Clarance POV
Sinamahan kong umuwi si maxine sa kanila, dahil kukuha daw siya ng gamit ni mang marvin, sa pagkakataon na ito ay nag tricycle na kami dahil ayaw niya daw akong napapagod, may naramdaman naman akong kakaiba ng sinabi niya iyon.
Ngayon ay nandito ako sa likod bahay nila, ng may makita akong isang babae na nakasilip sa isang kubo na sira sira na ito.
Parang naaalala ko ang kubo na ito, Maya Maya lang nahilo ako na siyang dahilan na mabagsak ako.
"K-kuya ok ka Lang?" tinulungan ako ng babae na ito, siya yung nakasilip sa bintana.
"Halika umupo ka dito" ng mahismasan na ako ay nag tanong na ako.
"Anong ginagawa mo doon?"
"A-ano nagbabakasali na may dumating"
"D-dumating?"
"Oo, noon kasi may bata akong nakita diyan" at itinuro niya yung kubo na iyon.
"Umiiyak siya" nakaramdam naman ako ng kaba, at nang titigan ko ng mabuti ang kubo ay naalala ko na, dito ako dinala nung Yaya ko, para hingan lang ng pera si mommy.
"I-ikaw y-yung batang babae?" at tumango siya, hindi ako makapaniwala na siya iyon, kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko na siya.
"T-teka kuya!"
"S-sorry" natatawang sabi ko.
"Bakit mo ba ako niyakap! Ano ba Yan!"
"A-ako, ako yung batang umiiyak diyan" pagtuturo ko sa kubo na iyon.
"A-ako iyon" ng bigla siyang napatingin sa akin, at bigla na lamang nangilid ang luha niya, at hindi niya na rin napigilan ay niyakap niya na rin ako.
Hindi ako makapaniwala na makikita ko pa siya, sa totoo lang ay matagal ko na siyang gusto makita, at sa pagkakataon na ito ay hindi ko na sasayangin.
Maxine's POV
"Sir! Sir! Asan na ba iyon!" ok na ang lahat, nakuha ko na ang dapat kunin pero si sir nawawala naman.
Kaya pumunta ako sa likod bahay namin, at sa hindi ko inaasahan ay, nakita ko siyang may kayakap, hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdam ko, para bang may kirot na kung ano.
Kaya napagdisyunan ko na pumasok muna sa loob ng bahay, upang hintayin siya.
Aaminin ko, alam kong si sir ang Bata na iyon, nalaman ko lang din na siya pala iyon nung ikwento niya sa akin.
•Flashback•
"Maiba taya, di mag bago taya"
"Ano iyon?" pagtatanong ng kalaro ko, nang may narinig kami na umiiyak.
"Tara puntahan natin" pag-aaya ko.
Nang mapagtanto namin na dito pala sa kubo nang gagaling ang iyak.
"Ako na aakyat" pagpriprisinta ko.
Nang makaakyat na ako ay, unti unti naman akong napadausdos.
"Ano ba Yan! Ako na nga!"
Nang maka-akyat na siya ay unti unti niyang binuksan ang bintana.
"Ay umiiyak?" pagsasalita nitong kaibigan ko.
"Ako si_ HOY BUMABA KA DIYAN!" nako po lagot! Kaya agad siyang bumaba pero nakita ko pa siyang kumaway doon.
"Ano Sabi?" Hinihingal na Sabi ko.
"May sinabi siyang pangalan e!"
"Ano daw?"
"Ano nga ba iyon, Cla- ano ba iyon!" sabi niya habang nakahawak pa siya sa baba niya.
"Ayun! Clark daw!"
•End of flashback•
"M-maxine,"
"S-sir" at nang tignan ko ang kasama ko ay ang kaibigan ko pala
"Si Kris!" Pagpapakilala ni sir sa kaibigan ko.
"Ano ka ba kilala ko iyan, kaibigan ko Kaya iyan" natatawang sabi ni Kris.
"Haha, Tara na nga" imbis na ako ang tulungan ni sir ay si Kris pa.
Sinundan ko lang sila ng tingin hanggang sa makalayo na sila.
Parang hindi ko kayang Makita si sir na may kasamang iba, nasasaktan ako, ano ba itong nararamdaman ko? Isa lang ito Mahal ko na yata si Sir.