Chapter 23: Phantom Club

1087 Words
Simula nang gabing iyon, hindi ko na uli nakita si Zynon. Halos mag-iisang linggo na rin. Naguguluhan ako. At gusto ko siyang makita. Napabuntong hininga na lang ako at napatingin sa kambal na kanina pa daldal ng daldal. "Hey, Xhiena, nakikinig ka ba?" tanong sa akin ni Ulvette kaya napatigil ako. "H-huh? Anong sabi mo?" "Sabi na nga ba hindi ka nanaman nakikinig, eh." Nginitian ko na lang siya, "Ano ba 'yon?" "May naisip ka na bang sasalihan na club?" Agad namang nangunot ang noo ko doon, "Club?" "A-huh. Club." sabi naman ni Ulvia, "Lahat ng estudyante ay kailangang pumili ng clubs dito sa school, at isa pa, kapag sumali ka sa mga activites ng mga club ay isa rin iyong way para makakolekta ng mga points." Napaisip naman ako, hindi ko alam na may mga club din pala sa school na 'to. "Ahm, wala pa kasi akong naiisip, eh. Pwede niyo ba akong tulungan?" sabi ko at nagtinginan silang dalawa saka sabay na tumango. "Oo naman!" Napangiti na lang ako ng malapad. "Ano-ano ba ang mga club na nandito sa Vampire High?" tanong ko sa kanila at unang dumaldal si Ulvia. "Lahat ng bampira ay may tinatawag na special abilities na wala ang mga tao. They can be through physical, mind, emotional or they can be summoned." napatango-tango naman ako, "So, kung papasok ka sa isang club dapat naaayon ito sa special ability mo bilang isang bampira. May mga top clubs din na itinuturing ang school." "Top clubs? Ano iyon?" "Yup! Sila iyong mga clubs na masasabing active talaga at nakakatulong sa school. Isa na run ang Technical Club, nandoon iyong mga bampira na mayroong mga special abilities technically. " sabi niya at napaisip, "Hmm, tulad ng amplification, kapag may ganoon kang special ability bilang isang bampira maa-upgrade mo ang mga bagay na nasa paligid mo. Or kasali rin sa technical iyong may special ability na makontrol ang mga machines. Mga ganoon, dahil sila ang nagpro-provide ng techinicalities ng school, kaya isa sila sa mga top clubs." Napatango-tango naman ako. Pero mukhang hindi ko yata kayang sumali sa Technical Club, dahil wala naman akong alam sa mga makina or technologies. Napatingin naman ako kay Ulvette nang siya naman ang magsalita. "Well, isa pa sa tatlong top clubs ang Somatic Club, ito naman yung tipo ng club na nagfo-focus sa physical special abilities. Dito iyong may mga special abilities tulad ng super speed, physical strength, doppleganger, teleportation, elevating or capable to fly or elevate anything, ability to change appearances, invisibility, enhanced senses and male or female pheromone—" "Wait, what's female or male pheromone?" tanong ko. "Well, sila iyong mga bampira na kayang mang-seduce effortlessly ng kahit na sino at kaya nilang pasunurin kung sinuman iyon kapag under sila ng kapangyarihan nila. Cool right?" sabi niya kaya napangiwi na lang ako. Napatawa naman si Ulvette sa naging reaksyon ko "And sa totoo lang, we belong to this club, Xhiena." sabi ni Ulvia at napangisi. Napaawang naman ang bibig ko. "Ta-talaga? Nasa Somatic Club kayo?" "A-huh!" sabi niya na may kasama pang pagtango. "I have an enhanced hearing, you see, while Ulvette, she has the special ability of invisibility." "Wow, so Ulvia, naririnig mo ang kahit na ano, kahit malayo?" tanong ko sa kaniya. "Yes. Within 10 km radius, kaya kong marinig. Kaya nga marami akong nasasagap sa balita." sabi niya at napahagikhik. Napatawa rin naman ako ng mahina at napatingin naman kay Ulvette. Well, ngayon ko lang nalaman ang mga special abilities nila at nakakatuwa. Nakita ko kung paano ihagis pataas ni Ulvette ang mansanas na hawak niya tapos bigla na lang naging invisible ang braso niya at lumutang iyong mansanas. Umawang uli ang bibig ko dahil sa sobrang galing at nakita ko kung paano siya natawa uli sa akin. Lumitaw uli ang braso niya at hindi pala lumulutang iyong mansanas, kundi nasalo niya, dahil invisible ang braso niya parang nakalutang iyon kanina. Ang galing! "Ang gagaling niyo! Eh, kung sumali rin kaya ako sa Somatic Club?" tanong ko sa kanila. Namimintig na rin sa ugat ko ang excitement. "Hmm, gusto rin naman sana namin iyon, Xhiena. Pero, ano ba 'yung special ability mo? Physical ba iyan? Kung oo, we will gladly accept you in Somatic Club." sabi ni Ulvia kaya natigilan ako. Oo nga pala. Napatingin ako sa mga kamay ko. Ano bang special ability ko? Naramdaman ko ang kamay ni Ulvette sa balikat ko at nginitian ako, "Huwag kang mag-alala, Xhiena. Marami pa namang clubs. Pwede ka sa rin sa Special Club. Iyon naman iyong club na mayroong mga rare na special abilities." Rare special abilities? Pwede nga kaya ako run? Napatingin ako uli sa mga kamay ko. Iyong mga vines, iyon kaya ang special ability ko? Anong tawag doon? "Ahm, wait, may sasabihin ako." narinig kong sabi ni Ulvia tapos tumingin siya sa paligid na para bang tinitignan dahil baka may makarinig sa amin, nang makita niyang wala ay mas lumapit siya sa amin ni Ulvette, "Mayroon kasi akong narinig. Hindi ko alam kung totoo ba ito o baka fake news lang. Pero okay na rin na sabihin ko. Remember Ulvette, iyong nabanggit ko sa iyo na secret club ng Vampire High?" Nangunot ang noo ko. Secret Club? May ganoong club ang Vampire High? "Oohh, oo! Naalala ko. Nabanggit mo na rin sa akin iyon dati. Iyon ba iyong club na bali-balita na pinamumunuan raw ni Professor George?" sabi pa ni Ulvette at sumang-ayon naman agad si Ulvia hanggang sa hindi na ako makasunod sa usapan. Secret Club na pinamumunuan ng principal ng school, hindi kaya fake news lang iyon gaya ng sabi ni Ulvia? "Sa pagkakatanda ko, may tawag sa club na iyon, eh." sabi niya, "Tapos ang usap-usapan din sa buong school, kasali si Zynon sa club na iyon." Doon ako natigilan. Kasali si Zynon doon? "Anong ibig mong sabihin, Ulvia?" tanong ko sa kaniya pero nagkibit-balikat lang siya. "Hindi ko alam kung totoo ba iyon. Pero iyon kasi ang mga narinig ko. You see, walang club na sinalihan si Zynon mula nang pumasok siya rito sa Vampire High, at kung posible ngang nage-exist ang club na iyon, walang dudang baka doon siya kasali." sabi niya at bigla akong kinabahan, "Oh my gosh! Naalala ko na kung anong pangalan ng club na iyon!" "Ano?" halos sabay pa naming sabi ni Ulvette tapos gumuhit ang creepy na ngiti sa mukha ni Ulvia. Napaatras na lang ako at napangiwi naman si Ulvette. "Ang tawag sa Secret Club na iyon, ay Phantom Club.."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD