Nagising si Jelly sa isang malakas na sintunadong birit kaya napaupo siya at muntikan nang sumigaw. Agad siya tumayo at dahan dahan binuksan pintuan ng kanyang kwarto para sumilip sa labas.
Nakita niya si Cristine na nakansado lang at panty ngunit nakasuot naman ng apron na pula. “Oh my God” bulong niya at agad agad kinuha phone niya para tawagan si Arlene. “Hello Arlene, may problema tayo. Si Cristine nagluto ng breakfast” bulong ni Jelly.
“Will you speak up, bakit ka bumubulong?” tanong ni Arlene. “Baka biglang matauhan e, she is cooking pancakes. Naka apron pa siya, yumaya Dub ang peg pero bumibirit at ang sakit sa tenga. Eto pakinggan mo” sabi si Jelly sabay nilapit phone niya sa labas ng kwarto.
“Lalala lalala lalalala shoobidooobidooo waaa…aaaahhhh” birit ni Cristine kaya biglang natawa si Arlene. “O yan narinig mo, possessed siya. Natatakot ako Arlene, gusto ko sana lumabas pero baka bigla siyang matauhan at tumigil o kaya baka magwala kasi sinira ko mood niya” bulong ni Jelly.
“Jelly are you awake? I can hear you, lika na bestie almusal na tayo” sigaw ni Cristine. “Bestie? Oh my God Arlene, naka drugs ata siya” bulong ni Jelly. “Jelly, come on habang mainit pa” hirit ng dalaga. “Puntahan mo na dali, baka mamaya dragon nanaman yan. Sige na balitaan mo nalang ako” sabi ni Arlene.
Lumabas ng kwarto si Jelly, agad siya hinila ni Cristine papuntang dining area at inalalayan na maupo. “Cristine ang daming pancakes, dalawa lang tayo…dalawa lang tayo diba?” sabi si Jelly sabay napanting sa pituan ng kwarto ng dalaga.
“Oo, in the mood ako kumain. So limang pancake sa iyo at lima din sa akin. No wait, anim sa iyo then apat sa akin kasi mas malaki ka. O tara kain na…ay teka gawan kita ng hot choco mo din. Sige lang start eating” sabi ni Cristine sa sobrang lambing na boses.
Tumikim si Jelly, dahan dahan ngumuya at nabilib pagkat lasang pancake talaga yung naluto ng dalaga. “So anong oras ka na nakauwi kagabi?” tanong niya. “Oh past nine na yon. Dumiretso na ako natulog, gisingin sana kita kasi I bought you chocolate mousse, nasa ref siya if you want pero mamaya mo na kainin yon” sabi ni Cristine.
“Baka gusto mo magdamit konti, naiinggit ako sa cute butt mo e” sabi ng bading. “Gusto ko nga maghubad e, grabe I feel so good. Ang gaan gaan ko today, parang wala akong problema sa mundo. When I woke up binuksan ko yung Twitter ko at nireplayan ko lahat ng bashers ng good morning”
“Hmmm eto o Jelly” sabi ng dalaga sabay naupo sa tapat ng bading. “Cristine okay ka lang?” tanong ni Jelly. “I feel wonderful, come on lets eat” sabi ng dalaga. “Masyado ata marami, baka tumaba ka” sabi ng bading. “The better, para mas matagal kami sa gym. Hay Jelly, kung pwede ko lang ishare sa iyo kasiyahan ko gagawin ko pero sorry ha magdadamot muna ako” pacute ng dalaga.
“Hindi na ako magtatanong, uy sis in fairness ha masarap tong pancakes” sabi ng bading. “Ay oo, nag Google ako this morning kasi di ako kunento sa istructions sa box. Kaya eto mas masarap na pancake. I should start learing to really cook, I think mag culinary course ata ako” sabi ni Cristine.
“At pano mo gagawin yon sa busy schedule mo?” tanong ni Jelly. “Well things will change now, dati umiikot sa trabaho ko ang buhay ko. Ngayon kailangan mag adapat ng trabaho sa buhay ko. Oo mag eenrol ako sa culinary school”
“Si mama magaling magluto so its high time may magtaguyod ng legacy niya kasi ako yung babae. Basta Jelly I am so happy” sabi ni Cristine. “Alam mo sis kahit di mo sabihin kitang kita naman sa mukha mo. May kakaiba kang glow” sabi ni Jelly.
Biglang tumunog phone ng dalaga na nakalapag sa dining table. Sumilip si Jelly at nakita na unknown umber yung nagtext. “Basahin ko?” tanong ng bading. “Yes please” sagot ng dalaga. “Galing kay, alam mo na. Good morning sunshine daw” sabi ng bading.
“Paki reply ito sis, Hi, please stop texting me you idiot” sabi ng dalaga kaya nagulat si Jelly. “Oh dagdag mo god bless and good morning” sabi ni Cristine. “Ah you know what ilagay ko nalang spam list yung number niya para kahit magtext siya diretso na messages niya sa spam folder” sabi ni Jelly. “Oh pwede ba yon? Okay gawin mo, thanks sis” lambing ni Cristine kaya litong lito na si Jelly sap ag uugali ng dalaga.
After lunch ng araw na yon sa isang covered court hingal na hingal si Greg at ibang mga kasama niya. “Enan ano ka ba? Bakit ayaw mo magshoot?” tanong niya. “O bakit laman lang sila ng pito, kayo bakit kasi di kayo maka shoot?” tanong ni Enan.
“Pagod kami, takbo ka ng takbo, tapos hindi mo naman tatapusin. Ipapasa mo pala” reklamo ni Greg. “At least close fight, may second half pa naman ah…ay teka diba si Lea yon?” tanong ni Enan kaya pagligon ni Greg nakita niya yung magandang dalaga sa malayo.
“Tignan mo na, hiyang hiya ako. Natatalo tayo, last time sinabi ko sa kanya ang galing ng team natin pero tsk. Naman bawas pogi points bro” sabi ni Greg. “Ay bakit meron points ka na ba? Kailan pa?” banat ni Enan kaya natawa yung ibang team mates nila.
“Oy loser, kumusta naman?” sabi ni Lea nang makalapit. “Nandito ka pala” sabi ni Greg. “My friend lives nearby, may basketball so I came to watch. Ganda ng score ah” ladi ni Lea. “May second half pa, warm up lang namin yon” sabi ni Greg. “Ah talaga? Laking tao di man lang nashoot yung lay up” kantyaw ng dalaga kaya natawa si Enan.
“Mali lang take off ko” palusot ni Greg. Pumito na yung ref kaya naupo si Lea habang sina Enan at Greg at ibang kasama nila nagpunta na sa ceter court. “Pare sasabay ako, pasahan mo ako. I will be ready” sabi ni Greg. “Magshoot ka nalang Enan” sabi nung isa.
“Guys, happy ako today. Gusto ko magshare ng blessings. Kaya nama natin yung kalaban e. Inalat lang kayo sa shooting. Pero guys, para kay Greg sana tong second half kung okay lang. Tulungan naman natin siya makamit ang first ever pogi point niya” banat ni Enan.
“Sira, akala mo naman sino to” bulong ni Greg. “Ano gusto mo o ayaw mo?” sagot ni Ena. “Gusto” sabi ni Greg. Simula palang ng laro umariba na sa bilis si Enan nang makaagaw agad siya. Sumabay talaga si Greg, nakauna si Enan kaya siya yung hinabol ng mga kalaban.
Simpleng back pass sa pasugod na Greg, naka iskor agad ng lay up yung matangkad na binata sabay tingin sa bench pero kibit balikat lang si Lea. “Masyado kang obvious, focus sa laro at wag sa kanya. Lima pa hahabulin natin. Ano ineexpect mo papalakpak na e natatalo parin tayo?” bulong ni Enan.
Nakatabla sila, isang fast break play kung saan nakauna ulit si Enan. Tumalon na siya para magshoot ngunit dalawang kalaban ang sumabay sa kanya. “Kay Greg” narinig nilang ni Lea na nakatayo sa may bench. Binomba ni Enan yung tira saka pinasa sa pasugod na kaibigan niya.
Pagsalo ni Greg hindi na siya nagdribble, tinuloy ang hakbang hanggang sa tumalon siya at nakapag one handed slam. “Whoooooooo” hiyaw ni Lea mula sa bench, paglanding ni Greg magwawala sana siya ngunit agad siya binangga sa dibdib ni Enan.
“Tol wag kang magbabakulaw mode, sobrang astig pero wag kang magbabakulaw mode” sabi ni Enan. Tumalikod na si Greg, sabay sila tumakbo pababa ni Enan. Kita nila si Lea sa bench pumapalakpak at nakangiti kaya halos magbuckle na mga tuhod ng matangkad na binata.
“O pare focus, naka benteng pogi points ka. Now to show your appreciation, clench your fist then point at her” bulong ni Enan. Clench fist si Greg, pagtingin niya kay Lea hindi niya nausli ang kanyang daliri. Tinungo ng dalaga ulo niya sabay pinakita din kanyang kamao kaya napailing si Enan.
“Sorry tol natorpe daliri ko, pare ano tong feeling na ito? I feel so energized. Ganado ako maglaro sobra” sabi ni Greg. “Now you know what I feel” sabi ni Enan. “Bakit anong nangyari?” tanong ng kaibigan niya. “Mamaya na kwento, ayan na Greg” sabi ni Enan.
“Takbo” sigaw ni Enan biglang tumalon at natakip yung bola sa isang kalaban na bibira sana ng lay up. Nauna si Greg na tumakbo, nakipag agawan yung ibang kasama nila malapit sa sideline pero biglang nagdive si Enan sabay inispike yung bola papunta kay Greg.
“Greg! Idiretso mo na!” hiyaw ni Lea. Nagpanic ang binata, nagsimula magdribble ngunit dalawang kalaban humahabol sa kanya. “Greg dalian mo” sigaw ni Lea. Sumundot na yung isang kalaban kaya binilisan ni Greg. Sumundot narin yung isa kaya sigaw ng sigaw si Lea mula sa bench.
Tumalon si Greg, sumabay yung dalawang kalaban at sumampay sa likuran niya. Napasigaw yung binata, di nakayanan yung bigat kaya basta nalang initsa yung bola pataas. Bumagsak yung tatlo sa sahig ngunit biglang nagwala si Lea, sumigaw narin si Enan at napasugod para tulungan kaibigan niya. Groggy si Greg na tumayo sa tulong ng kaibigan niya, hinaplos niya batok niya sabay nakita yung dalawang kalaban na nagrereklamo sa ref.
“Anong nangyari?” tanong ni Greg. “Tignan mo nalang siya para malaman mo” sabi ni Enan. Napatingin si Greg sa bench at nakita si Lea nan aka beast mode at walang tigil na pumapalakpak. Tumayo ng tuwid si Greg, kunwari walang iniinda sabay nagtungo na sa free throw line. “Teka nashoot ba?” bulong niya.
“Hoy bakulaw ishoot mo yang free throw kung hindi lagot ka sa akin” sigaw ni Lea kaya agad humarap si Greg sa ring. “Good luck pare, pray over kita ang hina mo pa naman sa free throw” bulong ni Enan sabay bungisngis.
Bandang alas sais ng hapon sa may gate nina Enan nakatambay ang dalawang binata. “Ang labo pare, nanalo tayo pero bakit siya galit? Free throws lang naman yon e” sabi ni Greg. “You don’t get it pare, alam niya weakness mo yon kaya parang challenge niya sa iyo” sabi si Enan.
“We won, highest scorer ako” sabi ni Greg. “Pare, wag mo gagamitin ang achievements mo. Never use that, pag pinansin nila ngumiti ka lang, wag ganyan tol. Di maganda yan, mayabang ang ganyan” sabi si Enan. “She cheered for me, tapos galit dahil lang sa free throws. Ang labo pare” sabi ni Greg.
“First time ko narinig na tinawag ka niyang Greg kanina” sabi ni Enan kaya napagiti ang kaibigan niya. “Oo nga no, pero naging bakulaw at Gori din lang sa huli. Ang labo talaga” sabi ni Greg. “Pare pag ako sa iyo tiisin mo lang if you really like her tulad ng ginagawa ko” sabi ni Enan.
“Ikaw nanaman? Ano naman tinitiis mo?” tanong ni Greg. “Practice ng script lang pre” palusot ni Enan. “Teka nga, bakit pala ayaw mo magshoot kanina? Masama loob moa no dahil tinawag kitang alligator?” tanong ni Greg.
“Pare, gusto ko lang ishare yung happiness ko. Sensya na wala ako sa tamang pag iisip aminin ko. Yun lang paraa naisip ko. Kasi kahapon pare nag dinner kami ni Tiny” sabi ni Enan. “Ah kaya pala pinatay mo phone mo” sabi ni Greg. “Pare nadrain ako, ang lakas pala kumain ng battery ng GPS”
“Anyway I really had a good time with her. Pare, nabobobo ako. Gusto ko siya ligawan kaya lang hindi ko alam pano. Natatakot din ako baka mareject lang ako” sabi ni Enan. “Ano? Ang labo mo ha. Naging kayo na, e di gawin mo yung ginawa mo last time” sabi ni Greg.
“Pare naman, diba sabi ko new beginning. Kung yung old style baka maulit lang yung nangyari. Kaya eto ako blanko ang isipan, as in blanko. I should be better than the last time, ewan ko ba. She is the one, ah of course she is the one” palusot ni Enan.
“Magkwento ka naman o” sabi ni Greg. “Pare di ko maexplain yung saya ko. Kahapon wala din ako sa isip, tsk parang may gusto ako sabihin sa kanya pero hindi ako sure. Natatakot ako pare, kasi hindi ko alam kung she is just being a good friend to me. Sabi niya namiss niya ako, I told her that too”
“Pero as what? She misses me as a friend?” tanong ni Enan. “Baka as a boyfriend” sabi ni Greg. “Hindi pare, I am sure hindi” sabi ni Enan. “Bakit ka nagiging negative? Naging kayo, baka she said she misses you as her boyfriend” sabi ni Greg.
“Hindi nga, basta hindi. Pare nadulas ilang beses dila ko kahapon. Sinabi ko I want to hold her hand, basta pare I was out of control. Sa restaurant kumuha ako kandila, hiyang hiya ako pero sa akin parang date namin yon” sabi ni Enan. “My friend what is wrong with you? Sabi mo happy ka pero parang ang lungkot mo naman bigla” sabi ni Greg.
“Kasi pare I am looking for more. I want more. Pero oo sobrang saya ko kahapon. Sinundo ko siya sa set, pare hindi ko natuloy yung plano ko na yayain siya sa dinner pero pare…nangyari din lang sa isang resto ng friend niya”
“Ni hindi ko naibigay sa kanya yung flowers, nung makita ko siya pare wala na. Blanko na ako, saka ko lang naalala yung flowers nung nakauwi na ako. Pero ang saya pare, ang saya saya ko talaga kaya lang ang dami, ang dami kung pa sanang gusto sabihin sa kanya pero natatakot ako” sabi ni Enan.
“Ang sasakit ng kurot mo, bakla” sigaw ni Greg kaya natawa si Enan. “Pare ito lang paraan para mafeel yung intensity ng saya ko. Sa mga sandaling ito pare sa totoo kaya kita halikan lips to lips para lang ipakita saya ko”
“My happiness is making me go nuts” sabi ni Enan sabay biglang napaluhod si Greg. “Enan ang sakit, naniniwala na ako” makaawa niya kaya umatras si Enan at naupo sa semento. “Baka hanggang kaibigan lang ako pare” sabi niya.
Tumabi si Greg at inuga ang kanyang ulo. “Yan din kinakatakutan ko kay Lea pre. Baka friends lang talaga kami, kaya ko naman tiisin pa yung ugali niya kaya lang natatakot ako magtry ligawan siya kasi baka tuluyan siyang mawala sa akin” sabi ni Greg.
“Same here bro” sabi ni Enan. “At least pare kayo ni Cristine naging kayo na minsan. Gusto ko sana tanungin ano yung totoong rason bakit kayo naghiwalay pero wag nalang. Eto nalang” sabi ni Greg sabay biglang binatukan kaibigan niya.
“Aray, bakit mo ako binatukan?” reklamo ni Enan. “Sabi mo kahit hindi mo kasalanan akuin mo, di ko alam sino may kasalanan pero sabi mo akuin mo di ikaw nalang. Ayan sa iyo” banat ni Greg kaya natawa si Enan.
“Hindi sapat yung magkaibigan kami, I want more. I am just scared, baka hanggang dito nalang talaga kami. Ang hangad na BF, baka may dagdag pang F, baka BFF lang ako talaga” sabi ni Enan.
“E di dalawa na BFF mo, si Ikang diba BFF mo. What if ilaglag mo yung isang F kay Ikang para siya nalang. Kasi honeslty bagay na bagay kayo non e. Pareho kayong kalog, parang minsan ikaw siya e” sabi ni Greg.
“Si Ikang…Ikang…” bulong ni Enan. “Uy pare tactic ko lang yon para idivert sana isipan mo pero talagang inisip mo naman si Ikang ah. Huh, naku Intergalactic Bae, sana hindi intergalactic baebaero” sabi ni Greg.
“Di ako ganon, isa lang dapat. Gago ka naman e, ginulo mo bigla isipan ko” reklamo ni Enan. “That means may feelings ka nga for Ikang, huh huli ka” sabi ni Greg. “Tumigil ka nga, baka mamaya ipasok mo bigla si Clarisse, Mikan, Sally, pero aamin lang ako kay Katrina”
“Kung walang Katrina walang Lea tandaan mo yan” sabi ni Enan. “Alam ko and I am very thankful for all the sleepless nights, bwisit ka e. Ngayon ko lang narealize na torpe ako, pero kaya ko to kaya ikaw kayanin mo yan” sabi ni Greg.
“Pare seryosong usapan, itabi na natin ang lahat ng acting at skits, sa tingin mo may pag asa ba ako kay Cristine. Teka bago ka sumagot, kalimutan mo naging kami, kalimutan mo lahat muna, I want an honest answer”
“Isipin mo hindi mo ako kilala, hindi mo ako kaibigan” sabi ni Enan. “Pare, wala. Walang wala ngunit sagot ito ng dating Greg. Pare mahirap yung hinihingi mo e, yung bagong Greg namulat na dahil sa iyo”
“Pare namulat ako sa iyo, sino ka ba dati? Joker ka lang na makulit pero pare ang dami mong napaamo at nabalib. Walanghiya, alaskador ka lang dati, pero pare iba ka e. Muntik ka na nanalo sa pageant, ikaw dapat nanalo don tol pero pare it took guts just to join”
“Sino ba mag aakala ang galing mo pala kumanta, so my point it, Enan you can do the impossible, napatunayan mo na yon. Kaya pag ako, ako na ngayon itatanong mo, kahit pa miss Universe ng mundo kaya mapasagot” sabi ni Greg.
“Kaya lang di ko na kailangan sabihin sa iyo yung kailangan natin daanan, iba tayo e. Pero kaya mo, ikaw pa. Ikaw si Enan, parang lahat ng imposible kaya mo gawin” dagdag niya.
“Isa lang di ko kaya gawin” bulong ni Enan. “Ano yon pre?” tanong ni Greg sabay nagtitigan sila. “Gawin kang tao” sabi ni Enan kaya bigla siyang sinuntok ni Greg sa braso. “Hahahahaha joke lang, whooo kaya ko to pare” sabi ni Enan. “So liligawan mo na si Cristine?” tanong ni Greg.
“Sa tamang panahon”