Carlos Jay Cervantes "Nand'yan ka na pala. Halika sumalo ka sa amin." ani ni Tanda. Naabutan kong nag-iinuman silang apat. Idinamay pa nila si Knch. Ayon, knock out na sa isang tabi. "Anong meron at nag-iinuman kayo? At dinamay niyo pa talaga si Knch." Kasi naman, bata pa 'yang si Knch, e, nasa high school pa 'yan. Oo na. Ako na ang OA! Pinoprotekhan ko lang naman 'yung bunso namin. Pero mas OA pa rin si Ate Paris. "Sssh! *hik* Hayaan mo na *hik* para matutu *hik*" 'Yung unang salita lang ni Gelo ang naintindihan ko. "'Wag kang *hik* mag-alala kuya *hik* may basbas 'yan ni daddy *hik*" Aba! Tinawag na akong kuya. Alam na, lasing na 'tong si Patrick. Tinatawag lang naman ako nitong si Patrick na kuya kapag lasing. Marahil nagmumukha akong kagalang-galang sa paningin niya. Araw-ara

