Chapter 6

1504 Words
Carlos Jay Cervantes Bitbit ang isang bote ng C2 at mamon tinungo ko ang garden kung saan makakapag-relax ako ng mabuti. Ito ang pangalawang paborito kong parte rito sa bahay. Malamig ang simoy ng hangin at para kang nasa isang paraiso na napapalibutan ng maraming bulaklak at halaman. This is my late mom's idea. She loves this garden so much at nagpapasalamat ako na hindi ito pinabayaan ni Tanda. I miss my mom so much. She died from cardiac arrest while she's sleeping. "O, kuya nandito ka pala. Wala ka bang pasok ngayon?" ani ni Knch habang tinanggal ang nakapulupot na tuwalya sa kanyang bewang. Mag-si-swimming ata ang isang 'to. Madadaan kasi ang garden papunta sa swimming pool kaya hindi maiwasang mapansin ako ni Knch. "Nah! Tinatamad akong pumasok." "Baka pagalitan ka na naman ni Dad n'yan. Ayaw na ayaw pa naman nun sa mga taong tamad." "Wala naman siya rito at saka naka-leave rin naman ang mentor ko kaya okay lang hindi pumasok." Baka nga magkasama pa ang dalawang 'yun at nagda-date kung saan man. Napakibit-balikat na lamang si Knch bago pumunta ng tuluyan sa swimming pool. Ang totoo n'yan kaya hindi ako pumasok maliban sa tinatamad ako ay dahil sa naririndi na ako sa mga naririnig ko sa opisina tungkol kina Tanda at Hera. They also think that they have an affair dahil agad-agad itong na-promote. Ano pa nga ba? Kating-kati na akong sabihin kay ate Paris ang tungkol sa kanila kaya lang wala akong konkretong ebidensiya. Knowing ate Paris hindi basta-basta naniniwala sa mga sabi-sabi lang at saka she love and adore our father. I don't want her to get hurt. "Ang lalim naman ata ng iniisip mo kuya." Hindi ko namalayang umahon na pala si Knch at muling tumabi sa'kin. "Knch, anong gagawin mo kapag nalaman mong may girlfriend si Dad?" Mataman kong tiningnan si Knch na tila nag-iisip. "Wala. As long as masaya si Dad at saka matagal na ring patay si mom. I know mom will be happy too. Seeing her love ones happy." "What If the girl is same as age as mine or yours?" "Like what I said, as long as dad's happy it's fine with me." anya sabay tapik sa balikat ko bago pumasok ng bahay. -----***----- "Nay Caring, napansin niyo ba si Gelo? Hindi ko pa siya nakita simula kanina. " Bungad ko kay Nay Caring nang lumabas galing kusina. "Hindi pero baka nasa kwarto pa niya 'yun. Kapag ganitong wala siyang pasok nando'n lang 'yun kwarto kung ano-ano ang ginagawa o di kaya'y matutulog buong araw." "Salamat, Nay Caring." Dali-dali akong umakyat at tinungo ang kwarto ni Gelo. "Gelo, nand'yan ka ba? Papasok na ako, a." Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Ba't ang dilim dito? "Tanghaling tapat napakadilim dito. Bubuksan ko ang ilaw, a. What the F***?!" Hindi ko napigilang mapamura nang bumungad sa akin ang isang kalansay na nakasabit sa dingding nang buksan ko ang ilaw. "O, kuya napasugod ka." Bigla akong napatalon nang may nagsalita sa likod ko. "Ba't parang nakakita ka ng multo at gulat na gulat ka?" ani ni Gelo na nasa damba ng pinto ng kwarto habang pinupunasan ng tuwalya ang basa niyang buhok at nakatapis ng tuwalya sa bewang kaya tumabi ako para tuluyan siyang makapasok. "Tang i** ka! Anong trip mo at nagsabit ka ng kalansay rito sa dingding? Mabuti na lang hindi si Nay Caring o si Tanda ang pumasok dito baka inataki na sila sa puso." Minsan hindi ko talaga masakyan ang trip nitong si Gelo. "CJ, malapit na ang november. It's ghost month kaya natural maglagay ng mga ganyang dekorasyon. Balak ko pa ngang lagyan ng ganito sa baba kaya lang baka takihin pa ang mga matatanda." "Ewan ko sa'yo. Ba't hindi ka nagdamit bago lumabas kung saan ka man nanggaling. Hindi ka na nahiyang ibalandara 'yang payat mong katawan." Hindi naman payat si Gelo. Hin rin siya mataba. 'Yung sakto lang. Tinutukso lan gkibh "Anong payat? Kita mo itong mga muscles na 'to at anim na pandesal? Maraming chicks na nagkandarapa rito." Pinakita niya pa sa'kin ang braso niyang payat at tiyan na puno ng tabs. "Ano palang ginagawa mo rito?" Gelo habang nagsusuot ng damit. "May gusto lang akong itanong." "Itatanong mo kung anong sekreto ng isang tulad kong gwapo?" "Mas gwapo ako sa'yo, no." "Ano nga 'yung itatanong mo?" "Ayos lang ba sa'yo na magkagirlfriend si Tanda?" Gelo loves mom so much. Sa aming magkakapatid siya ang pinaka-close kay mom. Sabi nga ng mga kapatid ko he is mama's boy kaya nang wala si mom siya pangalawang labis na nasaktan. Siyempre, si Tanda ang pinaka-nasaktan. Nakatitig lang sa'kin si Gelo animo'y pumangit ako na malabo namang mangyari. "If Dad is happy, who am I to ruin it?" "Akala ko ba mahal mo si mom. Bakit papayag kang magkagirlfriend uli si Tanda?" "I love mom. She's always in my heart, in our hearts. Definetly, Dad's heart too. But If Dad's have a girlfriend it doesn't mean that he replace mom. Mom is always there no one can replace but there's an addition." I get it. He's approve of the idea of Dad having a girlfriend. "Bakit mo pala na tanong. May girlfriend na ba si Dad?" "Wala. Naitanong ko lang. Sige bro, I know marami ka pang gagawin. Labas na ako." I can't believed it. Parehong gusto nina Knch at Gelo na magka-girlfriend si Tanda. ---***--- "Good evening, Patty brother! How's your day? How's Manifest??" Bungad ko kay Patrick na may malawak nangiti. "Anong kailangan mo?" Napaatras ako ng kunti. Ang harsh talaga. "Ang mean mo sa'kin, Patty, a, nakakahurt ka ng feelings." Napahawak pa ko sa dibdib ko waring nasasaktan sa sinabi niya. "Cut that crap, CJ. Hindi bagay sa'yo. Para kang bakla." "Ako bakla? Sa gwapo kong 'to." Tinuro ko pa ang sarili ko. Sinamaan niya ako ng tingin saka tinalikuran ako. "Okay. Ito na. Do you know Hera Garcia?" "Editor in chief of Facts Magazine? Well, yes. Wait are you planning on hitting her? Oh, no, CJ. Don't mess up with her kung ayaw mong malagot ka kay Dad." Teka, may alam ba itong si Patty tungkol kina Dad at Hera? And his sames okay with that. "Wait are you okay with Dad and Hera you know?" Hindi ako makapaniwala. Akala ko pa naman siya ang numero unong tututol kung sakaling may karelasyon nga si Tanda. "Of course, Hera is good. Wala kang kapintasan sa kanya at agad niyang nakasundo ang mga tao rito. Specially, Nay Caring. You know her hindi basta agaf nagtitiwala 'yun." So, nalason na pala ng babaeng 'yun ang utak ng mga tao rito sa bahay. "So, don't think on hitting her, CJ." aniya sabay tapik sa balikat ko bago umakyat ng hagdan. Napaismid na lang ako. Mukhang si Ate Paris na lang ang inaasahan ko sa bagay na 'to. ---***--- "Hello Paris?" "It's not Paris. This is Los Angeles. You idiot!" ani ng kabilang linya. Wrong timing ata ang pagtawag ko. Bad mood ang gurang. "Nabaliw ka na naman Ate?" May pagkabaliw rin kasi 'tong kapatid kong 'to. Hindi ko alam kung saan 'to nagmana. "Carlos Jay? Oh, I'm really sorry my little brother. May baliw kasing tawag ng tawag sa'kin. Ba't ka pala napatawag? It's already midnight there. Don't tell me, kakauwi mo galing ng bar." "Yes, it's midnight here but no I didn't went to a bar since I came here. You know Tanda." "I see. Well, that's good to hear. So, why are you calling me?" Paano ko ba sasabihin 'to na hindi ma-pi-freak out 'tong kapatid ko? "Ate, ano si Tanda may-" Haist! Ba't ko ba tinawagan agad si Ate na hindi nag-iisip kung papano sasabihin. "Anong nangyari kay Dad? May masama bang nangyari sa kanya?" "Kasi si Tanda may girlfriend na." Narinig kong napaubo siya sa kabilang linya kasunod no'n sa isang matinding tili. "OMG! May love life na ulit si Dad. I'm so happy for him. Don't get me wrong brother, I love mom but I think this is time that Dad can have a new love life and surely mom is happy too. That's really a great news. So, when is the wedding?" Natampal ko ang noo ko sa sinabi ni Ate. "Ayos lang sa'yo na magkaroon tayo ng stepmom na kasing edad ko lang?" "What?!" "At sa tingin ko isa siyang golddigger." "Why you said so? Do you have any proof that she's golddigger?" See? Hindi basta-basta naniniwala 'tong kapatid ko. "I don't have pero 'pag may proof na ako umuwi ka rito at tulungan mo akong paghiwalayin sila." "Why me? Nand'yan naman ang iba pa nating kapatid. Kaya niyo na 'yan kung sakali tama 'yang hinala mo." "Asa pa ako sa mga 'yun, e, si Patrick nga gustong-gusto ang babaeng 'yun at ang lahat ng tao rito sa bahay. Tsk." "Anong plano mo?" "Gather some proof." "And?" "Make her fall in love with me and dumped her after." Ang tanong papano ko mapapa-in love ang babaeng 'yun. Mukhang hindi tumatalab ang charms ko ro'n.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD