Chapter 18

1009 Words
Carlos Jay Cervantes Nakita kong nagmamadaling umalis si Hera at may nakita akong dumaang emosyon sa kanyang mga mata na agad ding nawala saka nagmamadaling umalis. Tinawag pa nga siya ng kaibigan niya. Nakita kaya niyang hinalikan ako ni Trisha? D*mn! Walang sabi-sabing hinila ko si Trisha papunta sa elevator. "You're so aggressive, baby. I like it." Agad niya akong sinunggaban ng halik nang makapasok kami sa elevator. Tinulak ko siya ng mahina para mailayo sa'kin. Wala bang pakialam ang babaeng 'to sa paligid niya? Kung may tao ba o wala? "Wala kayong nakita. Maliwanag ba?" Matigas na ani ko sa dalawang babaemg empleyado. Todo iling naman 'yung dalawa. Mabuti naman. "Ano ka baby, wala naman silang pakialam kung ano pa ang gawin natin dito. This is your company at empleyado lang sila." ani ni Trisha. Kung hindi lang ito anak ng posibleng investor hindi ako papayag na ilibot siya rito sa kompanya at ang babaeng 'to naman pinagsamatalahan ang pagkakataon para landiin ako. "Baby, can we go to your place? Nababagot na kasi ako rito." aniya. "I'm sorry. I can't. I'm busy. Ipapahatid na lang kita sa baba hanggang sa makasakay ka ng taxi." "I will tell my mom that you didn't take good care of me and 'wag na siyang mag-invest sa kompanyang 'to. " aniya na may kasamang hampas sa ibabaw ng mesa ko. "Go ahead. Hindi ko kailangan ang pera niyo at saka hindi lang kayo ang gustong mag-invest sa'min. Marami pang iba. "Arghh." Padabog siyang naglakad papunta sa pinto at marahas na binuksan ito. "Makakahahanap din ako ng mas higit sa'yo." aniya bago lumabas at malakas isinara ang pinto. Kung wala lang akong misyon tiyak pinatulan ko na si Trisha. Maganda rin naman siya at maputi kahit na kinulang sa height. Nakasentro lang talaga ako sa misyon ko at ngayon hindi ko alam kung papaano ko ulit mapapatunayan ang sarili kong nagbago na ako. Nakakainis namang buhay 'to. Kung kailan okay na kami ni Hera saka naman darating 'tong mga panuksong 'to. Mayamaya'y tumunog ang teleponong nakakonekta sa'min ni Lyn na nasa labas ng opisina ko. Pinatanggal ko na ang intercom. Pinaglumaan na 'yun ng panahon. "What?" Wala sa mood na ani ko kay Lyn. "Sir CJ, may pinapabot si Ms. Hera." Agad napanting ang tenga ko nang marinig ang pangalan niya. Bati na ba kami? "Sige ipasok mo r'yan rito. Nand'yan pa ba siya?" "Wala po. Pinapaabot lang din po sa janitor." Napabuntong hininga ako sa narinig. Kung hindi nangyari 'yung kanina malamang siya ang mag-aabot nito sa'kin. "Ipasok mo 'yan dito, Lyn." saka ibinaba ang telepono. "Come in." ani ko nang marinig ang tatlong katok. "Sir, ito na po ang pinapaabot ni Miss Hera." ani ni Lyn sabay lapag ng isang box sa mesa ko. Ano naman kaya 'to? "Maiwan ko na po kayo." "Thank you, Lyn." Binuksan ko ang box. Nangniningning ang mga mata ko nang makita ang laman ng box. Marble cupcakes. My favorite. Ang tagal ko na ring hindi nakakatikim ng ganito. Agad akong kumuha ng isa at sinubo ng buo ang cupcake. Hindi naman siya malaki. Saktong-sakto lang sa bibig ko. Tawagin na nila akong matakaw kahit anong klaseng cupcake meron ako ipagdadamot ko talaga. Lalong-lalo na itong pinakapaborito ko. Isasara ko na sana para kakainin ko mamaya nang may nakita akong nakaipit na papel sa gilid. Kinuha at binasa ko ito. "Pasensiya ka na hindi ko alam paano kita mapapasalamatan. Ipinag-bake na na lang kita ng cupcakes. Sana magustuhan mo. -Hera" Siya talaga may gawa nito? Kailangan ko ring gumawa ng paaran para mapatawad niya ako. Agad kong tinawagan si Lyn. "Lyn, cancel all my appointments this afternoon onwards. Thank you." -----***----- Hera Garcia "Bakla, hinahanap ka ni Sir CJ. Pinapapunta ka sa office niya." Hindi ko tinapunan ng tingin si Mikey at marami akong ginagawa dahil malapit na ang katapusan at wala kaming nasisimulan para sa The Bachelors. Malapit ng bumalik si Tito Marcus at sa malamang ito ang una niyang hahanapin. "Bakit daw? Wala naman akong maisip na dahilan kung bakit niya ako pinapapunta sa opisina niya. "Aba'y! Hindi ko alam. Puntahan mo na kaya nang malaman mo kung bakit ka niya pinapapunta ro'n." Tss. Ayaw ko pa naman siyang makita ngayong araw. 'Yung cupcakes na ako dapat mismo magbigay sa kanya, e, pinaabot ko na lang sa janitor namin. Bad trip pa rin ako sa nakita ko kanina. Ang landi naman kasi ng babaeng 'yun masyadong PDA, e, ang lalaki hindi man lang sinita sigurado nasarapan sa halik ng babaeng 'yun. "Sabihin mo, Bakla, mamaya na marami pa akong ginagawa." "Bakit mamaya pa kung pwede naman ngayon." Napatigil ako sa ginagawa ko nang marinig ang boses niya. Gano'n ba talaga ka-eager ang boss naming 'to na siya patalaga ang pumunta rito sa station namin. Ano ba kasing ang kailangan niya? "Saglit lang naman 'to at saka mag-uuwian na rin." Mabilis akong napalingon at nakita ko siyang prenteng nakatayo sa bukana ng station namin. Nakasukbit pa ang dalawang kamay nito sa bulsa ng pantalon niya. "O, ayan. Ang tagal mo kasi nakakahiya kay Sir CJ at sinundo ka pa rito." ani ni Mikey. "Bakit mo ba ako pinapapunta sa opisina mo? Alam mo namang sobrang busy ngayon. Malapit nang bumalik si Mr. Cervantes at hindi pa maayos ang proposal para sa The Bachelors." Ngiti lang ang isinagot niya sa'kin saka kumindat. Ako ba ang kinikindatan nito? Hindi naman sa assuming. Malay ko ba. Ako lang naman ang nan- "Ano ka ba Bakla, paano pa't ako ang assistant mo. Sige na, umalis na kayo ako ng bahala rito. Mag-o-over time na lang ako para naman lumaki-laki kita ko." ani ni Bakla saka naupo sa upuan ko at nagsimulang magtrabaho. "So, ano shall we?" Tinaasan ko ng kilay ang kamay niyang nakalahad sa harap ko. Naalala ko naman ang nakita ko kaninang umaga. Malamang hindi lang halikan ang nangyari kanina. Malay ko ba kung may ginagawa silang milagro sa opisina nito at ang kamay na 'yan kung saan-saan humahawak. "Sandali lang kukunin ko lang ang bag ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD