MAKAKAPASO ang sobrang init ng ulo ni Dirk. Hindi pa nito nagagawang kumalma simula pa kanina noong nagwalk out ito sa sobrang pagkainis. Hindi nito alam ang mararamdaman. Pinaghirapan niyang humanap ng tsokolateng iyon tapos ay mauunahan lang siya ng kung sino dahil sa bulaklak? "Anong mukha 'yan, brada?" Matalim na titig lang ang isinagot niya sa kapatid na mayroong malawak na ngisi. "Dada!" Dali dali rin siyang nakita ni Terron at niyakap pero wala ito sa mood na makipag-usap pa sa pamangkin. Sino naman ang magbibigay nun kay Vivianne?! "Huy, anong nangyari sayo?" Pati ang ama ay nakisali na rin sa pagtatanong pero wala pa ring nakuhang sagot mula sa binata. "Red roses, red roses. Ah! Nakakainis!" Nang marinig iyon ng dalawa—si Deric at Dencio, ang ama nila ay hindi na ito n

