Lunes ng alas sais ng hapon nagmamadali si Enan na pumasok sa loob ng isang coffee shop. “Maliit at petite” bulong niya sabay nilingon ang lahat ng customer sa loob ng shop. Sa pinakasulok namukhaan niya yung isang babae na nakita na niya sa isang wedding kaya agad niya ito nilapitan.
Yung babae abala sa pagbabasa ng isang libro, petite siya, light morena at maayos na nakatali ang buhok niya. “Ah excuse me” sabi ni Enan. Napatingin yung babae, namukhaan niya din ang binata kaya tinuro niya ito. “Valdez wedding, you are the singer” sabi ng dalaga.
“Yes, and you are the photographer I think” sagot ni Enan. “Right” sabi lang ng babae kaya napakamot si Enan. “Ah ikaw ba yung kaibigan ni Mikan?” tanong niya. “Oh, so you are Enan. You are late” sabi ng dalaga. “Sorry kasi natraffic ako, hinatid ko pa yung…” sabi ng binata.
“So much excuses nagsisimula ka palang, dapat kahit starter ka be professional” sabi nung babae. “I apologize” sabi ni Enan. “Well your apology is not enough. I already missed another meeting with a prospective client. Kung di ka lang kaibigan ni Mikan kanina pa ako umalis” sabi ng dalaga.
“Sorry talaga” sabi ni Enan. “Ayan ka nanaman e, wala na magagawa sorry mo. Why don’t you go get me another drink and something to eat” sabi ng dalaga. “Okay sure, I did not get your name” sabi ni Enan kaya biglang hinarap ng dalaga yung baso niya kung saan nakasulat pangalan niya.
Tinungo ni Enan ulo niya sabay nagtungo na sa counter. Habang nakapila nilabas niya phone niya at tinext si Greg. “Pare, we are not supposed to hit girls pero ngayon may isang babae dito na gusto ko nang upakan” sumbong niya. “Malaking problema yan pare” sagot ng kaibigan niya.
“What if magpanggap akong bading, okay lang ba? Parang girl to girl fight lang diba?” hirit ni Enan. “Hoy umayos ka nga. Ano ba ginawa niya sa iyo?” tanong ni Greg. “Basta, bwisit e. Sige mamaya nalang” sabi ni Enan.
Sa inis inantay nalang ni Enan yung mga order sa counter pagkat ayaw niya mag antay kasama si Chelsea. Nung makuha niya order niya nakita niya yung dalaga na nag ayos at tinago yung binabasa niyang libro.
“How did you know I wanted this?” tanong ni Chelsea, “Marunong naman ako magtanong ng maayos sa barista, regular ka daw kaya ayan” sagot ng binata. “Hey, if I offended you earlier it is for your own good. Itong papasukin mo mas strikto pa sila” sabi ng dalaga.
“Teka lang, pinilit lang naman ako ni Mikan e” sabi ni Enan. “Oh so ayaw mo pala. Then nagsasayang lang tayo ng oras dito” sabi ni Chelsea. “Di ko alam kung biro lang yung natanggap kong e-mail, I mean look at me. Ikaw kung umasta ka parang matagal ka na dito sa industriyang ito so look at me” sagot ni Enan.
“You want me to be honest? I have seen much worse, I am not saying you look bad. You are okay pero trust me when I say I have seen much worse, maniwala ka sa akin. As in state of shock pa ako sa gusto nilang ipagawa sa akin, kung makaasta sila akala mo kung talaga model sila pero ako…Diyos ko up to now hindi ko mahanap” sabi ni Chelsea.
“Mahanap ang alin?” tanong ni Enan. “Yung IT factor nila, pero sabi ko I don’t care as long as kumikita ako. Yun ang gusto ng client e di sige diba? Meron pa complete entourage, and I am just like ano ba nacomatose ba ako? Pano? Saan? Di ko makita man lang yung kagadahan o kagwapuhan tapos sa akin pa sila magagalit kung pangit yung kuha”
“Minsan nga napaaway ako, sabi ko nalang hindi nagsisinungaling ang camera. Kung ano tinutokan ayon din makukuha” kwento ni Chelsea kaya napahalakhak si Enan. “So sa tingin mo may pag asa ako?” tanong ni Enan.
“Well nakwento ni Mikan, I did some research on that person and yung mga nabanggit niyang companies. Its not really about the face, in general its about the total physique and judging by the way you compose yourself mukhang meron”
“Let me be honest, kaya ko din tinanggap ito kasi first time to do something like this for an International gig. So I am doing this for free, as a favor and I hope you don’t mind for myself too. Kung big break mo ito, makikisabit ako sa iyo if that is alright with you” sabi ni Chelsea kaya nagulat si Enan.
“Oh sure sure, teka ang kapal ko ata. Oo naman, pero usually magkano ba fee mo?” tanong ng binata. “Let us not talk about that anymore. So now I need to get to know you, kasi this is how I work. I need to get to know my clients first, para naman pag kukuhanan ko na sila medyo may idea ako tungkol sa kanila”
“Gusto ko ilabas yung positive side nila pero in your case iba. Still I need to get to know you, I need to familiarize myself with your face, mga angulo na okay at angulo na hindi para sa set hindi na ako mangangapa” sabi ng dalaga.
“Pero locally may models kang clients?” tanong ni Enan. “Oo naman, I have done many covers for magazines too. It seems you doubt me?” sabi ni Chelsea. “Hindi, ah gusto ko sana itanong kung may mga successful narin na tulad ko” sabi ni Enan. “Honestly wala, teka I am speaking about yung nagsimula sa baba tapos umangat ha”
“Pero meron naman yung mga artistang…” sabi ni Chelsea. “Pangit” sabi ni Enan. “Don’t use that term, let us just say extraordinary talents, yes I have done covers for them too. Yung isang gay na sumikat bigla, ayon I did shoots for him. Ano ba itsura niya noon? Wala, gumanda nalang nung nagkapera na. Alam mo, sinabi ko sa iyo you look okay, mas malakas pa kumpiyansa ng mga walang wala sa iyo e” sabi ni Chelsea.
“I beg your pardon, you are talking to the most handsome man in the universe” banat ni Enan kaya bigla siyang tinuro ng dalaga. “Ganyan, ganyan dapat” sabi ni Chelsea. “Oh you were supposed to laugh, it was a joke” sabi ni Enan. “No, I wish you saw your face, kanina para kang may LBM na nasunugan pa ng bahay habang nagbabawas sa banyo”
“Then when you said you are the most handsome man, umiba aura mo. Nagkaroon ka ng confidence, actually I was trying to give you a pep talk kasi I have worked too with people with no confidence. Meron mga papasikat na artista, hindi pa nila alam sikat sila so wala silang confidence”
“Aysus ang hirap makatrabaho yung mga ganon, so kanina sabi ko mahihirapan ako sa iyo pero just seconds ago you showed me meron e” sabi ng dalaga. “Well paa sa lupa, that is my motto. Kung si Clark Kent nga salamin lang ginamit niya nauto na niya yung mga tao para di siya marecognize na siya si Superman e”
“Ako naman mahusay akong artista, pinapalabas ko weak ako para itago ang aking taglay na kagwapuhan. It seems it worked on you” banat ni Enan kaya biglang pumalakpak si Chelsea pero hindi siya natawa. “That is it, yes I can work with you” sabi ng dalaga.
Litong lito si Enan pagkat hindi niya napapatawa yung dalaga, dikit parin sa trabaho si Chelsea kaya umayos ang binata. “So wala talaga ako alam pero kung ano ipapagawa mo game ako” sabi ni Enan. “You will just be doing poses. Magreresearch pa ako actually para sa proper portfolios para alam ko din ano dapat mga kukunin ko”
“I am sure I can work fine with you, so busy ako except on Saturday morning. Is that okay with you?” tanong ni Chelsea. “Sure, I can make it happen. What do I need to bring?” tanong ni Enan.
“Clothes, lots of clothes. Ganito nalang, I will do my research, ikaw naman you send me photos of the clothes you have or clothes that you can borrow. Here is my card, send mo sa e-mail ko para makita ko din then pag nakabuo ako ng concept maybe I can select the clothes na dadalhin mo”
“I am sorry, wala pa ako studio not like the other photographers. I am excited for this project, I hope you don’t mind kung makikisakay ako” sabi ni Chelsea. “Oo naman” sabi ni Enan. “Alam mo nakakalito ka din e, sa wedding iba dating mo then kanina iba din” sabi ni Chelsea.
“I am still new to the wedding singer business, accidental lang yon” sabi ni Enan. “You sound good honestly, hey I have a bunch of wedding gigs upcoming, if you want package deal tayo pero syempre lion share ako” banat ni Chelsea sabay natawa.
“Upcoming that means sure na, oo ba. Kasi ako naman by recommendations basis. Walang upcoming unless may magtext” sabi ni Enan. “Magkano ba rate mo?” tanong ni Chelsea. “Wala ako idea, kung ano ibigay tinatanggap ko” sabi ni Enan. “Are you crazy? You are damn good then ganyan ka. Sayang yung kita” sabi ni Chelsea.
“Like I said nagsisimula palang ako. Sabi ni Mikan sa akin if you are beginning ganyan talaga daw” paliwanag ng binata. “Oh no, I heard you and you are good. Sige ako bahala pero ahem may cut ako kasi booking ko yon ha” sabi ng dalaga. “Oo ba, kasi sa tingin ko kailangan ko ng maraming funds soon” sabi ni Enan.
“Magpapatayo ka bahay?” tanong ni Chelsea. “Hindi, manliligaw ako” sabi ni Enan. “Manliligaw? Sino ba liligawan mo? Anak ng saksakan ng yaman? Hoy kung balak mo idaan sa gastos yung ligaw forget it. At kung yang babae na yan high maintenance layuan mo na” sabi ni Chelsea.
“Uy parang may hugot” biro ng binata. “Just saying, I hate those kind of girls na masyadong materialistic. Oh sorry kung ganon ang type mo go ahead” sabi ng dalaga. “Hindi e, artista kasi liligawan ko” sabi ni Enan kaya napatigil si Chelsea. “Oh oo nga pala, you are that guy, yung ex nung..sino na yon?”
“Shoot kaya pala sabi ko sa wedding how come this guy looks familiar. Sorry naman I don’t want TV that much. I don’t even do social media thingies” sabi I Chelsea. “Yeah I am that guy” bulong ni Enan. “So sino namang artista ngayon liligawan mo? Teka tignan mo ito, kanina akala mo sino weakling tapos nanliligaw pala ng artista”
“Ang labo mo din ha” sabi ng dalaga. “Siya parin” sabi ni Enan. “Ano? Siya parin? Okay so kanina di na ako nagtanong pero understood you two broke up kasi sabi mo manliligaw ka, siya parin liligawan mo?” tanong ni Chelsea.
“Yes, trust me its complicated” sabi ni Enan. “Interesting, you two broke up tapos gusto mo ulit ligawan. Hmmm so that means kasalanan mo kung bakit kayo naghiwalay” sabi ni Chelsea. “Uy hindi…well sige oo ako nga” sagot ni Enan.
“Si Mikan siguro ano rason bakit kayo naghiwalay?” tanong ng dalaga kaya nanlaki ang mga mata ni Enan. “Now pag si Mikan nga, that means mabait kang tao kasi si Mikan allergic sa bad people yon. Ngayon you and Mikan are not working out pero you broke up nicely kaya she is helping you out”
“Pero bakit ang bilis, gusto mo agad manligaw ng iba?” tanong ni Chelsea kaya natawa ng malakas si Enan. “Mikan is just a good friend” sabi ni Enan. “Showbiz answer” sabi ni Chelsea kaya nilabas ni Enan phone niya at tinawagan si Mikan. “Eto kausapin mo, tell her your theory” sabi ng binata. Nag usap si Chelsea at Mikan, nagtakip ng mukha ang dalaga at muling natawa. “Okay sorry, sorry pero yeah okay na siya. May sched na kami. Ako na bahala” sabi ni Chelsea.
Inabot ng dalaga yung phone, “Grabe ka parang kang bata, nagsumbong pa talaga. You could have easily explained” sabi ni Chelsea. “Hehe may nalaman ako tungkol sa iyo” sabi ni Enan. “Ows, at ano yon?” tanong ng dalaga.
“You blushed while talking to Mikan, kinikilig ka. Huh, trust me I know kasi ganyan din ako pag kausap ko si Ikang sa phone” sabi ni Enan sabay bigla siyang napatigil at napanganga. “Cute naman ng nickname mo for Cristine” sabi ni Chelsea.
“Ah mali, don’t change the topic. Huli kita” sabi si Enan. “Di ko alam ano pinagsasabi mo. Hey I have a meeting in thirty minutes, mauna na ako. See you on Saturday. Do not forget to send me the photos of your clothes” sabi ni Chelsea sabay nag impake na.
Magulo parin isipan ni Enan, hindi parin siya makapaniwala na nasabi niya yung nasabi niya kanina. “Hey mauna na ako, thanks for the drink and cheesecake, ipapa take out ko nalang” sabi ng dalaga. “Ah sure, salamat din. See you on Satuday” sabi ni Enan.
Naiwan ang binata sa coffee shop, “I was supposed to say Tiny, not Ikang” sabi niya sa sarili. Nilabas niya phone niya saka tinawagan si Jessica ngunit pagring palang pinatay niya agad yung tawag.
Nakaramdam ng kaba si Enan, nalito kaya napainom sa kape niya. Nagring phone niya, nakita niya na si Jessica yung tumatawag kaya lalo siyang kinakahaban. Sinagot niya ito agad, “Andoy, you called?” tanong ng dalaga. Di makapaniwala si Enan na nakangiti na siya kaya hinaplos niya ulo niya. “Andoy?” ulit ng dalaga. “Uy Ikang sorry, katatapos ng meeting, di ako aware nadial kita. Baka napindot lang nung binubulsa ko phone ko” palusot ng binata.
“Andoy, cheese bread naman o please” lambing ng dalaga. “Ah ang meron dito cheesecake, gusto mo yon Ikang?” tanong ng binata. “Yes please, dadalhin mo dito? Dadalhin mo dito?” tanong ng dalaga. “Sige, sakto paalis narin ako kasi. Sige kuha ako then idaan ko diyan” sabi ni Enan.
“Yes! Hmmm dinner ka na kaya dito? You want?” tanong ng dalaga. “Ah next time, kasi nagluto si mama ng masarap daw” palusot ni Enan. “Okay, malapit ka na?” biro ng dalaga kaya nagtawanan sila. “Naman, basta dadating ako Ikang” sabi ni Enan. “Okay, ingat ka ha. Malapit ka na?” hirit ni Jessica kaya natawa nalang si Enan.
Habang nagmamaneho malayo isapan ni Enan, inuga niya ulo niya, nagpatugtog nalang at sinabayan yung kanta. Pagdating niya kina Jessica nakaramdam siya bigla ng kaba, matagal siya sa gate, di mapakali hanggang sa bumukas ito bigla.
“I knew it nandito ka na, wow para sa akin lahat yan?” tanong ni Jessica. “Of course” sagot ng binata. Biglang natawa si Jessica, pinalo ang binata sa dibdib sabay kinurot ito. “Bakit ganyan ka makatingin sa akin?” tanong ni Jessica. “Ha? E kasi di kaaya aya tignan yung kameeting ko, napaka refreshing yung magandang mukha mo” sabi ni Enan.
Kinilig si Ikang, pinalo ang binata sabay kinurot ulit ito. “Ano yung meeting na yon? Kanina ko pa tinatanong nung hinatid mo ako. So will you tell me now?” lambing ng dalaga. “I really cant, if successful siya then isa siyang surprise” sabi ni Enan.
“Kahit ano yon Andoy proud na proud ako talaga sa iyo. Nung bata tayo tahimik ka lang, ako lagi nagsasabi about my dreams pero now look at you, lahat ng pangarap ko noon ikaw tumutupad. Sana alam ko din mga pangarap mo noon para ako din gumawa ng mga yon” sabi ng dalaga.
“Tama na drama Ikang, we are still young. Di ko naman pangarap ang mga ito sa totoo, nagkataon lang” sabi ng binata. Hinaplos ni Jessica noo ng binata, “May sakit ka ba? You look different, nanginginig ka pa at pinagpapawisan” sabi niya.
“Ha? Hindi okay lang ako” sabi ni Enan. “Are you sure? Do not lie to me Andoy” sabi ng dalaga. Ikang I am fine, sige na pala mauna na ako” sabi ng binata. “Ingat sa daan ha, you call me or text me pagkauwi mo. Do not forget” lambing ni Jessica.
“I will, sige na Ikang wag mo na ako ihatid. Pasok ka na at malamok” sabi ni Enan. “Okay, thank you Andoy. You drive safe” sabi ng dalaga sabay pumasok na sa gate. Sa loob ng kotse nagpunas ng pawis si Enan, huminga siya ng malalim sabay pinaandar na agad kotse niya.
Over dinner napansin nina Rosa at Robert na wala sa sarili ang anak nila. “Anak are you okay?” tanong ni Rosa. “Ma, hindi” sagot ng binata. “Talk to us anak” sabi ni Robert. “Kanina po kasi may kameeting ako, nahuli ko siya na kinikilig habang kausap yung isang tao so sinita ko siya”
“Sabi ko sa kanya, alam ko yan kasi ganyan akong kinikilig pag kausap ko si…” sabi ng binata. “Cristine” dagdag ni Rosa. “No ma, ang nasabi ko is Ikang” kwento ng binata kaya nagtitigan ang kanyang mga magulang.
“Slip of the tongue, it happens anak” sabi ni Robert. “Yun na nga dad e, I kept telling myself that pero everytime I do parang..parang…” sabi ni Enan. “Anak alam mo, ikaw lang naman makakapagsabi kung totoo yan o hindi”
“Ikaw lang nakakaalam ng nararamdaman mo para sa isang tao. If ever meron then I don’t see anything wrong with it” sabi ni Rosa. “You are single so why do you look so guilty? Its normal, teens undergo that” dagdag ni Robert.
“Pero imposible po e” sabi ni Enan. “Anak, ganyan talaga sa edad mo. Some emotions are tricky so payo nga nung lola, ang pag ibig hindi minamadali. Di porke may naradamaman ka na go na, of course try and understand those feelings”
“Alam mo anak baka nadulas ka lang. Then inisip mo naman bakit ka nadulas, now you are doubting yourself or trying to find an explaination bakit mo siya nabanggit. Lilipas din yan, kung hindi then let us all have another talk. Okay?” sabi ni Robert.
“Dulas lang siguro yon” sabi ni Enan.