Greg yung bola, agad niya initsa sa patakbong Enan. Dalawang kalaban ang humarang ngunit sumugod parin yung binata. Dalawang ref and pumito, three point play opportunity ulit.
Nakapwesto na si Enan sa freethrow line, lumapit si Greg agad pagkat nakita niya na malalakas yung hataw na natanggap ng kaibigan niya. “Pre, okay ka lang?” tanong niya. “Nakatayo pa naman ako” sagot ni Enan kaya pumwesto na si Greg.
Napatawag ng time out ang kabilang team matapos maka iskor ng sampung puntos si Enan na diretso. Sa bench nag aalala na si Greg pagkat parang nasa ibang mundo ang kaibigan niya. “Okay lang ako, sabi mo sa akin bring my A game, so eto ang A game ko. Alligator game” banat ni Enan kaya laugh trip yung iba.
“Oo pre pero wag naman buwis buhay, naka ilang karate chop ka na e” sabi ni Greg. “O ilan na foul nila, madami na. Ilan score natin? Sampo, sila bokya pa, wala pa tayo foul so all is good” sabi ni Enan. “Tol wag naman masyadong alligator” sabi ni Greg.
“E di sana sinabi mo FA game, friendly alligator para pumapasa ako. Sabi mo kasi A game lang kaya eto pare A game ko” banat ni Enan kaya nagtawanan silang lima.
Pagtuloy ng laro humarap si Enan sa point guard, mahigpit niya ito binantayan kaya bigla siyang pinasiklaban ng dribbling skills ng kalaban. Hinarap ni Enan kaliwanag kamay niya, nagcross ang kalaban at doon na siya naagawan.
Walang nakahabol kay Enan, wala narin nagbalak pagkat sobrang tulin nito. Pagka iskor niya pasimple lang siyang naglakad, napatigil nang may biglang sumigaw na babae at pinalakpakan siya. Ngumiti si Enan, nagflying kiss sabay kumaway mala celebrity.
Sa huling pito ng ref napatalon sa tuwa si Greg, si Enan sa may bench pumalakpak ngunit narinig niya may tumawag sa kanyang pangalan. Paglingon niya nagulat siya pagkat nakita niya si Jessica kaya agad niya ito pinuntahan. “Uy bakit ka nandito?” tanong ng binata.
“Congrats” sabi ng dalaga. “Salamat, ang galing nina Greg” sabi ni Enan. “Wushu, I have been here since the start” sabi ni Jessica. “Ha? Ows?” tanong ng binata. “E muntik na ako nag walk out kasi nakita ko nasasaktan ka pero ang galing galing mop ala maglaro. May pa flying flying kiss ka pa sa girls don o” sabi ni Jessica kaya napakamot si Enan.
“Teka pano mo alam nandito ako?” tanong ng binata. “Well after mass we went to your place para magdala ng…basta pag uwi may surprise ako don for you. Sabi nina tito at tita dito ka daw pumunta so nagpahatid ako dito so I could watch you”
“Lalapit sana ako pero walang tao sa bench niyo. Nahihiya naman ako maupo sa likuran mag isa” sabi ni Jessica. “Uy Jessica nandito ka pala” sabi ni Greg na agad lumapit. “Hi Greg, nice game” sabi ng dalaga. “Ito ang bida, grabe napanood mo ba siya maglaro?” tanong ni Greg.
“I did, naiiyak nga ako kasi parang hindi siya yung Andoy na kilala ko noon. The Andoy I knew didn’t play basketball pero ngayon grabe ang galing galing tapos ang bilis bilis mo pa” pacute ng dalaga. “Wala yon, e kasi lima lang kami kanina kaya ganon tapos swerte lang” sabi ni Enan.
“Swerte mo mukha mo, pare we beat the best. Tambak pa kaya lang markado na tayo. Lalo na ikaw pero pare salamat talaga, halimaw ka” sabi ni Greg. “Actually ikaw ang halimaw” banat ni Jessica. “Uy Ikang, hindi insulto yon, uy Greg nagbibiro lang siya” entrada ni Enan.
“No offense taken, ang ibig ko sabihin miss Jessica e ang galing galing niya” nilinaw ni Greg. “Ow, sorry” pacute ni Jessica. “Ayun, ah Greg mauna nalang kami pala. Inform mo nalang ako kailan next game para maayos ng PA ko yung schedule ko” banat ni Enan kaya biglang natawa si Jessica at napalo sa pwet ang binata.
“Oh okay, Sundate ba?” landi ni Greg. “Bukas pa yon” sabi ni Jessica sabay napalunok. “Dude anong pinagsasabi mo ba? Sige na see you in school bukas” sabi ni Enan. “Okay, bye. Miss Jessica nice to see you again” bati ni Greg.
Habang naglalakad papunta sa kotse nakatanggap ng text si Enan kaya agad niya ito binasa. “Sabi mo sa akin gusto mo kami ni Lea, pare sana kayo ni Jessica magkatuluyan” basa niya kaya bigla siyang natawa. “Sino yon?” tanong ni Jessica ngunit agad tinago ni Enan phone niya.
“Wala, si Greg lang” sabi ng binata. “What did he say? Nainsulto ko ba siya? Akala ko talaga iniinsulto ka niya so…sorry nasanay lang ako nung bata pa tayo. Di ko na matanggal yon” sabi ng dalaga.
“Okay lang yon, pero nandito ka talaga” sabi ni Enan. “Nung sinabi ni tito na naglaro ng basketball I laughed at first. Kasi ang Andoy ko naman hindi naman naglalaro ng basketball sabi ko then narealize ko nga na ang tagal natin na hindi nagkita so I got curious. Ang galing galing mo pala, pero ang hirap manood kasi nasasaktan ka naman” sabi ni Jessica.
“Part of the game yon Ikang, ganon talaga kasi mahilig ako umatake” sabi ni Enan. “Hmmm..so what else do you play? I missed a lot” sabi ni Jessica. “Naman, tama na drama Ikang. We have a lot of catching up to do. Pero ngayon sobrang pawis ko, hatid na kita sa inyo” sabi ng binata.
“Ayaw ko pa umuwi, tara ikot ikot nalang tayo” sabi ng dalaga. Biglang umikot ikot si Enan ilang beses ngunit tinaasan lang siya ng kilay ng dalaga. “Korny much?” tanong ng binata. “Yeah, wag mo na ulitin” sagot ni Jessica sabay biglang natawa at inatake ng kurot ang binata sa tiyan.
“Tignan mo ito sasabihin korny tapos tatawa din lang pala” reklamo ni Enan. “Korny naman talaga pero…eversince bata tayo ganyan ka na. You always try to make me laugh kaya lang laging fail kasi korny ka parin hanggang ngayon” sabi ni Jessica kaya nagtawanan yung dalawa.
“Yeah I remember, e parang pag malungkot ka noon malungkot narin ako kaya sinusubukan kita patawanin lagi e. Di man epektib pero nadivert ko naman isipan mo from your problems, ako yung pinapagalitan mo kasi korny ako. In then end di mo na iniisip problema mo” sabi ni Enan.
“I missed a lot. Imagine pagbalik ko chick boy ka na” banat ni Jessica kaya natawa ng malakas si Enan. “Chick boy ka diyan” sabi ng binata. “Hmmm meron si Violet, si Mikan, si Cristine, then your bestfriend is masyadong close ata sa iyo” sabi ni Jessica.
“Di mo binabanggit na magkahawig kayo, di mo ba inisip na kaya kami naging close e baka namiss kita? Akala ko nga ikaw siya talaga noon e, you two look alike a bit, pareho kayong mabait pero iba ka e. Siya it took her time before soften up to me, I mean nung una nandidiri pa siya sa akin e”
“After a while ang bait pala niya parang ikaw pero syempre iba ka parin Ikang” sabi ni Enan. Di nakaimik si Jessica, niyuko niya lang ulo niya sabay nagpigil ng ngiti. “Did I say something wrong?” tanong ni Enan.
