Chapter 8

1048 Words
Carlos Jay Cervantes Napapansin ko na halos araw-araw na pinapatawag ni Tanda si Hera sa kanyang opisina at kung minsan ay kumakain pa sila sa labas. Hindi lang naman ako ang nakakapuna sa kinikilos nilang dalawa pati rin 'yung ibang mga empleyado. "Thank you po, Mr. Cervantes." ani ni Hera kay tanda na kasalukuyang lumalabas ng opisina ni tanda. "Walang anuman, Hera pasasalamat ko yan sa ginawa mo para sa kompanya ko." anii ni tanda sabay akbay kay Hera. "Naku po, tungkulin ko po 'yun." ani naman ni Hera na nakangiti. "Sir CJ, pinabibigay po ito ni Mr. Cervantes kailangan mo na raw pirmahan yan bago siya bumalik galing sa lunch." ani ni Lyn sabay abot sa akin ng folder. May alam kaya itong si Lyn na may namamagitan kina Tanda at Hera? Imposible namang wala. Bulag lang siguro ang hindi nakakahalata sa kilos nina Tanda at Hera. "Lyn, hindi ka naman siguro busy, no. Wala si Tan-Dad at siguradong matagal pa 'yun babalik o hindi na." Asual, magkasama na naman si Tanda at Hera. "Bakit po, Sir CJ may ipag-uutos po ba kayo?" aniya. "Wala naman. May mga ilang tanong lang ako. Since, magiging secretary rin naman kita mabuting magkakilanlan tayo." Ay tanga! Ba't 'yun ang sinabi ko baka iba na ang pagkakaintindi niya sa sinabi ko. Nakita ko ang pamumula ng mukha niya. "Hey! It's not what you think. Ibig kong sabihin kung anong klase kang empleyado, kung paano ka magtrabaho at kung ilang taon ka ng nagtatrabaho rito sa Facts. 'Yung gano'n." Naramdaman kong napahiya siya sinabi ko. Mabuti na rin 'yun kay sa bigyan niya ng malisya ang sinabi ko na wala naman talagang ibig sabihin. Narinig kong tumikhim siya bago nagsalita. "Apat na taon na po akong secretary ni Mr. Cervantes. Kung anong klaseng empleyado at kung paano po ako magtrabaho, pwede niyo pong tanungin si Mr. Cervantes. Sige po, babalik na po ako sa table ko. Tawagin niyo lang po ako kapag may kailangan po kayo." aniya bago lumabas ng opisina ko. Mukhang wala akong mahihita sa babaeng 'to na kay Tanda ang loyalty niya. -----***----- Tahimik kong sinundan si Hera pagkalabas niya ng Facts. Medyo wala ng katao-tao sa paligid since mag-aalas otso na ng gabi. Nag-over night kasi ito para magiging first project daw namin na magkasamang dalawa. Ewan ko ba kay Tanda at isinama pa ako sa malaking project na 'to. Nakita kong pumara siya ng taxi. Bumaba ang driver ng taxi nang huminto ito sa tapat niya at pinagbuksan siya ng pinto. "Tay Igme naman, nag-abala pa kayo." aniya sa taxi driver. Tay? Siya ba ang tatay ni Hera? "Hindi ka abala, anak. Tara na ihahatid na kita. Nagluto ang Nanay Senda mo ng paborito mong sinigang na hipon na maraming sampalok." ani nong Tatay ni Hera. "Talaga po, Tay? E, ano pa ang ginagawa natin dito? Tayo na po, Tay baka ubusin na ni JunJun." ani ni Hera. Dali-daling pumasok si Hera sa harap ng taxi at ang Tatay naman niya ay agad pumanhik sa driver seat matapos isara ang pinto ng kotse. Nagtago ako ng maigi nang nadaanan nila ang pinagtataguan ko. "Son?" Bigla akong napatalon nang may biglang nagsalita sa likod ko. "Tan-Dad? Nandito pa po kayo. Akala ko umuwi na kayo kanina. Nakita nga kita papalabas ng kompanya at dala ang bag mo." Don't tell me, sinamahan na naman niya si Hera mag-over time o baka naman siya talaga ang ino-over time ni Hera at hindi ' project namin. "Oo. Umalis ako kanina pero bumalik ako may nakalimutan akong importanteng papeles na kailangan ko agad pirmahan. E, ikaw ano pa ang ginagawa mo rito sa kompanya ng ganitong oras? " aniya. Nalintikan na. "Wala Dad. Paano uuwi na ba kayo? Sumabay na po kayo sa'kin." Pag-iiba ko nang hindi niya ako mausisa pa. "Oo. Hindi ako makakasabay sa'yo. Magkikita kami ng Tito Rodrigo mo at kakain sa labas." aniya. "O siya, sige po. Mag-iingat po kayo." Kahit papano concern pa rin ako kay Tanda. Tatay ko pa rin 'yun, e. "Ikaw rin mag-ingat sa pagmamaneho. Balahura ka pa naman. O siya, nandito na si Kumpadre." ani ni Tanda saka nagmamadaling lumapit sa isang sasakyan habang kumakaway pa sa driver nito. Napailing na lang ako sa tinuran ni Tanda. -----***----- "Sinimulan mo na ba ang plano mo?" ani ni Ate Paris sa kabilang linya. Hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakaisip ng magandang plano para kay Hera. Naging mentor ko si Hera kahit papano ay nakilala ko siya at hindi siya basta-basta nagpapaniwala lalo na't hindi maganda ang reputasyon nito. "Wala pa, ate, e, mahirap kasing kuhanin ang loob ni Hera lalo na't alam niya ang reputasyon ko sa mga babae." Ito kasi si Tanda i-tsinismis ako kay Hera. "Hindi pala basta-basta ang babaeng 'yan. Kumusta naman si Dad?" "Mabuti naman. Ayun lagi pa ring pinupuri si Hera at minsan binibigyan niya ng regalo kahit hindi naman nito birthday at lalong hindi pasko." "Kaya bilis-bilisan mo na ang pag-iisip ng plano." "'Wag kang mag-alala sa susunod na tawag mo may plano-" Naputol ang sinasabi ko kay Ate Paris nang may nagsalita sa likod ko. "Anong plano at sino 'yang kausap mo?" "Hala! CJ brother, si Patrick ba 'yan?" ani ni Ate Paris sa kabilang linya. "Ano ka ba Patty, hindi mo ba alam ang salitang privacy? Bigla-bigla ka na lang sumusulpot d'yan. 'Yung totoo kabute ka ba no'ng past life mo?" "Tsk. Privacy my ass. Kung gusto mo ng privacy 'wag ka rito sa kusina. Do'n ka sa kwarto mong pungad ni Tarzan." ani ni Patrick. "Oo, Ate no other than our brother Patty." ani ko kay Ate Paris sa kabilang linya. Napatitig si Patty sa'kin animo'y sinusuri ang buong mukha ko. "Anong plano ang sinasabi niyo kanina bago ako pumasok ng kusina." Nakapamewang niyang ani sa harap ko. "Wala 'yun, Patty. 'Wag tsismoso. Wala lahi natin ang ganyan." ani ko kay Patty. "Ang dami mong alam. Makaalis na nga." ani ni Patrick saka lumabas ng kusina. "Anong sinabi ng isang 'yun?" ani ni Ate Paris. "Wala naman. Mabuti na lang hindi mausisa si Patrick." "Anyway, 'wag mong kalimutan i-update ako sa mga mangyayarin r'yan. Sige na, ibaba ko na ang tawag na 'to may trabaho pa ako." "No worries, te. Mag-iingat ka r'yan lagi."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD