Chapter 10: Ohayo

3219 Words
“Ayun parking slot” sabi ni Enan kaya binilisan niya yung patakbo para di na siya maunahan. Pagkaparada niya napatigil yung dalawa at tinitigan yung restaurant. “Eto restaurant ng friend mo? Ang daming tao” sabi ng binata. “She didn’t tell me it was a Japanese Restaurant, alam mo ba favorite ni Jelly ang ganito?” sagot ni Cristine. “Hala I think I dropped my license, help me look for it please” sabi ng binata. Yumuko ang dalaga para tignan yung flooring, ang binata nagmadaling lumabas ng kotse saka tumakbo papunta sa passenger’s side. Binuksan ni Enan yung pintuan kaya agad siya tinignan ni Cristine. “Did you find it?” tanong niya. “Never lost it, gusto ko lang buksan pintuan mo. Ahem..” bigkas ng binata sabay inalok kamay niya. Nagtakip ng bibig ang dalaga sabay super bungisngis. Nagkakatitigan yung dalawa, humawak ang dalaga sa kamay ng binata sabay dahan dahan lumabas ng kotse. Pagkasindi ng alarm may sumigaw sa malayo at tinuro yung dalawa. Pilyong Enan kumaway kaway sabay ngumiti kaya napatawa ulit niya si Cristine. “Alam mo Tiny sanayin mo na ang ganito pag nasa public tayo ha. Kasi madami talaga papansin sa akin. Ganito talaga ang kamandag ng Intergalactic Bae. I understand pag medyo shocked ka pa o naiilang pero masasanay ka din” banat ni Enan kaya super laugh trip ang dalaga. “Cristine” sigaw nung isang babae na lumabas pa talaga ng kotse, “O tignan mo yan, kilala ka nila. Kasi mga fans ko kilala lahat ng karibal nila, kunwari lang yan na nakangiti sa iyo pero naiwan yung kasama niya sa kotse at kinukulam ka na” bulong ni Enan kaya yumuko si Cristine para tumawa pero agad siya tumayo pagkat nakalapit yung babae. Nilabas ng babae yung stylus ng phone niya sabay inaabot ito kay Cristine ngunit tila nanigas siya habang titig kay Enan. “Uy..” bigkas nung babae kaya si Enan ang kumuha ng phone at stylus, “To?” tanong niya. “Rachelle” bulong ng babae kaya nagtakip ng bibig si Cristine at nagbungisngis pagkat pumirma talaga si Enan sa phablet. “O Tiny pirma ka din, pangontra sa kulam” bulong ni Enan kaya nagpigil ng husto si Cristine habang pumipirma. “Selfie?” tanong ni Enan, tinungo ng babae ulo niya, “dito ka sa gitna para di kami yung mamatay” banat ng binata sabay inusli kamay niya. Napahalakhak si Cristine, yung babae naman super pacute. “O ready? Smile as if that is your last smile” banat ni Enan sabay kumuha agad ng litrato. “Okay isa pa, kayong dalawa lang” sabi ni Enan kaya tuwang tuwa talaga yung babae. “Ready?” tanong ni Enan pero nagflash agad yung phablet kaya muling napahalakhak si Cristine. Nagsimangot konti yung babae nung makita litrato nila pagkat para itong engot na nakatingin pa sa malayo. “Ayos parang stolen shot lang” sabi ni Enan. “Thank you” bulong ng babae na parang naiinis parin kaya inakbayan siya ni Cristine sabay kinuha yung phone para siya yung kukuha ng selfie nila. Pagkalayo na ng babae pinagsisiko ni Cristine si Enan, “Ang loko mo” sabi niya sabay dumikit. Tumawa lang si Enan, dumikit din kaya laugh trip sila habang papunta sila sa restaurant. Sa entrance palang nakita na ni Cristine yung kaibigan niya kaya agad sila nagbeso. “Ay May, si Enan pala. Enan this is May” pakilala ni Cristine. “Ohayo May-san” bati ni Enan habang inaabot ni May kamay niya. Nagbow si Enan kaya nalito si May, natawa siya at nagbow din. “Hahaha hindi siya Japanese” sabi ni Cristine. “Oh apologize” sabi ni Enan sabay inabot kamay niya. “Its okay” sagot ni May sabay inaabot narin kamay niya pero si Enan muling nagbow kaya binangga siya ni Cristine sabay niyakap. “May sorry, loko loko talaga ito e” sabi niya. “He is funny, tara sa loob” sabi ni May. “Uy May ang dami ata tao, kung walang table kahit mag antay nalang kami” sabi ni Cristine. “Meron table, kanina ko pa hinanda, sige na follow me” sabi ni May. Sinundan nila si May, si Cristine dumikit ng husto kay Enan pagkat ang daming napapalingon at nakakakilala sa kanya. Inakbayan ni Enan ang dalaga sa lower back kaya si Cristine humawak naman sa likod ng shirt ng binata. Sa VIP area ng restaurant sila pumasok kaya hiyang hiya si Enan at Cristine. “This is your table, no need to order kasi ipapadal ko nalang yung mga best dishes namin” sabi ni May. “Uy May naman wag naman ganon” sabi ni Cristine. “Grabe ka, ang tagal na kita ininvite no, sige na sit down” sabi ni May. “Nakakahiya naman May” sabi ni Cristine. “Ano ka ba, sige na sit” sabi ni May kaya inalalayan ni Enan maupo si Cristine sabay muli siyang nalito. Tinapik ni Cristine yung upuan sa tabi niya kaya agad naupo si Enan. Sila nalang ang nasa VIP area kaya si Enan lingon ng lingon. “Tiny bibili ka ba ng plato? Bakit sabi niya dadalhin lang niya yung best dishes?” biro ni Enan. Pacute na nagsimangot si Cristine kaya si Enan natawa, “Okay epic fail, sorry” bulong ng binata. “Enan, di mo kailangan na patawanin ako lagi. May panyo ka? Pinagpapawisan ka o, akin na” lambing ng dalaga kaya nilabas ni Enan panyo niya pero inagaw ito ng dalaga. Pinunsan ni Cristine yung noo ng binata at mukha sabay tiniklop yung panyo at nilapag sa lamesahan. “Tiny nakakahiya naman pag libre” bulong ni Enan. “Kaya nga e pero okay lang close friend ko naman siya” sabi ng dalaga. “Sina Jelly kaya okay lang sila? Tawagan mo kaya” sabi ni Enan. “I am sure they are okay, hey pumayat yang face mo. Last time ko pa gusto sabihin” sabi ng dalaga. “Ilang beses kasi ako nasubsob sa treadmill e kaya eto” banat ni Enan. Napatawa ng malakas si Cristine, nahampas niya dibdib ng binata sabay inuga ang kanyang ulo. “Hay naku” bigkas ng dalaga sabay hinaplos konti pisngi ni Enan. “Pumangit?” tanong niya pabulong. “No, ewan ko lang ha, kuminis mukha ko then compared to before you are looking much better. I am being honest” lambing ni Cristine. “May nirecommend yung kaibigan kong si Sally na sabon. Sinubukan ko lang naman siya. Tapos siguro stress or pagod kaya medyo pumayat ako konti” sabi ni Enan. “Sabi nila kapag daw nag iiba itsura ng isang tao for the better e inspired siya o kaya may nagpapatibok ng puso niya” sabi ng dalaga. “Or happy lang siya, tulad ngayon. Sigurado bukas popogi nanaman ako. Tsk tsk tsk delikado ang mundo” sabi ni Enan kaya napangiti ang dalaga. “Kumusta na sina tito at tita?” tanong ni Cristine. “Ayun malamang naglilikot sila kasi wala ako” banat ni Enan kaya natawa ulit ang dalaga. “Ay alam mo Enan, yung co-actor ko dumalaw sa amin noon. He got bullied really bad” kwento ng dalaga. “O bakit naman? Ano ginawa niya kasi?” tanong ng binata. “I don’t know, basta kwento sa akin he got bullied. Dinetain pa nga siya sa precint e” sabi ng dalaga. “Baka may ginawa siya” sabi ni Enan. “Ewan ko, ang sabi sa akin kasi hinahanap daw niya yung bahay namin. You know aakyat ng ligaw” sabi ni Cristine. “Nakarating siya sa inyo?” tanong ng binata. “No, if ever I will not entertain him. Like I said I don’t like him” sabi ng dalaga. “Career kasi muna ano?” biglang banat ni Enan kaya nanigas si Cristine at nautal. “Hindi naman” bulong niya. “Well tama ka, unahin mo karir mo kasi ang hirap pala kumita ng pera. Yung mga gig ko sa bar parang work narin, mga pagkanta ko sa weddings at mga lamay din. Ang hirap kumita ng pera, swerte nung mga napupunta sa magagandang company at nakakaakyat sa mataas ng posisiyon pero I know it will take hard work parin” “Oh si daddy pala promoted, kaya ayun medyo el na el na kami. Sabi ko nga focus nalang siya sa mommy ko, kumikita naman ako konti na e” kwento ni Enan. “Please tell me I didn’t hear the word lamay” sabi ni Cristine. “You didn’t hear the word lamay” landi ni Enan. “Pero I heard it, I want you to stop. Wedding at bar kaya ko tanggapin pero pag lamay please naman Enan wag na don. Bakit may pinag iipunan ka pa ba? I will lend you money if you want basta wag kang kakanta sa mga lamay. Grabe baka mapano ka pa don” lambing ng dalaga. “E naimbitihan lang naman ako minsan then naimbitahan ulit” sabi ni Enan. “Tsk, wedding and bar only, syempre mga mall pwede. No lamays” sabi ni Cristine. “Naman, kung kailangan ko pa namaster yung..ahem ahem..” “You raise me up” birit ni Enan kaya tinayuan ng balahibo si Cristine sa ganda ng boses ng binata. “Tuloy mo sige na” sabi ng dalaga. “Wag na, kasi medyo bastos yung kantang yon e, alam mo ba theme song din ng mga m******s yon. Syempre pag nakakakita sila ng sexy, ayon tingin sila sa baba then kinakanta..” banat ni Enan pero kamay ng dalaga biglang tumakip sa kanyang bibig. Napahiyaw si Cristine sabay kinagat ang binata sa braso. “Ano kantahin ko pa?” landi ni Enan. “Wag na, baliw ka talaga. Grabe kakabagin na ako sa dami ko ng tawa this day” sabi ni Cristine. “Is it a good day?” tanong ni Enan kaya nagtitigan sila ng matagal. “Of course it is a good day, the best day I ever had in a long time” sabi ng dalaga. “Same here, sige hindi na ako kakanta sa mga lamay. Promise ko yan sa iyo” sabi ni Enan. “Ay teka look here” sabi ng dalaga sabay pinakita yung music playlist sa phone niya. “Trinansfer ko yung songs na nakalagay sa USB dito, baka gusto mo dagdagan” lambing ng dalaga. “Uy kapal face ko lang gumawa ng ganyan no” sabi ni Enan. “Ang ganda kaya, Arlene copied the files sa USB, pati nga si Jelly e” kwento ng dalaga. “Pati yung video?” tanong ni Enan. “No, yung songs lang. So magdedemand ako ha, gawa ka pa. Hmmm meron akong mga favorite songs, gusto ko yun ang mga kantahin mo then irecord mo siya” sabi ni Cristine. “E baka hindi mo na sila maging favorite, syempre iba parin pag original yung kumanta diba?” sabi ni Enan. “Okay lang kung ayaw mo” drama ni Cristine. “To naman, syempre gagawan kita” sabi ni Enan. “Yung ako lang, gusto ko akin lang” biglang banat ni Cristine. “Ah..” sagot ni Enan. “Syempre para ako lang meron non, edi gawan mo yung iba ng iba. Is it too much to ask?” tanong ni Cristine. “Of course not, let me work on it. Cannot promise you kailan ko matatapos so in the mean time, let me serenade you right now with the song entitled Kung” sabi ni Enan. Super ngiti si Cristine, humarap siya sa binata sabay naghanda ng sarili. “Kung ikaw ay masaya pumalakpak ka” banat ni Enan sa mala slow motion na birit kaya yung ngiti ni Cristine dahan dahan nabura at napalitan ng simangot. “Let me try again” sabi ni Enan. Bigla niya kinuha kamay ng dalaga kaya si Cristine napalunok dahan dahan. Titig na titig si Enan sa mga mata ng dalaga, nag iinit na mga pisngi ni Cristine kaya nagsimula siyang manginig. “This song is entitled…Ikaw” bigkas ni Enan sa sobrang lambing na boses kaya ngumiti ang dalaga. “Ikaw..ay masaya pumalakpak ka. Ikaw ay masaya pumalakpak ka” birit niya. Nabura ngiti sa mukha ni Cristine, pumikit ang kanyang mga mata sabay basta nalang napahalakhak ng sobrang lakas. Umabante siya, niyakap ang binata sabay kinagat ito sa balikat. “Hahahaha bwisit ka, ang seryoso ng mukha mo tapos…inalis mo lang yung kung” hiyaw ni Cristine. “Aray Tiny..Tiny masakit” reklamo ni Enan. Bumitaw si Cristine, pinagsusuntok palambing dibdib ng binata sabay tinadtad ito ng kurot. “So ano susunod entitle ay naman?” tanong niya. “Masaya” sabi ni Enan. “Subukan mo kakagatin ulit kita” banta ng dalaga. “Hindi Tiny, sabi ko masaya ito. Yung ganito, parang dati lang diba?” sabi ng binata. Napatigil si Cristine, sasagot sana ngunit dumating na si May at mga waiter. “Uy May ang dami masyado” sabi ni Cristine nang ilapag yung mga pagkain sa lamesa. “Ano ka ba, wala ito ano. Drinks lang yung kulang, so what do you want?” tanong ni May. “Mango juice please” sabi ni Cristine, “I will have the same” dagdag ni Enan. “Okay, sige enjoy your meals isunod nalang yung drinks niyo” sabi ni May. “Tiny ang dami masyado” sabi ni Enan. “Kaya nga e, kaya ba natin ito?” tanong ng dalaga. “Walang balot balot dito ano?” banat ni Enan kaya napahalakhak si Cristine. “Wait here” sabi ni Enan at biglang umalis. Dumating yung waiter para dalhin yung drinks kaya napalingon si Cristine at nakita si Enan na may hawak na kandila. Agad humarap sa lamesa ang dalaga, kagat labi siyang nagpipigil hanggang sa nakalapit yung binata. Nilapag ni Enan yung kandilang isa sa lamesa, “Iisa e” sabi ni Enan sabay naupo sa tapat ng dalaga. “Kasi isda kaya baka matinikan ako, para malinaw lang” palusot ni Enan kaya bungisngis si Cristine. “Wala naman tinik ang raw fish” sabi ng dalaga. “Ay wala ba? Good to know so hayaan na natin nandyan na e” banat ni Enan kaya niyuko ni Cristine ulo niya sabay nagpigil ng tawa. “O bakit diyan ka na nakaupo?” tanong niya. “E kasi Tiny nakaka stiff neck diyan sa tabi mo, dito nalang ako para di ako mahirapan tignan ka. Diba? Pag kinakausap mas maganda pag nakatitig, kaya dito nalang ako ha” sabi ng binata. Nagsimula silang kumain, pagka subo ni Enan ang tagal niyang tinitigan yung dalaga kaya natense si Cristine. “Tiny..di ko alam kung nagblublush ako dahil kaharap kita o sadyang maanghang lang tong sawsawan? Feeling ko dragon ako, ang luwag ng hininga sa ilong ko” sabi ni Enan. Napahalakhak si Cristine, nasipa yung binata sabay naabot pa kamay nito at napalo. Gamit ang chopsticks kumuha si Cristine ng tempura at nilapit ito sa bibig ng binata. Kumagat si Enan, nilapit ng dalaga yung tempura sa bibig niya pero inuga ng binata ulo niya. Gamit din chopsticks kumuha si Enan ng tempura at siya naman ang sumubo sa dalaga kaya nagkatitigan sila ng matagal, ngumiti si Cristine, kumagat saka sinubuan naman niya yung binata. Nung pareho silang makalunok, “Nakakangawit ano?” biro ni Enan kaya laugh trip silang dalawa. “Ubusin natin lahat ito” sabi ni Cristine, “Sige ba, now lets try..” sabi ni Enan. “Eto eto, Kobe beef” sabi ng dalaga kaya sinubuan niya yung binata. “Hmmm…” bigkas ni Enan saka sinubuan naman yung dalaga. “Tiny pasensya na ha, bakit parang ang lambot ng karne na ito, ang bilis ata matunaw” sabi ni Enan. “Softest beef, ganyan talaga siya” sabi ni Cristine. “Sorry ha, ignorante kasi bihira kami mag ganito. Itreat ko minsan parents ko dito, favorite ni mama yung tempura tapos si daddy itong hilaw na isda. Ngayon ko palang natikman itong Kobe beef” sabi ni Enan. “Uy you know what my other friend has a resto too, bale pinsan ni May. Pero American resto siya that specializes in really big burgers. Bago tayo magstart ng gym paalala mo at treat kita don” sabi ni Cristine. “No, ako naman muna. Kasi I have a friend too, basta itreat kita sa dinner minsan” sabi ni Enan. “Sinong kaibigan?” tanong ni Cristine. “Si Enan” sagot ng binata kaya napatigil ulit si Cristine at tinitigan yung binata. Napangiti sila sa isa’t isa, di nakayanan ni Cristine kaya yumuko siya at umipit ng tempura. “Kailan?” tanong niya. “Are you available Thursday evening?” tanong ni Enan. “I will be” sagot ng dalaga. “Okay, sunduin kita..wait saka na natin pag usapan yon. Why don’t we focus on the now, nandito na siya e. Tiny o” lambing ni Enan sabay sinubuan yung dalaga. Mala slow motion silang ngumuya, titig sila sa isa’t isa ngunit pareho silang bumigay at napayuko ng ulo. “Is everything okay? Is there anything else you need?” tanong ni May na biglang sumulpot. “Miss May ang sarap ng pagkain niyo dito. Ano ba yung day na konti lang tao para sana dalhin ko yung parents ko” sabi ni Enan. “Ay naku, let me give you my calling card. If pupunta kayo just call me and I will reserve a table for you” sabi ni May. “May diba meron kayong bar, I mean music lounge?” sabi ni Cristine. “Yeah meron pa, why?” tanong ni May. “Well maybe you can try Enan out, he sings” sabi ni Cristine. “Ayun, kaya naman pala familiar din siya. Napanood ko one time yung video niya kasi nagtrending sa Twitter” sabi ni May. “Uy di naman” sabi ni Enan. “He is really good, he sings sa weddings too” sabi ni Cristine. “Ay talaga? So when ba siya available? Teka diba he works na sa isang bar, baka naman conflict” sabi ni May. “Ah just test him out” sabi ni Cristine. “Miss May ganito nalang, let me perform for free. Dami mong binigay na food sa amin so please let me return the favor” alok ni Enan. “Oh okay, sige later pag bigay ko ng card ko sa iyo bigay ko narin address ng music lounge namin” sabi ni May. “Okay” sagot ni Enan. “Wait, so nagkabalikan na ba kayo?” tanong ni May kaya nanigas sina Enan at Cristine. “Don’t worry I can keep a secret, atin atin lang. Sige enjoy your food” sabi ni May sabay umalis. Nagtitigan sina Enan at Cristine, napangiti nalang sila at sabay ulit napayuko para kumain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD