Muling nagkabanggan.

1277 Words
Kinabukasan, gaya ng napagkasunduan namin ni Brando a gumising ako ng maaga. Nilabhan ko na 'yong labahing binabad ko kagabi at pagkatapos naligo na ako at nagbihis. Nagsuot lng ako ng tatered jeans na nabili namin ni ate Marie sa ukay ng namalenke kaming dalawa. Fitted 'yon at maraming butas butas na bumagay naman sa akin. Pinaresan ko ng white hanging blouse na bigay rin sa akin ni ate Marie. Maraming ibinigay na damit sa akin si ate Marie dahil mga luma na raw ang damit ko at mga badoy daw. 'Di raw bagay sa manila sabi pa niya. Hindi naman ganoon ka hanging ang blouse makikita lang ang puson ko kapag iaangat ko ang mga kamay ko. Komportable naman ako sa suot ko dahil pumuti-puti na ako rito sa maynila. Pinaresan ko na lang ng white na converse shoes ang damit ko, imitation na nabili ko sa bangketa, at may sling bag akong itim. Pababa na ako ng hagdan mag-aalas nuebe pa lang 'yon ng marinig ko ang tilian ni ate Marie at Brando. Napalingon sila ng maramdamang nakababa na ako. "Ay, nandito na ang magandang probinsiyana, in fearness day mukha ka nang manila girl," sabi ni Brando sabay ikot sa'kin at tiningnan ang outfit ko. Napangiti na lang kami ni ate Marie ng magkatinginan. "O siya bakla, ingatan mo iyang pinsan ko, dapat maiuwi mong buo at maayos 'yan kong hindi iapapatangal kita sa trabaho mo!" Pabirong bilin ni ate. "Oh na bayets, ako ng bahala rito sa pinsan mo, dihins ko pababayaan ititz noh, bff ko kaya 'to, hanapan ko 'to ng fafa 'yong meyemen, sa ganda nitong pang miss-u makakahanap agad 'to," sabi niya at umikot itinaas pa ang isang kamay sa ere kunyari kumakaway. "Ikaw talaga Brenda! kong ano-anung sinasabi mo!" saway ko rito sabay hila sa kaniya paalis. "Ate alis na kami ha pakisabi na lang kay tiya," paalam ko kay ate Marie. Nagsimba kasi sina tiya at tiyo at 'di pa nakauwi, si ate naman ayaw sumama sa'min ni Brando kasi hapon daw siya magsisimba. Maglalaba raw muna siya. Kani-kaniya kaming laba rito kasi puro na man may trabaho. Ang kay tiya at tiyo na labahin naman si Bella ang naglalaba tuwing linggo at myerkules ng hapon dag-dag bayad 'yon sa kaniya. Sumakay kami ng trycycle ni Brando papunta sa sakayan ng train at pupunta raw kami ng Baclaran doon kami magsisimba. First time ko sumakay ng train kaya natuwa talaga ako. Pagkatapos naming magsimba at mga alas Onse na ay sumakay naman kami ng Mrt at pupunta 'raw kaming Sm Makati doon daw kami manananghalian. Sa makati nagtatarabaho si Brando at ate Marie sa isang sikat na bangko. Dinala raw niya ako rito para raw marami akong mapuntahang lugar, manonood pa raw kami ng sene mamaya after ng lunch at sabi pa niya habang papasok kami ng Mall ay next sahod daw ay sa Luneta naman kami papasyal. "Saan mo gustong kumain?" tanong niya sa akin ng naglalakad na kami sa loob ng mall nasa first floor kami. "Ikaw na bahala Bran' wala naman akong alam rito, t'saka pwede naman sa karenderya lang tayo kumain 'di ba, mura pa sana," sabi ko sa kaniya. "Initz ba etech' minsan nga lang 'to, ang tagal natin bago muling nagkita noh' kaya lubusin na natin t'saka 'di tulad dati na tag 20 pesos lang minsan 10 ang baon natin kaya nagtatyaga tayo sa fish ball na tag 5 pesos." Nakairap niyang turan. Carry to day kaya wag ka ng umangal bawi ka na lang sa skin sa susunod libre mo rin ako kapag nakatapos kana at may trabaho okies? " baling niya sakin kaya tumahimik na lang ako hanggang pumasok kami sa isang kainan. Isang restaurant 'yon at nakita ko ang food menu ang mamahal yata ng pagkain. Barbeque lang 200 na mahigit isang order! "Bakla, mahal yata rito ah!" bulong ko sa kaniya. "Ayan