Chapter 1.Ang pagpunta ni Selena sa maynila at ang aksidente.
Galing sa isang mahirap na pamilya si Selena Flores.
Tatlo lamang silang magkakapatid at siya ang bunso .
Simple lamang ang kanilang pamumuhay sa probinsiya.
Magsasaka ang kanyang tatay at nagtitinda naman ng mga gulay sa palengke ang kanyang nanay .Nag-iisang babae si Selena.
Ang mga kapatid niyang lalaki ay sina Junior ,thirty years old ,at si Bobby ,twenty five years old .
At siya naman ay malapit ng magdebut .
Halos malayo ang agwat nilang magkakapatid dahil sa hirap din naman ng buhay at doble ang pagod ng kanilang mga magulang .
Isang araw naglakas ng loob na magpaalam si Selena sa kanyang mga magulang .
Gusto niyang lumuwas ng maynila at subukang maghanap ng trabaho .
Kahit mamasukan muna siyang kasambahay para makatulong na rin sa pang araw-araw na gastusin sa bahay at para na rin sa kanyang pag -aaral.
Selena :Nay ,gusto ko po sana magpaalam sainyo ni tatay.
Mildrid: "Oh anak! mukhang seryoso ka ata diyan sa pagpapaalam mo ,bakit ? may nangyare ba sa school niyo? may dapat ba kaming malaman ng tatay mo ?
Selena :Ah eh, wala naman po nay hehe ,gusto ko lang po magkaroon ng experience sa pagtatrabaho at para makatulong na din po ako sainyo habang bakasyon .
paliwanag ng dalaga sa ina na tila ba nagmamakaawa.
Mildrid: "Naku! anak malayo ang maynila ,isa pa malalayo ka rin saamin ng tatay mo, pati na rin sa mga kuya mo .
malungkot na sambit ni aling mildrid.
Selena : Nay ,pangako ko po na lagi akong tatawag kapag may libreng oras ako.
gusto ko lang po makaipon para kahit papaano po ay may pangtustos ako sa susunod na pasukan .
Nakangiting saad ng dalaga.
Matapos ang pag-uusap nila selena at ng kanyang ina ay kaagad naman nitong pinaalam sa kanyang tatay caloy .Nag-usap ang mag -asawang Flores tungkol sa pagluwas ng maynila ng kanilang nag-iisang unica -ija .
Malungkot man ay agad nilang pinagpasyahan na igalang ang desisyon ng kanilang anak na pumunta ng maynila.
Bukod pa rito ay malapit na rin magdebut ang dalaga .
Makalipas ang ilang linggo , birthday na ni selena bago siya lumuwas ng maynila,ay ipinagdiriwang niya mona ito kasama ang kanyang pamilya at mga kaibigan .
Dumalo rin ang pinakamatalik na kaibigan ni selena na halos magkasing -edad sila.
Matagal na silang magbestfriend ni aryanna,
mula pa noong mga bata sila.
Nagpaalam din ang dalaga sa kanyang bff na aalis na siya papuntang maynila upang maghanap ng mapapasukang trabaho .
Nalulungkot man ito subalit kalaunan ay wala din naman nagawa si aryanna .
Umaga ,alas siyete pasado na ng bumangon si selena ,napasarap ang kanyang tulog .
Dali-dali siyang bumangon sa kanyang simple at maliit na kama .Naalala niya na ito ang araw na luluwas siya ng maynila .
Naabutan niya ang kanyang nanay na nagluluto ng almusal at baon niya din sa kanyang pag -alis .
Makalipas ang ilang oras ay nakapag-gayak na si selena,
handa na rin ang kanyang maliit na bag na may konting laman na mga damit.
Labis ang lungkot na naramdaman ng mga magulang niya ,dahil ito ang unang pagkakataon na malalayo siya sa kanyang pamilya .
Habang nasa biyahe ay nakatulog ang dalaga ng mahimbing .
Tumataya sa labing-dalawa o labing-lima ang oras ng byahe patungong maynila.
Nakaramdam naman ng konting pagkahilo ang dalaga ng magising siya sa pagkaka-idlip .
Hindi niya nagawang kumain dahil pakiramdam niya ay anuman oras babaliktad ang kanyang sikmura .
First time niyang magbyahe ng malayo kaya naman hindi pa siya sanay .
Muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata ,hanggang sa naramdaman niyang huminto ang bus .
Sa kanyang pagdilat ay bumungad sa kanya ang napakalawak na terminal .
Kaagad ng bumaba ang dalaga habang kasabay niya ang mga pasaherong sakay ng bus .
Mabilis siyang naghanap ng mapapasukang trabaho .
Naglibot -libot si selena upang magbakasali na may makitang mga nakapaskil sa kanyang madadaanan .
Subalit sumapit ang hapon ,ay tila ba mapait ang tadhana sa dalaga ,dahil wala parin siyang makuhang trabaho .
Napabulong na Lang sa sarili si selena,
" Hay ,sana naman makahanap na ako ng mapapasukan,kahit kasambahay .
Paano na ako nito ? tanging bitbit ko lang ay konting damit at konting pera na pabaon ni nanay.
Wala rin akong matutuluyan ngayong gabi kapag wala akong mapasukan."
Patuloy parin siya sa paglalakad,palubog na ang araw.
BOOOOOOOOOOGGGSSS!!!!
KRRRANGGGGSSS!!!!!!
Bigla na lang humandusay si selena dahil hindi niya napansin ang isang itim at malaking kotse at nawalan siya ng ulirat .
Samantala ....
Habang nagmamaneho si Aries asontha ,hindi niya maiwasang isipin ang huling pag-uusap nila ng kanyang mommy bago siya umalis ng mansiyon.
Kaya parang wala siya sa sarili habang minamaneho ang kanyang itim at magarang kotse .
Si aries ay isa sa mga kilalang pinakamayaman sa bansa,thirty years old at walang asawa't anak .
Siya ang nag -iisang anak nila donya margarita at ng yumaong si don julio .
Sampong taong gulang pa lang noon si aries nang pumanaw ang kanyang ama dahil sa malubhang sakit .
Bago siya umalis ng mansiyon ay muli siyang kinausap ng donya .
Flashback!!!!
Habang nakasandal sa napakagarang upuan ang donya ay nagsalita ito ng makita ang binata na katatapos lang maligo at mukhang may mahalagang lakad ito .
Donya Margarita: "Son , i want you to give me a grandchild soon . Before i follow your father .I don't think i have much time left .
malungkot niyang sambit at mapanglaw ang kanyang mga mata .
Aries : "Mom ,how can i give you a grandchild? i don't even have a girlfriend.And please don't talk like that .
It's too early for you to follow dad .
Nag- aalala niyang sagot ."
Masyado pa po maaga para d'yan ,mom .dagdag pa ni aries.
Donya Margarita: " Basta Aries ,I'm telling you .I want an apo . I want to see the heir of our wealth and businesses before i die .
Do you understand me ?
Aries : "Fine ,mom i have to go now .I have a important meeting .
Lumapit ang binata at hinagkan sa nuo at pisngi ang kanyang ina ,at tuluyan ng lumabas ito ng mansiyon .
Iyon na ang huling pag-uusap nila.
Mabilis ang pagmamaneho niya. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kanyang manibela .
Palaisipan sa kanya ang mga sinabi ni donya Margarita .
Abala siya sa kanyang kumpanya at wala rin siyang balak na magkaroon ng nobya .Muling bumalik ang mga nakaraan niya sa pagitan nila ng kanyang dating kasintahan na ipinagpalit siya sa isang foreigner .
Halos nasa kanya na din naman ang lahat subalit hindi niya lubos -akalain na lulukuhin siya ng babaeng minahal at pinagkatiwalaan niya.
To be continued.....
by Miss Binamira ✍️
plagiarism is a crime ,do not copy 🚫