Randall
"What?! She rejected our offer?" Kunot-noo na tanong ko sa aking assistant na si Kiel.
"Yes, sir," Kiel answered. "Ms. Charm Gomez rejected our company's offer, dahil hindi raw po siya interesado na maging mukha ng Anderson Airline kahit na kailan."
"She has the guts to say that." Tuluyan ko ng ibinaba ang mga dokumento na binabasa ko. "Magkano ba ang offer sa kaniya ng kalaban nating kompanya?" I asked.
"Sa pagkakaalam ko po ay tayo ang may pinakamalaking offer sa kaniya, sir," magalang na sagot naman ni Kiel.
Lalo namang nagsalubong ang mga kilay ko.
"Ano'ng problema ng babae na 'yan? Set me an appointment with her," utos ko kay Kiel.
"Alright, sir. I will update you right away. May ipagagawa pa po ba kayo?" Kiel asked.
"Wala na. Just go back later for these documents," I told my assistant.
"Okay po, sir." Lumabas na ito ng opisina ko.
Naiwan naman ako na napapaisip. Napatingin ako sa mukha ng artista na si Charm Gomez sa litrato nito na nasa portfolio na ibinigay ng manager nito na si Ava Lopez.
I don't understand why she rejected our offer. Samantalang mukha namang gustong-gusto ng manager nito na pumirma ito ng kontrata bilang bagong mukha ng Anderson Airline.
Bakit mukha yatang may personal itong galit?
Wala naman akong matandaan na naging encounter ko sa kaniya. At sigurado ako na hindi siya kabilang sa mga celebrity na naging flings ko.
Well, with this face and body? I would love to.
"No! "She's too young for me!" Naipilig ko ang aking ulo dahil sa sumagi sa isip ko.
I prefer mature women because younger women are clingy and immature.
But there is something about this girl that catches my attention.
"Charm Gomez..." I whisper her name.
******
That woman is really something.
Siya lang ang babae na nambalewala sa akin ng ganito.
"Pasensiya na po, sir. Hindi raw po talaga puwedeng makausap ngayon si Ms. Charm." Nakayukong imporma sa akin ni Kiel.
Pinapainit ng babaeng iyon ang ulo ko.
"We've already given her a week. Hindi pa rin ba sapat iyon? Hindi pa rin siya puwede, until now?" Salubong ang kilay na tanong ko kay Kiel.
"Yes, sir. Siguro po dahil na rin sa eskandalo na ikasasangkutan niya ngayon," Kiel stated, which made my forehead crease.
"What do you mean?" I asked.
"I've seen in the news that Ms. Charm was involved in a scandal, sir," Kiel answered.
"Scandal?"
"May litrato po ni Ms. Charm na kumakalat ngayon sa mga social media. Nakuhanan po siya ng litrato habang palabas sa hotel room ng isang may edad at may asawa ng negosyante. Pero sabi po ng kampo niya ay biktima lang po si Ms. Charm. Wala raw po siyang relasyon sa nasabing negosyante. At hindi rin siya involved sa escort service," mahabang paliwanag ni Kiel.
Hindi ko namalayan na nalamukos ko na pala ang papel na hawak ko habang nakikinig kay Kiel.
"Set me an appointment with Ava asap, Kiel," I said to my assistant.
"Right away, sir." Kaagad na tumalima sa utos ko si Kiel.
Naiwan ako sa opisina ko na hindi mapakali.
Akala ko sinadya niya na balewalain ang appointment na hinihingi ko. Iyon pala ay may eskandalo na itong kinasasangkutan.
I don't know her personally yet. But I have a strong feeling that hindi niya magagawa na makipagrelasyon sa may edad at may asawa ng lalaki.
There's something in me that tells me that something is going wrong.
"Tsk! I shouldn't have to involve myself, but I can't help it. Ugh! Charm Gomez, what are you doing to me?" I asked, holding her picture.
Kinuha ko ito mula sa portfolio na ibinigay ng manager nito na si Ava Lopez.
"Maybe it is just my ego. Yeah. Thats right." I convinced myself.
I grab my phone and dial one of my flings' numbers.
I have to distract myself.
*****
"Poor girl. She's still young, but because of that scandal, ay mukhang malalaos siya ng maaga," Scarlet comments. She is one of my flings.
We are in a hotel, and she is watching the news on the television.
"Sayang naman siya. Magaling pa naman siyang umarte. Pero, it seems that there is someone; na gusto siyang pabagsakin," Scarlet commented again.
Tumingin ako sa pinapanood nito. Charm Gomez is on the news.
"Will you turn off that thing? We are not here to watch those showbusiness things," I said to her irritably.
"Oh! I'm sorry, honey. Why are you grumpy?" Naglalambing na niyakap ako nito. "Stress ka na naman ba sa opisina? Don't worry, I will take that stress away." Scarlet started to play her role and it is to my pleasure.
I tried to focus my attention on her.
*****
"Sir, Ms. Ava Lopez is here. I will let her in now," Kiel informed me.
I'm back in my office now.
Plano ko sana na huwag na munang bumalik dito sa opisina at mag-stay muna sa hotel kasama si Scarlet. Pero nawalan ako ng gana. Dahil bukambibig nito ang eskandalong kinasasangkutan ni Charm Gomez.
I didn't know na mahilig pala ito sa showbiz.
From my desk, ay lumipat ako sa receiving area ng aking opisina.
"Hi, Mr. Anderson. It's nice to see you again." Ava greeted me.
"Same here, Ava. Take a seat," I told her.
"Thank you." She occupied the seat in front of mine.
"You want something to drink or eat, ma'am?" Kiel asked her politely.
"Coffee na lang. Thank you," Ava answered.
Tumalima naman si Kiel at lumabas na ng opisina.
Ava Lopez is a famous transwoman because she is the manager of a famous celebrity. And Charm Gomez is her latest talent.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. I have an offer sa alaga mo," diretsahang imporma ko sa kaniya.
"Oh! I'm sorry to say this, Mr. Anderson, but my talent had already signed a contract with Monteverde Airlines," apologetic na wika ni Ava.
Hindi ko napigilan ang pagtiim ng bagang ko.
Ni-reject niya ang offer ng kompanya ko at pumirma ng kontrata sa kalabang kompanya?
"That fast?" Salubong ang kilay na tanong ko.
"Yes. Actually, Charm didn't tell me about that. Nalaman ko na lang na nakapirma na siya ng kontrata. Pasensya na talaga," Ava explained.
I tried my best not to show my rage.
That woman is really hurting my ego.
"Is Monteverde Airlines still willing to pursue the contract despite the scandal?" I calmly asked.
"Yes. They are still willing to pursue the contract. In fact, Kagagaling ko lang doon kanina," Ava replied, which made my forehead crease again.
"Willing pa rin sila na gawing mukha ng kompanya nila ang artistang sangkot sa isang eskandalo?" Makahulugan na tanong ko.
"I already explain the truth with them. That's why they still want Charm. Alam mo naman trending si Charm because of the scandal. Kaya ayaw rin nilang pakawalan ang alaga ko. Oh! Salamat sa kape." Napabaling ito kay Kiel na naglapag ng kape sa mesa.
"You're welcome, ma'am." Magalang at nakangiti na tugon dito ni Kiel saka ito muling lumabas ng opisina.
"In fairness, guwapo rin ang assistant mo, ha." Komento nito bago humigop ng kape. "At masarap pang magtimpla ng kape." Dagdag pa nito.
Hindi ko tuloy napigilang matawa. Pero agad din ako'ng nagseryoso.
Tumikhim ako bago magsalita. "What do you mean you explained the truth to them?" Kunwari ay nagtataka ko'ng tanong. Pero ang totoo ay gusto ko na malaman ang totoo.
"Well, pakana lang ng isang starlet ng kompanya ang scandal na iyon. Nalingat lang ako saglit ay nagawa na nila na lagyan ng pampatulog ang kape ng alaga ko. Kaya nagawa nila itong dalhin sa hotel room ng maniac na matandang iyon. Pinalabas nila na si Charm ang naka-booked na babae para sa negosyanteng iyon. Mabuti na lang at nagising at fighter ang alaga ko. Kaya nagawa niyang tumakas sa tangka sa kaniya ng matandang mahilig na iyon," mahabang pahayag ni Ava. With poise pa rin ito kahit halatang nanggigil dahil sa nangyari sa alaga.
And I don't understand myself. Dahil sa mga oras na iyon ay parang gusto kong sugurin ang negosyante na 'yon. Gusto ko siyang ipakulong at pabagsakin ang mga negosyo niya. Gusto ko rin na pagbayarin ang nagplano sa nangyari.
But I still manage to look calm.
"Do you file a law suit already?" I asked Ava.
Kaagad na umiling ito.
"The company convinced us to settle the issue promptly," malungkot na wika ni Ava. "Actually, I shouldn't discuss this with you. Pero feeling like I have to." She added.
Napakunot ang noo ko sa sinabi nito. Pero hinayaan ko siya na magpatuloy.
"Ayaw ng company na masira si Max Clemente dahil sa nailabas na nilang pera para sa career nito. Kaya kinausap nila kami na 'wag ng ituloy ang demanda." Pagpapatuloy nito.
"So, that woman is behind that scandal?" I asked. Tumango naman ito.
"How about charm?"
"She is not okay with it. She was devastated, actually. Pero sabi ng kompanya, makakabawi pa naman siya dahil sikat na siya. But the truth is, may mga offer at endorsement ng umatras. At hindi biro ang mga pamba-bash at threat na natatanggap ng alaga ko. Alam naman namin na pinapalaki ng Max na iyon ang issue, eh. Kung puwede ko lang sirain ang mukha niya, eh." Hindi na napigilan nito ang galit.
And I'm losing my patience too.
"How about that businessman?" I asked again. still controlling my emotions.
"Ayon galit na galit kay Charm ang pamilya niya. They are calling her names, throwing insults, and making threats to her. Ayaw aminin ng negosyante na 'yon na wala silang relasyon ni Charm dahil mabubuko ang gawain niya na nagpapa-booked siya ng mga babae!" Nang-gagalaiti ng bulalas ni Ava.
And that lost the last string of my patience too.
"Kiel! Come here!" Malakas na sigaw ko na ikinapitlag ni Ava.
I am a womanizer, but I am not an asshole.
"Sir?" Humahangos na pumasok ng opisina si Kiel. "Ano po ang problema?" Tanong nito.
"Tell Attorney Del Valle to come here immediately." Madilim ang mukha na utos ko.
"Yes, sir!" Kaagad na tumalima si Kiel.
"B-bakit ka nagpapatawag ng abogado?" Nagtatakang tanong ni Ava.
"Tell me everything, Ava." I will let those people pay," madilim pa rin ang mukha na sambit ko.
"H-ha? What do you mean?" Lalo itong naguluhan. "At bakit mo naman iyon gagawin?"
"Let's just say that no one will mess with my soon-to-be wife." I said it seriously and then stood up.
Nalaglag naman ang panga ni Ava sa narinig.
"Ano ang ibig mong sabihin?"
"Tell her that as soon as possible we are getting married," I declare.
"What?!" Ava exclaimed.
"No. As early as tomorrow, everybody will know that Charm Gomez is my wife," I said.