NAPABALIKWAS si Vivianne mula sa pagkakahiga, hindi nito alam kung paano siya napunta sa higaan gayong alam niyang ginagawa niya ang memo na kailangan nitong isubmit. "Nako!" Magdidilim na sa labas ng bintana, gaano katagal ba siyang nakatulog? Agad na hinanap ng mata niya ang laptop at agad na binukas ang mga iyon. Hinahanap ang document na ginagawa bago tumunog ang cellphone. Notification iyon galing sa sss account nito: I've already received all the memos. Thank you, Miss Barrameda. Halos lumuwa ang mga mata niya, nasend na nito ang mga memo? Pero hindi niya pa iyon tapos! Naisip lang nito kung sino maaari ang gumawa noon nung may narinig itong nagpiprito mula sa kusina, "Dirk!" Pagkalabas ay sinalubong siya ng h***d na likod ng binata, "Dirk, ano 'yan?" Pero nginitian lang si

