MATAPOS kausapin ni Aling Elena si Nathalie. Halos napatulala na lamang ito sa isang sulok. Mas lalong nagtaka ito kanina ng makita ang isang kambal. Pakiramdam niya bahagi ng kanyang puso ang anak ng dalaga. Napatingin naman si Lirah sa kanyang ina. Mabilis niya itong nilapitan at hinaplos ang likod. “Okay lang po, kayo?” nag-alalang tanong ni Lirah sa ina. Hindi nito maiwasang matakot, lalo’t wala ang ama. Umalis ito kanina kasama ang ibang trabahador. Upang palitan sa pagbantay ang kuya Steven niya sa kabilang lupain nila. “Oo, okay lang ako. Kunin mo na lamang ’yong gamot ko. Sa kuwarto namin ng ’yong itay, naroon sa itaas ng lamesa,” utos ni Aling Elena. Bahagya pang hinaplos ang dibdib. Para maibsan ang p*******t. Agad naman sumunod si Lirah. Habang ang mga kababaihan na kasama ni

