Hera Garcia "Sis, wake up! Wake up!" Ang ingay naman, o kitang natutulog pa 'yung tao. Tinakluban ko ng kumot ang ulo ko nang binuksan ng kapatid ko ang bintana ng kwarto ko. Sinermunan pa kasi ako kina Nanay Choleng kagabi matapos akong ihatid pauwi ni CJ. Akala kasi niya boyfriend ko si CJ. Bakit daw hindi ko ito pinatuloy at ipinakilala sa kanya. Mabuti na lang at sinabi ni Tito Marcus kagabi na pwedeng ngayon ang rest day ko dahil tinatrabaho namin ni CJ kahapon ang para sa issue ng Bachelor. "Gising na sis, maganda ang panahon ngayon para mag-jogging tayo." Ang kulit naman nitong si Athena Shane. Ba't pa ako ang isasama niya? At kailan pa ako nagjo-jogging? "Si Tanya na lang ang isama mo 'wag na ako. Inaantok pa ako." "No. Tayong tatlo ang magjo-jogging. Kailangan mo ring mag-

