Charm
"I don't understand you, my dear. I can't believe you rejected their offer," Maarteng talak ng manager ko na si Ava.
Ava is a transwoman.
I rolled my eyes heavenward before I answered her. "I'm not interested in being the face of their company. Thats it, Ava."
"But why? Ang laki ng offer nila sa'yo. Plus, maganda ang terms ng kontrata. Siguradong maganda ang epekto nito sa career mo. And most of all, how can you say no to Randall Anderson?" Hindi makapaniwala pa rin na litanya ni Ava.
"I'll be honest with you, Ava." Tumuwid ako ng upo, saka ko siya tinignan ng diretso. "Si Randall Anderson, mismo ang dahilan kung bakit ko ni-reject ang offer."
"But, why?" Ava asked.
"It's just that I don't like him," I replied.
"Bakit naman, aber? Sa guwapo niyang iyon? Sa ganda ng katawan, at yaman niya? Bakit?" Eksaheradang tanong ni Ava.
"He is conceited. Akala niya porke't mayaman siya at guwapo, puwede niya ng makuha ang lahat? Puwede niya ng saktan at sirain ang buhay ng mga babae na nagkakandarapa sa kaniya? I hate him." Inis na sumandal uli ako sa couch.
"Wow! Galit na galit? Isa ka ba sa mga babae na 'yon?" Tinaasan ako ng kilay ni Ava.
"Of course not! I will never be one of them." Sabay irap ko. "That conceited billionaire is not my type." Mataray na dagdag ko pa.
"You are really unbelievable, Charm." Naiiling na wika ni Ava. "Marami ang celebrity na nangangarap na maging mukha ng Anderson Airlines. At marami ang babae na nagkakandarapa na mapansin ng isang Randall Anderson."
"But I'm not like them," I said.
"Malaking halaga ang pinakawalan mo, Charm," nanghihinayang na sabi ni Ava.
I smiled at her. "Dont worry, Ava. Hindi naman ganoon kalayo ang offer ng kalaban nilang kompanya sa akin, eh."
Ava gasped. "Don't tell me..."
"Yes. They offered me the same contract. And I'm sorry if I didn't inform you that I already signed the contract with them," I explained to her.
"But that company is Max's target. I heard from a source that she passed her portfolio to Monteverde Airlines," Ava said, worried.
Napaisip naman ako saglit. Ayoko pa naman ng mayroong nasasagasaang ibang tao. Pero hindi ko naman kasalanan na ako ang gusto nila.
"They offer me a contract. Kaya siguro naman hindi ko kasalanan kung hindi si Max Clemente ang gusto nila hindi ba?" Kibit-balikat na sabi ko.
"Sabagay. But knowing her? Siguradong puputok ang butsi no'n kapag nalaman niya na sa'yo napunta ang contract," Ava said.
"I'm willing to give it to her. Kaya lang hindi nga siya ang gusto ng Monteverde Airlines. Kaya wala akong magagawa," I said to Ava.
"Hay... Bahala na nga. I'm going to talk to Randall na lang," namomoblema na sabi ni Ava.
"Why so concern with him? Type mo siya, ano?" nanunuksong tanong ko sa kaniya.
"Yeah. But obviously, ikaw ang type niya." Naka-ingos na tugon ni Ava.
"Lahat naman yata ng babae type ng lalaki na iyon, eh." Sabay irap ko.
"Hindi pa rin ba nakaka-move on sa kaniya ang pinsan mo na si Trixie?" Ava asked.
"Naka-move on, naman na. Kaya lang nakatatak na ang ginawa niyang pagsira sa buhay ng pinsan ko noon. That's why, for me, he is nothing but a conceited playboy billionaire." Napasimangot ako upon remembering those times.
Malaki ang naging impact sa akin ng pananakit ng Randall Anderson na iyon sa Ate Trixie ko.
Nakita ko kasi kung paano nadurog ang mabait at puno ng pangarap kong pinsan. Dahil sa pananakit at pambabalewala ng lalaki na 'yon. Mabuti na lang at nakabangon at nakabawi si Ate Trixie sa tulong ng pamilya at nobyo na nitong si Gunther.
Kaya hindi ko gugustuhin na maging bahagi ng buhay ko ang Randall na iyon.
"So, iyon ang reason?" Ava asked.
Tanging tango lang naman ang naging sagot ko.
"I'm sorry. Nawala sa isip ko ang tungkol kay Trixie," apologetic na hinging paumanhin ni Ava.
"Nawala sa isip mo, because of that Randall Anderson?" Nakataas ang isang kilay na tanong ko sa kaniya.
"Oo na!" pag-amin naman nito. "Ang guwapo naman kasi niya, ano! Kung, in born na babae lang ako? Baka ini-offer ko na ang sarili ko sa kaniya."
Natawa naman ako sa inakto ng manager ko.
I can't believe her.
Formal at may class na transwoman si Ava. Pero pagdating sa lalaki na 'yon, nawawala ang class nito.
"You deserve better, Ava." Naiiling na sambit ko.
"Yes, my dear. Kaya naman, I deserve Randall Anderson, char!" Sabay tawa nito.
"Ewan ko sa'yo!" Natatawa na inirapan ko ito.
"Mag-ready ka na nga. Ipahahanda ko na ang kotse. Para makapunta na tayo sa guesting mo today," Ava told me.
"Alright. I'll get ready." Tumayo na ako para mag-ayos.
Nang palabas na kami ng building ng talent company na kinabibilangan ko, ay nakasalubong namin ni Ava si Max Clemente. Talent din ito ng Infinity Talent Company.
"How dare you steal that offer from me?" Umuusok sa galit na konpronta nito sa akin.
"Excuse me? As far as I know, sa akin sila nag-offer. Kaya wala akong ninakaw na offer sa'yo, Max," kalmado na sabi ko sa kaniya.
"Anderson Airlines has already offered you a contract. Kaya bakit mo tinanggap ang offer sa'yo ng Monteverde? Sinadya mo ba iyon dahil alam mo na nagpasa ako sa kanila ng portfolio?" Galit na galit na talak nito.
"First of all, hindi ko alam na interesado ka sa Monteverde Airlines. Second, wala kang pakialam kung ano'ng contract ang tanggapin ko. And lastly, kung gusto mo, magpasa ka ng portfolio mo sa Anderson Airlines," mahabang salaysay ko sa kaniya bago ko ito tinalikuran.
"You ruin my plans. And I will make sure you're going to pay for this!" pahabol pa na banta ni Max.
But I don't care.
Kaya naman, hindi ko na siya nilingon. Kahit na nagtatalak pa rin siya roon.
"I told you," Ava said.
"I can handle her, don't worry." Balewalang sumakay ako ng kotse na nakaabang na sa amin paglabas namin sa building.
Pero hindi ko inaasahan na totohanin ni Max ang banta nito sa akin.
*****
"Ava, bakit naman ang aga masyado ng call time ko ngayon?" nagtataka na tanong ko kay Ava.
"Nagulat nga rin ako sa tawag sa akin 'nung staff ng show, eh. But don't worry sandali lang naman ang appearance mo roon," Ava explained to me.
"Fine. Let's have coffee first. O-order ako ano'ng gusto mo?" I asked her while typing on my phone.
"'Wag na. Magpapabili na lang ako sa staff. May kakausapin rin kasi ako sa ibaba. Maiwan muna kita rito, ha," paalam sa akin nito.
"Okay. I'll take a nap while waiting for my coffee," I said to Ava.
"Alright. I'll get going." Lumabas na ng dressing room si Ava.
Sumandal naman ako sa couch para umidlip muna. Pero nagising ako nang dumating ang staff na naghatid ng kape ko. Inaantok talaga ako ng sobra kaya kailangan ko ng kape.
I was enjoying my coffee nang makaramdam ako ng sobrang antok.
"Bakit mas lalo yata akong inantok sa kape na 'to?" Nakaramdam ako ng pagbigat ng mga talukap ko kaya hindi ko na napigilan ang pagpikit.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog. Napabangon ako nang maalala ko ang guesting ko.
"Huh? Nasaan ako? How did I get here?" Gulong-gulo na tinignan ko ang paligid.
It seems that I was in a hotel room?
Bumukas ang pinto at pumasok ang isang medyo may edad ng lalaki. At base sa klase ng tingin niya sa akin ay hindi maganda ang kutob ko. Agad akong kinabahan lalo na nang magsalita siya.
"Mukhang first class ang ipinadala nilang babae ngayon, ah." Nakangisi ito habang papalapit sa akin.
I gasped, and my eyes widened.
Bago pa siya makalapit sa akin ay mabilis akong tumabok palapit sa pinto. Mabuti na lamang at bukas ito kaya madali akong nakatakbo palabas ng hotel room.
Sobrang lakas ng t***k ng puso ko. Pero nakahinga rin ako ng maluwag ng makasakay ako ng elevator.
"What happened? Paano ako napunta sa lugar na ito? At sino ang may gawa nito sa akin?" Naguguluhan na tanong ko sa sarili ko. Pero parang alam ko na kung sino ang may pakana nito.
It's Max Clemente.