Chapter 20

1002 Words
Hera Garcia Maaga akong pumunta sa mansyon nina CJ gaya ng napag-usapan namin kagabi. "Magandang umaga, Tay Emman. Kumusta na po kayo?" Bati ko nang pagbuksan ako nito ng gate. "Mabuti naman, hija. Ikaw kumusta na? Matagal-tagal ka na ring hindi napapadalaw rito." aniya habang ginigiya ako papunta sa loob ng mansyon ng mga Cervantes. Hindi ko pa rin mapigilang hindi mamangha sa interior design na bubungad sa'yo sa living room nila. "Oo nga po, e, abala lang po ako sa trabaho kaya hindi na ako nakakapunta rito. Nasa'n po pala si Nay Caring?" Tukoy ko sa asawa niya. "Nasa kusina pa 'yun nagluluto ng agahan. Sandali tatawagin ko." "Naku! 'Wag na po maabala pa natin siya. Siya nga po pala, nasa'n si Tito Marcus?" "Maagang umalis si Sir Marcus. Magjo-jogging ata sila. Hindi ako sigurado, narinig ko lang na sinabi niya 'yun sa kausap niya sa telepono." "Ikaw talaga, Emman ang hilig mong makinig sa usapan ng may usapan." Sabay kaming napalingon ni Tay Emman sa pinanggalingan ng boses. At nakita namin si Nanay Caring na naka-cross arms na nakaharap sa'min. "Nay Caring, kumusta na po kayo?" ani ko sabay yakap sa kanya. "Mabuti naman, anak. Ikaw? Lalo ka atang gumaganda ngayon. May nobyo ka na ba?" aniya. "Nay Caring talaga. Hindi ko po kailangang magkaroon ng nobyo para gumanda." Birong ani ko. "Nga naman Caring sweetheart, kahit tumandang dalaga itong si Hera tiyak na maganda pa rin. Ikaw-" Sabat ni Tay Emman. "Ano ako, Emman?" Nakita kong pinandilatan ni Nay Caring si Tay Emman na napakamot na lang ng batok. "Kumain ka na ba, anak? Kumain ka muna bago kayo magtrabaho ni CJ. Teka, inday hindi pa ba gising si Sir CJ mo?" Baling ni Nay Caring nang mapadaan ang isang katulong. "Narinig ko ang pangalan ng gwapong si ako." Agad akong napatingin sa taas ng hagdan kung saan nanggaling ang boses. Na sana hindi ko na lang ginawa. "Ano ka bang bata ka! Bumalik ka sa kwarto mo at magsuot ng damit. Nakakahiya rito kay Hera." ani ni Nay Caring kay CJ na tanging boxer short lang ang suot. Nanlalaki ang mga mata ni CJ nang makita ako at dali-daling bumalik sa taas. "Pagpasensiyahan mo na ang isang 'yun. O siya, maupo ka muna r'yan at hintayin mo 'yung lalaking 'yun. Papadalhan ko kayo ng meryinda." aniya. "Salamat po, Nay Caring." "Paano maiwan na muna kita. Emman, halika na." Baling ni Nay Caring sa asawa niya. Pagkaalis nina Nay Caring at Tay Emman inilabas ko na ang laptop ko at iba pang gamit na nakakailangin namin para pagdating ni CJ nakahanda na ang lahat. "Ahem." Nag-angat ako ng tingin nang may narinig akong tumikhim. "Magandang umaga." ani ko kay CJ na ngayon ay nakasuot na ng maayos na damit. "Magandang umaga rin. Pasensiya ka na kanina hindi ko alam na nandito ka na pala." aniya. "Pasensiya na rin at hindi ako tumawag bago ako pumunta rito. Na-low battery na kasi ako." Usapan kasi namin na tatawag ako kapag papunta na ako rito. Akala niya wala pa ako kaya gano'n na lang ang ayos niya nang lumabas kanina. "Teka, kumain ka na ba? Mas kumain na muna tayo bago mag-umpisa para tuloy-tuloy na 'yung trabaho natin." aniya. "Tapos na. Sabi ni Nay Caring padadalhan na lang niya tayo ng meryinda mamaya." "Kung gano'n mag-umpisa na tayo." aniya. -----***----- "CJ anong mas magandang picture ng kapatid mo ang ilalagay ko rito bilang sample? Ito o ito?" ani ko sa kanya sabay pakita sa dalawang picture ng kapatid niyang si Patrick. Si Patrick Cervantes ang kinuha naming bachelor for local. Namamayagpag ang pangalan niya ngayon sa business industry. Matagal niyang tinititigan ang dalawang pictures ng kapatid. Ang tagal naman niyang sumagot nasasayang ang oras namin. Marami pa kaming aasikasuhing iba. "Ito na lang. Gwapo siya rito." ani ko sabay turo sa unang picture. Biglang kumunot ang noo niya. "Tinanong mo pa ako. Ikaw din naman pala ang pipili." aniya sabay walk-out. Anong nangyari ro'n? Pinagpatuloy ko na lang mag-isa ang project. Kumuha ako ng isang bread sa gilid ko at kinain. Hinatiran kami kanina ng katulong ng pagkain. "Anak, nasa'n na si CJ?" ani ni Nay Caring. "May kinuha lang po sa taas." Hindi ko na sinabing nag-walk out baka mapagalitan siya ni Nay Caring at Tito Marcus kapag nakarating ang balitang ito. "Akala ko nag-walk out. Narinig ko kaninang bumubulong-bulong habang kumukuha ng tubig sa ref." aniya. "Hindi po." Nakangiting ani ko. "O siya sige, maiwan na kita. Pasensiya sa istorbo." "Ayos lang po, Nay Caring." Hindi na talaga bumalik ang lalaking 'yun. -----***----- Carlos Jay Cervantes Nakakainis talaga ang babaeng 'yun. Tinatanong pa ang opinyon ko,e , siya rin naman ang pipili. Ano pa ang silbi ng opinyon ko? Tss. "Naiinis ka dahil tinanong ka niya pero siya din naman ang pipili o naiinis ka dahil sa sinabihan niya akong gwapo?" ani ni Patrick na may halong mapang-asar na ngiti. "Para kang kabute r'yan. Bigla-bigla ka na lang sumusulpot d'yan." "Narinig ko kayo kanina ." Patuloy niya. "Tss. Ba't naman ako maiinis na sabihan ka niyang gwapo na mas gwapo naman ako sa'yo." Talaga namang mas gwapo ako kay Patrick. "Ewan." Bago siya tumalikod binigyan niya muna ako ng nakakalokong ngiti. "Nga pala Bro, bumalik ka na do'n kung gusto mong matapos 'yung project niya." At tuluyan na siyang tumalikod. Gusto kong matapos agad 'yung project namin kaya bumalik na ako sa sala kung saan ko siya iniwan kanina. And guess what? Ang himbing ng tulog niya habang nakaharap sa laptop. Dahan-dahan kong kinuha ang laptop para hindi siya magising. Tiningnan ko ang ginawa niya pati mukha ng kapatid ko na ayaw ko sanang makita ngayon. Nasa kalahati na pala siya, ako na lang ang tatapos nito para naman may maitutulong sa kanya. Makalipas ang dalawang oras natapos ko na rin. May maipapasa na kami bukas ka Tanda. Iidlip na lang muna ako. Mamaya ko na liligpitin ang mga 'to. Tumabi ako kay Hera na mahimbing pa rin ang tulog.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD