Chapter 17

1005 Words
Hera Garcia Alas kwatro pa lang ng madaling araw gising na ako para gumawa ng cupcakes na ibibigay ko kay CJ bilang pasasalamat sa pagligtas niya sa'kin kagabi. Kung hindi dahil sa kanya malamang ay may masama ng nangyari sa'kin. "O hija, ang aga mo atang nagising ngayon?" ani ni Nanay Sholeng habang naghihiwa ng mga rekados na gagamitin niya. "Opo. Magba-bake po kasi ako ng cupcakes nadadalhin ko sa opisina." ani ko habang nilalabas ang mga gagamitin ko sa pag-bake. "Tulungan na kita malapit na rin akong matapos dito." aniya. "'Wag na po. Hindi naman masyadong marami ang iba-bake ko kaya ko na po 'to." "O siya, sige ikaw bahala. Kapag kailangan mo ng tulong dito lang ako." aniya habang hinuhugasan ang rekados na hinihiwa niya kanina pagpasok ko. Nagsuot muna ako ng apron bago inumpisahan ang paghaluin ang mga ingredients sa isang bowl. Marble cupcake ang gagawin ko. Since, ito ang specialty ko. Sana magustuhan niya to. Pagkatapos kong paghaluin ang mga ingredients ay inilagay ko na isa-isa sa hulmahan ang dough at isinalang sa oven. Isinet ko sa loob ng 45 minutes ang oven. Habang hinihintay na maluto ang cupcakes niligpit at hinugusan ko muna ang mga pinaggamitan ko. Nakakahiya namang ipaligpit ko pa 'to kay Nanay Sholeng. After 45 minutes luto na ang cupcakes ko. Agad ko itong inilabas mula sa oven at nilagay sa mesa para palamigin. "Amoy pa lang sigurado akong masarap na." ani ni Nanay Sholeng. "Ito Nanay Sholeng tikman niyo po. Dahan-dahan lang po mainit pa." Binigyan ko ng isang piraso si Nanay Sholeng at agad naman niya itong tinanggap. "Walang duda masarap nga. Manang-mana ka talaga sa mommy mo magaling at masarap mag-bake." aniya. Sana masarapan din siya. Sabay kaming napatingin sa pinto ni Nanay Sholeng ng may biglang pumasok. Si Athena Shane. "Ang bango naman n'yan sis. Hinaluan mo ba 'yan ng love?" Nakangiting aniya habang kumuha ng fresh milk sa ref. "Bake with love." aniya na may ngiti sa labi. Bake with love. Pinagsasabi nito? "Teka, ba't nandito ka? Dito ka ba natulog? Nagkita na ba kayo ni Dad?" Minsanan na lang kong umuuwi itong si Shane. Nangungupahan ito sa isang apartment malapit sa resto-bar na tinayo nila ng kaibigan niya. "Namiss daw ako ni Papa kaya umuwi ako. Kilala mo naman 'yun kapag hindi napuntahan magda-drama ng magda-drama." Pareho kaming natawa nina Shane at Nanay Sholeng. Totoo naman kasi. Kapag naglalambing 'yan at hindi namin pinapansin magda-drama talaga 'yung matanda. "Good morning everybody! Wow! Cupcake! Pahingi, a." ani ng kakapasok lang na si Tanya. Hindi pa nga ako nakakapagsalita kumuha na siya. Napailing na lamang ako. Kahit ganyan 'yan medyo may pagkarebelde mahal ko pa rin 'yan. Teka, ba't- "Oo na. Kakauwi ko lang. 'Wag niyo na akong pagalitan. Rinding-rindi na ako." Napagalitan na siguro 'to ni Daddy. "Magtino ka na kasi. Hindi paglalakwatsa at pakikipagbarkada ang inaatupag mo." Ayan na naman ang mga litanya ni Shane. Mukha siya pa ang panganay sa aming tatlo. "Tss." 'Yan lang isinagot ni Tanya pagkatapos lumabas na ng kusina. "Sumasakit na ang ulo ko sa babaeng 'yun." ani ni Shane sabay hilot sa sintido niya. "Hayaan mo na. Balang araw mare-realize rin niya ang mga litanya mo sa kanya." Pangtutukso ko sa kanya. "Ewan ko lang kung darating pa ang araw na 'yun. Teka nga, 'wag muna nating pag-usapan 'yung isang 'yun baka hindi yun makatulog." Kahit ganyan si Shane kay Tanya alam kong nag-alala rin yan. "Nga pala, para kanino pala yang mga cupcakes mo?" Mukhang hindi ko gusto yung tingin niya sa akin, mukhang may iniisip. "Pa-para sa kaibigan ko sa opisina." Tama para sa kaibigan ko. Maniwala kang bruha ka. "Kanino?" Napakausera naman 'tong kapatid ko. "Ka-kay Myla. Tama kay Myla ang mga 'yan. Pang-congratulate ko sa kanya." "Eh, bakit hindi ka sigurado? Saka wala naman Myla rito nasa america kasama si Hero." Oo nga pala no? Ang epic fail naman ng excuse ko. "Bat hindi mo na lang kasi sabihin na para kay CJ ang mga 'yan Wala namang problema. Masaya nga ako at magkaka-love life ka na rin. Hindi 'yung maghihintay ka pa rin sa taong hindi na babalik." Napahinto ako sa sinabi niya. May point kasi siya mukhang hindi na talaga babalik si Jay-Jay. "Oh sige, sis. Maliligo na ako." Tama si Shane. Hindi ko na siya hihintayin pa at ka- Teka, anong love life? Hindi naman kami. Ginawan ko lang siya ng cupcake bilang pasasalamat. 'Yun lang. ------- "Bakla, ano 'yang dala mo? Mukhang mararap yan, a. Gawa mo?" Bungad agad sa akin ni Mikey pagkarating ko sa opisina. "Oo. May pagbibigyan ako." Nakangiting ani ko sabay lapag ng box sa mesa. Maganda kasi ang araw ko ngayon. Magkasabay kaming pamilyang kumain ng agahan. Ako, si Shane, si Tanya at si Dad. Minsan na lang kami makompleto, lagi kaming busy sa kanya-kanyang trabaho except Tanya dahil kasalukuyang nag-aaral pa siya. "Pwede makahingi kahit isa lang." aniya. Hindi ko napansin na sinundan pala niya ako habang nilalapag ang box. "Hindi pwede. Sa susunod na lang igagawa kita. Promise. Pero sa'yo ang mga ingredients." Binigyan ko siya ng nakakalokong ngiti "Daya nito. Para kanino ba 'yan?" Taas kilay na aniya. "Para kay-" Hindi natuloy ang sasabihin ko nang biglang. "Good morning, Sir CJ." Bati ng mga kasamahan ko. Anong ginagawa niya rito sa department namin? Teka, sino 'yung kasama niya? Biglang may kumirot ang puso ko nang makita kong hinalikan siya ng babae kasama niya sa labi. Akala ko ba nagbago na siya? "Bakla, anyari? Ba't ka tulaley r'yan?" I'm back to my senses sa tanong ni Mikey. "May bigla akong naisip. Sandali lang banyo muna ako." Dali-dali kong tinungo ang banyo. Narinig ko pang tinawag ako ni Mikey at paglingon ko nakita ko si CJ sa'kin na parang gulat na gulat na makita ako. Bakit naman siya magugulat, e, rito naman ang department ko. Pagkapasok ko ng banyo agad kong ni-lock ang pinto. Ano ba 'tong nangyayari sa akin? Nanghilamos ako baka sakaling mawala 'tong naramdamang kirot sa puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD