DKC Magta-tatlong araw na magmula ng umalis si Mr. Rafael Cervantes papuntang Los Angeles at pinagkatiwala ang pamamahala ng kompanya sa kanyang anak na si Carlos Jay Cervantes. Kasalukuyang nagme-meeting ang team nina Carlos patungkol sa set-up at sa iba pang kailangan para sa project nila. "Sir, I'll suggest po na magsisimula po tayo sa simula." Suwestyon ni Jerix. Ang photographer ng team. "Ogag! alangan namang magsimula tayo sa huli. Utak mo naman paganahin." ani naman ni Jessie. "Grabe ka naman sa'kin, my loves, ang sakit mo namang magsalita. You hurt my feelings." ani ni Jeric sabay hawak pa sa kanyang dibdib. Inilarapan lang ni Jessie ang nagda-dramang asawa. Opo. Mag-asawa po sila. "Tumahimik na nga kayong dalawa kundi ipapatanggal ko kayo sa project na ito." Sita ni Mary na

