Carlos Jay Cervantes "Sir CJ, pinapatawag na kayo sa conference room." ani ni Lyn. "Sige mauna ka na ro'n. Susunod ako." Nagpakawala ng isang malalim na hininga matapos lumabas si Lyn. Abot-abot ang kaba ngayon dahil ngayong araw na ipe-present sa board ang ginawa naming proposal ni Hera no'ng nakaraan. Hindi naman ito ang unang project na kasama ako. Ito lang 'yung project na ako mismo ang magha-handle kaya hindi ko mapigilang hindi kabahan. Sana lang maganda ang kalalabasan ng meeting na 'to. Papunta na ako sa conference room nang makasabay ko si Hera. At himala, hindi ako sinungitan ngayon. Instead, ningitian niya ako. Ano kayang nakain nito? Sana araw-araw na siyang kumakain nun para bumait sa akin. "'Wag kang kabahan. Hindi naman nangangain ang board. Believe in your work.

