Chapter 22: Zynon Carter

1708 Words
Ang huli kong naalala ay mahigpit kong yakap si Airies na wala ng buhay, ramdam ko rin ang mga braso ni Zynon sa akin. Pero ilang segundo pa ang lumipas ay naramdaman ko na ang pagbalik namin, unti-unting nagliwanag si Airies at para siyang isang babasaging bagay na nabasag at naglaho. Ganoon din ang kinaroroonan namin, pati na ang buong bayan. Lahat naglaho. Hanggang sa natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakaupo sa class room, nakita ko ang malaking hour glass at ang pagpatak ng huling mga buhangin nun. Nasa harapan ko rin ang libro na nakabuklat sa pinakahuling pahina at nabasa ko ang mga salitang dahilan para pumatak uli ang aking mga luha. The End. Mabilis akong napayuko sa lamesa ko at doon napaiyak. Pinipilit kong umiyak ng mahina pero namalayan ko na lang ang sarili kong humihikbi. Hindi ko matanggap ang nangyari. Hindi ko kaya. "Xhiena.." narinig ko pa ang boses ng kambal at sinimulan nilang hagurin ang likuran ko, "Xhiena, tahan na.." Niyakap ko na lang ng mahigpit ang libro at hinayaang tumulo ang mga luha ko. My Airies, she's gone. She died, and that's the end of the story. Siguro may mga kuwento talagang hindi man masaya ang katapusan, pero iyon ang kuwentong tatatak sa puso mo at hindi mo makakalimutan kahit kailan. Hindi ko alam kung gaano ako katagal umiyak doon, pero nanatili lang sa tabi ko sila Ulvia at Ulvette hanggang sa tumahan ako. "Okay ka na ba, Xhiena? Gusto mo bang kumain? O kaya naman, gusto mo bang mamasyal? Walang pasok bukas, kaya puwede tayong pumunta sa isang bayan na malapit dito sa school. Lahat ng estudyante ay pinapayagang pumunta doon tuwing walang pasok para mamasyal." tuloy-tuloy na sabi ni Ulvia, kaya mapait na lang akong napangiti at pinunasan ang luhang tumakas sa mga mata ko. "Salamat sa alok, Ulvia. Pero ibabalik ko na lang siguro muna ang librong ito kay Professor." sabi ko at tumayo mula sa pagkakaupo. Lumabas ako ng room at kaagad na dumiretso sa West wing. Isinauli ko kaagad ang libro at humingi ng tawad dahil sa kasalanang nagawa namin ni Zynon, saka ko rin ipinangako na hindi na iyon mauulit. Nang makalabas na ako ng West Wing ay pupunta na sana ako sa Dormitories nang makita ko si Zynon. Naglalakad siya papunta sa gubat kung nasaan ang North Wing. Naalala ko naman ang sabi ni Ulvia, na siya lang daw ang nakakapasok at labas doon ng walang kahit na anong galos. Ikinuyom ko na lang ang mga palad ko saka siya sinundan. Bumungad sa akin ang madilim na gubat. Kumpara sa School Forest na nasa gitna ng eskwelahan ay mas madilim ito, at mas nakakapanindig balahibo. Siguro nga dapat hindi ko na sinundan si Zynon. Napabuntong hininga na lang ako at maglalakad na sana pabalik nang marinig ko ang pamilyar niyang boses. "What are you doing here?" Nilingon ko siya at nakita kong muli ang walang ekspresyong mukha niya. Ibang-iba iyon sa nakita ko noong nasa loob pa kami ng libro. Ang Zynon na punong-puno ng emosyon. Para bang bigla siyang naglaho at bumalik sa dati. Hindi ba totoo ang nakita kong iyon? "Zynon.." "Hindi mo ba alam na bawal ka rito?" tanong niya kaya tinitigan ko siya sa mata. "Pwede ba tayong mag-usap?" Hindi niya ako sinagot at sa halip ay tinalikuran na ako. Inilagay niya ang mga kamay niya sa bulsa niya at nagsimulang maglakad. "We don't have to." Narinig ko na lang na sabi niya at naglaho. Napayuko na lang ako nang maiwan ako roon at nagsimulang maglakad pabalik. Bumalik siya sa dati. Baka nga, hindi totoo ang mga nakita ko nang nasa loob kami ng libro. Nang makarating na ako sa Dormitories at sa kwarto ko ay pabagsak kong inihiga ang katawan ko. Pinakiramdaman ko iyon at ni wala man lang bakas ng sugat at sakit na natamo ko doon sa loob ng libro. Siguro, kasi lahat ng nangyari ay sa libro lang. We fixed the glitch, at hanggang sa huli ay ginampanan namin ni Zynon ang pagiging magulang kay Airies, sapat na ba iyon? Sapat na ba iyon kay Airies? Masaya kaya siya? Malungkot na lang akong napangiti at napapikit. Nakakapagod din pala. Napahawak na lang ako sa dibdib ko at napakuyom doon. Hindi ko parin alam kung bakit ako nandito ngayon. Oo, isa nga akong bampira. Pero anong mangyayari, pagkatapos ng lahat ng ito? Anong mangyayari sa akin? Makakabalik ba uli ako sa mundo ng mga mortal? Magiging masaya rin kaya ako? Napabuntong hininga ako at umikot sa kama para dumapa. Isinubsob ko ang mukha ko sa malambot na unan at doon napasigaw, tapos naramdaman ko uli ang mainit na luha sa mata ko. Nakakapagod. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa pwesto ko. Nagising ako na gutom na gutom ako. Nanunuyo ang lalamunan ko at hindi ako mapakali. Napabangon ako sa kama at agad na naligo saka nagbihis ng damit, saka ako lumabas ng Dormitories para pumunta sa Dining Hall. Madaling araw na, at sobrang tahimik ng school. Halos lahat ay natutulog pa. Pero sabi naman ni Ulvia sa akin ay palaging bukas ang Dining Hall para sa mga estudyante anumang oras. At gaya nga ng sabi niya ay bukas ang parteng iyon ng school nang makarating ako. Mayroong mga tagapag-luto na naghahanda doon at may mga naglilinis din. Tinanong pa ako ng isa sa kanila kung anong gusto ko, pero humingi lang ako ng isang baso ng tubig dahil talagang nanunuyo ang lalamunan ko sa sobrang pagkauhaw. Halos inisang lagok ko lang 'yung tubig sa baso pero hindi man lang nun napawi ang uhaw ko. Crap. Bakit? Bakit nauuhaw parin ako? Napapikit ako at napakapit na lang sa isa sa mga pahabang lamesa doon. Para akong nanghihina at gusto kong mapawi ang uhaw ko. "Iha, iha, anong nangyayari sa'yo?" tanong uli ng isa sa mga taga-luto sa akin habang nag-aalala. Napahigpit akong napahawak sa leeg ko at napapikit ng mariin. "N-nauhaw...na-nauhaw.." paulit-ulit na sabi ko. Naramdaman ko pa siya na hindi mapakali, hanggang sa bigyan niya ako ng isa pang baso, pero hindi na tubig ang laman nun. Kundi isang pulang likido. Mabilis akong napalunok at kaagad na kinuha mula sa kaniya ang basos. Nilagok ko iyon ng mabilis pero napasuka lang ako hanggang sa mabitawan ko iyon at mabasag sa sahig. The fudge! Anong nangyayari sa akin? Bakit ang sama ng lasa ng dugong iyon? Naguguluhan ding napatingin sa akin ang taga-pagluto, "Iha, sabihin mo, may blood source ka ba o ano? Dahil siya ang kailangan mo ngayon. Ang dugo lang niya ang tanging makakapagpapawi sa uhaw mo." Ramdam ko rin ang panunuyo ng labi ko at parang nahihirapan na akong magsalita. Pero nang marinig ko ang sinabi niya ay isa lang ang kaagad na pumasok sa isip ko. "Z-Zynon.." Mabilis ang naging pagbagsak ko sa mula sa kinatatayuan ko pero bago pa iyon ay naramdaman ko ang dalawang pares ng braso ang sumalo sa akin. Nanlalabo ang paningin ko, tapos para akong lumulutang. "Ako na ang bahala sa kaniya." narinig ko ang pamilyar na malamig na boses niya. Zynon? Nandito si Zynon? Pinilit kong maaninag ang mukha niya hanggang sa makita ko nga siya na seryosong seryoso habang buhat ako. T-teka, buhat niya ako?! Talaga? "Z-Zynon.." pinilit kong magsalita pero sobrang tuyo ng lalamunan ko kaya sobra rin akong nahihirapan. "Don't speak. We're near." Nagtaka naman ako sa pinagsasasabi niya tapos nagulat na lang ako nang pumasok kami sa isang kwarto. Nanghihina kong tinignan ang paligid at nakita kong kwarto ko iyon. Inilapag niya ako sa kama ko at bago pa ako makahuma ay nakita kong inilagay niya rin sa side table ang susi ng kwarto. So, kinuha niya pala iyon mula sa bulsa ko kanina. Kaya pala.. Akala ko, may susi na rin siya ng kwarto ko. Iba na yata 'yun kapag ganun. Tinignan ko siya at muli kong naramdaman ang pagka-uhaw ko. "You should've called me when you're thirsty." walang emosyong sabi niya at hinila ang tela ng gray na t-shirt na suot niya sa likuran at hinubad iyon. Napalaki na lang ang mata ko nang makita ang katawan niya, kaya agad akong nag-iwas ng tingin. "M-magdamit ka nga!" sabi ko at ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko. Oh my! Ano ba 'tong nangyayari? Umupo siya sa tabi ko at agad na lumapit sa akin. "Now, drink." Napalunok ako ng sunod-sunod at napailing din. "Ayok—" "Are you gonna drink or I'll leave?" sabi niya kaya agad akong tumingin sa kaniya dahil nanunuyo na talaga ang lalamunan ko. "Huwag!" "Now, drink. Don't make me repeat myself again." diretso ang tingin sa mga mata ko na sabi niya kaya naramdaman ko ang pagbilis ng t***k ng puso ko. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. Naramdaman ko ang paglabas ng mga pangil ko at napahawak ako sa balikat niya. I could feel his body heat and it's making me blush even more. Ano ba, Xhiena?! Uminom ka na lang para matapos na! Huminga ako ng malalim saka tuluyan ng kumagat sa leeg niya. When I felt his blood flowing on my throat, it feels heaven. Hanggang sa namalayan ko na nakahiga na siya sa kama ko at nakapatong na ako sa kaniya habang nakayuko at nanatiling nakabaon ang mga pangil ko sa leeg niya. Naramdaman ko ang pagkuha niya sa isang kamay ko at ang pagkagat niya sa pulso ko. Napakapit na lang ako ng mahigpit sa balikat niya. Humiwalay ako mula sa pagkakakagat sa kaniya at mas napipikit ng mariin. Lalo na nang maramdaman ko ang bahagyang pagkapunit ng suot kong damit. Napasinghap na lang ako at bumagsak sa malapad niyang dibdib. "Z-Zynon..." hinihingal na sabi ko. Tapos sa isang kurap ay nakahiga na ako ng maayos sa kama ko, nakatakip na ang kumot sa halos hubad ko ng katawan at nakaawang ang bibig ko dahil sa pagkabigla habang nakatingin kay Zynon na nakaupo sa gilid ng kama at nakatalikod sa akin. He was panting hard. Narinig ko pa siyang mahinang napamura. "Zynon.." "Stay away from me." Mabilis siyang umalis sa kwarto ko. Napabangon na lang ako sa kama at napatingin sa pintuan na nilabasan niya habang mahigpit akong nakahawak sa kumot na nakabalot sa akin. Zynon, ano na ba talagang nangyayari?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD