WORLD TRADE CENTER halos panghinaan ng loob si Nathalie. Nang walang maiprisintang modelo sa mga organizer ng event. Ang Dutdutan Tattoo Expo ay taon-taon ginanap sa larangan ng pagguguhit sa katawan ng isang tao. Mula sa bangko inuupuan tumayo ang dalaga para puntahan si Daniel sa labas ng ground. “Kuya Daniel. Paano na ’yan wala akong modelo? Hindi naman nagsabi si Papa na kailangan pala ’yon dito,” malungkot nitong pahayag kay Daniel. Sayang naman kung ’di siya makasali. Ito na ang chance n’ya na matupad ang pangarap. Pati si Daniel nalungkot rin sa inihayag ni Nathalie. “Paano na ’yan? Buti sana kung may pumayag rito magpatattoo. ’Di naman ako puwede, wala ka ng malalagyan sa ’kin,” sabi ni Daniel kay Nathalie. Palinga- linga ito sa paligid baka sakaling may magpatattoo roon. Par