na naman tayo eh noh, tahimik ka na lang okay? Carry to maraming laman ang atm ko noh," pagmamayabang pa niya. Umorder na siya ng pagkain. Kare-kare at buttered chicken 'yong inorder niya kasama dalawang basong milktea at my Mango float. Inabot ng one thousand fifty pesos ang binayaran niya sa pagkain namin kaya manghang-mangha ako. "Nako, kalahating sako ng bigas na to!" bulong ko sa aking sarili. Dumating na ang order namin at masaya kaming kumain at busog na busog ako ng nakaramdam ako na parang naiihi ako. "Besh, jingle muna me," sabi ko sabay tayo dahil natanaw ko naman na may comfort room itong restaurant. "Sege besh wait kita here at iikot tayo saglit mamaya bago manood ng movie," sabi naman niya. Pumasok ako ng comfort room at ng makalabas ay hindi sinasadyang may nabangga ako dahil nakayuko ako habang sinasara ang sling bag ko. Napaangat ako ng tingin ng makita ko ang isang makisig na katawan na nakaharang sa akin. Nagulat ako kami pareho ng taong nakatayo sa harapan ko. "Ikaw?" tanging nasambit ko habang nakipagtitigan din sa kaniya! "Oh, what a small world milady," sambit niya na naka-ngisi. "Sa dami ng taong pwede kong makita rito ikaw pa talagang mayabang ka!" sagot ko sa kaniya sabay irap at lumusot ako sa gilid niya para makaalis sa pagkakaharang niya sa akin nang biglang hinawakan niya ang braso ko. "Hey wait, where do you think you're going? who's with you?" tanong niyang nakakunot ang noo. "Pakialam mo, close ba tayo?" pabalik na tanong ko sa kaniya na nakataas ang kilay at ikintahimik na naman niya kaya dali-dali kong binawi ang braso ko mula sa kaniya at tuluyan ng umalis. Nagmadali akong bumalik sa table namin ni Brenda at niyaya na siyang lumabas! "Napano ka ba, para kang nakakita ng multo?" tanong niya na lumilingon sa pinangalingan ko kasi hinila ko na siya patayo. Tinangka pa kaming sundan ni Mr. yabang pero dahil nakasalubong niya ang waiter na may biibit na tray na may mga lamang hugasin ay hindi siya nakaderetso dahil muntik na mahulog ang mga dala nito. Mabuti na lang at naagapan din niyang maibalik sa balanse ang waiter na umiwas sa kaniya kaya hindi tuluyang natumba. Nakahinga ako ng maluwag ng makalayo na kami sa restaurant at hindi ko na siya nakitang nakasunod. "Besh napano kaba bakla ka, gugutumin mo naman ako agad kakamadali mo niyan sino ba kasi ang tinatakasan mo? " pagtataray ni Brando! "Ah eh, wala yon yaan mo na nakita ko lang yung taong kinaiinisan ko mayabang, antipatiko at aroganti ikukwento ko na lang sa iyo mamaya." Sabi ko sa kaniya na ikinakunot ng noo niya pero hindi na siya nangulit. "Hindi ba manonood tayong sene? Halika na 'di pa ako nakapanood ng sene sa ganitong edad ko kaya halika na." Pag ayan konsa kaniya at hinawakan ko siya sa kamay sabay hila ng makita ko ang arrow na nakaturo kong saan ang senehan. Ang totoo hindi naman ako excited na manood ng sene, iniiwasan ko lang talagang gumala pa kami at baka makita ko ulit 'yong mayabang na yon! Habang nakapila kami sa senehan ay hindi ko inaasahang papalapit na naman sa kinaroroonan namin si Mr yabang. Sakto ring pagkakuha namin ng ticket kaya hinila ko kaagad si Brenda na pumasok sa senehan. "Wait, teka, bili muna ako ng popcorn at drinks!" protesta niya ngunit dahil nkapasok na ako sa harang kong saan nandoon ang guard at kinukuha ang ticket ay sumunod na lang din siya. "Mamaya ka na bumili, labas ka na lang ulit." Sabi ko sa kaniya kaya wala siyang nagawa kundi padabog na sumunod sa akin papasok! Nilingon ko naman ang mayabang na lalaki at pinandilaan pa bago kami nakapsok sa pinto ng cinema One.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD