Buhay Maynila

1772 Words
Hindi ako makatulog ng maayos ng gabing iyon dahil namamahay siguro ako at naninibago sa klima dito sa maynila. Hindi kagaya sa probinsiya pag ganitong oras ay malamig na. Naninibago rin ako sa electricfan, para akong kinakabag. Sa probinsiya kasi hindi na kailangan ng electricfan dahil ang bahay namin ay gawa sa kawayan tagos ang hangin at lamig sa loob. Bumangon ako at tiningnan ko ang maliit na orasan na nakapatong sa maliit na lamesa na nasa gilid ng kama namin ni ate Marie at alas tres pa lang pala. Naalala ko ang sabi ni tiya magbubukas na siya ng karenderya ngayon pero sabi niya alas kwatro na siya nag uumpisang magluto dahil kadalasan pag may kumain sa umaga sinangag lang naman daw at itlog, hotdog o longanisa at madali lang lutuin ang mga iyon. "Maligo na lang siguro ako 'di rin naman ako makatulog na para pag naramdaman kong nagising na si tiya ay bababa na rin ako," bulong ko habang nakaupo sa gilid ng kama at nakatingin kay ate Marie na masarap pa ang tulog. Pumasok na ako ng banyo, tinuruan naman na ako kagabi ni ate paano gamitin ang shower pati paano e plush ang toilet bowl. Iba kasi sa probinsya sa poso kami naliligo at tabo lang, ang palikuran namin walang plush. Napangiti ako habang naliligo namangha kasi ako sa shower, iniisip ko masarap din pala ang maligo sa ganito para kang naliligo sa malakas na ulan. "Magsisikap ako sa pag aaral upang magkaroon ng magandang trabaho, at balang araw mararanasan din ng mga kapatid ko maligo sa shower." Kausap ko sa sarili ko. Nang makatapos ako maligo ay dahan dahan na lang akong nagbihis para 'di makalikha ng ingay at alas tres ey medya pa lang baka magising si ate Marie may pasok siya kinabukasan kailangan niya ng sapat na pahinga. Matapos kong makabihis, naupo ako sa nag-iisang upuan sa tabi ng maliit na lamesa kong saan nakapatong ang laptop ni ate, at naisipan kong buksan ang laptop. Gusto ko subukang buksan ng mag isa kong alam ko na ba gamitin, at mabuti naman nagawa ko siyang e open. Pumalapak pa ako ng mahina. "Yes! alam ko na," bigkas ko sa mahinang boses. Ginaya ko 'yong tinuro ni ate paano mag log-in sa f*******:. Agad naman may notification na lumabas sa gilid, naka red siya at may walong notifications. Tiningnan ko at nakita ko may comment sa profile picture ko at cover photo, comment ni tiya at ni Bobby. May message rin sa inbox, at si Bobby pala 'yon kagabi pa na mensahe. "Wow ate ha, may f*******: kana rin? Makakahanap ka na ng boyfriend niyan." Sabi sa mensahe tapos may emoji pang nakangisi. "Ang batang 'to talaga," bulong ko. Tumingin tingin lang ako ng mga picture doon at may mga video din na nakakatuwa at 'yon ang pinanood ko. Mahina lang syempre para hindi magising si ate Marie na humihilik pa rin. Naaliw lang ako kakatingin sa f*******: hangang sa nalipat ang tingin ko sa orasan at alas kwatro na. Ni log out ko na ang f*******: ko at maayos na ibinalik ang laptop sa kinalalagyan nito sa taas ng mesa. May naririnig na akong nag-uusap sa baba kaya bumaba na rin ako dahil mukhang nakababa na sina tiya at tiyo. "Magandang umaga po, Tiya Magda, Tiyo Julio," bungad ko sa mag asawa na nasa kusina na sa may pasilyo ng bahay na ginawang karenderya. Si tiyo Julio ay nakaupo sa tabi ng lamesa na hiwaan ng mga sangkap at nagkakape samantalang si tiya naman nagsasalang na ng kawali at mukhang magluluto na yata ng fried rice kasi nakakita ako ng kanin sa lamesa at may tinadtad na bawang sa tabi nito. "Oh, Lara ang aga mo yata nagising 'di ka na ba makatulog?" pagbati ni Tiyo Julio. "Oo nga Lara namamahay kaba? Ang aga mo nakaligo." Dagdag pa ni tiya. "Medyo po eh 'di ako makatulog ng maayos naninibago lang po siguro, kaya bumangon na lamang po ako at naligo kanina,'' sagot ko naman. "Oh siya magkape kana Lara," sabi ni tiyo Julio pagkatapos ay humigop na rin siya ng kape niya. "Sege po salamat," sagot ko naman at kumuka na rin ako ng baso at nagtimpla ng kape 'yong black coffee talaga, hindi ako naglagay ng cream 'di ako sanay, at konting asukal lang din ang nilagay ko dahil ayaw ko ng matamis, at napansin 'yon ni tiya. "Para ka talagang tatay mo magkape Lara puro, walang cream, at kaunting asukal lang," nakangiting puna niya. "Opo' 'yon po ang nakasanayan namin ni itay, kasi kami lang naman ang nagkakape sa bahay sa probinsiya, si nanay at ang mga kapatid ko 'yong tableya na gawa ni inay ang iniinom nila." Sabi ko sa kanila. "Ay oo nga, pala nakalimutan ko may dala ako diyan na tableyang bigay ng nanay mo kahapon, masarap iyon sa champorado." Sabi ni tiya habang inilalagay na sa malaking tray ang sinangag na naluto na. "Tiya Magda ano pa po ang gagawin? Tulungan ko po kayo," pag aalok ko ng tulong. "Ayan na lang Lara e prito mo iyang tilapia na iyan," sabi ni tiya sabay turo sa tilapia na nakalagay sa malaking baonan at nakapatong sa lamesa, nalagyan na rin ng crispy fry. Sinunod ko naman siya at kumuha na ako ng bakanting kawali at isinalang sa kabilang lutuan. Tinuruan na ako kagabi ni tiya paano gamitin ang gas stove. Sa probinsiya kasi kahoy lang na pinupulot sa kong saan saan ang ginagamit namin. Hanggang sa umalis na rin si tiyo Julio at lalabas na raw para mamasada. Patapos na ako sa ginagawa ko ng dumating ang isang babaeng pamilyar ang mukha na tingin ko ay kaedad ko lang. "Good morning philippines good morning world, mula sa kaibuturan ng karagatan patungo sa Kainan ni Aling Magda nagpapakilala ang pinakamangandang dilag kamukha ni Kristine Hermosa kasing sexy ni Katriona'... I'm Bella" sabay lahad niya ng kamay niya sa 'kin. Inabot ko naman ang pakikipag kamay niya at napatawa ako sa inasal niya kiaga aga' ganito na siya kaya naisip ko masaya pala ang kasama ko rito 'di ako mababagot. At naalala ko na kong saan ko siya nakita. Kaya tiningnan ko siya ng maigi upang kilatisin ang aura niya. "Hoy day! Napatulala ka naman diyan ganiyan ba ako ka ganda?" sabi niya sabay pacute hawi ng buhok niya sa tenga pero maiksi naman ang buhok niya. "Lara nga pala," tipid at masaya kong sagot. Hinawakan na man niya ang pisngi ko na parang nang gigigil. "Aling Magda, 'di mo naman sinabi sa 'kin na may lahi pala kayong anghel ang ganda talaga ng lahi niyo, itong pamangkin mo parang miss universe sabay ikot sa 'kin at nakatingalang tumingin sa mukha ko kasi mas matangkad ako sa kaniya. Nasa 5'0" flat lang siguro siya at ako naman 5'4''. " Magkahawig kayo ni Marie, matangkad ka lang ng kaunti," sabi pa niya. "Malamang magpinsan ang mga iyan, at paano mo nalaman na siya ang pamangkin ko 'di mo pa naman nakikita iyan?" tanong ni tiya kay Bella na nakapamaywang. "Kinuwento po kasi ni Bobby sa akin kahapon ng pumunta ako dito para siguraduhin na magbubukas kayo ngayon Aling Magda. Sabi niya kasama mo na raw luluwas itong si pamangkin mo kaya ng makita ko alam ko siya na iyon kasi maganda! Magkahawig din kayo." sabi ni Bella sabay lapit niya kay tiya at inilagay niya patalikod ang palad niya sa baba ni tiya. "Kaya pala, oh siya aga mo pa nambola, magkape kana nga diyan at pakihugasan na iyang mga kawali na nagamit ko na at magluluto na ako ng ibang putahi maya maya". Utos ni tiya kay Bella habang tinutungo nito ang b****a ng kainan at tinatanggal ang harang na mga tabla. Dali dali na man akong sumunod para tulungan siya. "Ok po" sagot ni Bella at kumuha na ng cup para magtimpla ng kape. Ayon kay ate Marie si Bella ay tumigil din sa pag aaral at nag-iipon para makapasok sa darating na pasukan. Magkokoleheyo na rin. Wala na raw kasi pareho ang mga magulang nito naaksidente raw ang sinasakyang jeep at bata pa siya noon, tiyahin niya na ang nagpalaki sa kaniya. Ikinuwento 'yon ni ate sa akin kagabi noong pinakita niya sa 'kin sa face book kaya pala ng makita ko siya kanina ay pamilyar siya sa akin, 'di ko lang agad naalala. Hindi rin nasabi ni ate Marie na ganito pala 'to kadaldal. Maganda si Bella, may kaliitan pero nababagay naman sa kaniyang katawan. Maiksi ang buhok niya hanggang ilalim ng tainga na s***h ang pagka gupit. "Lara, may boyfriend kana?" tanong niya habang naghuhugas ng mga kawali, at ako naman ay nagpupunas ng mga lamesa at inaayos ang mga upuan. "Wala pa, ayaw ko muna hindi ko pa iniisip 'yan," sagot ko. "Bakit ikaw may boyfriend kana?" Tanong ko rin pabalik sa kaniya. "Dati... oo, pero wala na ngayon. Sakit lang sa dibdib 'yang mga lalaki!" sabi pa niya at pabagsak na nilapag ang kawali kaya naglikha ng nakakagulat na ingay at napatingin si tiya dahil nagulat! "Bella! plano mo bang basagin 'yang mga kawali ko?" tanong ni tiya na kunwari galit, pero halata na mang nagulat lang. "Sorry po na carried away lang po,'' sabi ni Bella sabay pacute at nag peace sign. Napangiti na lang ako at umiling iling, at nagpatuloy na kami sa aming mga ginagawa dahil may pumasok na ring costumer, mag aalas sies na rin kasi. Maaga pa ang ibang estudyante na tila dito na ugaling mag almusal. Tinuruan din ako ni tiya paano at gaano kadami ang takal ng kanin at ulam. Natapos ang maghapon na medyo nakakapagod pero masaya dahil itong si Bella ay kong anu-anong naiisip na kalokohan kaya tawa kami ng tawa pati nga si bobby kanina napagtripan niyang kulitin kaya naasar naman 'yong isa sa kaniya. Hindi na nagluluto si tiya pag hapon sa tangahali na lang ang huling salang niya, may mga pahabol lang siyang niluluto kapag konti na lang ang tirang ulam. Iniinit na lang sa hapon 'yong iba, at sa gabi naman kasi wala na rin kumakain kasi wala ng tao sa school na katapat nitong karenderya. Mga alas tres ng hapon umalis kami ni tiya at isinama niya ako para mamili ng gulay at karne sa palengke para sa kinabukasan. Si Bobby at si Bella ang naiwan sa kainan. Ganoon ang buhay ko rito sa maynila hangang lumipas ang ilang mga buwan, nasasanay na ako sa ingay ng paligid at alinsangan ng panahon. Nakatapos na rin si ate Marie at sa wakas nakapag trabaho na siya sa isang Bangko. .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD