Chapter 8: Dober

1454 Words
Nanalo kami. At nakakuha ng maraming points. Sabi ni Ulvia, ang target points this month ay 965,000. Tapos dahil kanina ay nanalo kami, mayroon kaming 5,000 points at dahil sa bago pa lang ako, 'yun pa lang din ang points ko. Paano ko naman kaya maabot 'yung target points na 'yun? At isa pa, hindi parin maalis sa isip ko 'yung nangyari kanina. Nang makabalik kami sa room, hindi ko na nakita uli si Gwen. Si Zynon naman ay hindi ko rin mahanap, siguro dahil gaya nga ng sabi nila, bihira lang siya kung pumasok. Lahat ng nangyari kanina, hindi ko inaasahang mangyayari at mararanasan ko sa buong buhay ko. Pero ngayon, totoong nangyayari kahit na anong paniwala ko sa sarili ko na baka isang malaking panaginip lang ang lahat ng ito. "Xhiena, tara na sa Dining Hall!" sabi ni Ulvia sa akin na hyper parin. Tinanguan ko naman siya at nagpatianod na lang din sa kanilang dalawa ni Ulvette. Pagkarating sa Dining Hall ay agad kaming namili ng mga kakainin. Nandoon na rin halos lahat ng mga estudyante. Normal naman ang mga pagkain nila rito, parang sa mortal world din. Pero, gaya ng sinabi sa akin ni Ulvia, hindi nga lang sila ganoon karami kumain. Nang makahanap kami ng mauupuan ay nagsimula silang magkuwentong magkakambal sa akin ng kung ano-ano. Pero dahil pre-occupied parin ang utak ko, nabalik lang ako sa kasalukuyan nang mag-snap si Ulvia sa mukha ko. "Xhiena, sigurado ka bang okay ka lang? Kanina ka pa tulala?" tanong niya. "Xhiena, kapag may problema sabihin mo lang sa amin, okay?" sabi namn ni Ulvette kaya napatango na lang ako. "Wala ba talagang nangyari kanina sa training?" "Ah, wala. Wala naman. May iniisip lang talaga ako." sabi ko at nagsimula na uling kumain. "Okay then. Kung 'yan ang sabi mo." Nginitian ko na lang sila pareho. Nang magdismissal na ay kaagad ng nagsipuntahan ang lahat sa dormitories para magpahinga at ganoon din ang kasalukuyan kong ginagawa. Parang na-drain ang lahat ng lakas mula sa katawan ko dahil sa mga nangyari. Nang makarating ako sa kwarto ko ay agad akong napabagsak sa kama saka tumitig sa puting kisame. Ano bang nangyayari sa akin? Napapikit ako ng mariin. Kanina pagkatapos na pagkatapos ng training ay kaagad kong tinignan sa salamin 'yung mata ko kung kulay green nga ba, gaya ng sabi ni Gwen. Pero normal lang naman ang kulay ng mga mata ko. Hindi ko talaga maintindihan. Bumangon ako saka pumunta na lang sa may bintana. Binuksan ko 'yun at agad na pumasok ang malamig na simoy ng hangin. Madilim na rin sa labas at wala na akong makitang kahit na anong ilaw mula sa school. Napangiti na lang ako ng mapait. Ano na kayang nangyayari kila Meredith at Aiko? Baka nag-aalala na 'yun dahil bigla na lang akong nawala. Kamusta kaya silang lahat? Napabuntong hininga ako saka napatingin sa kanang palad ko na walang trace ng kahit na anong pinanggalingan nung vine na latigo kanina. Para bang hindi iyon nangyari. Tumingin uli ako sa labas ng bintana at lumanghap pa ng hangin nang may makita akong parang kumikislap sa may gubat ng school. Ano 'yun? Kunot-noo kong pinaliit 'yung mata ko habang inaaninag 'yung tanging maliit na ilaw na para bang gumagambala sa tahimik na gabi. Alitaptap ba 'yun? Dahil sa curiousity ay namalayan ko na lang ang sarili ko na naglalakad na palabas ng dormitory. Nakita ko pa 'yung alitaptap at patakbo 'yung hinabol. Hanggang sa makarating ako sa kagubatan ng eskwelahan. Lumipad pataas 'yung alitaptap kaya naman sinundan ko iyon ng tingin. Napanganga na lang ako sa nakita ko habang namamangha. Dahil mayroong isang malaking tree house. Pumasok doon 'yung alitaptap at nawala sa paningin ko. Oh, gosh! First time kong makakita ng real life na tree house at simula pagkabata ay pangarap ko ng magkaroon ng isa. Napangiti na lang ako. Nakita ko naman 'yung mga kahoy na nakapako sa trunk ng puno na parang nagsisilbing hagdanan paakyat sa tree house, kaya wala pagda-dalawang isip akong nagsimulang umakyat. Gusto kong makita 'yung loob! Nang nasa pinkataas na ako ay mabilis kong binuksan 'yung pinto. Sumalubong sa akin ang malawak na loob. Sobrang organize ng mga gamit. Mayroong isang pahabang upuan na gawa sa kahoy, may maliit ding shelf na hindi naman ganoong puno ng mga libro, tapos mayroong maliit na kama sa gilid. Napatakip na lang ako sa bibig. Oh, gosh! May nakatira rito! Nilibot ko pa 'yung mata ko sa paligid. Pero mukhang wala naman 'yung may-ari. Napangiti na lang ako saka nagtingin-tingin pa. Sobrang ganda. Sana magkaroon din ako ng katulad nito. Napatigil naman ako sa pagkamangha nang may mahagip 'yung mata ko. Lumapit ako doon at tinitigan ng mabuti. Isang napakalaking itlog. "Wow! May ganito pa lang kalaking itlog?" hindi makapaniwalang sabi ko sa sarili saka unti-unti iyong kinuha at pinagkatitigan. "Sino ka?! Anong ginagawa mo rito?!" "Ay sus maria, ginoo!" muntik ko ng mabitawan 'yung itlog dahil sa sobrang gulat. Pagkalingon ko sa pinto ng tree house ay nakita ko ang isang lalaki, may mahaba siyang itim na balbas, nakasuot ng brown na robe at nakaboots din. Mukha siyang mga nasa late 50's na. At isa pa ang napansin ko, para siyang pamilyar! Nagulat naman siya nang makita ako at kung ano 'yung hawak ko. Kaya agad-agad kong binalik 'yung itlog sa lagayan nito. Nakagat ko na lang 'yung labi ko. Xhiena, ano ba kasing naisip mo at bigla ka na lang pumasok dito ng hindi nagpapaalam sa may-ari? "Ikaw—" bago pa niya ako pagalitan ay napayuko na ako kaagad. "Sorry po! Sorry po talaga! Sorry kung pumasok po ako rito ng walang paalam!" paghingi ko ng paumanhin. Napapikit ako ng mariin. Nakakahiya ka talaga, Xhiena! Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa, kaya tinignan ko siya uli at nakita ko siyang nakangiti. "Huwag kang mag-alala, hindi ako nagagalit. Nagulat lang ako dahil, ikaw pa lang ang kauna-unahang bumisita sa tree house na ito." sabi niya. Agad namang lumapad ang ngiti ko. "Kayo po ba ang gumawa ng tree house?! Ang galing-galing niyo po!" Napangiti uli siya dahil sa sinabi ko. "Maraming salamat. Gusto mo ba ng tsaa?" "Ah, sige po, maraming salamat." Umupo ako doon sa may upuan at inilibot uli 'yung tingin ko sa paligid habang nagtitimpla siya ng tsaa. "Dober na lang ang itawag mo sa akin, isa ako sa mga tagapangalaga dito sa eskwelahan." pakilala niya saka ibinigay sa akin ang tsaa ko. "Ako naman po si Xhiena. Nice to meet you po! Pero, sobrang galing niyo po talaga. Pangarap ko na po kasi mula bata ang makapunta sa isang tree house o kaya naman magkaroon ng katulad nito." sabi ko. "Pwede ko namang bumalik dito, kahit kelan mo gusto. Laging bukas ang tree house para sa mga bisita." Napalaki naman 'yung mata ko sa tuwa. "Ta-talaga po?!" Napatango-tango siya kaya mas napangiti ako. Oh my gosh! Siguro, ito na ang pinakamagandang nangyari sa akin simula nang makapunta ako dito sa eskwelahang ito. Muli nanaman akong napatingin doon sa malaking itlog na nakita ko kanina. "Ahm, Dober, ano pong itlog 'yun? Ngayon lang kasi ako nakakita ng ganoong kalaking itlog. Hindi naman 'yun mukhang galing sa manok dahil sobrang laki." "Ah, iyon ba? Isa 'yang itlog ng dragon." Woah. Napalingon ako sa kaniya habang hindi makapaniwala.. "T-t-totoo po?! Itlog ng dragon?! Kaya ba sobrang laki?!" Tumango siya. "Ang itlog na 'yan ay sobrang espesyal. At darating ang araw na mapipisa ito. Malapit na ang araw na 'yun." seryoso ang mukhang kwento niya. Napangiti naman ako. "Kung ganun, pwede niyo po ba akong tawagin kung sakaling mapipisa na ang itlog? Gusto ko pong makita 'yung dragon!" "Oo naman. Huwag kang mag-alala. Makikita mo siya." "Maraming salamat po." sabi ko. Tapos doon ko naalala kung bakit parang pamilyar siya sa akin. Agad na nawala 'yung ngiti sa labi ko. Siya. Siya 'yung lalaking laging pumupunta dati sa bahay namin. Parati niyang kinakausap si mama. Inakala ko na nga rin noon na siya ang tunay kong tatay, pero itinanggi naman 'yun ni mama. "Dober, kilala niyo po ba ang mama ko?" tanong ko kaya natigilan siya sa pag inom ng tsaa. "Kilala niyo po ba ako? Kung hindi po ako nagkakamali, parati po kayong bumibisita sa bahay noong bata pa ako." "Paano naman iyon mangyayari. Ngayon lang kita nakilala," sagot niya. "Pero—" "Gumagabi na. Siguro dapat ay bumalik ka na sa dormitories. Maaga pa ang pasok bukas." Napabuntong hininga na lang at tumayo na ako mula sa pagkakaupo. "Sige po, mauuna na ako." "Mag-iingat ka." Nagsimula akong bumaba ng hagdan ng tree house at bumalik sa dormitory na may isang tanong sa naghahari sa isip ko. Sino ba talaga si Dober?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD