First kiss

1619 Words
Lara POV; Alas dyes na ng gabi ng nakaramdam ako ng alinsangan ng panahon. Lumabas ako ng bahay at nag pahangin sa labas. Sina nanay at tatay tulog na tulog na. Si Maria na man natutulog na sa aming silid. Sina Jun jun, at Mac mac ay naglatag na ng higaan sa sala dahil dito silang dalawa natutulog. Kakatapos lang din nilang dalawa manuod ng tv. May tv na man kami, maliit nga lang tapos kailangan mo muna painitin ng ilang minuto bago siya gumana. Simple lang kasi ang buhay namin, dweller si itay sa niyogan ng mga Buenaventura ang kapitan dito sa aming baryo. Hindi naman kami ganoon ka hirap pero sapat lang ang kita ni itay sa pang araw-araw namin. Kaya hindi pa rin ako nakapag college. Babae man ako ay alam ko lahat ng gawaing bukid. Magaling din ako sa pagsisid sa dagat at paglangoy. Kaya minsan, kapag pumapalaot si itay at nangingisda ay sumasama ako Ang lamig ng hangin at higit kalahati ang buwan bago mag full moon kaya medyo maliwanag. Natatanaw ko ang dagat na mga isang daang metro ang layo mula sa bahay at naririnig ang hampas ng mga alon na parang tinatawag ako. "Ang sarap maligo sa dagat," bulong ko sa aking sarili. Tiningnan ko si Jun jun at Macmac na nasa sala at ang sarap na ng tulog ni Macmac at si Jun jun tila gising pa rin kaya nilapitan ko. "Jun, ba't hindi kapa natutulog?" tanong ko ng pumasok ako ng bahay. "Ngalalaro pa ako ate, hindi pa rin kasi ako inaantok." Sagot niya sabay pakita ng laro sa keypad na cellphone 'yong snake na humahaba tapos 'pag nakagat niya ang buntot niya matatapos ang laro. "Nako! Pinaglaruan mo na naman pala iyang cell phone, oh siya maligo muna ako sa dagat ha, naiinitan kasi ako." Paalam ko sa kapatid ko. "Pero ate gabing gabi na, samahan na kaya kita at baka mapagalitan ka pa ni itay," sagot naman niya. "Huwag na, para na man tayong taga ibang planeta niyan, bahay ko ang dagat, serena kaya ang ate mo at teretoryo natin 'to dito kaya 'wag kang mag alala, isa pa saglit lang ako." taas noo kong sabi sa kapatid ko. "Sege ate pero 'pag natagalan ka doon susundan na lang kita ate," dagdag pa nito. "Oo na sege na, diyan kana muna isara mo lang ang pinto pero wag mong e la-lock." Bilin ko pa rito at kinuha ko na ang tuwalya ko na nakasabit sa likod ng pinto sa kwarto bago lumabas na ng bahay. Hinubad ko ang aking palda dahil naka short naman ako sa loob nito. "Gabi na at wala namang makakakita sa 'kin kaya ok na itong short at sando na lang isusuot ko." Sa isip ko habang isinasampay ang aking palda at ang tuwalya sa sampayang katabi ng puso. Hindi mo kasi ako makikitang naka short pag araw at nasa labas, laging pajama at palda na lampas tuhod ang suot ko. Pag dating ko sa tabing dagat, ay naglakad lakad muna ako sa buhangin ng naka yapak. Hinayaan kong mabasa ako ng hampas ng alon hanggang puma-gitna na ako at lumangoy. Nagbabad ako sa tubig ng ilang minuto, bago pinalutang ko ang aking sarili habang naka tihaya sa tubig. Mga kalahating oras na rin akong nagpapalutang lutang sa tubig ng nakaramdam ako na parang may bumagsak sa may tabing dagat na kong anong bagay dahil dinig ko ang malakas na tilamsik ng tubig na nakalikha ng ingay na pumukaw sa atensiyon ko. Kinabahan ako bigla kaya agad ako napa langoy papunta sa tabi at ng mga hanggang tuhod na lang ang tubig ay may nakita akong hayop o tao na nagpupumilit makaahon sa tubig. Dahil sa aking kuryusidad ay lumapit ako ng kaunti at nagulat ako sa aking nakita! Naaninag ko mula sa sinag ng buwan at hindi ako maaring magkamali, tao iyon! "Hala ka! Bakit ka nandiyan, anong ginagawa mo rito?" sunod sunod na tanong ko at walang alinlangang hinawakan ko ang kaniyang ulo at itinaas sa tubig, pagkatapos hinawakan ko rin agad siya sa damit sa may bandang batok at hinila siya papunta sa tabing dagat! "Lasing ata ito ang bigat at amoy alak!" bulong ko sa hangin ng maamoy ko ang alak mula sa kaniya. "Manong, ayos ka lang? Anong ginagawa mo rito? Gabing gabi na at saan ka ba nanggaling?" tanong ko sa kaniya pero kinabahan ako sa hindi niya pagsagot at tila wala ng malay! "Naku! nalunod ata ito o nakainom ng tubig!" bigkas ko habang tinitingnan ko kong humihinga pa. Idiniin ko ang gilid ng aking tenga sa kaniyang ilong at naramdaman kong mainit na hangin na lumalabas dito. Pero nagulat ako sa susunod na nangyari! Gumalaw siya at nang akma akong aalis malapit sa kaniya ay hinawakan niya ang aking ulo at hinila ng bahagya at napadikit ang aking pisngi sa mga labi niya. Sa hindi ko alam na dahilan ay naka ramdam ako ng init sa katawan at may kong anong kakaibang pakiramdam na dumaloy sa akin. Para akong nakuryente sa kaniyang ginawang paghawak sa mukha ko. Hindi ko na namalayan papaano nangyari na ang kaninang pisngi ko lang ang nakadikit sa kaniyang labi ngayon ay ang mga labi na namin ang magkalapat. Nanigas ako at hindi naka kilos ng ilang sandali at nakita ko na lamang ang aking sarili na sumasabay sa kaniyang mga halik. Wala pa akong karanasan sa paghalik pero sa papaanong dahilan ay tila nakukuha ko na kaagad ang dapat na gawin. Nagtagal ng ilang minuto ang paghalik na 'yon, at doon na lang ako nahimasmasan mula sa pagkaballiw ko sa ginagawa ng lalaking 'yon ng kinapos ako ng hininga. Bigla akong napakalas at tinulak siya, sabay ng aking pagtayo at sinipa ko siya sa tagiliran! "Bastos!" sabi ko sabay pahid sa 'king bibig! Napabangon din siya at kahit na alam kong mabigat ang pakiramdam niya dahil parang lasing na lasing siya ay napaupo siya sa buhangin at napatingin sa 'kin, sapat na para matamaan ng sinag ng buwan ang kaniyang mukha at naaninag ko siya. "Ikaw?" sambit ko at sa inis at kahihiyan ay na sampal ko sa kaniyang mukha! "Bastos mo talaga!" dagdag ko pa. Ngunit, ng mapagtanto niya kong sino ang kaharap niya, siguro'y natandaan niya rin ako ay ngumisi siya! Oh, its you Milady.. Masarap ka pala humalik, and look at you, ang sexy mo pala pag gabi o baka lasing lang ako? Sabi niya sabay tawa na parang sinaniban ng sampong demonyo! Dahil sa sobrang inis ay sinipa ko ulit siya at sa pagkakataong ito ay napalakas yata at natumba ulit siya sa buhangin na ikinagalit naman niya! Agad siyang bumangon at nawala yata ang pagkalasing dahil dere deretso naman siya sa pagtayo sabay hawak sa aking braso. "Bitawan mo ako kong ayaw mong mabugbog ng di oras!" sambit ko sa galit na boses. "Talaga bubugbugin mo ako sweetheart? Pagkatapos mo akong halikan? Sadista ka ba?" sagot niyang nakangisi, at kahit gabi at medyo madilim kitang kita ko ang mapuputi niyang mga ngipin. Hindi ako nagsalita sa halip ay nilalabanan ko ang kaniyang lakas at pilit na kinakalas ang braso ko mula sa kaniyang pagkakahawak! "Ang tapang mo naman honey." Sabi pa niya kaya lalo akong naiinis! Sasampalin ko sana ulit siya ng nabitawan niya ako ng biglang may humawak sa 'king braso! "Ate ano bang ginagawa mo?" puna ni Jun jun at hawak hawak ang aking braso, sinundan talaga ako gaya ng sabi niya sa akin. "Ate, ba't mo inaaway si kuya King?" tanong ni Jun jun sa 'kin. "Ikaw din kuya King, gabing-gabi na, bakit nandito ka? Bakit dito ka naligo malayo na ito sa resort niyo ah?" sunod sunod na tanong ni Jun jun. "Magkakilala kayo?" Nalilitong tanong ko kay Jun jun. "Ah oo ate, noong isang araw kasi nangunguha ako ng talaba ay nakalampas ako doon sa boundary at nakarating sa resort diyan sa kabila. Mabait naman kasi ang may ari diyan at ok lang na manguha ng talaba sa dagat basta 'wag lang daw sisirin 'yong mga corals. At tiyahin ni kuya King ang may ari diyan sa kabila." Paliwanag ni Jun jun "Oh, tapos anong koneksiyon noon?" mataray kong sagot kay Jun jun. "Patapusin mo kasi ako ate, Nandoon kasi si kuya King at nilapitan niya ako nagpaturo siya paano manguha ng talaba, tapos binili niya rin 'yong mga kuha ko. 'Di ba ang bait niya ate?" Dagdag pa ni Jun jun "Mabait? Yan? Yang mukhang 'yan mabait?" sabay duro ko Kay King daw kuno. "At saka close agad kayo? Ikaw ha kong sinu-sinong kinakausap mong tao. Sinasabi ko sa 'yo 'wag kang matitiwala agad-agad sa kong kani-kanino Jun jun." Saway ko sa kapatid ko. "Ate naman eh, mabait naman si kuya King eh." Pagtatanggol pa nito. Hindi na rin umimik pa si King na nakatingin lang sa aming dalawa. "Halika na nga pabayaan mo na 'yan diyan na malunod." Sabi ko pa. "Hindi ka rin kaya konsensyahin o masayangan sa 'kin na 'tong guwapong to malulunod lang?" Nakakaasar pang banat nito. "Ito na naman tayo, umiral na naman ang kayabangan, lakas ng hangin mo tol!" sagot ko naman. "Halika na Jun baka magising pa sila itay hanapin tayo," sabay hila ko sa aking kapatid at di na siya nakapalag sa 'kin! "Jun, bro' ingatan mo 'yang ate mo ha, mamahalin ko pa 'yan." Pahabol pang sigaw ng mayabang na lalaki habang papalayo na kami ng kapatid ko. "Opo kuya." Sagot din ni Jun jun kaya kinurot ko siya sa tenga! "Aray ko! ate naman." Mahinang sigaw niya, at tuluyan na kaming umiwi sa bahay ng 'di ko na nilingon yong lalaking mayabang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD