Paalam Probinsya

1415 Words
Pagkatapos ng tagpong 'yon kong saan nahalikan ako ng mayabang na lalaki, ay lagi itong bukang bibig ng kapatid kong si Jun jun, dahil lagi pa rin pala niyang nakikita at nag-uusap pa rin daw sila sa dalampasigan, isang araw tinatanong pa nga raw ni yabang kong nasaan ako pero 'di ko na pinansin si Jun jun. Nabanggit din niya na umuwi na daw ito ng maynila. Sa hindi ko alam na dahilan ay may kong anong lungkot at panghinhinayang na namuo sa dibdib ko dahil hindi ko na makikita si yabang. Pero hindi ko na lang iyon pinahalata hanggang sa sa lumipas ang mga araw patuloy ako sa buhay ko bilang isang panganay at dakilang anak na tumutulong sa magulang. Isang araw napag pasyahan kong magpaalam ulit sa aking ama para sa balak kong pagpunta ng maynila. Nang nakaraan kasi ayaw niya akong payagan. Nasa laot kami ni tatay noon isang gabi ng kinausap ko siya na gusto kong ituloy ang pagpunta kay tiya Magda na kapatid niya para magtrabaho at makapag aral. Gaya ng dati ayaw niyang pumayag, ngunit dahil sa nakikita siguro niya ang lungkot sa 'kin ng hindi niya ako pinayagan at ang determinasyon kong makapag aral ay pumayag na lang din sya. "Gusto mo ba talagang pumunta doon anak? Kaya mo bang pagsabayin ang trabaho at pag aaral? Iba ang buhay sa maynila anak alam ko 'yon dahil nangaling na ako doon bago pa kami naging mag asawa ng nanay mo." Sabi sa 'kin ni itay na sapat na para mapangiti ako kasi ibig sabihin pumapayag na siya. "Oo naman po 'Tay, kakayanin ko po para sa inyo ni nanay at ng mga kapatid ko. Magsisikap po akong mabuti para makapagtapos at mabigyan ko kayo ng magandang buhay. Makabili man lang tayo ng sariling lupa at makatulong ako sa pag papaaral sa mga kapatid ko ay magiging masaya na po ako roon." Sagot ko kay itay at tanging buntong hininga lamang niya ang narinig kong kasagutan. Niyakap ko siya ng mahigpit at nagpasalamat, naiyak na rin ako, 'di paman ako nakaalis ay namimiss ko na sila pero kailangan ko kayanin. Hanggang sa dumating na ang araw ng aking pagluwas. Sakto ring pumunta si Tiya Magda noon sa probinsya dahil pumunta siya sa burol ng isa nilang pinsan at napagpasyahan niya na dalhin na ako pabalik para raw 'di ako mahirapan sa byahe kasi wala pa akong alam sa maynila kaya mahirap pag mag-isa raw akong pupunta. "Paano ba iyan Carding, Lucy, kami ni Lara ay magpapaalam na, at baka gabihin kami sa byahe mahirap 'pag gabi na kami dumating ng maynila." Pamamaalam ni tiya sa kay inay at itay. "Siya sege ate, ikaw na ang bahala sa panganay namin ate ha, may tiwala naman ako sa kaniya at alam kong hindi mo rin siya pababayaan." Wika ni itay na paiyak na. "Anak mag-iingat ka doon ha at 'wag na 'wag kang pasaway sa tiya Magda mo." Maikling bilin ni inay. "Inay naman, para naman akong pasaway eh. Ang bait bait kaya nitong anak mo mana kaya ako sa inyo ni Tatay.'' Paglalambing ko para maibsan ang lungkot nila. "Oo mana ka sa 'min kaya ka maganda pero 'di ko alam saan ka nagmana ng katapangan. At 'wag na 'wag mo iyan paiiralin parati, babae ka pero ang tapang mo kaya wag basaguliro ha anak." Mangiyak ngiyak pero nakangiting turan ng aking ama. Nagpaalam na rin ako sa mga kapatid ko si Jun jun pilit pinipigilan ang luha kaya pulang pula na ang mukha at si Maria naman at Macmac ay yakap-yakap ako at walang sinasabi pero alam ko na nalulungkot sila. Bago ako umalis iniwan ko ang nag- iisang celphone na ginagamit ko, keypad lang iyon dahil para lang naman may matawagan ang pamilya nila itay at ako ang may hawak kasi 'di naman ganoon kaalam sila itay sa cellphone. Hinabilin ko iyon kay Jun jun na siya ng humawak tuwang tuwa na man siya dahil nilalaro niya ang nag iisang games doon 'yong ahas. Mahaba habang byahe namin ni tiya sakay ng tricycle mula sulok pa ng Tayabas quezon papuntang bayan at bus mula bayan ng Quezon province hanggang Blumentrit Maynila. Hapon na ng dumating kami ng maynila at nakatulog ako kanina sa byahe namin. Ginising na lang ako ni Tiya ng malapit na kaming bumaba ng bus. "Lara gising na andito na tayo at maya maya bababa na tayo ng bus". Pang gising sa 'kin ni tiya at naalimpungatan pa ako kaya pupungas pungas akong tumingin sa paligid. Sumakay pa kami ng jeep papunta sa lugar nila tiya, at 'di ko na alam kong anu-anong mga lugar 'yong nadadaanan namin basta namangha lang ako sa mga malalaking establisaminto. Nasa tapat ng eskwelahan ng high- school ang bahay ni tiya, gawa sa kalahating kahoy at semento. Sa baba ay ginawa nilang kainan at sa taas ang maliit na sala at banyo at tatlong kwarto. May palikuran din sa baba para sa mga costumer. At ang garahe ng jeep ang ginawa nilang extension sa kainan. Bumabyahe ng sarili nilang jeep ang asawa ni tiya Magda na si Tiyo Julio. Si tiya Magda at ang dalawa niyang anak na si Ate Marie na twenty years old at mas matanda sa 'kin ng isang taon tapos si Bobby na sixteen years old ang katuwang niya sa karenderya at may isa silang tao. Si Tiya Magda mismo ang nagluluto, kaya noong umuwi siya sa probinsya namin ng dalawang araw ay sarado ang karenderya. Nag oojt na si Ate Marie kasi magtatapos na ng kursong accountancy, kaya ako kinuha ni tiya kasi 'di na makakatulong si ate sa karenderya at sabi pa ni ate Marie tutulungan daw niya akong makapag aral kapag nakapag trabaho na siya. Masaya ang dalawa kong pinsan ng makita nila akong kasama ni tiya. Agad naman akong dinala ni ate Marie sa kwarto niya na magiging silid ko na rin, 'di gaano kalakihan ang kwarto ni ate Marie pero kasya naman kami at mag share na lang daw muna kami ng kama habang hindi pa nakagawa ng bago si tiyo. Nagkakarpentero rin si tiyo pag mahina ang pasada ng jeep kaya maalam siya sa ganoon. "Lara feel at home ha," wika ni ate Marie ng nasa kwarto na kami at inayos niya ang mga gamit niya para mapagkasya ang sa 'kin. Kaunti lang naman ang gamit ko kaya naisiksik ko sa kaniyang aparador. Ang dami pang kinuwento at tinanong ni ate Marie sa 'kin at kasama na doon kong mayron daw akong f*******: account. Kumunot ang nuo ko sa tanong niya. Hindi ko naman alam ano 'yon, naririnig ko lang sa radyo sa mga drama, at nababanggit sa ilang palabas sa tv pero pero 'di ko talaga alam para saan o paano 'yon gamitin. "Hayaan mo Lara mamaya gagawa tayo ng f*******: mo kasi 'yan na ang uso ngayon, sabi ni inay wala kang cellphone? Pwede mo gamitin 'tong laptop ko kasi bihira ko to dalhin sa school, may wifi naman dito, at kapag nakapagtrabaho na ako, unang sahud ko pangako, ibibili kita cellphone na touch screen para may magamit ka." Sabi ni ate Marie at tuwang tuwa na man ako. "Talaga ate salamat," masayang sagot ko. "Oo, basta pakabait ka at sa pasukan mag-aaral kana kaya mag-aral ka ng mabuti ha, ako dalawang buwan na lang graduate na." Nagagalak din niyang turan. Nang mga alas otso na ng gabi, tamang tapos na kami ni ate sa pag-aayos ng kwarto namin ay tinawag na kami ni tiya para kumain. Ang daming sinabi ni tiya tungkol sa trabaho at sa eskwela habang kumakain kami. Tuwang tuwa rin si Tiyo Julio kasi raw nadagdagan daw sila dito sa bahay, nagkasakit kasi sa ovary si tiya pagkatapos na manganak kay Bobby kaya 'di na nagka-anak ulit. Kaya dalawa lang anak nila. Pagkatapos kumain ay tinulungan ko si ate Marie magligpit tapos humiram ako ng cellphone niya at tinawagan sila Itay. Tuwang tuwa naman ang mga kapatid ko sa bahay, at namimiss na raw nila ako. Si Mac mac tinatanong na kong kailan ako uuwi eh kakarating ko pa lang dito. Nang umakyat na kami ni ate sa taas ay binuksan na niya ang kaniyang Laptop para turuan akong gumamit, at madali ko naman natutunan, kaya gumawa na kami ng f*******: ko. Kinuhanan pa niya ako ng litrato para sa profile picture. Hanggang sa natulog na kami pagkatapos ng masayang pag-uusap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD