CHAPTER 2

4843 Words
KASALUKUYANG nasa biyahe ngunit lumilipad ang isip sa kung anong maaaring maging karanasan sa pagluwas ng Maynila, ngunit ang tanging baon ay pag-asa sa pusong nangungulila. Ang drama change mood. Ang totoo, bahagyang nalulungkot dahil sa paglisan sa'king baryong sinilangan. Leah, kailangan mong panindigan ang mga ito upang may maibayad ka sa bahay na anytime soon machuchugi na, atsaka idagdag mo pa ang inaasahang panggastos nang iyong minamahal na Tiyang Berta. ‘In all fairness, nakaka-nose bleed pala maging dramatista?’ KASALUKUYANG nakaupo sa tapat ng bintana habang tinatanaw ang mga nadaraanang lugar upang kahit paano mapawi ang pagkainip, eksakto naman sa timing ang pumapailanlang na kanta na may pagkasenti ang tema: PASSENGER SEAT "I look at her and have to smile As we go driving for a while Her hair blowing in the open window of my car And as we go the see the lights Watch them glimmer in her eyes In the darkness of the evening And I've got all that I need Right here in the passenger seat Oh and I can't keep my eyes on the road Knowing that she's inches from me We stop to get something to drink My mind pounds and I can't think Scared to death to say I love her Then a moon peeks from the clouds Hear my heart that beats so loud Try to tell her simply That I've got all that I need Right here in the passenger seat Oh I can't keep my eyes on the road Knowing that she's inches from me Oh and I've got all that I need Right here in the passenger seat Oh and I can't keep my eyes on the road Knowing that she's inches from me Oh and I know this love grow But I'm bit slow, Ohh" Patuloy na umaandar ang bus dahilan upang magpatuloy rin ang mga namumuong eksena sa utak, na parang binabad sa primetime bida o teleserye ngunit nasa ganoong tagpo nang biglang tapikin ng kababatang si Lena. "Hoy, pandalas pagiging tahimik mo diyan, ‘Day? Huwag'mong sabihing nagsisisi ka? Gusto mo na bang umuwi, agad-agad?"anang OA kong kaibigan. "Hindi naman sa gano'n Lena kaso, hindi ko talaga mapigilang kabahan. Alam mo namang first time ko umalis ng baryo natin. Isa pa, iniisip ko kung anong maaaring mangyari sa'kin sa Maynila." nag-aalalang pahayag sa babae. "So, anong tawag mo sa'kin? Display lamang hindi mo kasama?" "Hindi, Inday. Ang akin naman, paano kaya ako makaka-survive? Dito nga lamang sa bus hindi ko alam ang sistema ng pagbabayad. Buti sana kung kalabaw 'yan o jeep? Jusko, ‘Day! Mayroong pagpila pa pala?" inosenteng saad sa kababata. "Wag' kang mag-alala, Leah. masasanay ka rin at natitiyak kong sa una lamang 'yan'." pampalubag-loob na saad ng kaibigan. Hindi malaman kung maniniwala sa dalaga o patuloy na mag-aalinlangan, kaya pinili na lamang manahimik at muling makinig sa mga tugtugin sa loob ng bus upang malibang sa haba ng biyahe matapos sumakay sa RORO. MAKALIPAS ANG ILANG ORAS, dahil sa sobrang pagkainip ay unti- unting naramdaman ang pagbigat ng talukap ng mga mata dahilan upang hayaan ang sariling tangayin nang antok, tutal parang dulo yata ng mundo ang biyahe patungong Maynila. Kanina pa sumasakit ang puwet kong wala na ngang laman, lalo pa yatang na-inflate tulad sa naging presyo ng talong sa palengke. "Where are you going? C'mon, baby!" Naramdaman ang mahigpit na yakap maging ang unti-unting pag-angat sa kinatatayuan, sapagkat binuhat ng isang lalaking hubad ang pang-itaas animo mala-greek god ang katawan. ‘To cut the long description short—Yummy!’ Ang kaniyang mapulang labi, matangos na ilong at nagmamay-ari ng napakagandang mata na sadyang bumagay sa kanyang kabuuan bilang isang makisig na lalaki. ‘Woah! I need to breathe. I have to take my medicine and that medicine is certainly this strange man!’ Hindi yata kakayanin ang dahan-dahang paglapit ng kanyang mukha, tila eksenang hindi kailanman inaasahan. ‘He's going to buss me all over my face. s**t!’ "Ay! Ay, ano ba? Huwag may kiliti sabi ako diyan. Enebe!" I needed some savior because I'm almost dying, his heathen lean and vigorous body is rigorously embracing my senses. I feel like being protected by a fortress. ‘Mga gano'ng level ang datingan, ‘Day!’ "Kiss me back, babe." bulong ng binata. Walang sinayang na sandali at ni hindi nagpatumpik-tumpik, yung tipong kara-karakang may pagkaatat ng very slight saka hinaplos ang kanyang pisngi at nagmamadaling ginawad ang aking napakatamis na halik sa kanyang napakadulas na—labi? "Smooch!” 'Bakit parang mayroong mali?' I kissed him again and again yet I've felt nothing but a slippery—window? "Leah, gising!" Napabalikwas dahil sa tapik ng kababata. "Narito na tayo? Tara na, Lena!" anas sa kaibigan saka dali-daling kinuha ang mga bagahe ngunit mabilis pinigilan ng dalaga. "Anong nangyayari sa’yo? Kinarir mo yata pati pagiging janitor fish? Umupo ka nga, medyo malayo pa tayo, ‘day. Alam ko excited ka, ngunit wag' pati salamin Leah, maawa ka sa pamilya niyan. Hayaan mo sa mga mayroong duty ang lahat dahil hindi mo trabaho ang paglilinis ng bintana gamit 'yang nguso mo." gikgik ni Lena sa mga ikinilos kanina. Nakakahiya man aminin ngunit muling nanaginip ng tungkol sa lalaking ni hindi kilala ang tabas ng pagmumukha bagamat hanep sa pagiging diyoso. ‘Wooh! Nakakainis dahil buong pag-aakala'y totoong nangyayari ang lahat!’ Ilang sandali ang lumipas nang magsi-babaan ang mga pasahero kalaunan ay nakisabay na lamang kami sa kumpol ng taong bumababa. Sa unang pagtapak ko sa Maynila'y hindi mapigilang mamangha sa dami ng mga sasakyan at iba't-ibang gusali. Ang laki talaga ng pinagkaiba ng baryo sa Masbate kaysa rito sa lungsod, maging ang pasok ng hangin ay sadyang makapal rason upang mabilis pagpawisan dahil sa suot na longsleeves. "Wow! Ang ganda rito, Lena! Grabe, ang daming tao!" Walang makapipigil sa pagiging excited dahil sa mga nakikitang kakaiba sa paningin. "See? Sabi ko sa’yo e, baka mas mamangha ka sa pupuntahan nating mansiyon. Si Donya Elena ang isa sa mga may pinakamagandang tirahan sa isang eksklusibong village rito. Baka hindi lamang nga-nga ang magawa mo maisama mo na'rin pati laway, Makati nga pala ang tawag dito, Inday.” mahabang litanya ng kaibigang hindi yata maubusan ng kuwento tungkol sa amo at ilang mga lugar sa Maynila. "Makati pala ang tawag dito?" wika ko kaya’t bahagyang tumango ang kababata bago muling binuhat ang mga dala-dalang bagahe. "Mabuti pa sumakay na tayo ng Grab Taxi." "Huh? Ang pagkakaalam ko mahal yun'." "IKR (I know right?) pero kailangan nating magmadali sapagkat maghahapon na." "Sige, ikaw ang bahala." Mayroong kinalkal ang kaibigan sa cellphone hanggang sa maya-maya'y mayroong humintong sasakyan sa pinakaharap ng kinatatayuan namin ni Lena, bahagyang nagulat nang buksan ng dalaga ang pinto ng sasakyan, hindi na lamang ako kumibo at lumulan kasunod ng babae. Matapos mailagay ng maayos ang ilang bagahe 'saka nagsimulang umandar ang kotse. "Kuya, sa Corinthian Gardens po tayo. —Chrysanthemum Street." anang kaibigan sa driver. "Opo, Ma'am" "Lena, akala ko sa mansiyon tayo tutungo? Bakit mayroong garden? Di' ba hardin tagalog, no'n? Saan sila sumisilong? Jusko, Lena! Saan mo ‘ko dadalhin?" litaniya sa kababata. Aamining medyo kinakaban sa mga sinasabi ng kaibigan dahil baka isa narin siyang sindikato o mamamatay tao. Gustong mag-panic at pumara sa tabi, ngunit natigilan ako sa mga na-iimagine ng mapatingin sa mga 'to nang biglang matawa ang driver na sinabayan din ng kaibigang lukaret. ‘Pag-umpugin ko kaya mga ulo nito? G-r-r-r-r!’ “Hija, saang planeta ka ba kinuha ng kaibigan mo? Hindi ba nakaabot sa pinanggalingan mo ang tawag sa lugar ng mayayaman dine sa Maynila?" patuyang saad ng matandang drayber na sadyang sinabayan ng pagiling-iling. Naramdaman ko ang bahagyang pag-iinit ng pisngi dahil sa pagkapahiya. "Pasensya na kuya, first time ko kasi rito sa Maynila saka hindi ko naman kaagad malalaman mga lugar sa isang iglap la'ng," anas ko sa sarkastikong pahayag, kapagkadaka’y bahagyang siniko ni Lena kaya ang kaibigan na ang nakipag-usap sa driver patungo sa kung saan subalit imbis matinag ay inismiran ang lalaki. ‘First time nga 'di ba? Alindun ang malabo intindihin?’ Ilang minuto ang nakalipas ng makarating sa nasabing lugar. "Kuya, bayad po salamat." magiliw na saad ng kababata bago diniskarga ang mga bagahe. Samantala, tinanggap ni kuya driver ang bayad ngunit bago iharurot ang sasakyan ay tinignan ng lalaki sabay ngumiti ng nakaloloko animo nanunuya. ‘Nakakainis! Akala mo ikinaguwapo ang panlalait? Buti kung mayroong idinulot siya sa ekonomiya ng Pilipinas?’ Mabilis natigil ang ilang sentimiyento nang malibot ang mga mata sa isang magarbong mansiyon na halos sinlaki yata ng palasyo. Ang kabuuan ng lugar ay sumisigaw ng karangyaan kahit nasa labas pa lamang kami ng kababata. Iginiya ni Lena papasok sa loob ngunit hindi halos maramdamang nakatapak sa alpombreng daanan. Nang tuluyang makapasok ay tumambad sa'kin ang kakaibang disenyo ng mansiyon. There's a whiff of medieval yet contemporary style moreover, it is specifically a modern dwelling varied with Spanish trite which obviously beheld at the first floor up until the top, and also according to Lena it contains twelve spaces per floor. It is the exact description of how she profoundly illustrated this luxurious house however, in upswing to my amazement? I feel flabbergasted when I found out that they have an elevator. ‘I’m totally gawking!’ Hindi maitikom ang bibig sa pagkamangha sa bahay na pagsisilbihan ngunit mayroong mas higit na nakagugulat at nakanginginig tuhod. Iyon ay nang ipakilala ni Lena ang among si Donya Elena, na kung pagmamasdan sa unang pagkakataon masasabing tila aristokrata at kontrabida sa mga pelikula. Hindi maiwasang matakot at parang sa mga oras na 'yon ay gustong magtago sa palda ni Tiyang Berta. "Donya Elena, si Leah Martinez, ho. Gusto raw ho niyang pumasok bilang kasambahay,“ naputol ang pagsasalita ng kaibigan dahil kaagad ngumiti ang ginang saka magiliw niyang tinanggap sa trabaho. "Lena, hija— ikaw ng bahalang magsabi kung anong mga rules ko sa loob ng mansiyon." magiliw na saad ni Donya Elena. Mabilis tumango si Lena kagyat binalingan ng tingin na parang mas tuwang-tuwa ang reaksiyon kaysa sa'kin. Matapos magpakilala'y mabilis nagpaalam ang ginang upang umakyat sa silid nito. Hindi pa'rin makapaniwalang mabilis ang proseso ng pagpasok sa mansyon kaya gustong magtatatalon sa tuwa dahil malaking tulong ito upang unti-unting mabayaran ang lupa sa Masbate. ‘This is just the start of my odyssey peeps!’ MABILIS bumilang ang mga araw, ni hindi man lamang namalayang nakaka-isang buwan na sa paninilbihan sa mansyon, marahil ang isang rason ay magkasama kami ni Lena dahilan upang madalas na nasisiyahan sa mga gawaing bahay, bonus pa na sadyang napakabait ng among si Donya Elena. Sa katunayan, napakagaan nang nakatoka sa'king trabaho at isa pa, madalas naglalagi sa library ang senyora, dahilan upang sa gabi lamang kami nagiging abala para maghanda ng hapunan ni Donya Elena. Hindi maiwasang mag-alala sa kalagayan ng ginang sa tuwing makikita itong mag-isang kumakain sa hapag. Pansin din ang malungkot niyang mga mata na parang bakas ang pangungulila, kaya minsan naaalala ko ang kuwento ni Lena tungkol sa anak ng senyora. ‘Bakit hanggang ngayon hindi ko pa nasisilayan ang anak ng matanda? Kawawa naman si Donya Elena dahil kung tutuusin ang lungkot mag-isa lalo sa ganitong kalaking bahay. Siguro madalas nasa ibang bansa at nagliliwaliw o sadyang walang pakialam sa ina? Baka iresponsableng anak kaya hindi sila magkasundo?’ ‘Ay, basta wag' mong i-involve at isipin ang tungkol sa ganyan Leah! Mas maraming dapat isaalang-alang bago ang ibang problema! Tama na kakaisip! I'm just being intrusive these past few days cause’ I'm simply concern with those people around me.’ ‘Naks! English ‘yon, ah?’ Alam mo Leah, walang masama kung hindi mo pa nakikita, saka 'wag kang assuming basta hindi ka naaapektuhan lalo 'yang trabaho mo. Who cares, anyway?’ ‘Ang mabuti pa, 'wag isipin ang mga lalaking tulad nila na kahit kailan hinding-hindi mo mari-reach, Inday!’ 'Yan ang pangaral sa sarili bago muling inilagay ang mga maduduming labahan sa washing machine. Pinihit sa number thirty two pagkatapos ay hinintay tumunog kapagkadaka'y ilang minuto lamang ang lumipas bago narinig ang: "Ting!" ‘Okay, solve!’ ** KASALUKUYANG nagbubunot ng damo matapos magdilig ngunit wala roon ang utak kundi sa mga nangyari kagabi. Hindi alam kung saan magsisimula sapagkat paulit-ulit nag-rereplay sa balintataw ang tagpong may kinalaman sa isang estranghero. ‘I’m still shocked of what happened last night! Saang lupalop sumulpot ang aroganteng lalaking 'yon?’ Sa ilang buwang paninilbihan dito ni minsan hindi pa nasilayan ang binata kahit sabihing napakalaki ng mansyon upang hindi magkasalubong ang pare-parehong tao. Mahirap mang aminin ngunit tinablan sa presensya ng misteryosong binata. Sa dinami-daming puwedeng makita'y isang half-naked na binatang nangangarap yatang maging ramp model. ‘I admit that he's a substantial adjective of total hunkie because of his six-pack abs and possessing the most tantalizing eyes in the universe though, I won't even recognize where would I correlate his deep brown eyes, ganern! Para akong ice-cream na muntik matunaw ng magtama ang aming mga mata. No Leah, thwart all your sinful wanders! Narito ka upang magtrabaho para maisalba ang lupang kailangan mong bayaran, makaipon, at higit sa lahat maipagpatuloy ang pagkokolehiyo. ‘Erase! Erase! Erase!’ Pilit nililibang ang sarili upang 'wag mapunta sa tagpong iyon ngunit imbis mag-pokus sa mga gawain ay maya't-mayang inuukopa ang utak ng asungot na bagamundong lalaki. "Leah! Leah! Tama na, okay? Kung sino mang espiritu ng kabastusan ang binatang yon' sinisigurong may araw din siya sa'yo." anas sa sarili habang pinagdidiskitahang bunutin ang mga ligaw na damo sa malawak na hardin ngunit kahit anong pigil ay hindi maiwasang balikan ang nangyaring tagpo kagabi. ** Napakadilim na silid ang bumungad sa'kin sa loob ng maid's quarter na kasalukuyang tinutuluyan kasama ang kaibigang si Lena. Hindi kasi nakakatulog ang kababata hangga't mayroong ilaw kaya pinapapapatay ng dalaga sa tuwing disoras ng gabi. Gusto sanang magpasama sa kaniya papuntang kusina sapagkat nakaligtaang maglagay ng pitsel at baso sa gilid ng higaan. Nasanay akong may tubig sa tabi dahil madalas inuuhaw sa madaling araw. Kapagkadaka'y bahagyang sinilip si Lena, ngunit mukha yatang naglalakbay na ang diwa ng bruha sa kung saang dreamland kaya sa kasamaang palad ay nagpasiyang tumungo na lamang mag-isa. Minsan nakakainggit ang mga taong mapasandal tulog, buti sila ni walang effort samantalang ako umiikot na't lahat wala paring talab dahilan nang palagiang pagkauhaw. Ilang araw narin mula nang mabuo ang eye bag squad AF sa gilid ng mga mata dahil sa hindi maayos na tulog. Sleep Apnea Disorder or also known as Insomnia: Iyan lamang naman ang sakit ng mga pinagpala sa kagandahan. 'Sus tinatanong pa ba 'yan'? Maiba ako? Wala naman sigurong magagalit kung iinom ng tubig?’ Dahan-dahang lumabas ng silid upang hindi makadistorbo sa pamamahinga ng kababata, nagtungo papunta sa hindi ko alam kung saang bahagi ng mansiyon. Aamining minsan nalilito pa'rin kung saan maaring tumungo buti na lamang idol ko ang grupo ng mga Ninja Turtles lalo na si Michael Angelo, kundi kanina pa nakagambala ng mga kasamahan sa loob ng silid. Medyo ramdam ang malamig na sahig na gawa sa marmol sa kadahilanang walang tsinelas na suot. Mabuti na'rin 'yon nang hindi tuluyang makaistorbo dahil mas tahimik maglakad ng nakapaa. Sa sobrang katahimika'y dinapuan ng kalokohan kaya naisipang magpaka-humming bird upang di masyadong matakot sa nakikitang dilim sa kabuuang bahay. "Lalalalalalalalalalalala!”sinimulan munang hindi bigyan ng liriko 'saka bibirit 'pag malapit na sa kusina. Patuloy akong naglakad at luminga-linga 'saka namasdan ang kumedor, kaya isa lamang ang ibig sabihin niyan kung may kumedor may kusina. "I remember the days when my tiyang with me, those laughters and tears we shared for years ooh lalalala~lalalala" bahagyang naging interpretative performance yata ang nagagawa habang inaalala ang mga masasayang sandali kasama ang tiyahin, sapagkat napakahirap talagang mawalay sa itinuturing na pamilya. I'm periodically thinking of going back home and cried a river because of homesickness. Although, Manila from Masbate is just a few hours of travel but it's still very awful in my part as a first timer. ‘I really miss my homeland and I really, really miss my Auntie…’ ‘I really,really,really miss the bed and chili tree at the backyard. Everything about the niche from where I grew up!’ Noong isang araw ay kausap ang tiyahin, ngunit kahit hindi diretsahang ipaalam sa matanda'y mahahalata sa boses ang lungkot. Nasaan na kaya 'ko? Malapit lamang sa kumedor ang kusina ayon sa'king pagkakatanda. Jusko mapa talaga yata kailangan sa mansyong to'. Lumingon sa kaliwa, lumingon sa kanan magmartsa pasulong edi CAT days pala ang kinalabasan Leah? Sa totoo lamang nagmumukha na 'kong tanga kahahanap sa kusina. Mabuti na lamang naging average ang estado ng pamumuhay namin ni tiyang, kundi baka araw-araw kaming naghahanapan sa loob sapagkat ganito ang disadvantage ng mayayaman. ‘Anong silbi ng pagpapagawa ng bahay kung minsan dadalawa lamang kayo sa pamilya? Yung tipong mas marami ang kasambahay kaysa sa amo?’ Habang umiikot-ikot sa mga posibleng pinto patungong kusina, idagdag pa ang dilim ng paligid dahil sa mga nakapatay na ilaw ay hindi akalaing may mangyayaring 'di inaasahan. Nabunggo sa matigas na bagay animo pader rason upang muntik matumba dahil sa bilis ng mga pangyayari kaya hindi maiwasang kabahan. ‘Oh my gosh! My face—no!’ I nearly fell down on the surface and expected to be injured but unexpectedly an abrupt hard vital arms tried to hauled me back. Naramdaman ang tila matigas na bisig ng isang lalaki animo may nakapang likido kaya ang buong akala'y dugo, ngunit nang iminulat ang mga mata ay tumambad sa'kin ang ayos namin ng isang lalaking ni hindi alam kung saang lupalop nanggaling. ‘Ganito ba ka-sexy si San Pedro?’ Bahagyang sinipat ang kanyang kabuuan na talaga namang hindi alam kung ilang pang-uri ang magagamit bago ma-describe ang estrangherong lalaki. A well-propotioned muscles plus the fact na nakasuot lamang ito ng boxer short na parang model ng isang sikat na underwear brand. ‘Pero teka!? Hindi maari!’ "Ehem! Are you done examining my body, huh?" he smirked. ‘Aba’t, ang antipatiko nito porke' natakam lamang naman ako ng super slight sa pagiging yummy niya? Wait—what? No way!’ "Hey, watch your step young lady. You should always use your eyes and might as well be careful next time?" Umiling ang lalaki at tuluyan akong binitiwan saka pinagpagan ang katawan na parang pinararating na napilitan lamang iligtas sa maaring maging kahihinatnan kanina. ‘Ang yabang! Do I look like bacterium? Ready your ears effin asshole!’ "Hoy, lalaking maarte! Ang kapal naman ng apog mo? Ikaw ang may kasalanan kung bakit muntik na 'kong matumba, tapos ikaw pa ang mayroong lakas ng loob magsuplado?" I sharply replied. "Excuse me miss hindi ko gawaing mambunggo. Aha! I knew your style young lady. Bakit hindi ko man lamang na-realized kanina." he playfully smirked again. "A-anong pinagsasabi mo diyan, huh?" "Admit it, you just want to catch my attention, right? Psh! Get used to it." ‘Ha?’ Anong kahanginang lumukob sa pagkatao ng binatang 'to? Ako nagpapapansin? Kanino? Paki-explain dahil hindi ako makahinga, sapagkat nasobrahan yata sa hangin ang apdo ng walanghiyang mokong na to'. Hindi ko naman kasalanang iinom sa kusina at lalung-lalong hindi ko kasalanang makaka-encounter ng isang lalaking ang tingin sa sarili'y isang engkanto este diyoso. "Well, if you desire to join me in bed I'm a willing guy though, I’d already finished having s*x with someone however, no one could resist a demigod given gift to women like me. Unluckily, I don't even know where you came from but I can make some adjustments, sweetie." putol na saad ng binata sa pagmumuni-muni ko. He tried to grab my arms and pulled me closer from his body. I was stunned for a second then realized that there was something wrong about his connotations and I wouldn't allow him to disrespect a very pretty, pretty woman like me. ‘Hayop kang manyakis ka!’ Mabilis na umigkas ang aking palad sa kanyang pisngi dahil sa mga binabalak nitong masama laban sa'king p********e. ‘Sayang ang face value kung mismong virtue hindi present sa lalaki!’ "Hoy, mamang manyak! Kung inaakala mong katulad ako ng mga babaeng makire' puwet, este puwes nagkakamali ka ng binabangga! You! [dinuro] look at your effin face in the mirror. Aba'y feeling mo kinagandang lalaki mo iyang pagliliwaliw ng hatinggabi na ganiyan ang suot? At ‘yang ano mo! ano---ahhh, ahm basta! Wag mo ibalandra dahil baka isumbong kita sa may-ari ng pamamahay na to'. Ikaw siguro yung bagong hire na papalit sa hardinero, ‘no? Aba! Bukas lagot ka sa'kin narinig mo ba, ha?" Marahil ang lalaking manyak ang papalit kay Manong Dindo upang mag-asikaso ng hardin sapagkat naikuwento ng kababatang si Lena na mayroong napili na raw ang Donya na hahalili sa mga naiwang gawain ng matandang hardinero. ‘Tapos, akala mo kung sinong kapatid ni Tarzan at Mowgling pakalat-kalat sa mansion? Tingin yata niya kagubatan 'to? Kesa naman magsisisigaw akong magnanakaw? Edi mas maiging i-assume na siya nga iyon!’ Hindi parin makapagsalita ang lalaki at tila nabigla yata sa'king nagawa o nasabi patungkol sa kanyang pagiging bastos kaya nagpasya akong tumalikod upang iwan na lamang ang natitigilang binata. Huminto saglit sa pagwo-walk out nang may maisip na huling banat para sa lalaki upang mas lalo itong mapahiya. Nakangising bumalik sa naestatwang kumag saka tinapat ang bibig sa tenga sabay bulong: "Might as well cover up your down there cause'...." I giggled. "IT SEEMS JUTAY." He frowned and his face became skeptical after I uttered the magical word but I didn't even bother to look at him when I left. ** ‘Argh! Are you crazy or what?’ Matapos ang mahabang pagbabalik-tanaw sa isip ang mabuting dapat gawi'y tapusin ang mga trabaho sa hardin. Maya-maya'y kagyat matutulala o matitigilan dahil sa mga nangyari kagabi. "Aish! Anong nangyayari sa’yo, Leah? Mag-focus ka kaysa isipin ang buwisit na lalaking 'yon." "Pssst!” "Pssst!” Habang sinasaway ang sarili'y may naulinagang sumisitsit mula sa bandang likod kung kaya nakadama ako ng bahagyang takot. "Pssst!” "Hey, you!" Dahil sa pagkabigla'y mabilis napaharap ng wala sa oras sa kung sinong Poncio Pilato'ng tumatawag. "f**k! Can you put it down!?" anito. ‘Ano raw?’ "I said, put it down! s**t, nababasa ako ano ba?" Sa lakas nang sigaw ng binata'y medyo na-rattle ako kaya nabitiwan ang hawak na hose. Pamilyar ang bulto nito at kung hindi nagkakamali siya yung bastos, pervert at manyakis na lalaki noong nakaraang gabi. ‘Oops! I forgot to add the handsome on my description? Aish! Leah, ano bang kalandian yan', ha? I can't deny the fact that he is more gorgeous when broad daylight. What's happening to the world? Earlier, I'm just thinking about him but right now he was already in front of me.’ "Wow! What a coincidence! By the way, what are you doing here, miss?" anang lalaki habang bakas sa mukha ng binata ang iritasyon marahil siguro sa pagkabasa ng kanyang damit na talagang advantage sa paningin ng isang inosenteng kagaya ko. The man was wearing a fitted white shirt so there was no reason for me to become blind with his pandesal and monay abs. ‘Omg! Nakakaloka naman this guy, Leah!’ Halos manlaki ang aking mga mata sa kakisigang taglay ng lalaking nasa harapan ngunit dahil pinalaking may takot sa Diyos at dalagang pilipina hindi ko ibibigay ang bandera ng mga pakipot. "Eherm! Hindi mo ba nakikitang nagdidilig ako na dapat ikaw ang gumagawa? Hapon ka na nga nagising libot ka pa nang libot. Anong tingin mo sa sarili mo bakasyonista?" ‘Akala siguro nito madadala ako sa mga pagpapa-cute niya?’ "What are you trying to say?" nablangko saglit ang ekspresyong ng binata ngunit muli ring nakabawi. He dangerously smirked as if the lad was thinking a devilish scheme. "Hell yeah! I remember, well I didn't see anything wrong on lurking around here. Tingin ko mas bagay na trabaho 'yan sayo kaysa sa'kin."antipatikong saad ng lalaki. "Aba't wala ka talagang manners 'no? May pa-english english ka pa diyan? If I know ginagaya mo lang yan sa mga movie na may subtitle. You must know where to stand, you are so feelingero gusto mong mawalan ng trabaho?" ‘s**t! Muntik nang maubusan ng english vocabs sa bulsa ko!’ Langya’, kokonti na nga lamang naubos pa dahil sa manyakol na 'to?’ "Not my problem sweetie go on just tell that to my "mom" and you think she will get mad at me?" he smirked. ‘Kotong gusto mo?’ "What? Oo dahil isusumbong kita kay ma'am. Sino sa tingin mo ang gumagawa ng kalokohan sa'ting dalawa huh? Akala mo hindi kita---" hindi naituloy ang dapat sana'y sasambitin nang inilapit ng binata ang kanyang mukha na sadyang gapulgada na lamang ang pagitan. Halos maduling ako dahil hindi maiwasang makipagtitigan sa lalaki. The stranger sinfully grinned whom no one in the genes of Eve will surely resist. He even put his point finger over my lips which caused my heart leapt from a thousand miles. ‘Could I borrow some oxygen, please?’ He gradually removed his one finger and leaned more closer to me. I've felt a little bit dizzy and even imagine that angels singing lullabies over the clouds hence made me closed my eyes. I snouted. I'm expecting something very erotic coming from the man in front of me but it took so long to raveled my imagination that he will going to kiss me. Maya-maya'y may narinig na lamang na mahihinang ingit at kasabay ng malakas na hagalpak mula sa lalaking bastos. "Ha-ha-ha anong tinatawa-tawa mo diyan, ha?" "Are you really expecting me to kiss you? Dream on miss!" malokong saad ng binata habang hindi tumitigil kakahagikgik. Biglang yumukod ang binata upang isarado ang hose na sadya yatang hindi namalayang bukas kung kaya patuloy na umaagos ang tubig. ‘Foolish bum!’ "Now miss didn't you get what I mean, did you? Ikaw kaya isumbong ko kay Ma'am baka i-charge pa sayo mga sinasayang mong resources ng mansion or even worse get fired" anito sa sarkastikong tono. Walang lingong likod na umalis ang binata ngunit ang inaakalang katapusan ay hindi pa pala sapagkat muling humarap ang lalaki't humakbang palapit sa gawi ko. "Hey wait, I just want to clear things first before I leave." he chuckled. "One all, sweetie. Paano ba 'yan, quits na tayo?" he then abruptly winked. The man made his way out to somewhere while I'm stood still and can't get over yet with what he did to me. I've felt that my face flushed because of what had happened. ‘s**t! Leah, ang laki mong bullshit! Naisahan ka niya porket lumapit siya akala mo tutukain ka na?’ Sa sobrang pagkapahiya ay hindi ko maiwasang lamukusin ang aking mukha, maglupasay na parang batang inagawan ng candy sa malawak na bermudang 'di maikakailang basa. ‘I don't care at all!’ Nasa ganoong tagpo ng tinawag ako mula sa likuran ng aking kaibigang si Lena, hindi man gustong tumayo ngunit napilitan kaya't mabilis pinagpapagan ang unipormeng suot. Habang papalapit ang kababata'y napansin ko ang kasama nitong lalaki na sadyang malaki ang katawan animo banat sa trabaho, may kaitiman ang balat, marahil ay sanay magbilad sa init ng araw 'di tulad ng bwisit na anak araw at ulupong na manyakis peksman walang bawian. ugh! ‘Leche!’ "Hoy, Leah! Ang tagal mong tumengga rito akala ko nakain ka na ng mga damo! Ilan ba naani mo, ha? 'Susko, ‘Day, kanina pa kita hinahanap!" "Huh? Ah-ehh" "O siya wag kana mag-explain, mamaya ka na magdahilan diyan. Uhm, si Randy nga pala" anang kaibigan saka bahagya akong tumango sa lalaki. "Rendy, si Leah, kabebete ke!" muling saad ni Lena plus the hampas balikat portion sa binata. ‘Nakakahiya naman! Parang isang dekadang tuyot tong' frienny ko!’ "Randy, pasensiya ka na nakalimutan kong dalhan ng gamot si Lena." " Enebe B-ef-ef, keeser ke!" Nangiti lamang ang lalaki sa sinabi ko dahil sa kakaibang ikinikilos ng bruhang kaibigan. Aba'y lumalab life yata ang loka at mahahalatang may gusto rin naman sa kanya ang binata. "Leah siya pala yung bago nating hardinero." ‘In all fairness, mukha namang masipag 'di tulad ng ulupong na 'yon? T-teka?’ "L-lena, dalawa ba ang hinire ni Donya Elena para maging hardinero?" "Huh? Hindi 'no— isa lang!" ‘Pinagsasabi ng babaeng to? Anong? Paanong?’ ‘s**t! Namaligno ba 'ko?’ "Hoy, Leah! Anong nangyayari sa'yo? Timba, girl, kailangan mo? Three meters na yata 'yang bunganga mo pakisara dahil parang may lungsod sa loob." pambubuyo ng kaibigan ngunit hindi ako halos makahuma sa mga pinagsasabi ng kaibigan ngunit mas nakumpirma ng utak nang segundahan ni Randy ang mga sinasabi ni Lena. "Ako na ang magsasaayos ng mga ito, Leah. Pasensiya kung natagalan dahil inasikaso ko ang lahat ng mga requirements upang madaling makapasok dito sa mansiyon. 'Wag kang mag-alala hindi kana mahihirapang tumulong dahil dati ko nang trabaho 'to." ani Randy na sadyang magiliw ang pagkakasabi. "S-salamat naman kung ganoon." ang tanging nasabi na lamang sa lalaki. Matapos ang maikling usapa'y nagyaya si Lenang umalis sa maze garden upang magmeryenda ngunit habang tinatahak ang daan pabalik sa mansiyon, hindi maalis ang bumabagabag na katanungan sa isip. ‘Who the heck is he?’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD