Carlos Jay Cervantes Sa araw-araw na magkasama kami ni Hera unti-unti ko siyang nakikila. Mabait, pala-kaibigan, matulungin sa kapwa at mapagmahal sa pamilya. Hindi 'yong unang ekspresyon ko sa kanya na isa siyang gold digger b***h na walang ibang ginawa kundi ang lustayin ang pera ng kanilang nabibiktima. Oo. Inaamin kong may pagka-judgemental talaga ako. Hindi mo naman ako masisisi. Sa panahon ngayon naglipina na ang mga gano'ng klaseng tao. At kamakailan ko lang nalaman mula kay Tanda kung bakit espesyal ang trato nito kay Hera kumpara sa ibang empleyado. Dahil namimiss na ni Tanda si Ate Paris at nakikita niya ito sa katauhan ni Hera. "Yohoo! CJ, nandyan ka pa ba?" Napatingin ako sa monitor at nakita ko si Ate Paris na winawagayway pa ang kamay niya. Nakalimutan kong naka-video

