Napabalikwas ako dahil sa tunog ng alarm clock. Tumingin ako sa paligid tapos sa alarm clock, at napasinghap na lang ako dahil sa narealize ko.
Oh my gosh, late na ako!!
Halos nagkukumahog akong nag-ayos at tumakbo palabas ng dormitory.
Crap. Kung bakit ba kasi ako nagpuyat sa kakaisip kagabi? Ano ngayon ang napala ko? Hindi pa naman ito isang ordinaryong school!
Nang nasa harapan na ako ng pintuan ng class room ay napahinga ako ng malalim. Tapos naramdaman ko na lang nanginginig na 'yung tuhod ko sa kaba. Fugde!
Dahan-dahan kong binuksan 'yung pinto at nang makita kong wala pa 'yung professor ay nakahinga ako ng maluwag. Dali-dali akong pumasok at pumunta kaagad sa upuan ko. That was close.
"Xhiena, ba't na-late ka yata ng gising?" nakangiting tanong sa akin ni Ulvia.
Napakamot naman ako sa ulo. "Oo nga, eh. Napuyat lang. Hindi parin kasi ako sanay dito."
Napatango-tango naman siya, tapos eksaktong dumating na nga 'yung professor namin.
Nakita ko naman ang isang magandang babae. Blonde ang kulay ng buhok niya at may kulay blue na mata. Sobrang ganda niya. Pero seryoso ang mukha niya at napaka-strikto ng aura na ine-emit ng katawan niya. The fudge, ano ba 'tong iniisip ko na mga aura?
"May I have your attention, everyone?" buo ang boses na sabi niya kaya natigilan ang lahat at nabaling sa kaniya ang atensyon.
"We'll start our lesson today in strategic training skills."
Ano nanaman kaya 'yun?
Nilingon ko naman si Ulvia at Ulvette na nagsasabing i-explain nila sa akin ang lahat.
"Today, let's see on how you would use your mind and create a strategy. Everyone, to the School Forest. " pagkasabi niya nun ay nagsitayuan na ang lahat at kaagad ng nagpunta sa gubat.
Kinalabit ko naman si Ulvette na siyang kasabay ko sa paglalakad.
"Ano ba 'yung sinasabi ng professor kanina?" tanong ko sa kaniya.
"Ah, iyon ba? Well, siya si Professor Eleanor, 'yung subject ay about sa paggamit ng isip. Well, that includes illusions, mind-reading and strategic skills, na gagawin nga natin ngayon. Karaniwan ang ginagawa niya ay nagbibigay siya ng isang sitwasyon tapos ipapa-solve niya sa atin. Pero hindi lang isang ordinaryong sitwasyon 'yun, Xhiena." sabi niya tapos nakarating na nga kami sa may gubat.
Napatigil na lang ako nang makitang may lumitaw na isang bahay, tapos nasusunog 'yun.
"Katulad niyan." narinig ko pang sabi ni Ulvette pero naagaw na ng atensyon ko 'yung bahay na nasusunog. Sobrang laki ng apoy.
Nabalik naman ako sa kasalukuyan nang magsalita uli si Professor Eleanor.
"Now, I will explain all the things you need to do. May mga coins na nakakalat sa bahay na iyon." sabi niya sabay turo doon sa bahay na nasusunog. "And I want you to collect it. Pero may dalawang uri ng coins ang makikita niyo, a silver and a gold coin. If you collected a five silver coins, you would gain a worth of 10,000 points and that is equal to the worth of a one gold coin already. Nasa sa inyo na kung ilan ang maco-collect ninyo."
Napatingin naman ako doon sa magkakambal at tinanguan ako.
"Ano pang hinihintay niyo? Collect the coins now!" iyon ang naging signal ng lahat at parang walang pagda-dalawang isip na tumakbo papunta doon sa nasusunog na bahay.
Naiwan na lang akong tulala sa kinatatayuan ko. Seryoso ba sila? Papasok talaga sila sa bahay na 'yun?
Pero nagulat na lang ako nang biglang may isang babae na parang may nanggaling sa kamay niya na isang bola ng hangin at pinatama niya iyon sa isang parte ng bahay, namatay 'yung apoy at kaagad siya rung pumasok. Napanganga ako dahil sa pagkamangha. Wow. Mukhang hindi yata 'yun ganoon kahirap ang sitwasyong ito para sa kanila.
Hindi katulad ko.
Naglakad na lang ako papalapit doon sa bahay. Habang papalapit ako ng papalapit ay nararamdaman ko 'yung init ng apoy.
Hindi ko kayang pumasok sa loob, katulad ng lahat. Pero alam kong may iba pang paraan para makakuha ako ng coins.
Sabi ni Professor Eleanor, ay ang limang silver coins ay worth of 10,000 points at equal 'yun sa isa lang na gold coin. So ang ibig sabihin, ang mga silver coins ang madaling hanapin na coins sa loob at dahil mas malaki ang worth ng isang gold coin, mas mahirap 'yun hanapin.
Saan kaya posibleng nakatago ang mga gold coins?
Napahugot ako ng hininga. Kung ako si Professor Eleanor, saan ko puwedeng itago ang nga gold coins para hindi iyon mahanap kaagad?
Napatingin uli ako doon sa bahay. Unti-unti na iyong natutupok ng apoy, marami na ring nakabalik at may mga hawak na coins, puro silver coins ang nakolekta nila.
Ako naman nakatayo parin ako sa harapan ng bahay. Saan kaya? Isip, Xhiena. Isip!
Tapos biglang may pumasok sa isip ko. Kaagad akong napatakbo papunta sa kinaroroonan ni Professor Eleanor at hinihingal siyang tinanong.
"Professor, may gusto sana akong itanong." sabi ko.
"Go ahead."
"Ah, 'yung gold coin po ba na tinutukot ninyo ay totoong gold?" sabi ko tapos unti-unting may sumilay na ngiti sa labi niya.
"Yes."
"Pero, kung totoo po ang gold coin na 'yun, matutunaw 'yun sa apoy at magiging liquid." sabi ko, tapos napatawa siya.
Nagsalubong naman ang kilay ko. Ano bang nakakatawa? May sinabi ba akong nakakatawa?
"Yes, you're right. Matutunaw nga siya sa apoy." sabi niya.
Kaya napahinga ako ng malalim at tinanguan na lang siya tsaka bumalik uli sa bahay. Kaunti na lang ang apoy na nandoon. Lahat na rin ay nakalabas na.
Kaya ako naman ang pumasok sa loob. Sira-sira ang loob ng bahay nang makapasok ako. Iyong kaunting tulak mo lang sa mga kahoy ay agad ng magigiba, kaya naman dahan-dahan ang naging paggalaw ko.
Ngayon may isa na lang akong clue. Totoo ang gold coin na 'yun.
Tapos biglang may tumulo sa kamay ko. Isang gold na likido. Agad akong napatingala at nandoon sa mga nagigibang kisame 'yung mga gold coins.
Napangiti na lang ako at agad na kumuha ng isang kahoy na nakakalat sa sahig. Tinusok ko 'yung kisame gamit 'yung kahoy at agad na naglaglagan ang lahat ng gold coins sa kinatatayuan ko mula sa kisame.
Mas lumapad ang ngiti ko at agad ko 'yung pinulot lahat, saka lumabas ng bahay.
Pagkalabas ko ay napatulala ang lahat sa akin habang nakatingin sa mga hawak kong gold coins.
Lumapit ako kay Professor Eleanor na nakangiti sa akin at ibinigay ko sa kaniya 'yung gold coins. 'Yung iba doon ay malambot na dahil sa init ng apoy. Buti na lang at hindi kaagad natunaw.
"Very well. Can you tell me your name?" sabi niya.
"Ah, Xhiena Corpuz po!" sabi ko at ngumiti.
"I like how you analyze things." sabi niya.
"P-po?! Ah, wala po 'yun. Sa totoo po niyan, wala po kasi akong mga special na magic na ginagamit ng lahat kaya nag-isip na lang ako kung paano makakolekta gaya ng ginagawa ng mga taong katulad ko." sabi ko kaya mas napangiti siya.
"That's the purpose of this subject, Miss Corpuz. To not only depend on what you can do, but to think on how much more you can do."
Tapos naramdaman ko na lang 'yung pagyakap sa akin nila Ulvia at Ulvette habang nakangiti.
"Ang talino mo, Xhiena! You're the best!"
"Hindi mo lang alam, kung gaano ka ka-cool tignan kanina. So hot! Like the house of fire!"
Napatawa na lang ako sa kanila saka nagpasalamat uli kay Professor Eleanor.
Napatingin naman ako kay Gwen at napangiti ako dahil nagto-toss siya ng coins habang nakatingin din sa akin. Tatlong golden coins 'yun.
Tinaasan na lang niya ako ng kilay saka iniwas ang tingin niya sa akin.
Napangiti ako lalo.
So, nakakuha din pala siya.