Join in the Phantom Club?!
"A-ano pong sinasabi niyo? Bakit ako sasali sa club na hindi ako sigurado kung nage-exist ba talaga?" sabi ko kaya napangiti siya uli.
"I'm already telling you, Miss Corpuz. The club does exists."
Mas humigpit ang pagkakakuyom ng mga palad ko. And how did he expect me to believe that?!
Nagpakawala na lang ako ng buntong hininga para mapakalma ang sarili ko.
"Hindi ko po alam. Phantom club is a secret, at kung totoo man iyon, hindi ko alam kung bakit ninyo iyon sinisikreto sa lahat." sabi ko.
"It's a secret for a reason, Miss Corpuz. And you'll know it, once you join the club."
Umalis ako sa silid na iyon na gulong-gulo. Hindi ko siya binigyan ng sagot. Kaya lumalabas ang posibilidad na tanggihan ko ang proposal na sinasabi niya o tatanggapin ko iyon.
Pero, ano nga ba ang gagawin ko? Tatanggapin ko ba?
Occupied ang isip ko habang naglalakad pabalik sa classroom kaya hindi ko na namalayan pa nang may mabangga ako.
"Sorry, I'm sorry." paghingi ko ng paumanhin, pero nang makita ko ang pamilyar na mukha niya ay napalaki na lang ang mata ko.
"Ikaw.." sabi ko at napaturo sa kaniya. Siya iyong weird na lalaking natutulog sa labas ng Dormitories.
Napalaki rin naman ang mata niya at napangiti, "Woah! Hello there, novice!"
Nginitian ko rin naman siya, "Nagkita uli tayo! Ano nga uling pangalan mo?" tanong ko at mabilis na sumeryoso ang mukha niya.
"Seriously? Nakalimutan mo kaagad ang pangalan ko? It's Luigi. Luigi Greyson." sabi niya at talagang in-emphasized pa niya iyong pangalan niya.
"Sorry, Luigi. Okay, hindi ko na kakalimutan uli ang pangalan mo. Sorry nga rin pala sa pagbangga sa iyo."
"No prob. Pero bakit ka nga ba tulala habang naglalakad? A penny for your thoughts?"
Napailing na lang ako, "Hindi ko binebenta ng barya lang. I want a cash."
Tapos napatawa na lang siya. "You're unexpectedly funny. Pupunta ka ba sa klase mo? What's your section?"
"Ahm, oo. IV-Mystique ang section ko." sabi ko.
"Ang galing naman ng pagkakataon, magkaklase pala tayo? Kung ganoon, sabay na tayo." sabi niya kaya napakunot ako ng noo.
"Talaga? Bakit hindi kita nakikita sa klase?" takang tanong ko habang naglalakad uli kami paliko sa hallway.
"Hmm, minsan lang kasi ako pumasok sa klase." sabi niya. Naalala ko naman si Zynon dahil doon. Ganoon din siya.
Nang nasa harapan kami ng pinto ng class room ay may isang bagay akong na-realize. Bubuksan niya na sana ang pinto pero pinigilan ko siya.
Nagsalubong ang mga kilay ko.
"Bakit?"
"Sabihin mo, papasok ka sa klase, hindi ba? Pero bakit tayo nagkabanggaan kanina sa hallway? Nasa direksyon ka na kung nasaan ang class room kanina." sabi ko.
Mahina siyang napatawa dahil doon.
"You're pretty sharp, Xhiena Corpuz." sabi niya saka tumitig ng diretso sa mata, "Now I know, what Zynon is talking about."
"A-ano bang sinasabi mo?" sabi ko at tinanggal ang pagkakahawak ko sa braso niya dahil sa pagpigil ko sa kaniya kanina.
"Well, you got it right. Sinadya kong magkabanggaan tayo. I just wanted to test you. And you just nailed it." ngising sabi niya at tuluyan ng pumasok.
Naiwan naman akong tulala. Test me?
Napabuntong hininga na lang ako bago pumasok sa loob. Ang weird niya talaga.
Nang makapasok ako, umasa ako na makikita ko na si Zynon sa upuan niya, pero wala siya doon.
Ang subject namin ngayon ay History. Kanina pa nagsasalita yung professor namin sa harapan pero nanatili lang akong nakatulala sa kawalan. Wala rin naman kasi akong maintindihan, tungkol sa mga sinasabi niya.
Hanggang mag-dismissal, ganoon lang ako. Nabalik lang ako sa realidad ng kalabitin ako nila Ulvia at Ulvette para kumain sa Dining Hall.
"Okay ka lang, Xhiena?" tanong ni Ulvia habang naglalakad kami, tinanguan ko na lang siya bilang sagot.
Kasalukuyan na kaming kumakaing tatlo, pero himala dahil hindi nila ako inuusisa kung bakit ang tahimik ko.
Tinignan ko sila at nginitian lang nila ako. Napangiti na lang din tuloy ako ng tipid. I really love them for being like this.
Hanggang sa matapos na kaming kumain, hinayaan lang nila akong mag-isip. Pero wala parin akong makuhang sagot para sa proposal ni Professor George.
Sobrang hirap pa lang mag-desisyon. Para ng sasabog ang utak ko kakaisip.
Napatingin uli ako doon sa kambal at napahinga ng malalim. Siguro, kailangan ko ng hingiin ang tulong nila.
"Remember, Miss Corpuz. I don't want you to tell anybody about all of this, about all the things we just talked about."
Napalunok na lang ako bago nagsalita.
"Ulvia, Ulvette, anong ginagawa niyo kapag nahihirapan kayong magdesisyon?" tanong ko sa kanila at nakita kong natigilan sila dahil doon.
Nagkatinginan pa sila bago sabay na ngumisi sa akin.
"Simple lang, Xhiena," sabi ni Ulvette tapos may dinukot siya sa bulsa niya saka ipinakita sa akin ang isang maliit na coin, "We always do tossed coin."
Nangunot ang noo ko, "Tossed coin?"
"Ah-huh. Tossed coin, kapag nagdedesisyon ka or may two options ka na hindi mo alam kung alin ang pipiliin mo. Kasi minsan nakakabaliw din kahit na anong pag-iisip ang gagawin mo, lalo na kung sobrang importante sa'yo ang gagawin mong desisyon. Kaya kapag nahihirapan kami, we always rely to fate. Kaya namin ginagawa ang tossed coin." mahaba namang paliwanag ni Ulvia, saka sa akin inabot ni Ulvette iyong coin.
Napatingin naman ako roon.
Tossed coin. Matutulungan nga ba ako nito para magdesisyon? Paano kung magkamali ako?
"Don't worry, Xhiena. Sabi nga nila, di ba? What will happen, will eventually happen no matter what. Kaya kung anuman ang lalabas na outcome, well baka iyon talaga ang nakatadhanang mangyari." sabi ni Ulvette at napatingin din sa coin na hawak ko.
Huminga ako ng malalim at ikinuyom ang palad ko.
"Basta tandaan mo, Xhiena. Nandito lang kami para sa'yo." sabi ni Ulvia sa akin kaya napatango ako.
"Salamat."
Natapos ang araw na hawak-hawak ko parin iyong coin sa kamay ko.
Imbes na dumiretso na ako sa kama para matulog ay lumabas ako ng Dormitories. Dahan-dahan akong naglakad palabas.
Alas nueve kasi ang curfew at kapag nahuli ka ay may penalty na mangyayari, iyon ang sabi nila Ulvia sa akin. Mababawasan ang points na mayroon ka. At alas diyes na ng gabi, kaya naman todo ingat ako habang palabas ng Girl Dormitories.
Nakahinga na lang ako ng maluwag nang matagumpay naman akong makalabas.
Tumingin-tingin ako sa paligid saka maingat na pumunta sa b****a ng gubat. Hindi ko rin alam kung bakit dito ko pa naisipang mag-tossed coin.
Pero may kakaiba kasi akong pakiramdam na dito ako makakakuha ng sagot.
Sumandal ako sa isa sa mga nagtataasang punong nandoon.
Napahawak ako sa dibdib ko at saka napatingin sa coin na nasa kamay ko.
Kapag head, it's a yes.
Kapag tail, no.
Humugot ako ng hininga saka ipinuwesto ng mabuti iyong coin. Nagbilang ako hanggang tatlo. Then I tossed the coin in the air.
Bago pa iyon bumagsak ng tuluyan ay sinalo ko na saka isinarado ang palad ko.
Napapikit ako ng mariin at ramdam ko ang malakas na pagkabog ng dibdib ko.
This is it.
Kung anuman ang magiging resulta, iyon ang gagawin ko.
Nagbuga ako ng hangin saka idinilat muli ang mata ko. Dahan-dahan kong ibinukas ang nakakuyom kong palad, at makikita ko na sana nang maramdaman ko ang malakas na paghila sa akin.
Sisigaw na sana ako pero maagap niyang natakpan ang bibig ko. Mabilis ang naging kilos namin hanggang sa namalayan ko na lang ang sarili ko na nasa itaas na ng punong kinasasandalan ko lang kanina. Oh, fudge!
Napasinghap na lang ako habang may nakatakip paring kamay sa bibig ko.
Hanggang sa manigas ako sa kinaroroonan ko, lalo pa nang masamyo ko ang pamilyar na amoy niya.
Dahan-dahang napalaki ang mata ko, kasabay ng pagkawala nung coin sa kamay ko dahilan para mahulog iyon sa ibaba.
Pero, hindi ko na iyon binigyan ng pansin. Unti-unti kong inalis ang kamay na nakatakip sa bibig ko.
"Just keep quiet." paos na bulong niya sa tainga ko at bumilis ang t***k ng puso ko.
I missed him.
"Zy-Zynon.." nilingon ko siya sa likuran ko at tumambad sa akin ang pamilyar niyang mukha, na hindi parin mababakasan ng emosyon.
"They're here.." mahina pa niyang sabi kaya nangunot ang noo ko at natigilan.
"Sino?"
Nakarinig kami ng mga yapak kaya naman pareho kaming napatingin sa ibaba.
Nakita namin ang dalawang bampirang nakaitim na hood. Hindi makita ang mukha nila dahil sa hood na suot nila, pero ang presensya nila ay sapat na para manindig ang balahibo ko sa kaba at takot.
S-sino sila?
Napalunok na lang ako nang tumigil sila sa puno na kinaroroonan namin. Ang isa sa kanila ay yumuko na parang may pinulot.
Napaawang na lang ang bibig ko nang maaninag na iyon iyong coin na nahulog ko kanina.
Halos hindi na ako humihinga dahil sa kaba at ang tanging naririnig ko na lang ay ang pagtambol ng dibdib ko dahil sa kaba.
"Kanino kaya ito?" narinig kong sabi ng nakapulot doon sa coin at dahil doon nalaman kong lalaki siya.
"Pabayaan mo na iyan. Kailangan na nating magmadali." sabi pa ng isa, at boses babae naman ito.
Pinanood ko iyong lalaking naka-hood na itaas ang kamay niya na may hawak ng coin.
Anong ginagawa niya?
Hanggang sa natutop ko na lang ang bibig ko dahil sa sunod niyang sinabi.
"In case, you want to know. It's a head."