Chapter 20

721 Words
Maxine's POV Salamat sa diyos dahil ginabayan niya si tatay, naging maayos ang operasyon ni tatay nalampasan niya. Nandito ako ngayon sa dagat kung saan nakilala ko yung batang tumulong sa akin noon, halos araw araw ako pumupunta dito noon, ang sarap ng hangin, at parang musika sa mga tainga ang mga huni ng ibon at Kay sarap sa pakiramdam ang bawat pagaspas ng tubig na nang gagaling sa dagat, nakakawala talagan ng problema ang kalikasan. Iniisip ko ang mga nasaksihan ko kahapon, natupad na ang hiling ni sir clarence na makita ang batang babae na iyon. "tsk sayang ako sana iyon, pero ang tanga ko kasi eh! Napadausdos ako." natatawa kong sabi habang umiiling pa. Nang may makita akong isang binata sa kung saang lugar ako nakita nung batang lalaki na iyon, kaya naman dali dali akong pumunta don, ngunit pagpunta ko ay siya namang pagkawala ng binata na iyon. "Asan na iyon?" "Ako ba?" pagharap ko ay literal na nagulat ako. "N-nash?" "Sabi na eh, ikaw yung batang babae na nakita ko diyan" at itinuro niya ang lugar kung saan ako natagpuan noon. "I-ikaw? I-kaw yung batang lalaki na tumulong sa akin?" hindi ako makapaniwala dahil ang matagal ko ng gustong makita ay matagal ko na palang nasa harap ko. "Ako nga" hindi na ako nagpaligoy ligoy pa, niyakap ko na siya dahil sa sobrang tuwa. CLARANCE POV Asan na kaya yung si maxine kanina pa siya hinahanap nila mang persing. Nandito ako ngayon sa dagat dahil ang sabi ni Aling Nena ay mahilig daw si kakay maglakad lakad sa gilid ng dagat. Natigilan ako sa nakita ko, "M-maxine" para akong naistatwa sa nakita ko, si Nash at Maxine magkayakap. Hindi ako makagalaw sa kinakatayuan ko, para bang kahit anong oras ay babagsak ako. Bakit ganito ang pakiramdam ko nang makita ko sila sa ganoong posisyon, hindi naman ako ganito dati. "Bro" si nash. "Bro hindi ako makapaniwala nahanap ko na yung matagal ko ng hinahanap, at si maxime lang pala iyon." Nagulat ako dahil nahanap na niya ang matagal na niyang hinahanap pero mas nagulat ako ng si maxine pala iyon. Naalala ko noon sinabi ni Nash na pag nakita niya na daw ang batang babae na iyon ay liligawan niya at papakasalan niya. Parang hindi ko kayang hawakan si maxine ng iba lalo na sa pinsan ko pa, parang Mahal ko na ata si maxine. Maxine's POV Masaya ako dahil nakilala ko na ang matagal ko nang gusto makita, at tiyak akong masaya din si sir Clarance dahil nakita niya ang batang babae na tinutukoy niya. "Maxine" si Kris "Kris, may kailangan ka?" "Ahmmm, si Clarance?" si sir pala, akala ko kakamustahin niya si tatay. "Nasa loob" "Kris! Ready kana" masaya bati ni sir clarence kay kris. "Oum, ready na ako! Tara!" "Maxine!" si Nash. "Nash!" pagbati ko pabalik dito. "Kamusta si tatay?" "Ok Lang naman, ima-mantain daw siya sa gamot" "Ayos iyon, pwede ka ba ngayon?" "Oo naman bakit hindi?" "Tara?" "Saan naman? Ikaw ah, kagabi pinaghanda mo pa ako ng dinner keneme mo!" Dahil kagabi ay inaya niya ako na mag dinner daw, dahil i-celebrate daw yung pagkikilala namin at pagkikita. CLARENCE POV Ang kapal ng apog ng lalaki nato, tatay? Samantalang ako mang marvin Lang! At pinaghanda pa, tsk korni ng mga galawan. Pero saan kaya sila pupunta parang gusto ko na lamang na sumama sa kanila pero paano na si Kris nangako ako na tuloy ang lakad namin. "Tara na?" pag-aaya ni Kris. Naunang umalis sa amin sila Maxine, kaya ganito ang pakiramdam ko na hindi komportable. Papunta kami ngayon sa plaza para daw mag perya, dahil gusto kong makilala ng higit si Kris at ganoon din siya. Pero sa hindi ko inaasahan ay nakita ko si maxine at Nash, dito rin pala sila pupunta. "Doon tayo mag umpisa" pagtuturo niya, pero nanatili parin ang tingin ko kila maxine, nandoon sila sa isang ride. "Doon na lang tayo." Pagtutukoy ko kung saan nandoon sila maxine. "Ah dito na lang." pagpupumilit parin niya sa gusto niyang ride. "S-sige" Nakarami na kami ng ride at ang sabi niya ay sa Ferris wheel na daw kami Papasok na kami sa loob ng Ferris wheel ng nagulat ako sa nakita ko, si maxine at si nash naghahalikan. "M-maxine"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD