Chapter 13: Buddy

3207 Words
“Oh my Salina, are you trying to seduce me? Well it is working” banat ni Enan kaya nagtakip ng bibig si Sally sabay natawa. “Baliw ka talaga, pangit ba? Magbibihis ba ako?” tanong ng dalaga. “Joke lang, bagay mo actually kaya lang nakaka distract ka” sabi ni Enan nang titigan ang legs ng dalaga. “Is it too short? Never ko pa to nagamit, regalo ng isang friend ko. At sa condo lang naman tayo ng lady photographer mo so okay lang naman siguro ganito ako diba? Just tell me if hindi at magbibihis ako” sabi ni Sally. Pinagmasdan ni Enan yung dalaga, black sleeveless loose top sabay maisking maong shorts ang suot ng dalaga. “Okay lang, uy sorry kung may lakad ka ha. Ikaw lang naisip ko kasi may pagka ewan ko yung photographer na yon. Nahahanginan ako sa kanya so pag kasama kita alam ko aamo yon kasi mataray ka din e” biro ni Enan. “Ako bahala sa kanya, ano hiramin ko brass knuckles ng kuya ko?” tanong ni Sally kaya nagtawanan sila. Sa loob ng kotse si Sally yung nagdrive, “Uy in fairness ang sarap imaneho tong car mo. Parang bago” sabi niya. “Swerte ko talaga, so kumusta ka na Salina?” tanong ni Enan. “Eto naka move on na ako sa iyo” banat ng dalaga kaya natawa si Enan. “Move on ka diyan, ikaw talaga. Walang nakaka move on sa akin, ako ang intergalactic bae, di uubra ang move on sa kamandag ko” landi ni Enan. “Kapag ang isang babae natuklaw ng kamandag ng Intergalactic bae forever na yon. Walang move on dito, hanggang afterlife pagnanasahan ako” hirit niya kaya napahalakhak si Sally. “Oo na sige na, hoy lalake baka pinagkwekwento mo naman sa iba yung pag amin ko sa iyo ha” “That was between you and me only, it took guts admitting that I liked you” sabi ng dalaga. “Bakit past tense? Salina niloloko mo lang sarili mo, yang pag gamit mo ng past tense hindi makakatulong yan sa pag move on uy. Wala din acceptance pag natuklaw ka ng Intergalactic bae” sagot ni Enan kaya lalo silang nagtawanan. “Pero seryoso Salina, flattered ako. Naging speechless ako pero inamin ko naman din diba? May semi crush din naman ako sa iyo kaya lang hanggang don lang e” sabi ni Enan. “Same, hala to. Closed issue na natin yon, we felt the same way diba? Ikaw naman ginagawa mo nanaman awkard tong usapan natin” sabi ni Sally. “Di naman, kasi up to now I still feel good. I learned that meron pala talagang nagkakagusto din sa katulad ko” sabi ni Enan. “Aysus drama nanaman. Wag mo na ipaalala at natatawa ako sarili ko” sabi ng dalaga. “Enan, I really like you, buts it’s the kind of like that I am not sure it would last long term” banat ni Enan kaya napahiyaw yung dalaga. “Inulit mo pa talaga ha!” sigaw ng dalaga. “Tumatak e, pano naman nung umpisa mo parang wow papunta na ako sa langit, ang sarap ng feeling tapos nung ending parang konting hakbang nalang langit na pero hanggang don lang pala. Uy pero seryoso you made me feel happy at that moment, nabago talaga pag iisip ko konti pero Salina bakit pag si Tiny na e nagiging weak nanaman ako?” tanong ng binata. “What do you mean?” tanong ni Sally. “When it comes to her balik ako sa dati. Nandon yung fear of rejection, nandon nanaman yung takot na baka hindi ako magustuhan” sabi ni Enan. “Everyone has that, normal yan pag naiinlove ka talaga sa isang tao” “Para kang natatakot, the more na inlove ka sa taong yon the more matindi yung takot of rejection” sabi ni Sally. “Dapat ikaw yung una kong pinuntahan talaga, si Greg naman wala magandang maipayo” sabi ni Enan. “O bakit kasi hindi mo ako pinuntahan?” tanong ni Sally. “E may basketball e, siya unang nakita ko. Uy isa pa pala” sabi ni Enan kaya nakwento niya yung nangyari sa pag uusap nila ng photographer. “Wait! What? Yung photographer mo may crush kay Mikan? Sabi mo babae siya?” tanong ng dalaga. “Babae nga, teka yung issue ko muna” sabi ni Enan. “Well I am not surprised” sabi ni Sally. “What do you mean you are not surprised?” tanong ni Enan. “You and Jessica? Kaya nga mas madali mag move on kasi meron siya e” landi ng dalaga. “Hoy! Anong pinagsasabi mo?” tanong ni Enan. “Oo alam ko you two just got reunited pero kakaiba yung chemistry niyo. Grabe ha, ang tagal na hindi nagkita at nagkasama pero pag magkasama akala mo kung kayo talaga” sabi ng dalaga. “What? Anong kami?” tanong ni Enan. “Parang iisang tao kayo e, usually pag ganon ang dalawang tao e sila talaga. Ganon ang ibang couples na matagal na magkasama, kahit wala yung isa feeling mo meron parin kasi nandon yung isa. Basta hindi ko maexplain e but if I see you two together ang sweet niyo sa isa’t isa, parang basta mahirap explain” sabi ni Sally. “Nope, she is just like a…” sabi ni Enan sabay napatigil. “Huh! Hindi niya matuloy, hindi mo kayang sabihing sister hahaha. Buking ka na” kantyaw ni Sally. “You are putting thoughts on my mind, I am in love with Cristine” sabi ni Enan. “O bakit walang period? Uy, nag iwan ng puwang” hirit ng dalaga kaya biglang napangiti si Enan. “Huli ka!” sabi ni Sally. “Tsk hindi, basta hindi talaga” sabi ni Enan. “Yeah keep telling yourself that. Eto lang buddy ha, bago mo ligawan si Cristine you better resolve that issue. Wag na wag mong liligawan si Cristine pag may ganyan kang issue towards Jessica” payo ng dalaga. “Buddy naman” reklamo ni Enan. “You better listen to me buddy, this is for your own good. Ayaw ko na umabot ka na kayo na ulit ni Cristine tapos kalahati ng puso mo may pagsisisi” sabi ni Sally. “That will never happy” sabi ni Enan. “Kaya better make sure settled ang issue, may kilala akong friend na girl, ang drama niya days after sinagot niya yung isang guy e, mali ata daw sinagot niya. Kaya a few months later nag break” “Kasi hindi niya maibigay one hundred percent niya. Yung ibang percent naglinger sa pagsisisi o what ifs yung isa sinagot niya. Syempre girl yon, ikaw guy ka. Enan mitsa yan ng pagiging babaero, alam ko hindi ka ganon kasi mabait kang tao. Do not put yourself in that predicament” payo ni Sally. “Bakit pa kasi ako nadulas, dahil sa dulas na yon nagulo tuloy isipan ko. Siguro mali lang ako, siguro yung dulas na yon just made me think about it pero sa totoo wala naman” sabi ni Enan. “Maybe pero dahil sa kwento mo nakonek the dots ko din observation ko about you and Jessica” sabi ni Sally. “She is just my long lost friend buddy” sabi ni Enan. “Alam mo buddy, di naman sa ginugulo ko isipan mo ha. Pero emotions and feelings that are denied or neglected can be bad. It can haunt you once you realize they were true and really there” sabi ng dalaga. “But I am in love with Cristine” ulit ni Enan. “I know buddy, basta make sure si Cristine lang. Para sa iyo to buddy, trust me. Ayaw ko makita kang nahihirapan ka one day. So enough about that talk, gusto mo trade tayo ng kotse ng one week?” biglang banat ni Sally. “Bakit naman?” tanong ni Enan. “Kasi yung mga green dresses ko babagay dito sa car mo. Alam mo na ako, kahit two days lang or once a week. Pag nag green ako hiramin ko kotse mo” sabi ni Sally. “Pwede naman, sige sure why not” sabi ni Enan. “Yes!” sigaw ng dalaga sa tuwa. “Buddy what the hell is an interpretetative dance?” tanong ni Enan. “Uso ang Google, try mo din minsan” banat ni Sally. “Ngayon lang naalala kasi naka promise ako kay Violet na ako partner niya sa isang contest tapos yun daw ang sayaw” sabi ni Enan. “Oooh” landi ni Sally. “Anong oooh?” tanong ng binata. “Wala, alam mo ba yung interpretetative dancing ay may pagka erotic theme?” tanong ni Sally kaya nanlaki ang mga mata ni Enan. “Are you kidding me?” tanong ni Enan. “No joke, well not all naman. Madami naman klase e, meron yung contemporary ata kung saan lumang song na instrumental interpret niyo” “Parang mga nature songs then you two will interpret that song through dance, movements or whatever. Meron naman yung nauuso mga love songs na interpret niyo din. Baka mali lang yung term ko, not erotic naman but parang ganon. Madaming touching, buhatan, may pagka acrobatics but most of all dikit na dikit at times” kwento ng dalaga. “Now that will be really awkard” sabi ni Enan. “Sabihin mo kay Violet si Jessica nalang mag sub” biro ni Sally. “Bwisit! Yan ka nanaman buddy e, will you stop it already” reklamo ni Enan. “Uy galit” tukso ng dalaga. “Di ako galit, pero wag mo na kasi ipilit yung issue” sabi ng binata. “Okay, sorry buddy. Ano kaya mararamdaman ni Cristine pag nalaman niya sasali ka sa contest nag anon with a girl you used to like?” landi ni Sally. “Oh shoot, is it bad? Uy buddy, makakasama ba sa akin yon?” tanong ni Enan. “Well, hindi pa naman kayo ulit so hindi naman siguro. Wag mo nalang sabihin pero alam mo sabihin mo, tignan mo reaksyon niya. If negative reaction yiheeeeee” landi ni Sally kaya natawa si Enan at nakiliti. “Gusto ko lang suportahan si Violet, ito na yung hilig nya e. Patay na patay ako sa kanya noon aaminin ko, ngayon nandon parin naman kahit papano yung pag care ko sa kanya. Funny lang, other people are expecting na pag binasted ka e layuan mo na” “Ayaw ko naman isipin din ng iba na may pagtingin parin ako sa kanya, meron parin pero not like before. I still care for her so I want to help her out. Inunahan na kita baka mamaya gumawa ka nanaman ng issue e” sabi ni Enan. “Naks kilalang kilala mo na ako buddy ha” sabi ni Sally. “Buddy, what does it feel like to be rich?” biglang tanong ni Enan kaya nautal yung dalaga. “Grabe naman yang tanong mo, di naman kami ganon kayaman” sabi ng dalaga. “Sige na, tell me naman ano feeling” sabi ni Enan. “Buddy, bakit ba? Don’t tell me kaya ka kayod ng kayod for Cristine ha. Suntukin kita” banta ng dalaga. “Mas madali ata mapapasagot ng guy ang isang girl pag may kaya e” sabi ni Enan. “Natural, factor din yon ano. Ang tawag don financial security. Listen, hindi naman talaga big deal yan pero lets face it, yeah its up there somewhere. Siyempre if you fall in love ang iniisip mo long term relationship, yung sinasabi nilang forever na talaga” “So kasama ng forever na yan yung makakain ba kami araw araw? May tirahan ba kami if kinasal kami, saan kami kukuha ng pera o pang gastos. Parang ganon, pero parang hindi naman papasok yun agad e, I mean honestly nandon yung thought so yeah maybe it’s a small factor” sabi ni Sally. “Just wanted to make sure, syempre sa mga katulad ko kahit konting factor big deal na yon sa amin. Simula na nga olats na so kahit tingi tinging mga factor at pogi points malaking tulong na sa amin” sabi ni Enan. “Baliw, naging kayo na noon ni Cristine, what the hell are you so afraid of now? Napasagot mo siya noon, anak pa ng senador napasagot mo, ano problema mo?” tanong ng dalaga. “Yung huling sinabi mo, nanliit ako sobra, masakit yung mga sinabi ng daddy niya” “Pero naiintindihan ko naman, he was just looking out for her future. Dinibdib ko yon talaga buddy, kaya kumayod ako ng kumayod. Etong si birdy ang start” sabi ni Enan. “Grabe ka buddy! Her father was wrong, naghusga agad e college ka palang. He was totally wrong!” “Buti sana kung mag ganon siya if thirty years old ka na tapos jobless ka. Hindi ba niya alam college ka palang tapos may part time job kang ganon? Listen to me, he was totally wrong…grabe no wonder you bought a car” sabi ni Sally. “Nandon narin hidden message about my appearance, understood nayon. Nakita ko naman mga mata niya e” sabi ni Enan. “Alam mo buddy ang tigas din ng ulo mo e. Para kang sirang plaka na paulit ulit ang drama. Ikaw lang mismo humahadlang sa sarili mo” “Just be yourself, sapat nayon. Hindi mo pa ba magets? Cristine liked you, naging kayo, ano ba meron ka noon ha? Wala, sarili mo lang. Sinagot ka nung anak ng senador, o ano meron ka? Sarili mo lang, o ngayon nag gaganyan ka nanaman. You still have yourself, no did not lose anything” “Your past relationships ended not because of you, because of external factors lang. Not because of you. Cristine chose her work for her family, that senator’s daughter walang choice kasi utos ng ama, pero pag siya masusunod ano sa tingin mo?” “Parang gusto mo lang ata marinig ulit e, o I liked you because of who you are. O yan” sabi ni Sally kaya napangiti si Enan. “Pasensya na buddy, you were not born as me so you will never understand if bakit paulit ulit nalang” “Pero salamat” sabi ni Enan. “Sorry din for raising my voice, pero buddy naiintindihan kita. Sana bawas bawasan mo yang emotional baggage mo na dala dala mo pa nung bata ka. Not all people will like you, meron parin yung mga mapagmata, mataas ang standards sa physical appreance, meron parin yung mag hypocrites na nagsasabi na looks is not important pero lalaitin ka” “Pero meron at meron magkakagusto sa iyo dahil ikaw yan. Meron at meron magkakagusto sa iyo dahil sa iyo lang at wala nang ibang rason. Hambalusin nakita diyan e, gusto mo ihampas ko sa iyo gold bars ko?” banat ni Sally kaya napahalakhak si Enan. “Just relax buddy, you will be fine. Focus ka lang buddy” sabi ni Sally. “Naka focus na ako o” biro ni Enan kaya natawa si Sally. “Not on my legs, ikaw talaga may pagka m******s ka ata e” sabi ng dalaga. “Meron din naman, lalake e. Kasalanan mo naman, ganyan suot mo so can you blame me?” “Kung may karatula sana sa legs mo na do not stare e di hindi ko sila titignan. Pero wala e so pasensya na” banat ni Enan kaya todo halakhak si Sally. “Hala nandito na tayo, kinakabahan ako Buddy” sabi ni Enan. “Uy alam mo ba nakwento ko kay kuya na magiging model ka na. He was like speechless, ayaw maniwala so I name dropped the photographer e familiar name niya kay kuya kasi nga he used to date an aspiring model. Hala next day mag gym na daw siya, as in pati sa bahay work out na siya” “Nakakatawa talaga, one time I even heard him singing sa kwarto niya hahaha” kwento ng dalaga. “Well at least may mga naiispire pala ako” sabi ni Enan. “Buddy grabe I am so excited for you talaga. Grabe naiimagine ko na sa Fashion Tv one day makikita nalang kita. I know it will happen, if not kahit picture lang sa isang magazine o kahit isang advertisement lang sa mag” sabi ni Sally. “Buddy talaga” sabi ni Enan. “Buddy, in order for you to reach your dreams you should likewise believe in them. Ang dali mangarap pero mahirap magfulfill ng pangarap kung wala ka din tiwala sa sarili mo” “Siguro eto talaga yung destiny mo, kasi skit mo lagi ikaw yung pinakamagandang lalake sa mundo so eto na yon buddy. Di mo ba naisip na premonition mga yon? Yung mga skit skit mo na Intergalactic bae chorvah, baka premonition for this day or the future” “Buddy eto tip ko sa iyo, yung skit skit mo, gawin mo yon sa pictorial, live it. Become the Intergalactic bae, ilabas mo yung confidence, ilabas mo yung angas para di na mahirapan yung photographer” “Trust me on this one, mag artistahin mode ka buddy” sabi ng dalaga. “Salina, you don’t have to remind me babe” banat ni Enan sabay kumindat kaya napahalakhak si Sally. “Kaya nga sabi ko sa iyo walang move on move on sa akin, baka mamaya bawiin mo sinabi mo” “Baka mamaya naghahabol ka ulit sa akin, I wouldn’t be surprised at all babe” hirit ni Enan kaya super tawa si Sally. Pagkaparada sa kotse agad lumabas si Enan, “Salina my clothes” banat ni Enan. “Ulol!” sigaw ng dalaga kaya natawa si Enan. “Joke lang, sabi mo kasi in character ako, e di syempre ikaw yung personal assistant ko” biro ng binata. “Buddy wag kang kabahan, look straight at the camera as if there is no one there” sabi ni Sally. “Bakit ang dami mong alam? Don’t tell me nag aspire kang maging model noon?” tanong ni Enan. “Pero masyado akong maliit, well di ko nareach height requirement. Hanggangg ganda lang ako” banat ni Sally kaya natawa si Enan. “O bakit ka natawa?” tanong ni Sally. “Gusto ko yung angas mo, hiramin ko yung linya mo minsan ha. I like that line” sabi ng binata. “Hoy lalake, ano ba? Tara na” reklamo ng dalaga. “Buddy parang kailangan ko mag banyo” palusot ni Enan. “Buddy! Isa! This is your moment” sabi ng dalaga. “Pictorial lang naman diba? Di pa naman sure diba?” sabi ni Enan. “Eto nanaman tayo, will you come over here. Duwag” “Dito magsisimula ang pagiging tunay na artistahin mo”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD