Chapter 1

3005 Words
Chapter 1 "How to make a man fall in love," pagbasa ko sa title ng isang website blog. My fingers scrolled down for more information and I frowned after reading the content. This is hilarious. I'm sure mas lalong magagalit sa 'kin si Adam kapag ginawa ko ang lahat ng nakasaad sa blog na ito. Natigilan ako nang pumasok si Adam sa kusina. Agad kong pinakita ang aking matamis na ngiti. "Good morning, Adam." "Morning," he replied shortly. Napangiwi ako at agad na kumuha ng pinggan at pinaghain siya ng mga pagkaing niluto ko kanina. Matapos ay nilapag ko ito sa mesa na may ngiti pa rin sa labi. "Maupo ka. I prepared you your breakfast," wika ko. He nodded his head. Umupo ito sa bakanteng silya at pinulot ang kutsara. Mabilis ko namang inihain ang iba ko pang niluto para marami siyang mapagpilian na ulam. "Gusto mo ba ng kape?" I asked. Nang tumango ito ay maagap ako sa pagtimpla. I've been doing this thing since last year. Gigising ako ng maaga kahit kinulang ako sa tulog para lang maipaghanda ko siya ng pagkain para hindi siya magutom sa trabaho. "Adam, I already packed your lunch for later." "No need, I have a resto meeting this noon." Nanatili itong nakayuko at focus sa pagsubo ng pagkain. I suddenly felt sad after hearing him. Tumango na lang ako at pilit na ngumiti at hindi na nagtanong pa. I just watched him eat and admire him just like I always do. He's wearing a button-up white polo at a black jeans, paired with a shiny black shoes. His dishevled hair after shower made him looked like a fine badass businessman. "Stop staring and eat," he said. I immediately composed my smile. "I'm full. Kumain ka ng marami para hindi ka magutom mamaya. Nga pala, anong oras ka uuwi mamayang gabi?" "I don't know," he replied. "I'll be having a dinner with Architect Laurel." Nawala ang ngiti ko. Si Trina. "I heard she's your girlfriend?" Tangina, Ella. Napaka-martyr mo naman. Natigilan ito sa pagsubo ngunit nagpatuloy rin naman. "Where did you get that news?" "May tenga ang lupa at may pakpak ang balita." I composed my smile once again. "You're a public figure and Architect Trina Laurel is my work mate. What do you expect?" Nanahimik ito, and I guess that's a 'yes'. Trina is his flavor of the week, and who knows they'll stay together until each other's lifetime. Jusr by the thoughts of it makes me want to cry. Different scenarios flashing in my head is like mocking me. Scenes that are very painful and shattering. "P-pero paano ang family dinner mamaya?" mahinang tanong ko. "A-ako lang ba ang pupunta?" Uminom ito sa tubig na nasa tabi lang niya at malamig akong binalingan ng tingin. "Make excuses. I can't make it tonight. I'll go ahead." Tumayo na ito at naglakad palabas ng kusina. Naiwan naman akong mag-isa at binalot ng nakakabingin katahimikan. Umagang-umaga ganito ang bungad sa 'kin. I decided on eating the remaining foods he didn't eat. Wala pa talaga akong kain kaya't gutom ako. I lied to him a while ago that I was full. Alam kong hindi niya kakainin ang pagkain na inihain ko kapag sasabay ako katulad ng laging niyang ginagawa. "Hija." Pumasok si nanay Nelly sa kusina. "Nakapagbaon ka na ba para sa tanghalian mo mamaya?" Tipid akong tumango dito. "I packed Adam's lunch but he told me he'll be having a meeting in a resto later. Ako na lang ang kakain nu'n, nay." She nodded her head and smiled. "Dalian mo nang kumain diyan at baka mahuli ka sa trabaho. Maabutan ka pa ng traffic sa daan." Tumango ako dito at binilisan ang pagkain. Matapos ay sinalansan ko ang mga nagamit na pinggan at nilagay sa sink. Dumiretso naman ako sa 'king silid. I took the quickest shower in the history in a matter of five minutes. Nagmadali ako sa paghahanap ng damit at nang wala akong mapili ay basta na lang akong humugot ng dress. I end up wearing a halter top fitted blue dress. Hanggang pulso ko ang haba ng dress kaya't kinakailangan ko pang magsuot ng shorts sa ilalim. Pinaresan ko ito ng isang kulay blue flats. Hinayaan ko na lang rin na malugay ang buhok kong maalon-alon at hanggang bewang ang haba. I didn't bother drying my hair. Basta ko na lang dinampot ang susi at ang aking sling bag na naglalaman ng mga importanteng mga gamit. Tumakbo ako palabas ng kwarto at pababa ng hagdan. "Magdahan-dahan ka naman, Ella. Baka mahulog ka sa hagdan kakamadali mo," rinig kong usal ni Nanay. Nilapitan ko ito at hinalikan ang kanyang pisngi para magpaalam. She noticed my wet hair but didn't speak about it. Nagmadali akong nagtungo sa garahe para kunin ang aking sasakyan. I pressed my horn to tell nanay I'll get going before stamping on my accelerator. Habang nagmamaneho ang isa kong kamay, abala naman ang isa ko pang kamay sa pagkabit ng seatbelt. "f**k this," I mumbled under my breath. Mas binilisan ko ang pagpapatakbo ng sasakyan. Nagtatrabaho lamang ako sa ibang kompanya at hindi ako ang boss kaya't kailangan kong pumasok on-time. My left hand fished for my lip tint inside my back on the passenger's seat when I realized my lip's weren't that vibrant just like before. Anemia... Nang makapa ko ang lip tint ay agad ko itong hinugot muna sa bag at binuksan gamit lang ang isang kamay. Nanatili ang titig ko sa kalsada habang naglalagay ng lip tint sa labi. I cleared my throat the moment my eyes saw the company's logo. Mas binilisan ko ang aking pagpapakbo dahil limang minuto na lang ay mahuhuli na ako. Huminto ako sa entrance ng building at agad na bumaba. Ngunit natigilan ako nang mapansin ko si Charles na nasa entrance at parang may inaantay. The moment his eyes landed on me, his face lit up and he immediately ran to my direction. Hindi na ako nakaangal pa nang bigla ako nitong niyakap. Some poeple were eyeing at us, but he seems like he was left no care towards them. "C-charles..." I muttered and pulled away. "Mali-late na ako." "No worries, I already talked to your boss. Sasama ka sa 'kin ngayon," he said. Kinuha niya sa 'kin ang susi at tinapon ito sa isang guard para utusang iparke ang sasakyan sa parking lot. Hinila niya naman ako patungo sa sasakyan nitong Mustang at pinagbuksan ng pinto. "Get in." He tilted his head. Nakasimangot naman akong pumasok sa loob. May tatlong clients akong kikitain ngayon at may tatapusin pa akong lay-out para sa magiging bidding sa susunod na linggo. The boss wants me to present and I'm left with no choice but to agree. Nang makapasok ako ay umikot naman siya sa sasakyan para sumakay sa driver's seat. Inayos ko ang naipit na skirt ng dress ko at tumuwid ng upo. "Saan tayo pupunta?" I asked. He just replied a hum and drove the car away from the place. Hindi ko naman maiwasang titigan ang hitsura nito. He's one of Natasha's friend, too. Isa sa mga naging malapit na kaibigan ni Natasha nang college ay si Charles. And funny to think, but I guess he's into her as well. Natasha Venice Aurin- Montenegro is my insecurity, indeed. Charle's is wearing a blue kakhi shorts and a simple black shirt. His rolex watch glistened against the sunlight. Ang makakapal nitong kilay ay nakaisang linya habang ang kulay berde nitong mga mata ay seryosong nakatingin sa kalsada. Ilang linggo rin kaming hindi nagkita kaya't talagang mapapansin ko ang mas lalong paghulma ng mga muscle sa bisig nito at ang bago niyang pagupit na buhok. He's a half-spanish guy. His jaw that I would love to witness clenching everytime. Gwapo si Charles, ngunit mas nangingibabaw pa rin ang asawa ko. "I can hear your heart breaking." He glanced at me. "He slept with another hoe, did he?" Mabilis akong umiling dito at bumuntong hininga. "He didn't. But one of my work mate is his girl." "Oh, f**k that asshole." Nakita ko ang paghigpit ng kapit niya sa steering wheel. Pinarada niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada at hinarap ako. "Did he hurt you?" I bit my lip. "Mentally and emotionally, Charles." Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. I burst out crying like a lost girl. Maagap naman ang braso niyang yumakap sa 'kin. "Hush now," he said. Siniksik ko ang aking mukha sa kanyang leeg at mas umiyak ng todo. Parang mas lalo pa akong pinapaiyak ng yakap niya sa halip na tumahan. "He don't deserve a wife as precious as you, Ella," ani nito. "Just end everything with him now." "Pangarap ko siya, Charles." I sniffed. "Pangarap ko siya. Magmula noong college pa tayo. H-hindi ko kaya." "Hindi mo kaya? Ella, nasasaktan ka na." He pulled away from the hug and cupped my face; wiping my tears off my cheeks. "Harap-harapan ka niyang ginagago. Bakit ba napaka-martyr mo?" "H-hindi naman-" "Anong hindi?!" Sumama ang tingin nito sa 'kin. "You might develop a heart disease for crying every f*****g night!" Napaiwas ako dito ng tingin at bumuntong hininga. Suminghot ako at pinunasan ang luhang namalisbis sa 'king pisngi bago ako sumagot, "Sanay na ako, Charles." "Tangina, Ella. Asawa ka, hindi ka decoration." He frustratedly ran his finger through his hair. "Ipaglaban mo naman ang karapatan mo bilang asawa ni Walker." Natahimik ako sa sinasabi nito. He gently grabbed my arms. "You even lose weight and I can see dark bags under your eyes. Natutulog ka pa ba?" Napakurap-kurap ako at umiwas ng tingin. I heard him took a deep breath and continue driving the car. Uncomfortable silence filled the car. Tahimik lang din ako nakatitig sa labas ng bintana at hinahabol ng tingin ang mga nadaraanan naming establisyemento at mga tao. Hindi kalaunan ay dinalaw ako ng antok. Naalimpungatan na lang ako nang maramdaman ko ang pag-uga ni Charles sa 'king balikat. "Wake up, we're here." I blinked several times to adjust my eyes from the brightness of the surrounding. Inilibot ko ang aking paningin sa labas ng kanyang sasakyan at nagtaka nang mapansin kong nasa isang farm kami. Where exactly are we? Iyan ang mga katagang nais kong itanong sa kanya ngunit pinili kong manahimik at bumuntong hininga. Inalalayan niya naman niya akong makababa ng sasakyan. As soon as I stepped out of the car, the refreshing air welcomed my nostrils. Nakakakalma sa pakiramdam. Berdeng-berde ang paligid dahil sa mga damo at iba pang puno. "This is owned by my mother," he said. "She told me that this place relaxes her when she's stress because of us." "B-bakit mo ako dinala dito?" mahinang tanong ko. He look at me and smiled. "Gusto kong kumalma ka. This place might be your temporarily escape. Mas makakapag-isip-isip ka dito ng tama. Mas matitimbang mo pa ang mga gusto mong gawin." Inaya niya akong maglakad-lakad na sinang-ayunan ko. Tama nga rin naman siya. I need to take a break as well. I need a place to relax and maybe this farm could guarantee the pleasure I've been looking for. Walang tao ang farm dahil sabi niya sa mga nagtatrabaho dito ay mamayang hapon na magtrabaho, kaya't ngayon ay kami lang dalawa ang nagpapalakad-lakad dito sa farm. "Natasha told me you seldomly contact her since you and Adam got married," he initiated the conversation. I throw him sideway glances. "She did say that?" "Last week dumaan ako sa bahay nila. We talked about our college days and then our topic jumps on you and Adam. Miss ka na niya, Ella. Bakit hindi mo siya kausapin? Nag-away ba kayo?" Mabilis akong umiling dito at tumingin sa malayo. "We didn't, Charles. Busy lang ako." "Busy sa paghahabol ng taong hindi ka man lang kayang pansinin." Tumigil ito sa paglalakad kung kaya't natigilan na rin ako. "Stop chasing someone unworthy, Ella Spring." Ngumiti ako ng tipid dito. May namataan akong isang bench kaya't naglakad ako patungo dito. The wind blow some strands of my hair and I just let it be. Umupo ako dito at tumingala sa maaliwalas at bughaw na kalangitan. "Isang taon na, Charles. Isang taon na simula nang ikasal kaming dalawa." "Yeah, right." He snorted. "Isang taon ka na ring nagpapakatanga sa kanya. Kahit harap-harapan ka nang ginagago, ayos lang sa 'yo-" "Dahil naniniwala akong mapapagod rin siya." Nilingon ko ito. "Kapag napagod siya sa mga ginagawa niya, uuwi rin siya sa 'kin. At isa pa, naniniwala akong magbabago rin siya." "An asshole like him won't change, Ella." Ginulo nito ang sariling buhok. "Bakit ba kasi siya ang minahal mo? Ang daming lalaki sa buong mundo, bakit 'yung gago pa?" Natahimik ako sa naging tanong nito, dahil kahit ako mismo ay hindi alam kung bakit sa dami ng lalaking iibigin ko, doon pa ako nagmahal ng lubos sa lalaking hindi kayang suklian ang pagmamahal ko. -- I was silent the whole dinner. I can sense disappointment from them, especially from my parents. Kasalukuyan kaming kumakain ng hapunan. Dad invited us last week for a family dinner together with my half-sister and her family. Nandito ang asawa ni Ate Kelly na si Kuya Raiven at ang anak nilang si Kylie. "Didn't I told you to come over? Sa pagkakaalam ko ay may asawa ka. Bakit ikaw lang pumunta dito mag-isa?" tanong ni daddy habang naghihiwa ng steak. I swallowed the lump on my throat as I answered, "M-may ginagawa po kasi si Adam." "More important than his wife?" Daddy laughed sarcastically making me lowered down my head in embarassment. Hindi na ako nagsalita pa. Ate Kelly initiated a light conversation for us all. Pansin ko rin ang pananahimik ni mommy at ang pasulyap-sulyap nito sa 'kin. "Ella, anak. Pwede ba kitang makausap?" she asked after our dinner. Pilit naman akong tumango dito at tumayo matapos kong makainom ng tubig. Sinundan ko siyang naglakad patungong sala nang walang imik. "Have a seat." Iminuwestra nito ang mahabang sofa kaya't doon ako umupo. My body flinched in surprise when she suddenly caressed my cheeks. "M-mommy..." "Pinapagutom mo ba ang sarili mo?" she asked softly. "You've gone thinner, Ella. Hindi ka ba inaalagaan ni Adam?" Pilit akong ngumiti dito. "Don't worry about me, mom. Stress lang ako sa trabaho." Humugot si mommy ng malalim na hininga. She reached for my hand and squeezed it tightly. "Kung nahihirapan ka na, sabihin mo lang kay mommy. Ako na ang bahalang kumausap sa daddy at sa mga magulang ng asawa mo." "No need to hassle, mom. Everything's fine." I smiled and hand her hand that was holding mine. "You're just overthinking." I'm really not a mother's girl nor dad's. I always keep everything to myself just like what I'm actually doing now. I just don't want to burden someone with my problems so I keep everything to myself. "Anyways, mommy, I have to go. Malalim na ang gabi, baka hinahanap na ako ni Nanay Nelly," I said and stood. Tumayo din si mommy. "You can just give her a call, anak. Stay here for a while. You can use your old room. Dito ka na muna matulog." Magalang akong umiling dito. "No need, mom. I can handle myself. May trabaho pa rin ako bukas." "Then at least let our driver take you home," she insisted. Ngumiti ako dito at niyakap siya. Ayokong mag-alala pa siya sa 'king, kaya ko naman na ang sarili ko. I can defend myself my someone would try to harass me or something. But such incidents is impossible when I'm taking my own car on my way home. "I need to go, mom," pagpapaalam ko dito. Nalukot ang hitsura nito. "Mag-iingat ka. O siya, humayo ka na. Ako na ang bahala sa Daddy mo na magpaalam." Nginitian ko ito ng matamis bago ako naglakad palabas ng mansion. Dumiretso ako sa 'king sasakyan at sumakay dito. I fastened my seatbelt and run my fingers through my hair afterwards. Humikab muna ako bago binuhay ang makina at pinatakbo. After Charles took me to that farm, I immediately headed to my parent's house. Hindi na ako dumaan sa bahay dahil ako lang din naman ang dadalo. He's not planning. He has another plan, and that plan doesn't include me. Habang binabaybay ang tahimik at maluwag na daanan ng EDSA, hindi ko maiwasang alalahanin ang isang taon naming pagsasama sa iisang bubong. We may live under the same roof, but not under the same cover. Magkaiba kami ng silid dahil iyon ang nais niya. My hand unconsciously touched my cheeks and questions flooded inside my head once again. Am I not attractive? Am I not something to be proud of? Am I ugly? Do I really need to get a sexy figure for me to caught his attention? Am I not worthy of his love? Iilan lang iyan sa libo-libong katanungan na bumabaha sa isipan ko. Isa na roon ay ang halaga ko. Nang makarating ako ng bahay ay itinambay ko ang sasakyan sa garahe. Bumaba ako dito at tahimik na pumasok sa loob ng kabahayan gamit ang pintong nasa kusina. Kinapa ko ang light switch dahil nakaramdam ako ng biglang pagkauhaw. Nang makapa ko ito ay mabilis kong pinindot ang on. Agad na nagliwanag ang paligid at dumapo ang paningin ko sa 'king asawa na nakadukdok sa mesa at nakapikit ang mga mata. Nilapitan ko ito at sumalubong naman sa 'kin ang amoy ng alak. He's drunk. Nagkayayaan siguro sila ni Trina kaya heto siya at lasing. Humila ako ng isang upuan at umupo sa tabi niya. My fingers traced his perfectly sculpted jaw and cheek bone. Napangiti naman ako habang nakatitig sa kalmado nitong mukha. He looks so peaceful when sleeping. His long lashes and pointed nose makes me wanna stare at him for a bit longer. A tear escape from my eyes as I whispered, "Bakit 'di na lang ako, Adam?" He groaned but didn't open his eyes. Bakit hindi na lang ako ang mahalin mo? Bakit hindi mo ako kayang mahalin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD