"Mahal kita Leah Martinez, ikaw lamang ang tanging babaeng pinapangarap ko." anang lalaki.'
Hinawi ng binata ang buhok na tumatabing sa mukha, kalauna'y dahan-dahang hinaplos ang aking napakakinis na pisngi. ‘I know right?’ Papalapit nang papalapit ang kanyang labi ngunit ang tanging hinihintay na lamang ay kung kailan ito lalapat, sapagkat kanina pa takam na takam sa kaniyang hot at mala-yumming' kabuuan. Ang mestisong katawan ng estranghero ay dumadaiti sa'king balat na alagang-alaga sa langis ng butihing tiyahin.
"Please, touch me with gentle 'cause I am fragile" ang tanging anas sa lalaki subalit
patuloy ang binata sa kaniyang marahang gawi, na sadyang nagbibigay kiliti sa'king malanding sistema at kinikilig na kalamnan, kung saan halos umabot maging sa bunbunan. Hindi ko na kaya ang saya na dulot ng makapal na—‘Balahibo?’ Marahang kinapa ang kabuuan ng binata, tila nakahawak ng mahabang-mahaba kaya't mas kinilig sa isiping baka mayroong mangyaring hindi inaasahan.
"Meow, meow…” halinghing nito kaya’t napabalikwas sa katotohanang panaginip lamang ang lahat. ‘Anak ng teteng akala ko mahabang ano', mahabang buntot lamang pala ni Ranggo. Hay, Leah!‘
"Meow! Meow!”
"Hay! Ba't nandito ka ba? Nagising tuloy ako ng wala sa oras!” litanya sa pusa ngunit
akmang bubugawin ang alaga ng tiyahin nang marinig ang tawag ng matanda mula sa baba.
"Leah, gising na't mag-aalas diyes na! Marami pa tayong ilalako sa bayan dahil kaninang umaga lamang idineliver ni Tinoy itong mga kalabasa." saad ni Tiyang subalit
hindi sumagot saka muling humilata sa kama ngunit hindi roon natapos ang tiyahin dahil umakyat mismo ang matanda sa itaas, kung saan naabutan niya akong nakahiga pa'rin.
"Anong nangyayari sa'yong bata ka, aber? Narinig mo ba ang mga pinagsasabi ko?’ Kanina pa kita hinahayaan diyan sa kahahagikgik at kasisigaw mo sa higaan. I hear you too louder, hija.” anito kaya’t pinilit bumangon saka ibinaba ang pusa sa lapag ng kama.
"Wala po tiyang. Susunod po ako pagkatapos maligo."
"Osige, bumaba kana ha? I cooked the hatdog and bekon."
Hindi ko malaman kung saan pinagkukuha ni Tiyang Berta yang' mga vocabulary at grammar niyang hanep sa pagiging trying hard. Ganunpaman, mahal na mahal ang matanda sapagkat siya na lamang ang tanging natitirang kaanak magmula ng namayapa ang ama't ina. Hindi na ito nag-asawa dahil sa kaniyang sawing pag-ibig sa amerikanong nagngangalang Joe. ‘It's actually a top secret but since SKL (share ko lang) Era, hindi na masama. If somebody will ask me about my greatest dream well, I've seen a lot of slum areas in Masbate City, and it's very poor and it's sad. Ay siya tama na nga!’
Basta ang totoo sa lahat ng pananaw sa buhay ay makapagtapos ng pag-aaral, dahil sa kasamaang palad ay kabilang sa mga kabataang walang panama sa kahirapan, kaya't kinakailangang huminto upang magtrabaho at makatulong kay Tiyang, ngunit hindi naman duon lamang natatapos ang pangarap ko. I want to become wealthy and successful woman in my chosen field someday.
‘Anyways high-way, I need to take a bath now—As in now!’
PAMILIHANG BAYAN
Patungo ako sa pwesto ng tiyahin habang dala-dala ang mga kalabasang iniutos ng matanda, ngunit dahil sa masikip at maraming tao'y hindi maiwasang mabunggo ng kung sino.
"Ay, pocherong dalag!"
Napakawalang modo ni hindi marunong tumingin sa dinaraanan. ‘Tsk, muntik maging pumpkin 'tong kaitsurahan ko!’
Ang mainit na buga ng mga sasakyang dumaraan sa kalye, maging ang ingay ng mga tao sa palengke ang siyang nagbibigay stress sa mala-anghel na kabuuan. Siguro kailangang uminom ng mahigit isang galong tubig sa tindi ng init.
‘I wanna beg for some ice tubig! Gosh!’
Kasalukuyang nakikipagsiksikan sa mga tao saka nagmamadaling inilapag ang mga dalang kalabasa. Isa-isang inihanay sa bilao ang mga gulay upang mas maging presentable sa mga suki.
"Leah, paki-ayos mo ang pagsasalansan ng kalabasa, hane?" saad ni Tiyang Berta na halos mababanaag ang pagod sa itsura.
Tumango lamang saka mabilis iniayos ang mga natirang gulay sa supot upang mas maging organize ang mga ito, dahil hindi naman halata kay tiyang na nakailang beses na siyang nagpapaalala mula pa sa bahay. ‘Ilang beses kayang inire si Tiyang? Halos dinaig yata ang linya ng telepono sa pagiging unlimited? Maybe I have to understand that she's not getting any younger.’
"Ikaw talagang bata ka!"
‘What the heck, does she hear me? Aba mukhang may special powers yata 'tong si Tiyang. Tsk!’
Maya-maya'y nagsimulang magtawag ang tiyahin ng mga mamimili't suki, habang 'di ko maiwasang matigilan sapagkat tumatak sa isip ang kaninang napag-usapan namin ni Tiyang Berta sa hapag. Mahirap i-absorb, lalo kung ganitong bangag sa kakasalansan ng kalabasa nina Mang Tinoy, at syempre samahan mo pa nang kumakalam na sikmura dahil sa gutom.
After I took a bathe and joined Aunt Berta in breakfast, the old woman spilled out the main problem about the property of my parents. Walang iba kundi ang bahay na tinitirhan sa ngayon, sapagkat kulang ang naihulog na pera ng mga magulang nang bilhin nila ang kapirasong lupa, hanggang sa kunin na lamang sila ng Maykapal. Isang dahilan upang maiwan ako sa mundong ibabaw na mayroong registered birth certificate, twenty years of age, makabayang pilipino at higit sa lahat, single and ready to mingle. Subalit ang bahay, ni kapirasong titulo ay walang mai-submit sa dating may-ari ng lupa. Any of these months will be our due date for paying the rest of their debts.
‘Kung ilako ko muna kaya si Tiyang sa mga parokyano?’
"Aray naman Tiyang"
‘Naramdaman ang bahagyang hampas ng palad ni Tiyang sa bandang ulo buti hindi kasakitan, so far nakakabit pa naman. Pa-discover lamang si Leah, bakit masama?’
‘Ganda ko talaga!’
"Ikaw talagang bata ka kanina pa 'ko dito dada nang dada, parang nililipad kung saan 'yang utak mo! Ang sabi ko nakausap ko nga pala si Choleng at uuwi raw si Lena galing Maynila bukas ng hapon."
‘I’m so excited to the highest level coz' I'm very sure that bruha will bring something for me!’
"Talaga, tiyang? Bukas?"
"Ay, hindi hija! Sa isang linggo pa, kasasabi ko lamang, ‘di ba? Naku, bukas ka na mag-emote at tulungan mo muna ko rito sapagkat sumasakit na naman itong balakang ko!— Oo," anang tiyahin habang nag-aasikaso sa ilang mga gamit paninda.
‘Kahit kailan basag trip si Tiyang Berta, minsan na nga lamang maging excited!’
Matagal na'rin mula ng umalis ang kababatang si Lena upang magtrabaho bilang tagasilbi sa isang mayamang pamilya sa Maynila. Ito ang kauna-unahang uwi ng kaibigan kung sakali kaya hindi maipaliwanag ang saya, sapagkat itinuturing na parang kapatid ang dalaga. Kumbaga sa bituka— Ay wag pala, ang pangit ikumpara.
Sa hirap ng buhay, bunganga na lamang ang nagmumura kung kaya napilitang lumayo ang kaibigan upang masustentuhan ang pangangailangan ng pamilya. Isa ako sa mga nagluksa noon habang umaandar ang bus lulan ang kaibigang paluwas sa siyudad, ngunit ngayon isa lamang ang sinisiguro ko, makikita ang kaibigang medyo kinulang sa buwan.
Hindi halos namalayan ni Leah ang paligid hanggang sa tumawag ang isa pang kababata'ng si Randy na mayroong bitbit na kaing ng mangga.
"Leah! Leah! Narinig mo na ba ang balita?" masiglang bungad nito kahit tumatagaktak ang pawis aa buong katawan nito.
"Oo, alam ko na iyang sasabihin mo.”
Marahil ay parehas kaming nakasagap na uuwi ang kaibigang si Lena kung kaya kaagad kong binara ang binata.
"Buti alam mong guwapo ako." humawak sa baba animo kumpiyansa sa kaniyang itsura.
"Tsk! Panaganip mo nangingibabaw, Ryan." umirap sa matalik na kaibigan, rason upang bumungisngis at dunggulin sa balikat.
"Aray! Happy ka?"
Nambubuska lamang ang kababata na madalas nitong gawin sa halos araw-araw na ginawa ng Diyos.
"Nabalitaan ko rin ang pagbabalik ni Lena! Ang kaso, hindi ako makasasama sa inyo dahil mayroon pa kaming gagawin ni Tita sa talipapa. " paalam ni Ryan.
Hindi kaiba ang lalaki sa aming magkakaibigan sapagkat siya ang natira sa halos lahat ng mga naging kaklase noong elementarya at highschool.
"Sasabihin ko na lamang kay Lena."
Maya-maya'y naputol ang aming kwentuhan sapagkat inaasikaso ko ang ilang mga bumibili sa tindang kalabasa kung kaya't nawala rin sa isip ang dapat sasabihin patungkol sa darating na kababata.
‘I’m so excited and I just can't hide it!’
**
KINABUKASAN, pagmulat pa lamang ng mga mata'y nakaramdam kaagad nang 'di maitagong kasiyahan, sapagkat nalalapit na'ng pagkikita namin ni Lena. Maagang nagpaalam kay Tiyang upang tumao sa bahay dahil ayon nga sa ginang, ngayon ang uwi ng matalik na kaibigan. Kapagkadaka'y pumayag ang matanda dahil menos gawa sa pagluluto at paglilinis ng aming munting bahay.
Sa sobrang pagiging atat, pati yata tumbong umiikot-ikot sa saya.
Nang matapos ang mga gawaing bahay, maging ibang task na madalang gawin sa t'wing aabutan ng pagiging abala'y pinatos na'rin. Paglilinis ng electric fan, pag-sasaayos ng ilang mga butas sa bubong, at ang pinakahuli ay magsaing kung saan sinabayan din nang pagpiprito ng tortang sardinas. Kalaunan, matapos ang mga gawai'y saka lamang nagpasyang magmuni-muni sa likod-bahay.
‘I badly needed to rest!’
Sa likod-bahay, mayroong puno ng kamatsile kung saan tuwing makakaramdam ng lungkot o feel na feel mag-daydream, dito sa puno pinapasyahang isagawa ang ritwal ng pag-iisa o teleseryeng ako mismo ang gumagawa na sadyang nananalaytay sa kulay violet na dugo.
‘It's one of a kind talent!’
As of this moment, I'm actually doing my usual thing which is to slouch on the bed and chili tree. (kamatsile) Naisipang kumanta upang maging complete package ang paghihintay sa panauhing walang dangal.
"Two less lonely people in the world and it's gonna be fine. Out of all the people in the world, I can't believe you're mine...Everybody I'll gonna hit the high notes!" saad sa mga ghost audiences habang tinatanggal ang barang plema sa lalamunan.
"In my life---"
"Leah!"
" Ay, lumpiang pipi!"
Muntik mahulog sa puno kung hindi mabilis ang reflexes o hindi kaagad nakahawak sa sanga, ngunit kung mas sinuswerte malamang sa lupa ang magiging bagsak ko.
‘Who the hell?’
Dumako ang paningin sa bandang gilid, dahilan upang gumuhit ang masayang ngiti nang makita ang kababatang halos matabunan ng mga bagaheng dala. I immediately went down from the tree and embraced her so tight.
"Oh my gosh! Lena, ikaw ba talaga 'yan? "
"Lukaret ka talaga, friend! I miss you so much!"
Gumanti ang dalaga ng yakap, kapagkadaka'y niyaya ang kaibigan sa loob ng bahay. Ilang huntahan ang naganap hanggang sa abutin ng takip silim, ngunit tila hindi nauubos ang mga baong kwento sa isa't-isa, marahil naipon sa tagal namalagi ng matalik na kaibigan sa Maynila, rason para pumayag si Tiyang Berta na sa'min muna magpalipas ng gabi si Lena. Kasalukuyan kaming nag-aayos ng mga pinggan upang maghanda sa hapunan, napansin ko ang maraming pagbabago sa itsura ng dalaga. Medyo pumusyaw ang kulay ni Lena, ibang-iba noong mga bata pa kami na halos ngipin lamang yata ang maputi dahil sa sunog na balat ng kaibigan. Kung ikukumpara sa dati'y mas nag-improve ang dating solar
girl ng Masbate.
‘Lumunok din kaya 'ko ng bleach?’
Napapangiti sa tuwing pagmamasdan ang babae, ngunit kahit anong maging itsura ng dalaga'y itinuturing pa'rin siyang kapatid. Kasalukuyang nasa hapag, habang kasalo si Tiyang Berta sa kwentuhan tungkol sa mga pangyayari at karanasan ni Lena sa lungsod. Base sa naririnig mula sa kaibigan, mukhang maganda ang trabaho ni Lena kahit simpleng kasambahay lamang sa Maynila. Natutuwa ako habang nai-imagine ang mga naglalakihang gusali, kung saan sa lumang telebisyon lamang napapanood. Ang totoo, nakakaramdam din nang kagustuhang makatuntong sa Maynila, ngunit mas inaalala ang tiyahing maiiwan sa Masbate kung nagkataon.
In my nineteen years of existence, I'm also hoping to go there and to roam around in the city that never sleeps.
‘Ay Leah, New York pala 'yon!’
"Uy Leah, ayos ka lamang ba? Kanina pa kita napapansing tulala?”
"O-oo naman, Bru." saad sa kaibigan.
"Maiba ako, hija, kumusta ang trabaho sa Maynila, hane?" putol ng tiyahin sa usapan saka ngumiti ang kababata at bumakas ang kasiyahan sa mukha dahil sa naging tanong ng matanda.
"Mabuti naman po, dahil mabait ang amo ko. Sa katunayan nga, si senyora ang sumagot ng tiket ko pauwi rito sa Masbate."
"Naku hija, napakaswerte mo naman sa amo mo." ani Tiyang Berta.
"Wow, bru! asensado ka na pala,? Siguro ang ganda sa Maynila?" I excitedly uttered.
"Naku, sinabi mo pa, Bru! kaso mas gusto ko pa'rin dito sa probinsya. Mausok at polluted ang paligid sa dami ng mga sasakyan sa Maynila, ngunit sa tirahan ni senyora napaka komportable, dahil parang palasyo sa sobrang lawak ng mansiyong pagmamay-ari niya."
Matapos ang mahabang hapunan, nagpasyang magpaalam si Tiyang upang maunang matulog kaya ang siste'y kami na lamang ang natira sa sala. Namayani ang katahimikan habang naglalatag ng higaan samantala, inaayos ng kababata ang mga unan nang biglang magsalita si Lena.
"Hoy bru, kanina pa kita napapansing tahimik? Mayroong problema ba o ayaw mo sa mga pasalubong ko? Aba'y sabihin mo para ibigay ko sa iba!” biro ng babae kapagkadaka’y napangisi saka bahagyang hinampas ang dalaga gamit ang unang hawak.
"Gusto mong matulog sa labas? Anong kadramahan 'yan, Inday? Anong ikukuwento sa'yo kung parehas lamang ang mga nangyayari sa araw-araw na buhay ko rito sa lugar natin?"
"Ako pa ngayon ang madrama, ha? Bakit kaya hindi ka sumama sa'kin?"
‘As if nagyaya siya noon?’
"Lena, gusto ko sana kaso hindi pwedeng iwan si Tiyang. Alam mo naman ang kalagayan niya. Isa pa, anong gagawin ko sa Maynila, friend?" anas sa kaibigan.
"Kaya nga niyayaya kita bruha, para ma-experience mo. Oh my gosh! muntik ko nang makalimutan mayroong chika nga pala ko sa'yo, Inday.”
Hala, ang OA ni Lena— abot tumbong ang kilig, ni hindi pa nga nagsisimula. Pati yata kapitbahay ng puwet nakiki-join sa kalandian ng kaibigan habang kinukuwento ang nag-iisang anak ng senyora.
"Papansinin ka naman ba, bruha?"
Iyan na lamang ang tanging nasabi sa reaksiyon ng kaibigang, animo bulateng binudbudran ng asin ang puwet dahil sa pagiging makire, habang patuloy ang paglilitanya ng kababata kung saan halos hindi kinakaya ng powers ko.
"Syempre imposible. Suicide at blade kapag nangyari man ang mga ganoong kaganapan. Kung mapapansin ako, edi dapat willing siyang tiisin ang itsurang to'sa araw-araw. Susko! Mas gUwapo kay Mike Enriquez, Inday!" ayon kay Lena'ng tila hindi pa yata tapos sa pagpapantasiya.
"Baka Enrique Gil, ang kamo?"
"Basta mayroong Enrique talu-talo na bru! Ang kaso napakasuplado at womanizer daw sabi ng mga ilang kasamahan ko."
"Natural lamang yon' sa mayayaman, Lena.”
"Ay, basta ang mahalaga maganda ako!"
‘Anong connect?’
Sa haba ng litanya ni Lena'y iisa lamang ang naabsorb ko: ‘Mana-mana ang pagiging malandi!’
"Pag yang' kinukwento mo kutsero, ako na mismo magpapaanod sa'yo sa dagat."
"Basta bru, makikita mo rin siya kapag duon ka nagtrabaho sa Maynila kasama ko." bahagyang natigilan sa suhestiyon ng kaibigan dahil hindi malaman ang gagawing desisyon. Kung ako lamang ang masusunod, napakalaking opportunity ang makapagtrabaho sa lungsod, ngunit ang mas iniisip ay si Tiyang Berta kung luluwas kasama ng kaibigan.
Kasalukuyang nakaayos na sa pagtulog nang muling buksan ng kababata ang alok na sumama sa Maynila, dahilan upang mas mabahala't mapaisip ng maaring gawing desisyon bago lumuwas ang dalaga para muling bumalik sa trabaho nito sa mansyon. Ang tanging nasambit na lamang sa kaibigan ay hihingi muna ng basbas sa tiyahin, bago magpasya kung sasama o sadyang mananatili sa Masbate.
KINAUMAGAHA'Y nagpaalam ng maaga ang babae upang umuwi sa kanilang bahay, nang sa gayon makasama naman ni Lena ang pamilya. Bago umalis ay ibinilin ng kaibigang abisuhan sa kung anong magiging pasya ukol sa iniaalok na trabaho.
Maya-maya'y may natanggap na letter of notice mula sa abogado. Ayon sa sulat, bibilang na lamang ng tatlong buwan bago ilitin ang kinatitirikang lupa na sadyang pinapahalagan sapagkat dito nagkaisip. Idagdag pang nag-iisa itong pamana ng mga magulang matapos silang pumanaw. Hindi man sabihin ni Tiyang Berta, ngunit nababahala rin ang matanda kung saan kami pupulutin sakaling mangyari ang mga bagay na 'yon. Nakadagdag pa sa mga suliranin ang nararamdamang sakit ng tiyahin.
Mabilis lumipas ang mga araw, habang kasalo ang matanda'y hindi mapakali dahil sa mga alalahanin at problemang kinakaharap sa ngayon.
Kinalauna’y naputol ang malalim na iniisip ng iabot ni Tiyang Berta ang bandehado ng kanin. Kasalukuyang nasa hapag at magkasalong kumakain, rason kung saan kumukuha ng tiyempo upang mabanggit sa tiyahin ang tungkol sa pagluwas sa Maynila.
"Iha, hindi ko hawak ang magiging pasya mo pagdating sa bagay na 'yan. Matanda na ako't ikaw pasibol pa lamang, kung palagay mo tama ang gagawin mo sige humayo ka. H'wag kang mag-alala kung ako lamang ang inaalala mo, marami ang titingin sa'kin rito kapag magkataon nandiyan naman sina Tinoy at Choleng." walang pag-aatubiling saad ng matanda
‘Nice! Pak sa FAMAS ang tiyahin ko!’
"P-Pero Tiyang?"
“Hija, matagal-tagal na'rin ang panahong inilagi mo rito sa Masbate. Ayaw mo bang subukin ang maaring kapalaran mo sa Maynila?" susog ni Tiyang Berta.
Sinong nga namang aayaw sa ganitong klaseng pagkakataon na minsan lamang kumatok sa buhay ng isang tao? Kahit nagdadalawang-isip ay maluwag kong tinanggap ang basbas ng tiyahin. Kahit hindi gustong maiwan ang matanda ngunit kinakailangan, kahit pa ma-miss ang lupit ng pangungulila sa yakap at pag-aaruga.
"M-Maraming salamat, Tiyang. Palagi niyo pong tatandaan na para po itong lahat sa atin at sa pamana nina Itay at Inay." anas ko.
KINAHAPUNAN mabilis ibinalita sa kababata ang nabuong pasya, dahilan upang matuwa ang kaibigan sa mga nabanggit, kung kaya ini-schedule ni Lena ang pagluwas sa susunod na araw patungong Maynila.
"Tama ang magiging pasiya mo at tiyak kong hinding-hindi ka magsisisi, Inday!" palatak nang dalaga na kasalukuyang nakaupo rin sa puno ng kamatsile.
Hindi maiwasang mapa-isip ng malalim ngunit kahit ganoon ay malaki ang nararamdamang pag-asa sa puso. Kalauna'y naputol ang malalim na pag-iisip ng mayroong gumambala sa'ming pagmumuni-muni.
"Hoy, mga bella! Ang dadaya ninyo, ha?" nakapameywang si Ryan mula sa ibaba ng puno.
"Ryan!!!" sabay naming tawag sa pangalan ng binata kapagkadaka’y nag-unahan kami ni Lena sa pagbaba sa kamatsile saka magkasabay na binatukan ang kababata.
"Hindi na lamang sana ako pumunta rito! Waah! Palaging kawawa 'tong ulo ko," tinaktak ang baba na akala mo totoong mababawasan ang talino. Samantala, nag-apir kami ni Lena sapagkat nagkakatugma ang aming mga isip patungkol sa pambungad na bati sa binata.
"Sus, alam kong nandito ka lamang dahil hihingi ka nang pasalubong." irap ni Lena sa kaibigan.
"Bakit masama na bang batiin ang solar girl ng Masbate?" nakakalokong anito.
"Anong sinabi mo?" nanlaki ang ilong ni Lena sa mga nasabi ni Ryan habang ako'y napapailing na lamang sa dalawang kababata.
"Wala akong kinalaman diyan." itinaas sa ere ang aking dalawang kamay.
"Solar girl pala, ha?" may tonong pambabanta hanggang sa hinubad ang dalawang tsinelas at saka umaktong hahabulin si Ryan tulad noong mga bata pa.
Naiwan ako sa kinatatayuan habang pinagmamasdan ang dalawang kaibigan saka malalim na napabuntong hininga sa kabila ng mga kasiyahang nagaganap. Napakabilis ng panahon, o pagpapasiyang naganap sa aking isip kaya di maiwasang matakot sapagkat baka magkamali ako sa nabuong desisyon.
‘Hindi ko alam kung kakabahan o matutuwa? I'm going to Manila and it's gonna be enjoyable for sure. I'm hoping for the best among the rest!’