Chapter 24: Unexpected Proposal

1096 Words
Phantom Club. Nage-exist nga ba ang club na iyon? "Well Xhiena, it's for you to decide." narinig kong sabi ni Ulvette at napatango-tango naman si Ulvia. Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam. Siguro kailangan ko na lang munang ma-discover kung ano talaga ang special ability ko, para madali akong makapili ng mga club. Nilingon ko uli iyong kambal at napangiti, "Thank you sa pagsasabi sa akin sa mga club na puwede kong pasukan." "No problem, Xhiena. You know, we're always here for you." sabi ni Ulvia kaya mas napangiti ako. Nang matapos ang school hours at nasa Dormitories na ako ay gumugulo parin sa isip ko iyong tungkol sa pagsali ko sa kahit na anong club, at pati na rin iyon iyong Phantom Club na sinasabi ni Ulvia. Paano nga kaya kung totoo ang club na iyon? Nandoon nga kaya si Zynon? Napayakap ako sa unan ko at napapikit. Isang linggo ko na siyang hindi nakikita. Hindi ko alam pero, gusto ko na siyang makita uli. Gustong-gusto ko. Hindi ko namalayan na may luha na palang tumutulo sa pisngi ko. Kaagad akong napadilat at pinahid ang mga luhang iyon. Ano bang nangyayari sa akin? Nahihibang na ba ako? Bakit ako umiiyak? Ibinaon ko na lang ang mukha ko sa unan ko at doon sinigaw lahat ng frustrations ko. Fudge! Ano bang mayroon sa akin?! No, ano bang mayroon sa Zynon na iyon, at nalulungkot ako?! Bumuntong hininga na lang ako. Baliw na nga yata ako. Pinikit kong uli ang mata ko. Unti-unti na akong nakakatulog nang maramdaman ko ang mainit na hininga sa batok ko dahil nakadapa ako sa kama. Mabilis akong napabangon at inilibot ko ang paningin ko sa madilim kong kuwarto. Nangunot ang noo ko habang mabilis ang pagtibok ng puso ko. Napahawak na lang ako sa dibdib ko saka napakagat ng labi. Naramdaman ko siya. Pero, saan siya nagpunta? Humugot ako ng hininga bago muling humiga sa kama ko. Hindi ako nagkakamali. Nandito si Zynon kanina. Naramdaman ko siya. Naamoy ko pa ang pamilyar niyang pabango. Simula nang mangyari ang blood contract na iyon, naging mas aware na ako sa presensya niya, maski sa amoy niya. Alam na alam ko na. Nalamukos ko na lang ang bedsheet ng kama at napapikit. Bakit ayaw niyang magpakita sa akin? Nagising ako kinabukusan na mabigat ang katawan ko. Tamad na tamad akong naghanda para sa school. Nang makarating na ako sa South Wing, marami na rin ang nagmamadali sa pagpunta sa mga klase nila, at gaya ko, kung hindi pa ako magmamadali, within five minutes ay male-late na ako. Pero may mali sa araw na ito. Para bang wala akong pakialam kung ma-late man ako. Ni walang katiting na sigla o adrenaline sa katawan ko para takbuhin ang class room dahil male-late na ako. Napahawak na lang ako sa ulo ko. Ano nanaman bang nangyayari sa akin? Napakapit na lang ako sa pillar na malapit sa kinaroroonan ko para sa suporta nang makaramdam ako ng bahagyang pagkahilo. Halos ilang beses akong huminga ng malalim at hindi gumagalaw sa kinatatayuan ko, para lang maging normal uli ang katawan ko. Pero nanatili paring ganoon ang nararamdaman ko. I felt so restless. Natigil na lang ako nang maramdaman ko ang isang presensya sa likuran ko. Kaagad akong lumingon at nakita ko si Professor George. "Is there's something wrong, Miss Corpuz?" tanong niya at dahan-dahan akong umayos. "O-okay lang po ako." sabi ko at tipid na ngumiti. "Kung ganoon, bakit nandito ka pa? Male-late ka na sa klase mo." "Ah, sige po. Papasok na po muna ako." sabi ko pa uli at dahan-dahan nang naglakad papunta sa direksyon ng class room. I'm halfway there, nang hindi ko inaasahang marinig uli ang boses ni Professor George, "Miss Corpuz!" Nilingon ko siya muli, "Can you come with me for a second? May gusto lang akong sabihin sa iyo. Huwag kang mag-alala, ie-excuse na lang kita sa klase mo." "P-po?" Nginitian niya ako, "I just want to talk about something with you." Napahinga na lang ako ng malalim saka sumunod na sa kaniya papunta sa office niya. Nang makarating kami sa pamilyar na silid na iyon, pinaupo niya ako sa isa sa mga upuan na nandoon. It brought me back memories of the time where I first came here in this school. Hindi ko inaakala na kahit papaano ay magtatagal ako rito. Akala ko hindi ako magsu-survive. "So tell me, did you already joined to a  certain club of the school?" Bahagya akong natigilan sa naging tanong niya. "Ah, hindi pa po. Naghahanap parin ako ng club na nababagay sa akin." sagot ko sa tanong niya kaya napatango-tango siya. "Kung ganoon, I have a proposal." Sa hindi malamang dahilan, parang bigla akong kinabahan sa sinabi niya. "A-ano naman po iyon, Professor?" "You've been looking for a club you'll join, and I've been searching for a formidable new member of the club I've been managing. Isn't it a perfect timing?" Napalaki ang mata ko. Club he have been managing? Huwag mong sabihing— "I know that you already heard about 'the club' I am talking about." nanlamig ang mga kamay ko at gumapang na ang kaba sa dibdib ko, "Am I right, Miss Corpuz?" Ikinuyom ko ang mga kamay ko at dahan-dahang napatango. "O-opo." Nakita kong gumuhit ang isang malumanay na ngiti sa mukha niya, pero mas kumabog lang ang dibdib ko sa kaba. What is he trying to do? "P-pero hindi naman po ako masyado naniniwala sa mga narinig ko. That secret club is just a rumor that the students have been talking about." sabi ko. "A rumor?" "Y-yes." Bumaba ang tingin niya sa sahig at tumitig doon ng ilang segundo bago siya muling nagsalita, "What if I tell you that, that secret club does exists. Would you believe it then, Miss Corpuz?" Napaawang ang bibig ko at nag-angat siya muli ng tingin sa akin. "I-Imposible.." "Nothing is impossible in this world, Miss Xhiena Corpuz. You could do everything if you wanted to. It might be good or bad, that'll be your choice." dire-diretsong sabi niya kaya napapikit ako ng mariin dahil biglang lumala ang pagsakit ng ulo ko. "What..what are you trying to tell?" nanatili paring nakapikit ang mga mata ko. "It's pretty obvious, Miss Corpuz. I'm giving you a proposal, just like what I've said earlier." Mabilis akong napamulat ng mata at napatingin sa kaniya. "What..what proposal?" Napalitan ng ngisi ang kaninang malumanay na ngiti sa labi niya. Naramdaman ko ang pagtindig ng mga balahibo ko. "Tell me, Miss Corpuz. Do you want to join in the Phantom Club?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD