Hindi halatang affected ang lalaki dahil sa reaksiyon nito, hindi naman pwedeng baguhin ang naturang eksena sa pelikula. ‘Eh sa iyon ang gusto ng direktor ang maghabulan sila at magkaroon ng ganiyang kakomplikadong sitwasyon. Kung tayo kaya, kailan maghahabulan at magpapagulong-gulong sa sahig na mayroong kasamang romantic concept?’ ‘Leah, ang manyak mo!’ Inakbayan ako ng binata na sadyang ikinagulat ngunit hindi pa roon natapos sapagkat inilapit ni Sir Michael ang katawan habang hindi inaalis ang mga mata sa flatscreen. Patuloy kami sa panunuod hanggang sa biglang mapunta sa eksena kung saan naghahalikan ang mga bida. Napapalunok ako sa nararamdamang akwardness dahil kami lamang ang naroon at eksaktong ganiyan ang ginagawa ng mga bida. ‘Nananadya yata 'tong movie dahil ang wagas sa t

