"S-sorry po, Sir Michael." "No, I’m fine. You're actually much better than the other beginner" he assured me. Matapos sa skating rink ay tumungo kami sa malaking palaruan na ang tawag daw ay arcade. Hindi ko alam na kahit businessman ang binata'y marunong siyang makibagay sa mga ganitong kaganapan. Sa baryo namin ang tawag sa mga ganitong palaruan ay perya, dahilan upang ituro pa ni Sir Michael kung paano gagamitin ang mga token. Buti na lamang madali akong natuto kaya madaling tinalo ang binata ngunit hindi ako sigurado kung totoong natatalo o nagpapatalo lamang ito upang mas ma-enjoy ko ang laro. Tumapat ako sa sungkitan ng mga stuff toys, halos ilang tokens na ang nasayang ngunit nang siya ang humingi ng isa'y may nasungkit kaagad ang binata. Isang hello kitty doll at nasorpresa ako

