Parang ayokong bumangon at maging ang mata'y hindi maimulat marahil sa puyat tila mala-dragonfly ang naging itsura nito ngayong umaga. Naalala ang mga nangyari sa party kahapon, medyo disoras narin ng gabi bago nakabalik sa mismong loob ng mansyon ngunit laking pasasalamat dahil nagsiuwi na ang ilang mga bisita kasama na siguro yung babaeng manipis ang kilay na namahiya sa'kin.
Matapos makabalik galing maze garden, panay ang tanong ni Lena kung saan ako nagsususuot ngunit walang maikwento sa dalaga. Nanatiling walang imik habang sumasagi sa isip ang mga pambabastos na ginawa ng binata na siyang matibay na rason upang umusbong ang galit sa puso.
‘Kiss snatcher ang walanghiya!’
Nag-alala naman ang ilang mga kasamahan sa pag-wawalk out ko sa party kaya inaasahang pagagalitan ng Donya ngunit buti na lamang sadyang napakabait talaga ng ginang.
‘Bakit hindi kaya nagmana ang anak nitong bagamundo?’
Pasado ala-una bago natikman ang lambot ng higaan ngunit dahil na'rin siguro sa pagod kaya agarang nakaramdam ng antok.
KINAUMAGAHAN pinilit bumangon upang makatulong sa mga gawain sa mansion dahil hindi pwedeng tumengga sa trabaho. ‘Kung ikukompara sa broken hearted kailangang ibangon ang sugatang labi at mag-move on! Ganern!’
Magkasama kami sa iisang kwarto ni Lena ngunit maaga lamang talagang nagising ang dalaga dahil ito mismo ang naka-duty sa pamamalengke. Maya-maya'y kinuha ko ang tuwalya at pumasok sa maliit na palikurang nakakonekta sa maid's quarter hanggang sa bumilang ng minuto at sa wakas natapos rin sa paliligo. Mabilis nagbihis at palabas na sana ngunit nahagip ng paningin ang puting panyong nakalislis sa ilalim ng unan.
‘Kailangang ma-isauli ko 'to sa antipatikong lalaki!’
Nagkamantsa ang panyo ng ipamunas sa na-devirginized lips kaya nilabhan ko muna 'saka pinatuyo sa electric fan matapos i-safety sa ilalim ng unan.
‘Ang landi-landi mo talaga, self!’
Pagkatapos makalabas ng kwarto'y dumiretso sa kumedor upang ayusin ang mga naiwang gawain mula kagabi hanggang sa napansing abalang-abala si Manang Zeny sa pagsasa-ayos ng mesa dahilan upang tumulong na'rin.
‘Royal breakfast, huh?’
"Pakidala mo 'to Leah, upang makompleto ang mga pagkain sa kumedor. Kailangan kong tumungo sa likod bahay at may inuutos sa'kin si Nana Guring." ani Manang Zeny kaya’t mabilis tumalima at dinala ang tray na naglalaman ng chicken lollipop. Sadyang nakagugutom ang amoy ng naturang pagkain.
'Sana ako na lamang ang isinama sa palengke upang nanatili sa kusina at nag-ala chef! dapat hindi na'rin nagpakita kay Manang Zeny upang hindi nautusan ng bongga! Aish!
Nadinig ko ang usapan ng dalawang kasamahang sina Minda't manang Zeny sa likod ng kumedor kanina..
"Manang Zeny, tama ba narinig ko dito mag-stay si Sir Michael?"
So, Michael pala ang pangalan niya?
"Oo, narinig ko kay Nana Guring. Sinabihan siya ni Donya Elena na kailangan palaging marami ang pagkain at panatilihing malinis ang mansiyon sapagkat dito maninirahan pansamantala ang anak nito. Tiyak magugulo na naman ang pamamahay."
"Sus, Manang! Hindi ka na nasanay 'pag nandito si Sir Michael, hindi mawala ang kabi-kabilang mga babaeng dumadalaw rito. Maging sina Chi-chi [maid], nagpa-pacute doon ni hindi naman sila napapansin. Manang, maiwan na nga muna pala kita't marami pa 'kong gagawin."
‘Hmp!’
‘Paanong hindi mayabang? Guwapo siya ngunit aanhin ang ganoong pagmumukha kung masama ang ugali?’
"Eherm."
‘Speaking of the froglet!’
‘Mukhang kagigising lamang yata ng mahal na manyakol este prinsipe. Fine, I admit that he's so handsome up to the maximum level which cause my whole organs trembling in the most comatose state!’
‘Hello, earth!’
‘Liver, still alive? Check!’
‘Atay? Check!’
‘Puso? Ninety-five percent rate, aba'y kinulang ng lima?’
‘I-surgery kaagad.’
Naka-suot ang binata ng signature shirt ngunit bahagyang hakab sa katawan kung kaya't bakat ang pandesal este abs ng lalaki habang nakasuot ng khaki-short sa pambaba at simpleng tsinelas naman ang pansapin sa paa.
‘Lounge wears ba tawag diyan?’
"Are you still with your nonsense day dreaming, miss?" he whispered through my ears.
Napapitlag ako dahil sa ginawa ng binata na tila sinadyang dumaan sa bandang likuran bago maupo sa gitna nang mahabang mesa. ‘He smells good!’
Nakarehistro sa kaniyang kabuuan ang nakalolokong ngiti. ‘Somebody need help!’
Hindi ako puwedeng kumaripas na lamang ng takbo sapagkat biglang nawala si Manang Zeny upang pumalit sa'kin at kahit ayaw man ang ganitong sitwasyon ngunit kinakailangang manatili kasama ang binata.
"G-good morning, Sir. Kumain na po kayo."
"Obviously, can't you see that's why I'm here, miss whoever? How should I address you?"
"L-leah. Leah Martinez po."
"Leah? A commoner indeed. What did you prepare for me?" he smirked.
‘Loko 'to!’
Parang walang guilt sa mukha saka ang aga-aga namimilosopo! Baka nakalilimutan niyang may utang siya sa'kin? Teka restaurant ba 'to upang sabihin sa binata ang mga kakainin niya? 'Nak ng jueteng kung lamunin niya kaya lahat para masaya?
"Hey, I’m talking to you?"
"Chicken lollipop po, hotdog, bacon, fried egg, salad, ‘saka..."
‘Ano nga ulit tawag rito? Tae!’
"Tae! Este— 'saka hindi ko po alam ang tawag pasensiya na, Sir." I softly uttered and he laughed.
"And morcon, early dumb!"muling tumawa ang binata.
"Pasensiya na babalik na po ako sa likod-kusina. Kung mayroong kailangan pa ho kayo gamitin niyo po yung bell." mahinang saad dito saka mabilis na tumalikod upang hindi mapansin ang pamumula ng pisngi.
I want to punch him, but please, prevent me from doing!
"Hep-hep! Where do you think you're going? Did I tell you to leave?"
"P-po?"
"I said—stay."
"Kasi, Sir..."
"Paano kung hindi ko maabot yung mga kakainin ko? You have to stay with me." anang binata habang seryoso ang mukha.
‘He's too good to be true.’
Anong sense na habang kumakain kailangang bantayan? Bata lamang ano po? Nasaan kaya si Donya Elena o di kaya isa man lamang kina Minda o Manang Zeny. Nagmumukhang tanga rito habang may hawak na pamaypay ng pagkain. ‘Ihampas ko kaya sa kanya?’
"This tastes good."
Tila nananadya yata ang binata sapagkat habang sumusubo'y nakamasid sa'kin. Sa totoo lamang, hindi pa 'ko kumakain kung kaya medyo natakam sa mga pagkaing nakahain sa harap. Ilang beses lumunok upang pigilan ang gutom na nadarama ngunit hindi alam ng tiyan kung paano makisama.
"Krug!" anang tiyan kaya’t ngumisi ang naturang mokong habang nakatingin sa gawi ko.
‘s**t! Narinig niya yata!’
"Have a bite?" sabay abot sa tinapay na mayroong kagat. ‘Hindi kita tatanggihan dahil gutom ako basta ikaw ang magsusubo? Joke!’
"Okay lamang po ako Sir, wala ho iyon."
‘Siguro mga kaunting pilit pa?’
"Are you sure? No one could resist me." he playfully said.
"Ha?"
"Faster sweetie, hindi mo ba kakagatan?"
"Naku Sir, pagagalitan po ako 'pag may kinuha ho akong pagkain." he insisted therefore, I suddenly swallowed and tried to spare what he said. Kunwari hindi ka natatakam sa tinapay na sadyang may bakas ng katas. Katas ng laway. Yeah!
"Look, no one is here, walang magagalit unless ako ang magalit sa'yo dahil tinatanggihan mo ang inaalok ko?"
Bahagyang lumapit sa kinauupuan ng binata upang kunin sana ang kinagatang tinapay ngunit mabilis inilayo ni Sir Michael.
"Oops. Ayoko nga gusto ko ako ang magsusubo sa'yo."
'Langhiya medyo kinilig ako. At the end of the day, walang nagawa si Leah sadyang mahina't inosente kung kaya nagpatangay sa tawag ng laman. Lamang tiyan din 'to!’
Inilapit ko ang bibig habang naka-stay put ang kamay ng lalaki sa ere at hawak ang tinapay. He immediately put the bread with bacon on my mouth until I heard somebody's voice outside the dining room.
“Hijo?”
“Hijo, Michael?"
‘It was no other than the queen Donya Elena hence the bread was still inserted in between my mouth. s**t! I need a moment of silence, please?’ Bahagyang na-rattle dahil papalapit na yata ang ginang sa naturang kumedor.
‘What to do?’
‘Aha! Alam ko na! Mabilis ibinulsa sa unipormeng suot ang tinapay sa bibig. Muntik na 'ko!’
Pigil tawa ang maririnig mula sa binata dahil sa mga ikinilos ko ngunit doon lamang napagtantong inuuto lamang ng lalaki.
“Hijo, nandito ka lamang pala? Buti maaga ka nagising? Nagustuhan mo ba ang mga inihanda nila?" anang matanda.
Tumingin sa gawi ko si Donya Elena ngunit mas hindi kaya ang wasak na puso sa kaba imbis ngumiti lamang ang ginang bilang pagbati siguro. ‘Napakabait talaga ng future biyenan ko!’
"Yeah, I like the taste especially the bread and bacon." he said while looking at me intently.
‘Buwisit ka, Michael Ayala!’ From now on, I will call him in first name basis because he is the most disrespectful man I've ever encountered for almost two decades of my life.
"Well, that's good to hear that. Could I join you, hijo?”
"Sure, Mom."
Naupo ang ginang sa kaliwang bahagi ng mesa, kung saan nakatalikod sa'kin dahilan upang pasimpleng masilayan ang binata ng hindi napapansin ng matanda.
‘s**t, Leah! At aber, bakit gusto mong makita ang buwisit na 'yan?’
Pilit kinakalimutan ang umuusbong na paghanga sa binata kahit kabaligtaran sa sinisigaw ng puso. Napaka-imposible lalo sa katayuan ko bilang tagasilbi lamang sa mismong mansion na pagmamay-ari ng mga ito.
‘Leah, always embossed on your mind that the type of man like him doesn't belong to you! He's a notorious womanizer and an arrogant brute!’
Mabilis isinantabi ang nasa isip at tahimik na pinagsisilbihan ang mga amo sa kumedor. Maya-maya'y natapos ang mag-ina ngunit ni isa man sa mga kasamaha'y hindi sumulpot upang tulungan ako. Ito ang minsang problema sa maraming kasambahay sapagkat hindi mo kayang i-monitor kung sino ang kumikilos sa hindi. Malamang kaniya-kaniyang gawain ang mga ito kaya walang nagawa kundi iligpit mag-isa ang pinagkainan.
Matapos ang almusal ay nagpaalam ang ginang ngunit nag-paiwan ang binata. Kasalukuyang nakaupo sa harap ng mahabang mesa at hinihimas ang abs este tiyan, hindi ko tinitignan ang lalaki dahil baka kung ano na naman ang maisipang kalokohan ngunit habang nagliligpit ay hindi ko pansing nakatingin siya sa'kin. Ironically speaking, how could you knew if he was looking at you? Hey brain cells don't meddle with me!
Pagbalik ko upang kunin ang huling plato'y di akalaing muling magaganap ang huling sagupaan. This is the longest breakfast in the history of romance and I'm trying not to be so presumptuous because it could lead me from so much destruction yet honestly, I couldn't explain my emotion right now. ‘Iyong inis ka ngunit hindi? Ang gulo tuloy ng isip ko!’
"How was the bread, Leah?"
"Itinapon ko po."
‘Kaunti na lamang at sasamain na sa'kin 'to!’
"Didn't you like it?" muling asar ng binata, kagyat akong nakapagpigil at nanahimik na lamang upang hindi lumaki ang nadaramang pagkapikon sa binata.
"How about the kiss last night? Don't tell me you're still not getting over yet?" nakakalumbaba ang binata tila amuse na amuse na naghihintay sa magiging reaksiyon ko.
Matapos banggitin ng lalaki ang naturang insidente'y hindi ko napigilang tumingin sa lalaki, sadyang nalukot ang pagmumukha ng sukat ipaalala ang ginawa nito kagabi.
"Anong sinabi mo?"
"Are you deaf, sweetie? Gusto mo yatang ulit-ulitin ko sa'yo? Well, you should be thankful, cause' I kissed you which was a very rare chances, lady."
‘Ang kapal ng mukha mo!’
"Excuse me sir ang kapal ng mukha mong ipaaalala pa 'yon? Hindi mo siguro alam kung anong ninakaw mo?" I became teary-eyed then he gave me a kind of I-don't-have-any-idea look.
"First kiss ko 'yon! Winasak mo ang buong pagkatao ko! Winasak mo ang mga pangarap ko! Winasak mo ang lahat lahat sa'kin. Yung mga pangarap na mahalikan sa tuktok ng bundok habang sumisikat ang araw at tinatangay ng hangin ang aking buhok. Lahat 'yon ay naglaho nangg dahil sa'yo." Napuno nang katahimikan ang buong sulok ng kumedor. He was dead silent and if you could see his reaction it was absolutely poker face!
"f*****g funny!" he laughed hard.
Hawak ng binata ang kaniyang tiyan, akala mo mamamatay sa kakatawa, sa pagkapikon sa natamong napaka-epic na reaksiyon mula kay Michael, minabuting kuhanin ang puting panyong ipinahiram ng lalaki na kasalukuyang nasa bulsa kasama ang tinapay na bigay nito dahil sa pagmamadali kanina.
‘Buti nga!’Ikinuyumos ko ang panyo sa pagmumukha ng binata ngunit hindi man lamang ito natinag sa kakatawa.
"Sa'yong-sa’yo na 'yang panyo mo! Salamat, ha?" gigil na saad sa lalaki.
Lalong nilakasan ang kaniyang pagtawa dahilan upang tuluyan 'kong iwan ang buwisit na binata. ‘Bahala ka! Mangamoy bacon ka sana! Napaka walang-modo hindi man lamang makonsensiya talagang nananadya yata! Strike two!’
Laking pasasalamat dahil nadala ko ang huling plato kung kaya hindi na kailangang bumalik sa loob. Hanggang kalian kaya ko pepestihin ng kumag na 'yon? Baka maging laughing stock na lamang ako 'gang sa makaalis siya?
‘Hindi ako makapapayag!’
"Pest control operation, Leah!"
‘Tama! Anong puwede kong gawin upang makabawi?’
"Hoy, Leah!" Dinunggol ako sa balikat ng kung sino.
"Ay, taeng chikinini!"
"Ano ba Lena, pasulpot-sulpot ka!"
"Paano kasi tulala ka na naman." saad ng kababata.
"Wala, may iniisip lamang akong mahalagang bagay."
"Care to share?" pangungulit nito.
"Basta! Teka, bakit ngayon ka lamang sumulpot kung kailan tapos na 'ko, ha?"
"Ah, eh, kasi, si Papa Randy. Gosh! kinikilig talaga ako, Leah!"
Hindi mapigil ng kababata ang magkwento tungkol sa bagong katrabaho, halata sa babae ang paghanga sa binata kaya kahit nakalayo na kami sa kumedor ay walang ibang bukambibig ang huli kundi ang hardinero sa mansiyon.
‘Ang landi talaga ni Lena parang ako!’
**
Kasalukuyang hawak ang puting panyo at kusang napapangiti dahil sa mga nangyaring katatawanan kaninang umaga. Hindi ako makatulog at pabiling-biling sa kama siguro dahil nasanay sa sariling unit o hindi kaya dahil sa babaeng umuukopa sa isip? ‘I was wondering if what could be the next funny scene I will encounter with the rat girl!’
‘She's very bubbly.’
Mukhang kakaiba ang pananatili ko rito sa mansiyon kumpara sa mga nakaraang bakasyon dahil sa babaeng 'yon. Mabuti kung gano’n, atlis kahit namomoblema sa gustong ipagawa ng butihing ina'y mayroong mapaglilibangan pa rin kahit paano sapagkat sasamantalahin ko ang mga araw bago isagawa ang mga plano. Biglang sumagi sa isip ang mga napag-usapan kanina kasama ng matanda. Mom and I were having coffee at lanai earlier after lunch.
"Hi, Mom."
“Hijo, come have a seat and let's have coffee." masuyong paanyaya ng ina.
"Sure thanks."
Napansing tambak ang mga papeles na sadyang nakakalat sa round table, kasama ng isang tasa ng kape sa tabing puswelo. This old woman is very responsible and placid when it comes to her own businesses.
Hinahayaan ko lamang ang ina sa kanyang mga gustong gawin dahil baka manghina raw siya 'pag hindi nakapagtrabaho kahit isang araw. Labag man sa loob sa tuwing makikita siyang subsob sa mga gawai'y, hindi ko magawang pagbawalan sapagkat ito na lamang ang kanyang libangan mula ng mamayapa ang ama. I idolize my mother for being the best mom and for being an independent woman at her old age.
"You look busy."
"I needed it Michael, wala akong mahihita sa'yo anak at titigil lamang ako kung mabibigyan mo ko ng mga apo. Kapag nagkataon sila na lamang ang aatupagin ko, life is very ennui anak especially right now that you were not the same old kid that I had way back years ago."
‘Marriage trip, again?’
"Mom, ilang beses ko bang sasabihin sa inyong ayokong ikasal?"
"What are you implying iho?" she frowned.
"I mean, matagal pa 'yon and It's not my priority right now. Wala sa bokabularyo ko magkaroon ng iisang ulam este maybahay sa ngayon." Nakaka-iritang pag-usapan ang mga ganiyang usapin, lalo't wala akong balak mag-asawa.
"Basta kailangang mayroong maipakilala ka sa'kin bago ako lumipad patungong Europa at kung sakaling hindi ko maabutan sinisiguro kong si Tito Rick mo ang mag-eestima kung may nahanap ka na. Wala kang lusot, hijo.”
‘Is this some kind of a blackmail? This isn't funny! I don't even like what she's into!’
"What do you mean, Tito Rick? You didn't tell me they will arrive here and wait, wala ka ring sinabing pupunta ka ng Europe." naguguluhang saad sa ina.
"I deliberately tried not to mention it and they're going to take their vacation here in the Philippines right after I took my flight to Europe. They'll be here two weeks from now, honey. Sinabi ko kay Rick na pansamantalang dumito muna sila habang wala ako. I also said that you will be staying here with them. Honestly, it was all my plan not to tell you what's the real score if why I asked you stay here for awhile cause' I'm very sure that you won't allow it. Apparently, it's now or never Iho hence I already booked a flight." mahabang litanya ng donya.
"Sa'yo nanggaling na wala ka rito, Mom. So, could I stay on my place at Ortigas then I'll drop by here for sometime?"
"Sorry not sorry honey, but you have to stay here. Nakakahiya sa Uncle Rick mo at sa pamilya niya. And as I've said earlier, if I were already in Europe he'll be the one who check out your fiance' and that's final!"
"Let's have a deal. Ako ang pupunta ng Europa para hindi ka mapagod, and then eventually look for a wife—there?"
‘This is insane.’
“Hijo, mabuting ikaw na ang maiwan rito dahil kabisado kita baka business with pleasure lamang ang atupagin mo. You have to find a wife within the limited time I gave you or else I will disown you."
"Mom, you must be kidding me, right?"
"Of course not, who told you? Hindi porket malaki kana 'di ko puwedeng saklawan 'yang mga desisyon mo sa buhay, anak."
"But, Mom—“
"I want to end this argument and let me clarify that I'm still your mother, Michael Ayala III."
Ni wala akong masabi at napakamot na lamang sa batok dahil sa nagbabadyang malaking sakuna sa pagiging buhay binata. This is f*****g disaster on my bachelorhood and moreover she was obviously serious based on how my mother called me by my full name. ‘Where in this world will I find a f*****g wife? Is it even edible?’
‘f**k!’
KINAUMAGAHAN AY MAAGANG nagising sapagkat maraming nakahaing gawain sa sala rason upang maunang tumayo sa kaibigang si Lena na halos tulo laway pa sa pansitan.
Hindi maiwasang mag-isip kung paano lalayuan ang presensiya ng lalaking amo, ngayong hindi lamang halik ang nakuha nang binata maging ang kagustuhang makabawi sa pamamahiyang ginagawa nito.
‘Akala mo 'di kita gagantihan? Puwes, magkamatayan na nang kuko sa paa dahil hindi kita tatantanan!’
Pumanaog ng isang hakbang sa maid's quarter hanggang sa makarating sa sala. Halos mapahiyaw sa naabutang binata na sadyang nakasalampak sa mesa.
“Ay hinayupak!" napahawak sa kanang dibdib dahil sa gulat. Kaagad napansin ni Sir Michael ang aking rekasiyon ngunit tumaas lamang ang sulok ng kanyang labi saka bumalik din ang konsentrasyon sa harap ng maliit na laptop. ‘He leaned the back of his hand beneath his chin which makes him more appealing! Pwe!’
Nagkunwaring hindi nakita ang binata saka nagpatuloy sa ginagawang pagpupunas ng mga pigurines malapit sa kinauupuan nito. He yawned then stretched his two arms.
"Leah,"
"Po?"
He stared at me.
Hindi ko maiwasang mailang sa klase nang titig niya dahilan upang mabilis ayusin ang buhok at hawiin sa tenga ang natirang hibla na tumatabing sa mukha. ‘No way!’
I could see his immediate smirked when I did those gestures. ‘Mamaya ang isipin niya nagpapaganda ako kahit maganda naman talaga!’
"Could you get me some brewed coffee?" anito sa swabeng tono.
"Brewed? Mayroong asukal o wala?"
"Little sugar," he simply said.
“3-in-1 o Imported coffee?" inosenteng tanong ko.
"Imported coffee?" he frowned. Tumango ako sa binata ngunit muling bumalik nang mayroong maalalang itanong.
"Mainit na mainit o hindi masyado?" tanong ko.
"Hindi masyado." he sighed then go back in front of his laptop.
"Okay, Senyorito." Ito na ang pinakahihintay na pagkakataon upang makaganti sa ginawa mong lalaki ka!
"Ay, Senyorito..."
"What is it this time, Leah?" tila nawawalan na yata nang pasensiya sa pabalik-balik na gawi, pagtatanong sa lalaki saka mariing pumikit ang binata at muling tumingin sa gawi ko.
"Anong kulay ng coffee mug?"
"Are you trying to piss me off?" anito.
"Yes, este no, Senyorito. Ayoko lamang magkamali ulit sa mga inuutos ninyo." pabibang anas ko.
"Any color." maikling saad ni Michael.
Tumungo ako sa kusina saka masusing inihanda ang kapeng laan para sa lalaking saksakan ng kalandian. Tingnan ko lamang kung hindi mo makalimutan ang pangalan ng mga pagkain mamayang hapunan. I put a little bit of magic then viola perfectly carried off the coffee at the side of his paperworks.
"Thanks. You may go now."
Aba't gusto pa 'kong paalisin kahit halatang marami ring dapat gawin ayon sa nakatoka sa'kin ngayon.
"Kailangan ko pong matapos ang mga gawain ko."
"Can you clean this area later after this?" he showed up to me all his works therefore, I’ve felt a little embarassment through his words.
"Pasensiya na, senyorito."
‘Maibuga mo sana!’
Lumayo ako nang bahagya sa binata hanggang sa mamasdan ang unti-unti nitong paghigop sa kapeng barako ala Leah. Kitang-kita ang paglukot ng kanyang mukha ngunit nang tumingin sa kinapupwestuhan ko'y mabilis binago ang ekspresyon ng mukha at halatang tiniis lamang lagukin ang napakapait na kape upang hindi lamang siguro mapahiya sa'king harapan. Umaaktong naduduwal-duwal saka pasimpleng umubo, rason upang tumalikod sa lalaki para isakilos ang ngiting tagumpay. ‘Hay, buhay! Buti nga sa'yo!’
"Leah!" singhal ni Michael kapagkadaka.
"Yes, senyorito?" lumapit sa binata.
"You really make this bitter, ‘no?" pamamaratang nito.
"Naku, senyorito huwag po kayo basta-basta nambibintang. Malinis po ang konsensiya ko sa mga paratang ninyo." depensa sa binata.
He fiercely closed his eyes before fixing all his stuffs.
"Aalis na po ba kayo?" inosente kuno'
"Isn’t obvious?"
"Ay, mabuti! Ah, uh—ang ibig kong sabihin mabuti sana kung mananatili pa po kayo rito ng dekada uh, este ilang oras." anas ko.
‘Tagumpay, Leah!’
Nagsawalang kibo ang binata saka padarag na umakyat sa taas ng grandstaircase ngunit mayroong pahabol sa binata.
"Senyorito, sandali!"
"What?!"
"Hindi niyo po ba kukunin itong kape niyo? Hindi na po masarap kapag malamig.." he just glared at me then continuously stepped his foot upstairs.
"Senyorito!" patuloy kong tawag upang lalong mainis ang lalaki hanggang sa tuluyang itong makaakyat sa ikalawang palapag ng mansiyon. I looked up and the victorious smile appeared on the corner of my lips then, I sticked out my tongue as if he'd definitely see my reaction.
**
ISANG LINGGO ang nakalilipas, magmula nang sabihin ng kaniyang ina ang nais nitong mangyari sa kaniyang napipintong pamamaalam sa pagiging buhay binata. Michael is becoming helpless as the days goes by thus he still doesn't have any solution in mind to thwart his mother's decision.
This is a typical arrangement for some prominent clans. It's either marriage or mishap which unfortunately becomes their absolute place in the high-social world. A ludicrous idea for my f*****g ideology about marriage is gradually shrinking! No one can stop Donya Elena y Ayala even if I jumped off a thousand foot cliff.
**
LINGGO NG GABI.
Hindi ako mapakali sapagkat maraming bagay ang gumugulo sa isip, lalo sa mga nangyayaring suliranin sa pamilya. Leah Martinez is my one and only best friend.
Sa hirap ng buhay hindi nakapagtapos gaya ng kababata ngunit kahit paano'y nakatuntong din naman sa kolehiyo. Mahirap man sa'kin ang nabuong desisyon ngunit mas kailangan ako ng sariling kaanak sa probinsiya. I have no choice but to accept the fact that I'll be leaving my bestfriend for awhile.
‘Sana hindi naman English carabao, ‘no?’
Hindi ko masabing pansamantala munang maiiwan ang dalaga sapagkat kinakailangang alagaan ang amang may sakit. Yung findings ng doctor ang mas ikinababahala, dahil maari raw itong mauwi sa komplikasyon kung sakaling hindi maagapan. Ako lamang ang inaasahan ng buong pamilya; Dahilan upang harapin ang masaklap na kapalaran kahit ang ibig sabihin ay malalayo kay Papa Randy. Hanggang isang araw ay nagpasiya akong magpaalam kay Donya Elena na kaagad namang naintindihan ng ginang.
Kasalukuyang nasa kwarto kasama ang kababata, habang nag-uusap ay humahanap ako ng tiyempo upang isingit ang tungkol sa pag-alis ngunit tinitiyak na hindi papayag si Leah lalo kung siya lamang ang maiiwang mag-isa sa Maynila, kaya't nagpasiyang sabihin na lamang dito kapag malapit ng umalis sa mansiyon.
‘Surprise!’
Napapakunot-noo ako dahil noong isang-araw pa napapansing pandalas ang pagiging tulala ng kaibigan, kakatwang kinikilos o kung minsan bigla na lamang hahawak sa labi.
‘Nagshashabu siguro 'tong friend ko?’
"Hoy, Leah! Nakatulala na naman si gaga." saad ko
"Ha? Ano nga ulit 'yung sinasabi mo?"
"Tanga! Wala pa 'kong sinasabi. Hay, mabuti pa matulog na lamang tayo!" litaniya ko kapagkadaka’y hindi na hinintay makasagot ang kababata saka mabilis tumalikod ng higa upang hindi mahalata ng dalagang mayroong iniindang suliranin.
‘Paano ko sasabihin kay Leah? I have to ask some full encouragement from above! Ugh.’
We are at the Flip Bar together with my colleagues. They are all into partying right now though, I won't be able to ride on their moods or the usual energetic vibes they'd obviously showed off from the crowd. The f*****g reason is because of the ridiculous idea of my own beloved mother which unfortunately resulted from being stuck in the mud of adversities. She forced me to search some stupid woman in just two weeks or either two months time. First week has ended before Elena Ayala will aboard to Europe. I don't even know where the hell did she get that fuckin' thoughts but still I don't get it. ‘I am really into deep s**t!’
‘DISINHERIT OR MARRIAGE?’
As if your mother is capable in getting you into trouble? f*****g yes of course, she was really sound so serious on forcing me to settle down for good.
‘This is unfair!’
Luckily, I've got a brilliant solution in mind right after the queen mother and I had this conversation.
Matapos sabihin sa matalik na kaibigang si Xavier kung anong binabalak ay mabilis tinutulan ng binata ang ideyang tumimo sa utak sapagkat ayon sa lalaki'y mayroon siyang naisip na mas magandang solusiyon. This f*****g manwhore was with me as of this moment.
"Bud, sobrang lalim yata ng iniisip natin, ha?" Troy patted me at the back whilst they laughed at me.
"Asshole, man! Masyado ka namang apektado sa sinabi ni Tita baka naman kasi nakikita niyang pa-D.O.M kana?" sabad ni Alex.
I just raised my middle finger with these men.
"Bakit hindi mo na lamang kasi pagbigyan si Tita Elena and besides, puwede ka namang humanap ng innocent slut bride para di pa'rin tigang sa kama." anas ni Xavier na sadyang mayroong halong kalokohan.
‘These f*****g perverts!’
"Nagmamadali na kasi yata si Titang malahian ka." sumabad pa ang isang unggoy na si Richmond.
"Are you f*****g sure, guys? Do we need to talk about this or have party all night?" tanong ko sa mga ito.
"C'mon bud, we're just concern about you. We're both polygamous and I'm pretty sure that you wouldn't want to taste only one recipe." Derreck said.
‘He's a famous lawyer, by the way.’
"H'wag niyo na ngang pagtulungan 'tong si Michael, he badly needed our help, guys." anas ni Lyndon. ‘Thank god! Mayroong matino naman pala sa mga kaibigan ko kahit paano!’
"Maybe, he needed us on his grand wedding! Buddy, I volunteer myself without any compensation as your ring bearer." as if he was taking an oath.
Binabawi ko na dahil mas malala pa si Lyndon sa ibang miyembro. Bahagyang tinapik ng kaibigan ang likod kaya mas umugong ang tawanan ng barkada. Kung pagbabasehan ang itsura'y walang tulak kabigin sa'ming pito magmula noong mga nasa kolehiyo o kahit magpasahanggang ngayon. Kilala ang samahan o pagkakaibigang nabuo sa sikat na unibersidad na pinapasukan noon bilang mga tagapagmana ng malalaking kompaniya at susunod sa linya ng mga kinikilalang pamilya sa lipunan.
We are known as the Hot-Midnight-Gentlemen or in a f*****g short acronym for HOMIGEN. The seven hottest businessmen in metro taking the pride as the builders of nation and cathalysts of change. My closest of them all is Xavier eversince the world wild tertiary days began. He is the most pervert, insane and infamous womanizer among all the members of HOMIGEN. Ni minsan hindi ko pa yata nakitang nagseryoso ang binata magmula noong mga binatilyo pa kami. He was born out of wedlock cause' his mother left him without any traces of guilt.
Habang nagtatawanan ang mga kaibigan, kanya-kanyang opinyon sa problemang kinakaharap ng biglang maalala ang tagpong nakasama si rat girl at syempre yung salitang binanggit ng dalaga na maging ngayo'y hindi ko alam ang ibig sabihin.
"What's the meaning of Jutay?" I just uttered out of nowhere using a very serious tone.
They stopped for a moment then the next thing I heard was their hard guffaw and up here gestures from each other. ‘Did I say something wrong?’
"Bud, sinong babaeng humamon sa sandata mo para sabihing Jutay ka?" Troy muttered with amusement.
"Pft. Anong putang inang ibig sabihin ng jutay?" muling tanong na sadyang mas naging appealing sa anim na kaibigan. They laughed again so hard as if I'm letting myself fool in front of them.
"Buddy, ang jutay in millennial term, ibig sabihin maliit 'yang birdie mo." susog ni Richmond.
Napasipol si Xavier ng wala sa oras, bilang reaksiyon sa pinag-uusapan.
‘Jutay pala, ha?’
"Guys, ‘wag niyo ngang pag-aksayahan ng oras ang pang-aasar sa matalik nating kaibigan. Baka biglang mag-walk out para magpa-DAKS!" ani Xavier na inakbayan pa 'ko.
"f**k you, Villaforte!” inalis ko ang kamay ng binata sa balikat ngunit hindi man lamang sila natatakot sa ipinapakitang galit dahil siguro mas kabisado ng mga kaibigan kung paano ako totohanang mapikon o magalit.
"Woah! HOMIGEN, enough!" saway ni Derreck
"Buddy, you must be thankful that you already have brilliant scheme." muling sabad ni Alex.
"Look for a slut bride then f**k her up!" saad ni Xavier.