“Wala naman, I am just happy learning that you missed me too yun lang” sabi ng dalaga. “I did, kaya nga siguro na adapt ko yung mga style mo. I tried my best to apply naman all the things you taught me, lahat ng mga payo mo sa akin na to believe in myself…so eto ako” sabi ni Enan.
“Pssst pa autograph naman” biro ni Jessica kaya umariba sa tawa si Enan. “May commercial ka sa TV, sumisikat ka sa Youtube, pa gig gig ka sa mga bar at mga kasal” pacute ni Jessica. “Pati sa lamay” sabi ni Enan kaya nanlaki ang mga mata ng dalaga.
“Oh shoot…” bulong ni Enan sa takot. “Lamay? Andoy pati sa lamay? Ano ka ba? Andoy delikado sa ganon. May mga lasing don, baka mapano ka pa. My God naman Andoy e, bakit pati sa lamay?” reklamo ng dalaga kaya napakamot na si Enan.
“Ayan o si Birdy, katas ng paghihirap” sabi ng binata. “Para sa kotse? You are willing to risk your life for a car? Andoy naman e, we just got reunited, nakakainis ka naman. Pano na kung may mangyari sa iyo, short reunion ba? Kasi lamay mo na napapalapit?” sermon ni Jessica.
“Ikang, e sayang naman at kaya ko naman alagaan sarili ko” sabi ng binata. “No! No more lamays. Bar at kasalan and that’s it” sabi ng dalaga kaya biglang nanliit ang binata. “Ano? Andoy sumagot ka” hirit ng dalaga.
“I promise” bulong ni Enan. “I cannot believe na pinapayagan ka ng mga babae mo, alam ba ni Clarisse yan? Pumayag naman siya? Ha?” tanong ni Jessica. “Walang nakakaalam, parents ko lang pero nagulat din sila kasi inamin ko lang nung nagtreat ako sa dinner..si Greg din pala” sabi ni Enan. “Akin na phone mo, idial mo si Greg. Kunsintidor na bakulaw” sabi ni Jessica.
“Ikang please stop, I promise hindi na ako kakanta sa lamay” sabi ni Enan. “Dapat lang, Andoy nandito na ako. I will take care of you like before. I am sorry if bossy ako pero I really missed you a lot and I will make sure we are going to catch up. No chance in hell they are taking you away from me hanggang maka catch up tayo” sabi ng dalaga kaya biglang napangiti si Enan.
“Why are you smiling?” tanong ni Jessica. “Dati ata masyado ako maitim kaya ipin ko lang nakikita mo pag nginingitian kita, kaya eto Ikang para sa iyo” sabi ni Enan. May naramdaman sa tiyan ang dalaga, nagpigil siya ng husto kaya inatake niya ng kurot ang binata sa tiyan.
“Drama king, korny ka talaga” sabi ng dalaga. “Seryoso Ikang, burahin mo na yung charcoalic smile na naalala mo mula sa akin, in fairness medyo pumuti naman na ata ako so eto nalang sana tumatak sa isipan mo” sabi ni Enan.
Tumalikod si Jessica, dinaan sa tawa, nag jump back siya para banggain ang binata sa dibdib sabay humarap at umatake ulit gamit mga kurot. “In fairness natawa ako talaga sa charcoalic smile” sabi niya.
“Anyway kung kaya mo tiisin itong amoy ko right now, would you like to have some snacks with me? Medyo ginutom ako dahil sa laro” sabi ni Enan. “Sure, actually gutom narin ako e” sabi ni Jessica. “Ay oo nga dumiretso ka dito, tara tara kahit saan mo gusto” sabi ng binata.
“So advance na, wala na sa Monday then?” tanong ni Jessica. “Anong wala, iba to” sabi ni Enan. “Ako pipili today then bukas surprise me” sabi ng dalaga. “Oo ba, pero Ikang mabaho ata ako konti” sabi ni Enan.
“Sus, pag nakita ka ng tao di na tatalab ilong nila, brain freeze agad sila dahil sa pagka artistahin mo” banat ni Jessica kaya napanganga si Enan at natuwa.
“Naks naman” sabi niya. “Isang Bae moves nga diyan Andoy” landi ng dalaga kaya tumalikod si Enan, game na game naman siya na dahan dahan lumingon sabay kumindat sa dalaga. Biglang nasampal ni Jessica ang binata kaya nagulat si Enan, natili si Jessica, dinaan ulit sa tawa sabay inatake ng kurot ang mga pisngi ng binata.
“Aray ko Ikang, wag mo na ideform ang katangi tangi kong deformed nang mukha. Sige ka baka tuluyan siyang maayos” biro ni Enan. “Eeeh basta korny ka, tara na tara na gutom na ako” sabi ng dalaga.
Habang nagmamaneho nagbiro si Enan, pagtingin ng dalaga umastang pogi ulit siya sabay kumindat. Sumigaw si Jessica, inabot ang binata sabay biglang sinakal at muling inatake ng mga kurot. “Ikang! Mas masakit pa yung mga kurot mo kesa sa mga tama ko sa laro” reklamo ng binata.
“E ikaw kasi e” sabi ni Jessica. “I was just trying to be funny” sabi ni Enan. “Well you are not so stop it” sabi ng dalaga kaya umayos si Enan. “Its working” bulong ng dalaga. “Ano sabi mo?” tanong ni Enan. “Wala, natutuwa lang ako sa iyo sobra” sabi ni Jessica.
“Teka nga, bakit napansin ko lahat tungkol sa akin. E ikaw naman kaya pag usapan natin?” tanong ni Enan. “Ako ang masusunod diba? Ikaw muna, Andoy sino tong Patricia na katext mo?” tanong ni Jessica habang binabasa yung mga messages sa phone ng binata.
“Ah dati kong classmate nung high school. Eto ha, dati ang chubby niya tapos ngayon grabe ang sexy na niya tapos ang ganda ganda sobra” sabi ni Enan. “I see, so type mo na siya siguro ngayon ano?” tanong ng dalaga.
“Crush ko siya noon aaminin ko. Kasi siya lang yung babae na pumapansin sa akin sa classroom noon e. Parang ikaw lang siya” sabi ni Enan. “Oh so that means ngayon mas crush mo na siya kasi gumanda at sumexy sabi mo e” sabi ni Jessica.
“Well, I find her attractive. Still in shock utak ko kasi parang ang laki ng pinagbago niya. Tulad mo din, super cute and pretty Ikang mini tapos ngayon mas gumanda ka e. Ewan ko, siguro hindi pwede icompare yung ganda nung mas bata kumpara sa ngayon pero alam ko naman ano na yung maganda noon e at ikaw yon”
“Ngayon nagmature ka pero nandon parin yung mukha mo na maganda. Pero sa totoo hindi naman yun ang nagpapaganda sa iyo e” sabi ni Enan. “E ano?” tanong ni Jessica. “Di ko maexplain e, kasi sa akin parang natrain na utak ko na kapag sinabi kong maganda e kasama na yung mabait just like you before up to now”
“Eto funny fact ha, nung nawala ka parang batayan ko ng ganda ay ikaw e. Pag may makita akong maganda lagi kita maalala tapos icocompare ko sila sa iyo. Nasanay na ako kasi diba dati pag may makita kang maganda lagi mo ako tinatanong kung sino mas maganda siya o ikaw, so ganon ako kahit wala ka na”
“But as time passed I could not compare much to the Ikang I remember, so I tried imagining what you would look like at an older age, yung kaedad ko…pero ang hirap na talaga isipin kasi di ko maikumpara sa batang Ikang…so naging batayan ko yung kabaitan nila kumpara sa kabaitan mo”
“Kung makalapit man sila sa kabaitan mo doon ko lang masasabi na maganda nga talaga sila” sabi ng binata. “Ikang, uy” pahabol niya pagkat umaakting na tulog yung dalaga.
“Tapos na drama mo?” tanong ni Jessica pabiro pero sa katotohanan kanina pa niya kinukurot sarili niya para magpigil ng kilig. “Gutom ka na siguro, relax malapit na tayo” sabi ng binata.
“Kwento ka pa Andoy” lambing ng dalaga.