"Bakla' anung gingawa mo dito?"
Gulat na tanong ko, 'di ko akalaing makikita ko si Brando dito sa maynila, pinuntahan pa talaga ako.
"Aray ko, kong maka bakla!" sabi niya na humahawak sa dibdib na tila nasaktan sa sinabi ko!
"Babae ako noh, katawan ko lang ang mukhang lalakwi!" pa-cute niyang turan habang kunyari may iniipit na buhok sa tenga.
"Ang arte mo pa rin bakla para ka namang siga kong tingnan akala ko naging lalaki kana, at paano kaba nakarating dito? Paano mo nalamang nandito ako?" Tanong ko habang hinila ang upuan sa ialalim ng mesa at pinaupo ko na siya.
Ikinuwento niya na magkatrabaho pala sila ni ate Marie ngayon dahil utility daw siya sa bangko kong saan nagtatrabaho ang pinsan kong si Ate Marie.
Noong isang linggo pa raw niya nalaman na magpinsan kami ni ate ng may iniutos sa kaniya ang manager na ipaabot kay ate Marie na pepermahang papel at doon niya nakita ang middle name ni ate kaya nagtanong siya kong kakilala ako ni ate Marie.
Sinabihan din niya si ate Marie na 'wag sabihin sa akin dahil balak talaga niya akong surpresahin.
Bestfriend ko si Brando noong high school sa probinsiya, ngunit ng mag graduate ay agad siya lumuwas ng maynila. Nag working student siya at nag-aral ng Computer Programming.
Noong una sa fastfood chain daw siya nagtatrabaho hanggang sa nakilala niya ang manager ng bangko sa tinatambayan niyang parlor dati kung saan ume-extra siyang manicurista, at beautician, Inalok siya nito na mag trabaho bilang utility, utusan at taga linis na rin sa bangko, isang taon na raw siya sa ganoong trabaho, mas malaki ang sahod kaya nanatili siya dito.
"Oy day, alam mo ba sinadya ko talaga na ngayon pumunta rito kasi linggo bukas wala kaming work at sabi ni ate Marie mo sarado rin kayo, gala tayo bukas ha libre kita pa welcome to manila ko sa'yo." Masayang alok niya.
"Kaso... sunday bukas Brand, magsisimba ako tapos maglalaba." Sagot ko pero ang totoo tinatamad lang talaga ako kaya ayaw kong sumama.
"Kainis ka naman eh, tagal na nating hindi nagkita tapos ganiyan ka, parang 'di mo'ko namiss! Pumunta pa ako rito galing Makati kahit gabi na tapos 'di naman pala ako namimiss ng bff ko, akala ko matutuwa ka kapag nakita mo ako!"
"Hoy, umayos ka!" natatawa kong sabi sabay batok ko sa kaniya.
"Eh ikaw eh, pwede naman magsimba sa baclaran para maiba, at pwede ring maglaba ng maaga! Dadahilan ka pa talaga eh!" Panunumbat niyang nakasimangot at umiiyak-iyak, kunwari pinapahiran ang luha!
"Ito naman ang o'a, alam mo Brando kong hindi lang malandi 'yang boses mo napakalalaki mo sana tingnan, nakakaasiwa 'yang kalandian mo hindi nabanagay sa katawan mo! Sege na sasama na ako pero magpapaalam muna ako kay tiya," pahayag ko.
"Ay... love mo pa rin pala talaga ako... alamat besh, yehey!" sabi niya with palakpak pa.
"Brando hindi bagay ang kalandian sa iyo magpaka lalaki ka ano ba!"
"Hoy, babaeng maganda na nagmana sa akin 'wag mo nga ako ma Brando- Brando diyan, Brenda... Brenda ang pangalan ko, tandaan mo kapital B.R.I.N.D.A" at patili pa ang pagbigkas niya na parang si darna na nakalunok ng bato!
"Wag kanang magpaalam kay Tiya besh, nakapag paalam na akitz bago ka pa bumaba, nag chika na kami kanina eh."
"Ay, grabe talaga 'tong bruhang 'to! Siniguro na talagang sasama ako eh, paano ako makakatanggi niyan?" tanging nasabi ko na lang.
"Ako pa ba? Syempre kilala na kita mula ulo hamggang paa, alam ko na 'yang mga palusot mo kaya siniguro ko ng hindi ka makakatanggi.
"Kahit kaylan talaga mautak ka pa rin!" umiiling-iling kong sagot.
"Oh' siya day, gabi na, kaya exit na akits, daanan na lang kita bukas mga 9 a.m. kaya maglaba ka ng maaga ha..." sabi niya at tumayo bago rumampa na palabas ng karenderya.
"Babossshhh" pahabol pa niya ng makalabas na at may pa flying kiss pa.
Umakyat na lang ulit ako sa taas dahil mag-aalas 10 na, kinuha ko lahat ng aking labahin at ininabad na para bukas ng maaga malabhan ko.
Napangiti pa ako habang nagbababad ng labahin dahil naalala ko si Brando, hindi ko lubos akalain na magkikita kami. Sa tindig at porma niya lalaking lalaki pero pusong babae.
Naalala ko noon sa school ng high-school pa lang kami, ako ang taga pag tanggol niya sa mga tumutukso sa kaniya na bakla.
Ako itong babae pero ako ang nakikipag suntukan para sa kaniya. Hanggang sa nag graduate kami palagi kaming magkasama, lagi pa nga siya nakikitulog sa bahay at nagagalit si itay dahil kahit bakla raw siya ay lalaki pa rin siya.
Umiiyak na man si Brando kasi para sa kaniya babae raw talaga siya katawan niya lang ang lalaki!
"Parang kaylan lang!" bulong ko sa sarili ng nakahiga na ako at nakatingin sa kesame.
Matutulog na sana ako ng biglang tumunog ang cellphone ko dahil may nagtext.
"Good evening ate, gising ka pa?" text message galing kay Jun jun.
"Oo gising pa Jun, kamusta kayo diyan?" reply ko.
"Okay naman kami ate, miss kana namin. Oo nga pala ate tumawag si kuya King sa akin kanina hinihingi ang number mo!"
"Ano! ibinigay mo ba?"
"Hindi kasi baka magalit ka na naman eh, haha."
"Mabuti naman, talagang lagot ka talaga sa akin kong ibinigay mo!"
"Bakit naman raw niya hinihingi?"
"Ewan ko baka gusto ka e textmate, oy si ate... intresado..." panunukso pa niya.
Naku Jun, tigil-tigilan mo nga ako t'saka gabi na matulog kana."
"Okay ate matutulog na ako, bye ate mag ingant ka diyan, mwa-mwa tsup-tsup," huling text nito na natawa pa ako.
Kahit paano nakakawala rin ng pagud 'yong makatext o makausap ko ang pamilya ko kahit malayo sila. Salamat sa cell phone at kahit paano hindi ko sila gaanong mami-miss.
"Bakit kaya hindi pa rin ako makalimutan ng mayabang na iyon? Abay, bakit pati number ko ay gusto pa hingin. Manigas siya sa yabang noon asan na papansinin ko pa siya 'pag nagkita kami ulit! Hoy lara umaasa ka rin pala? Tanga mo!" natatawa kong salita mag-isa hanggang sa nakatulog na lang ako at hindi ko na nga namalayan ang pag-uwi ni ate Marie.