Bagong Cellphone

831 Words
"The number you have dialled is now un attended please try your call later!" boses ngoperator ng netework. Naka-ilang tawag na ako kina itay sa probinsya at wala pa ring sumasagot! "Hay, ano kaya ang nangyari sa kanila? Kaninang umaga tumawag din ako wala ring sumasagot, asan kaya sila?" nag-aalalang tanong ko sa sarili habang dial ng dial sa bago kong cell phone na bigay ni ate Marie. Tuwang-tuwa ako kahapon pag-uwi ni ate niyaya niya akong pumuntang mall, ikukuha niya raw ako ng installment na cell phone, may down na three thousand five hundred pero 'di ako pumayag. Ang mahal ng cell phone na gusto niya ibigay sa 'kin yong tag seven thousand mahigit tapos may interest pa kaya aabutin ng kulang-kulang siyam na libo. Sayang ang pera kaya ang pang down niya dapat 'yon na lang ang sinabi kong ipagkasya sa mumurahing cellp hone at least android phone parin t'saka makakapag-f*******:. Ok na 'to hindi naman ako mag ge-games sa phone pang tawag ko lang 'to kina itay at libangan narin minsan. Manonood ako ng youtube at 'yong tinuro ni Bella 'yong mga novels sa online pocket book nakakaaliw basahin. "Sigurado ka diyan Lara ayaw mo no'ng smart phone na 'yon kaunti lang naman monthly eh kayang-kaya ko at 9 months lang naman." Paniniguro ni ate dahil tinanggihan ko 'yong gusto niya. "Huwag na 'yon ate ito maganda rin, maganda rin ang camera tapos malakas din naman internet ayos na to' wala ka pang utang! Saka na lang ako bibili ng mahal na cellphone 'pag nakatapos na ako at may trabaho na, maswerti na ako't binigyan mo ako nito kasi ok na nga ako kahit keypad lang," mahabang paliwanag ko kay Ate Marie na ikinatuwa naman niya. "The number you have dialled is now un attended please try your call later! " "Ito na naman di na naman sinasagot! Last call, at kong hindi sasagutin bukas na lang" Sa isip ko! Naka tatlong ring nang may sumagot din. "Hello, sino po sila? " boses ni Jun Jun. "Hello Jun, 'bat ngayon mo lang sinagot kaninang umaga pa ako tumatawag ah! " naiinis kong tanong. "Ate ikaw pala ito, pasensiya na ate nasa kay tatay ang cellphone kanina at hindi raw niya sinagot gawa ng 'di niya kilala ang numerong tumatawag. Nasabi niya kanina na may tumawag daw," natatawang sumbong ni Jun Jun. "Hay nako, si itay talaga!" natatawa ko na ring sagot "Wow ate may cellphone kana?" "Oo binili ako ni ate Marie, kaya kahit anong oras pwedi niyo na ako tawagan o etext at pag 'di ko nasagot o nareplayan busy lang ako niyan," paliwanag ko. " Buti naman ate, siya nga pala ate noong isang araw nagkita kami ni kuya King at hinahanap ka niya." "Huh, bakit naman? Ano naman isyo ng mayabang na 'yon, Hayaan mo iyon 'wag mong sasabihin kong nasaan ako ha." "Kaso... nasabin ko na ate e, na nasa Blumentrit kayo at Julio at Magda ang pangalan ng karenderya ni Tiya hehe," natatawa pa niyang kwento. "Naku, ikaw talagang bata ka ang daldal mo at bakit ba basta-basta ka na lang nagtitiwala sa ibang tao?" "Ate nandito na si itay kakausapin mo?" pag-iba niya ng usapan na halatang ayaw lang mapangaralan! "Sege," sabi ko na lang. At nag usap kami ni itay tapos ni inay at pati na rin si Macmac at Maria. Tuwang-tuwa sila at nagpasalamat sa pinadala kong pera ng nakaraan at namimiss na raw nila ako. Ganoon din ako mag-aapat na buwan na ako dito sa maynila. Ayaw nina inay at itay na magpadala pa ako buhat sa sahod ko kay tiya kasi ipunin ko raw para sa pag-aaral ko kaya isang beses lang ako nakapadala pagkatapos ko lang magpa-enroll. Nakapasa ako sa schollarship kaya wala akong iisipin na tuition at may allowance pa galing LGU. Kaya tuwang-tuwa ako at maging sila rin. Masaya na ako dahil nakausap ko na silang lahat kahit paano naibsan ang pangungulila ko sa kanila. Salamat kay Ate Marie dahil may cell phone na ako. Pangako ko sa sarili ko babawi rin ako sa kabutihan nila balang araw. Nag scroll scroll lang ako ng f*******: sa cell phone dahil alas nuebe na at si ate Marie wala pa dahil may birthday daw na pinuntahan kaya mag-isa pa ako dito sa kwarto namin ng bigla akong tinawag ni tiya. "Lara, bumaba ka muna at may naghahanap sa'yo!" "Ha, sino kaya?" sagot ko na sarili ko lang nakakarinig. "Sino naman 'yon eh wala naman akong kaibigan dito maliban kay Bella na tagahugas at serbedora ni tiya. Sa kulit no'on feel at home na rito 'yon kaya kong siya iyon akakyat dito 'yon at kanina pa ako kinatok!" Kausap ko sa sarili. "Lara..." tawag ulit ni tiya kayat nagmadali na akong bumaba! "Tiya Magda sino ho bang nag...ha-ha..." diko na natuloy ang sasabihin ko ng makita ko kong sino ang nakatayo sa harap ng karenderya na sarado na. Nakatagilid siya pero 'di ako maaring magkamali! "Ikaw?" bungad ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD