Chapter 19

1012 Words
Carlos Jay Cervantes Lakad-takbo ang ginawa ko para hindi ako ma-late sa quarterly meeting namin ng mga board members. "Sir CJ, kayo na lang po ang hinihintay sa conference room." Salubong sa'kin ni Lyn. "Just give me 3 minutes." Dali-dali akong nagpalit ng damit at inayos ang sarili ko. Galing ako sa isang lunch meeting. Kanina pa sana ako nakabalik kung hindi dahil sa matronang ka-meeting ko. Bwe*sit 'yun, hinipuan ako. Hindi naman sa ayaw kong magpahipo sa mga babae, e, isang matandang matrona ang humipo sa akin. Aba! Ibang usapan na 'yun. May pa kagat-kagat labi pa. Nakakadiri! Kung hindi lang sana malaking pera ang ipapasok niya sa Factshindi ko ito sisiputin at idedemanda ko pa ng harassment. "Bilang boss, hindi mo dapat pinaghihintay ang ka-meeting mo lalong-lalo na ang mga board members." Mabilis akong napalingon at nakita ko si Tanda na papasok ng opisina. Napalunok ako. Kailan pa siya dumating. Lalo akong masasabon nito. "Mabuti na lang at nando'n si Hera. Bilisan mo na r'yan. 'wag mo ng paghintayin pa lalo ang board. At pagkatapos ng meeting na 'to may pag-uusapan tayo." aniya bago lumabas ng opisina. Ano naman kaya ang pag-uusapan namin? Baka alam na niya ang sa'min ni Hera. "Sir CJ, ano pa po ba ang hinihintay niyo? Pasko? Sabi po ni Mr. Cervantes." ani ni Lyn. "Lyn, ang gamit ko?" "Nando'n na po lahat ng gamit niyonsa conference room. Dinala na ni Miss Hera kayo na lang po talaga ang hinihintay. Tara na po baka mapagalitan tayo ni Mr. Cervantes." Nauna ng maglakad si Lyn papunta sa conference room habang ako nakasunod sa likod na nagdarasal na sana maging successful ang presentation ko. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga bago pumasok. "Good afternoon ladies and gentlemen. I'm sorry I'm late. So, let's start." Pagsisimula ko. Tila na wala ang kaba ko nang makita kong nakangiti si Hera. "What can you see ladies and gentlemen?" ani ni Tanda. Tila gumuho ang mundo ko ng wala ni isang nagsalita na board sa presentation ko. Narinig ko na lang ang mga palakpakan nila at ang mukha ni Tanda na tila proud sa'kin. Nagbigay pa ng komento ang ibang board patungkol sa presentation. Nakakagaan ng loob nang makitang satisfied sila sa ginawa ko, di tulad no'ng mga nakaraan na tila diskompyado sila sa'kin. Hindi ko naman sila masisisi. Wala akong background sa pagpapatakbo ng kompanya kahit graduate with flying colors sa kursong business management ako. Wala ang pag-aaral ng ilang taon kumpara sa exprience. Mayamaya'y nagpaalam na rin ang board matapos ang meeting. "Ang galing mo kanina. Congratulations." Bati ni Hera. "Salamat." "Mabuti't nandito pa kayo. Gusto ko kayong dalawa ang magha-handle ng project for next month 'yung The Bachelor's. Kayo na lang din ang pipili ng bachelor na i-interviewhin niyo." ani ni Tanda. "Makakaasa po kayo, Mr. Cervantes." Nakangiting ani ni Hera. "'Yan ang gusto ko sa'yo, Hera. So, aasahan ko sa monday may first step na kayo." ani ni Tanda. Biglang nag-init ang ulo ko nang makita ang kamay ni Tanda na nakahawak sa balikat ni Hera at ito namang si Hera binabaliwala lang. "Sige po, Mr. Cervantes, Sir CJ babalik na po ako sa station ko." Paalam ni Hera bago lumubas ng conference room. Pagkalabas ni Hera nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Tanda at naging seryoso ito nang humarap sa'kin. "Mag-uusap tayo." ani ni Tanda saka naunang lumabas ng conference room. Nakasunod lang ako kay Tanda hanggang pumasok kami sa opisina ko. "Lyn, 'wag ka munang tatanggap na ano mang tawag. May importante kaming pag-uusapan." ani ni Tanda. "Masusunod po, Mr. Cervantes." ani ni Lyn bago lumbas. Nakasunod lang ang tingin ko kay Tanda na ngayon ay nakaupo na sa upuan ko. "Dad, ano ba ang importanteng pag-uusapan natin? Pwede naman sigurong sa bahay na lang natin 'to pag-usapan." Pagbubukas ko ng topic. "Maupo ka muna." Sinunod ko na lang ang sinabi niya at naupo sa upuan na nasa harap niya. "Ano ba 'yun, Dad? May pag-uusapan pa kami ni Hera para next project natin. Baka nakakalimutan niyo nanghihingi na kayo ng first step namin sa lunes at sabado na ngayon." Umayos ng upo si Tanda at naging seryoso na naman ang mukha niyang nakatitig sa'kin. "Nabalitaan kong nagiging malapit na kayo ni Hera sa isa't isa." Bakit ba nagseselos siya? "Malamang siya ang mentor ko." Baliwalang ani ko pero panaka-nakang tinitingnan ko ang ekspresyon ni Tanda. "Matagal ng tapos ang pagtuturo niya sa'yo." aniya. "Oo matagal na pero minsan kailangan ko pa rin ang opinyon at gabay niya kaya hindi maiiwasang magkalapit kaming dalawa." Nakita kong ikinuyom niya ang mga kamay niya. "Carlos, kilala kita." "Wala naman akong nakikitang masama kung magkalapit man kami. Wala namang magagalit. Single siya. Single rin ako." "Carlos, binabalaan kita, 'wag mong idamay si Hera r'yan sa mga kagagohan mo. Matino at mabait na bata 'yang si Hera. " "Anong akala niyo sa'kin na hindi pwedeng magbago?" "Kung ano man 'yang binabalak mo kay Hera itigil mo na hangga't maaga pa." aniya saka tumayo at naglakad papunta sa pinto. Bakit hindi pa niya kasi aminin na nagseselos siya kaya gano'n na lang ang kagustuhan niyang tigilan ko na ang pakikipaglapit ko kay Hera. -----***----- "Kakayanin kaya nating may maipasa kay Dad sa lunes?" Uwian na pero nandito pa rin ako sa station ni Hera. "'Yan ang tinatawag na work under pressure. Kaya natin 'yan. Linggo bukas pwede natin itong trabahuin buong araw. Wala ka naman sigurong gimik bukas?" aniya. "Wala naman. Sa bahay lang ako bukas alam mo na nand'yan si Dad hindi ako makaka-gimik." Takot ko lang kay Tanda baka putulan na ako kapag gumimik pa ako. "Good. Sa inyo na lang tayo gagawa." "Sa'min? Bakit hindi na lang sa inyo." Gusto rin siguro niyang makita si Tanda. Tsk. "Upang makita ni Mr. Cervantes na nag-o-over time tayo para may ipasa tayo sa kanya sa lunes. Ano ka ba, hindi mo ba naisip 'yun?" Oo nga naman, magpapa-impress na naman siya kay Tanda. Tsk. Kailangan ko ng madaliin ko ang misyon ko lalo ngayong nandito na si Tanda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD