Chapter 7

1263 Words
Hera Garcia Napapansin ko na iba ang tingin ng mga kasamahan ko sa akin maliban sa mga kaibigan ko. E, Si Mr. Cervantes esti si Tito palagi na lang akong pinapatawag at sinasabay pa sa pagkain sa labas. Hindi naman kaming dalawa lang ang kumakain sa labas kasama namin 'yung daddy ko o kaya naman mga investor o clients. 'Yung mga utak lang talaga nila. "Naku iha, 'wag mo na lang silang pansinin. Hindi naman nila alam kung ano ang totoo." ani ni Tito habang lulan kami ng elevator. "Pero nag-aalala po ako." Totoo naman, kung ano-ano na 'yung naririrnig ko sa mga kasamahan ko na malayo naman sa katotohanan. Pati na nga si Carlos iba na rin ang tingin sa akin. Teka?! Anong pakialam ko sa kanya. Isipin niyang gusto niyang isipin. -----***----- "Kumpare, salamat sa paghatid sa anak ko." ani ni daddy. Kiniss ko si daddy sa cheeks. "Oo naman kumpare. Sige kumpare mauna na ako may ka meeting pa ako." ani ni Tito Marcus. "Sige kumpare mag-ingat ka." ani ni Daddy. "Thank you po sa paghatid Tito. Ingat po kayo." Kumaway na lang si Tito Marcus habang pinaandar na ang kotse niya. "Mamaya na tayo o-order Hera may kasama ako nasa parking pa." "May kasama ka, Dad? Sino si Shane o si Tanya?" Milagro't sumama 'yung dalawa, e, pareho 'yung busy lalo na si Shane na unti-unting nakikilala na ang resto-bar nila ng best friend niya. "Nandito na pala siya." ani ni daddy. Paglingon ko sa may pintuan ng restuarant agad gumuho ang mundo ko. Ang annoying ng buhay ko lang naman ang dumating. "Hey Ate! Kumusta na?" ani ng isang taong walang magawa sa buhay niya. Ang pinsan kong pinaglihi sa ka-hyperan. Heroshi Davin. "Anong ginagawa mo dito?" Agad ko tanong kay Hero. "Kakain." aniya. Nakaka- argh. Aaga akong tatanda sa lalaking 'to. "Tama na yan. Kailan pa ba kayo magkakasundong dalawa? Malapit na ang kaarawan niyo." ani ni Daddy. Oo nga pala sa makalawa na 'yun. Teka?! 'Wag mong sabihin dito magbi-birthday 'tong lalaking to? "Oh Yes Ate! At sa mansyon niyo gaganapin ang birthday nating dalawa." Masayang aniya. "Dad?" Baling ko kay Dad na tahimik na pumipili ng pagkain sa menu na hawak niya. "Yes! Sweety. Napag-usapan na namin ng organizer ang mga detalye ng party niyo." ani ni Dad. Mukhang wala na akong magagawa nito. Tinaasan ko ng kilay ang katabi ko ng ngayon ay may malapad na ngiti. "No Media!" Ayoko kasi makita sa media. Nakakainis lang. Ngiti dito, ngiti do'n. Interview dito, Interview do'n. Hindi naman ang celebrity pero itong pinsan ko. "Naku, Tito hindi pwede walang media. Alam niyo naman na sikat ako at ang pamilya natin kailangan may media para e-cover ang party namin ni Heranaya at may halaga akong announcement sa araw na 'yun." ani ni Hero. "Ano ba 'yang annoucement mo at kailangan pa talaga buong pilipinas makakaalam?" "Hindi lang buong pilipinas, no. Buong mundo. Tito Rod." Baling ni Hero kay Dad. "Bahala kayo basta hindi ako magpapakita." Ayoko talaga ma-expose sa madla pati na rin sina Shane at Tanya. Nawawalan kasi ng private life. "Okay! Okay!" ani ni Dad sabay taas ng dalawa niyang kamay na parang nagsasabing surrender na siya sa katigasan ng ulo namin ni Hero. -----***----- Pagbalik ko ng opisina naroroon pa rin ang mga tinging mapanghusga ng mga kasamahan ko. Gaya ng sabi ni Tito Marcus na 'wag silang pansinin. Dire-diretso akong naglakad hanggang sa makarating sa station ko. "Nandito ka na pala, bakla." ani ni Mikey. Assistant at kaibigan ko. Dalawa lang sila ni Myla na kaibigan ko rito sa kompanya. Sila lang dalawa ang hindi nanghusga sa'kin. And speaking of Myla, hindi ko ata siya nakita kaninang umaga. Buong umaga akong nasa office ni CJ para sa session namin. Pagkatapos naman sinundo ako ni Tito Marcus. Nakiusap daw si Dad na ihatid ako kanina. "Mik, pumasok ba si Myla ngayon?" "Leave siya ngayong araw. May mahalaga raw siyang inaasikaso." "A, gano'n ba. Sige magre-retouch muna habang wala pang oras." Bitbit ang make up kit tinungo ko ang comfort room para do'n mag-retouch. Napahinto ako sa paglalagay ng lipstick nang may pumasok. Nagkibit-balikat na lang ako at pinagpatuloy ang maglalagay mg lipstick sa bibig ko nang mapag-sino ang mga pumasok. Ayokong magtagal sa isang lugar kasama ang tatlong babaeng 'to. Sila lang naman ang nagpasimuno kung bakit gano'n na lang makatingin sa'kin ang ibang empleyado. "Girls, look who's here?" ani ni Shancy, ang leader ng grupo. "The bitch." ani ni Mitchy. "The gold digger." Segunda ni Haily. Hindi na ako umimik pa at agad niligpit ang mga gamit ko. Hindi naman sa takot ako sa kanila lalo na kay Shancy. Umiiwas lang ako sa gulo at saka nakakahiya kay Tito Marcus kapag nalaman niyang pinatulan ko ang mga ito. Aalis na sana ako nang harangan ni Shancy ang pinto. "Aalis ka na? Hindi pa tayo tapos mag-usap. Aalis ka na. Hindi ba't nakakabastos 'yun." Nakapamewang na ani ni Shancy. Kung hindi ko lang ginagalang si Tito Marcus kanina ko ningungud-ngud ang mukha na babaeng 'to sa kubeta. Hindi lang naman ako ang naiinis sa babaeng 'to sa kompanyang 'to. Hindi lang ito matanggal-tagal sa dahil magaling itong humagilap ng mga impormasyon. "Pwede ba Shancy marami pa akong gagawin." "Pwede ka namang hindi magtrabaho. Landiin mo lang si Mr. Cervantes solve na solve na ang kinabukasan mo." aniya. Talagang pinanindigan niya ang pinapakalat niyang tsismis sa kompanya na may relasyon kami ni Tito Marcus. "'Wag mo akong igaya sa'yo." Alam ko kung ano ang ginagawa niya para makuha ng mga impormasyon. Nilalandi niya ang taong 'yun para makuha ang kailangan niya. "Wala kang alam." Nanggagalaiti niyang ani. "Wala ka ring alam kaya 'wag kang magsasalita kung wala kang ebidensiya." Nanlilisik ang kanyang mga mata habang nakatitig sa'kin. 'Yung dalawang alipores niya nananahimik lang sa tabi. "Paano, tapos na ang usapan. Pwede na ba akong umalis?" Gumilid si Shancy at binigyan ako ng daan. Dapat lang dahil kapag nalaman ni Tito Marcus ang ginagawa niya malamang hindi na magdadalawang isip ito na tanggalin siya sa kompanyang ito. "Bakla, ba't ang tagal mo sa banyo. Akala ko tuloy na flush ka na sa iniduro." ani ni Mikey habang sinusundan ako sa station ko. "Kadiri ka, bakla. Hindi ba pwedeng natambangan lang sa loob ng banyo." "Tinambangan? Nino? Bakit hindi tumawag ng resbak? Nandito lang ako, o, handang makipagsabunutan sa mga chararat na 'yan." aniya. "Nah! Hindi na kailangan. Hindi naman nila ako sinaktan at isa pa hindi na siguro ako gagambalain ng mga 'yun." Ewan ko lang kung wala ng gagawin ang mga 'yun sa'kin at kung meron man nakahanda ako. "Hulaan ko kung sino ang mga 'yan. 'Yung power puff girls na kamukha ni mojojojo, no." aniya habang sinusundan ng tingin sina Shancy, Mitchy at Haily na pabalik sa kani-kanilang station. "Ikaw talaga. O siya, nasa'n na 'yung pinapa-research ko sa'yo no'ng isang araw? Baka hindi mo na naman nagawa." "Oy! Nagawa ko na, no. Na-email ko na rin sa'yo ang proposal na ginawa ko at saka naka-ready na ang team natin kung sakaling pumasa ang proposal natin." aniya. "Mabuti. Kakausapin ko si Mr. Cervantes tungkol dito at sa tingin ko isasama niya sa team natin si Sir CJ bilang parte pa rin ng training niya." "Maganda 'yan bakla para ganahan ako magtrabaho. Ang gwapo-gwapo kaya ni Sir CJ." aniya. Bakit ba lahat ng tao rito nadadala sa charm ng lalaking 'yun? "Ewan ko sa'yo bumalik ka na sa station mo." Hindi ko alam kung ano ang kalalabasan kung sakaling magkatrabaho kaming dalawa sa isang project.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD